Home

Advertisement

Neil Alex™ Journal

~xelalien's misadventures~

7/6/08 11:41 pm - Bothered...

Saturday. Arrived on our ESTRUD1 class on time, and had our second quiz. This time I've accomplished faster than anyone in the class. I never let my focus lost to something worth bothering in my mind; good thing I reviewed my notes since a couple of days ago.

After class, I spent some time at NABS Internet Cafe, to amuse and distract myself [from those bothering thoughts]. Then I went to Raon to buy some electronic stuffs again -- wow, I found some 8-pin connectors at DEECO. (Me thinks of another evil plan for my G2.1u frankenstein...)

Around 4pm I went off to my ate's place, and finally had my meal for the day. I skipped breakfast and lunch. Then I traveled way back home, and instead of joining my Rtschrck bandmates at their inuman sessions at Mike5's place, I slept early to relax my mind.

Somehow I'll make it through; I just need more time...

7/6/08 03:48 pm - One so-so night...

School blues muna...

A few minutes akong late nung dumating sa ENGIGEO class namin, which was another ordinary reporting and quiz day. But this time hindi ako nakinig sa reporting; instead, nag-review aqo sa quiz (nagbasa ng napakaraming handouts). Hayun, mabilis kong natapos tuloy yung quiz!

Agad akong nagpunta ng library, kasama si Janna (maaga rin niya natapos ang quiz), and nag-research kami (for our report sa Tuesday) via wi-fi connection sa campus namin. Around 4pm na nung lumabas ako at nag-internet (at nag-Special Force) sa NABS.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Debut ni Hira

Medyo minalas paako sa biyahe, dahil imbes na Taft jeep ang nasakyan ko, napadpad pa ako ng Lawton. Around 7pm tuloy ako nakarating ng McDo Vito Cruz, pero a few minutes later nagsidatingan ang mga kabanda ko, along with 2 mor guests (mga kaklase ni [info]coincibens). Agad na rin kaming nagtungo ng Burgundy Westbay tower, for the birthday party. (BTW, doon pala nagdo-dorm si [info]onelast_sunset.)

Pagdating, naabutan namin si Peacegle, and nalaman kong hindi pala tuloy ang band nila.Then pag-akyat sa penthouse, wala pang tao (nagse-setup pa lang ang soundsystem at yung mga mesang hapag-kainan). Nagdesisyong bumili ng 2 grandeng Red Horse sina [info]coincibens. Moments later, unti-unting nagdatingan ang mga bands. Then bumaba ako, at nakasalubong ko doon si Rainey. (I was excited to see her eh! Tumugtog din kasi 'yung banda nila.) Kasabay ng inom ay nag-review pa ako para sa quiz namin kinabukasan sa school.

Past 9pm na nung nag-start ang kainan and tugtugan; nagawa ko pang makipag-mingle sa HarakiriJiro and their manager. Share kami ng mga kwento, and chismax (LOLZ).

Past 12 midnight na kami nakatugtog, at medyo groggy na kaming magkakabanda; hindi rin maganda ang pakiramdam ko that time. Ayun tuloy, pangit ang naging performance namin -- sobrang kalat, maraming sabit, hindi kapit ang tunog. Worst gig na yata ng Nenerminator 'yun to date.

Agad na rin akong umuwi ng bahay (instead of staying there until morning). Very stressed talaga ako nun.

On behalf of Nenerminator, nagpapasalamat nga pala kami kay Hira para sa pag-imbita sa amin sa party.

7/5/08 01:34 pm - Another prototype DIY project finished...

Pagkauwi ko ng bahay, nagpuyat ako para tapusin ang DIY project ko, na recently ko lang tinuloy. And heto, natapos ko na rin ang prototype triple momentary switch para sa Zoom G2.1u ko.

A prototype DIY triple momentary switch for my G2.1u
Picture of the prototype.



Innards of the DIY triple momentary switch
The innards...



The G2.1u and the switches
And now my G2.1u is stuffed with switches.

7/5/08 11:53 am - Nayari na naman ako sa quiz namin...

Oh well, mukhang bokya ako sa EPRECON quiz namin, dahil na-mental block ako sa dami ng formulas, at sa mga tricky questions. Oh well, nagpuyat pa naman ako kaka-review nung madaling araw. Pagkatapos ng quiz e tinamaan na talaga ako ng matinding antok sa school.

Earlier, nakapasok naman ako on time for my ESURVEY class; pagkatapos nun ay agad akong kumain ng early lunch, and nagtungo ng library para mag-review pa ulit (para doon nga sa quiz).

Then medyo nakapag-participate naman ako sa ECECTV1 and ESTHEL2 classes namin, thanks sa isang bagong brand ng kendi na nabili ko sa bangketa. (Edit ko itong post mamaya, ipo-post ko yung picture.)

Bale Php2.50 ang presyo ng isa, tapos "energy candy" daw siya. Lasang peppermint (tama ba) yung candy, and yes medyo effective siya 'di lang pantanggal ng antok, pati na rin sa gutom... Makabili pa nga ulit...

After school, dumaan ako sa ate ko para makapag-dinner, then dumerecho na ako ng uwi ng bahay. At dahil pasado 11pm na ako nakauwi, 'di ko naabutan ang overseas phone call ng dad ko; kaya mukhang bad shot na naman ako.

7/4/08 02:01 am - Mga pangyayari sa school...

Again bumiyahe ako via Quirino Highway papunntang school, and 15 minutes akong late for ESTRUD1 class. Hayu, discussion lang, and next meeting may quiz daw kami.

Then dala-dala ko ang G2.1u ko, my soldering stuffs, and my DIY triple momentary switch na pilit kong tinatapos. Malas lang dahil wala akong dalang soldering paste. hayun, isang switch na lang ang iko-connect ko. Nagbaon din ako that day, kaya nagpalipas-oras lang ako sa bakanteng classroom, kumain ng baon at nag-solder.

Nag-quiz kami nung ESURVEL class namin, and panibagong lecture ulit. Maaga naman akong nakalabas, dahil mabilis kong natapos ang quiz. Nag-internet ako sa NABS, bago bumiyahe papuntang Mall Of Asia.

Pasado alas singko na ako nung tumambay sa tapat ng DELL, at 'di ko ma-reply-an satext yung kabanda ko, dahil naubusan ng load (nakitext pa ako sa isang stranger hehe). Pero hayun sinundo na ako nina Drey and JR (our new guitarist), then sinundo si Jun sa Malibay, and dumerecho na kami ng Cherry Studios,for another Black Shield practice.

Naging okay naman ang practice namin that night, and pasado alas nuwebe nakami nagdesisyong umuwi. Naki-ride kami ni JR sa sasakyan ni Drey until Cubao, kaya napabilis na rin ang biyahe ko pauwi. Saktong midnight na ako nakauwi.

7/2/08 02:59 pm - School Blues nung Tuesday

Maaga sana ako gumising nung umaga, pero pasado alas diyes na ako nagising, at 12:30 na ako nakarating ng school. Supposedly, gagawa kami ng report ni Janna sa library; pero in-inform ko siya na hindi naman na kami required na gumawa ng report sa ENGIGEO. At isa pa, hindi rin siya makapag-wifi connection sa dala niyang brand new laptop, heheh...

Hayun, nag-report lang ang prof namin during ENGIGEO, and nag-quiz kami, na napakahirap ng mga tanong, na akala mo e pinagkait na sa amin ang grades... (Paano kasi, mga scholar ang mga kaklase namin heheh!)

After class, kasabay ko pauwi si Janna via Monumento jeep, at sinamahan ko siya hanggang Blumentritt (para na rin maprotektahan siya and her precious laptop, heheh). Then dumaan ako sa ate ko para maki-kain ng late lunch (yes, hindi ako kumain T__T), at nakinood ng El Cuerpo Del Deseo sa TV, hahah... Agad din akong nagbayad ng bills sa nearby Bayad Center bago dumerecho ng uwi.

Maaga akong nakauwi ng bahay, around 7pm, at maaga na rin akong natulog.

7/1/08 09:52 am - Antukin sa eskwela...

Zzzzzzzzzzzzzz!

Dahil sa puyat, na-late ako ng gising ulit (pasado alas singko!), at napilitang bumiyahe via Quirino Highway, dahil napakahaaaaaaaaaaaaaba ng pila sa FX terminal sa Vicas. At dahil nasa 7th Ave. pa lang ako nung alas otso ng umaga, hindi ko na nagawang pumasok sa ESURVEY class namin (na 7:40am ang period!), at dumaan na lang sa ate ko para mag-breakfast. (Nai-submit ko naman yung fieldwork namin pagdating ng school.)

Nagawa ko namang pasukan ang EPRECON, ECECTV1 at ESTHEO2 classes namin, na puro lecture lang. At dahil bangag sa puyat, 'di ako masyado tumutok sa mga diskusyon (lalo na nung ESTHEO2, antok na antok na talaga ako shet!)

Alas nuwebe akong nakauwi ng bahay, groggy sa antok...

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Another troll bites the dust

Natatawa ako dito sa isang gay troll na nagpost sa thread na 'to -- tapos na ang isyu, nagkausap na kami nung organizer ng prod, tapos umepal pa ang kumag...

"if im not mistaken NENERMINATOR etong banda na toh?
no hard feelings pero may mangilan ngilang productions nadin ang nagbibigay ng negative comment sa banda na toh, puro reklamo .. im not really sure kung totoo"


Natawa talaga ako pagkabasa ko sa post ng chismosong kumag na 'to haha! Gumawa pa talaga ng account e noh para lang tirahin kami LOLZ (Attack of the Clones!)... Sasabat pa, mali mali naman ang banat! Vovo mo...

7/1/08 12:32 am - A Few Band-Related Matters...

Lat na akong nakaalis ng bahay, at 45 minutes late ako para sa practie ng Rtschrck sa Gig Studio. Paano ba naman kasi, natulog ako buong maghapon, at nagising ng alas singko. Wenk!

Si Mike5 lang ang wala nung practice (may sakit daw kasi), at nagpainit lang kami sa pag-recall ng mga lumang pondo na kanta. Bale tatlong gigs ang paghahandaan namin this July.

... )

6/30/08 10:28 pm - Whew, Whatta Day...!

Biyahe Blues sa Mahal kong Maynila

Maaga akong nagising(madaling araw), sa 'di-maipaliwanag na dahilan; at medyo tinamad pa akong pumasok... But eventually, nagawa ko namang pasukan ang ESTRUD1 class namin. Nag-lecture lang kami magdamag.

Pagkatapos ng klase, sumama ako sa mga kagrupo ko sa EPRECON, at nag-food trip kami sa may Ever. Hayun, nag-sizzling kami, at heto ang in-order ko...

sizzling skinless longganiza
Mainit-init pang skinless longganiza.



...at ang rating ko sa lasa ng longganiza: 7 out of 10.

Dimating din si Jamie doon, at naisauli na niya si Lispol, at agad din siyang umalis. Tapos bumiyahe na ako apuntang Paco, dumalaw kila Sir Jobet (a.k.a. BAMF), and acquired some Gen 2 scalarizers.

Then dumaan ako sandali sa Raon (to buy a few switches), at agad na rin akong umuwi ng Shelterville.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



So-so gig sa Freedom Bar...

Around 6pm na ako bumiyahe papuntang Freedom Bar, para sa third gig ng Nenerminator sa 1st anniv event ng Chupachupsyo Productions. Past 8pm na ako nakarating, at hindi pa nagsisimula ang gig; nadatnan ko agad doon si [info]rezarius, na alas siyete pa pala dumating.

Then ininform kami ni [info]coincibens na male-late siya ng dating (around 9pm). nagpa-lineup kaming pangatlong band sa list (and noticed na walang may gustong maging first band, kaya hindi makapagsimula agad ang tugtugan). Tapos nag-brownout pa sa Anonas, which caused the further delay of the event. buti na lang bumalik din agad ang kuryente.

Dumating si [info]coincibens bago mag-alas diyes. Nagawa naming makausap (at mapanood) ang mga kapwa-JRock bands nung gabing yun. Labas-masok kami ng bar though, dahil nainitan kami sa weather, at hindi namin nagawang mapanood ng mabuti yung mga banda, pati na rin ang Pedicab. (BTW, oks na oks ang tunog nila! Kaso nahiya akong magpakuha ng litrato, ampf...)

Before 12 midnight na kami nakatugtog -- naging maganda naman ang performance namin (okey sa olrayt ang timpla), pero hindi namin nagustuhan ang overall experience...

( Refer to this link for details. Please ignore the senseless posts of a few trolls out there... )

Salamat ng marami kila Ann Punk, Ronald at sa mga kasama nila, sa pagsuporta nila sa amin that night. (Buti na lang at sakto ang dating nila para mapanood nila kami.)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



...pero 'di pa doon nagtatapos ang gabi

Umuwi na agad si [info]rezarius pagakatapos ng tugtog namin; hinatak naman kami ni lj user="coincibens"> nila Ann Punk, at sumama sa kanila sa panonood ng gig ng The Chongkeys sa kalapit na 9 Mile bar (along Kalayaan Ave. lang).

Tinapos namin ang event, at nag-enjoy kaming lahat. Maganda ang ambience, music at ang atmosphere ng crowd. Chikahan blues pa among folks after ng tugtugan, bago kami nagdesisyong magsiuwian.

Pasado alas-kuwatro na ako nakauwi ng bahay, latang-lata sa pagod at puyat.

6/30/08 01:37 am - Friday Adventures

Dumating ako on time sa school, and nag-quiz (na naman) kami during ENGIGEO class. Afterwards, nakipagkita na ako sa ESURVEY classmate ko na si Jamie, dahil hihiramin niya daw si Lispol, for Muziklaban elims later evening. Pero ang siste, dapat muna siyang sumama sa practice namin ng Nenerminator sa Gig Studio (at gagamitin ko si Lispol), then sabay na kaming pupunta sa venue ng Muziklaban elims.

Napatambay ako sa dorm ni Jamie, and nag-jam pa kami ng kaunti, gamit pa niya ang old school Dean guitar (na mukhang Jackson) ng bandmate niya. Bumigay pa ang high E string ni Lispol, so required na ako that time bumili ng new set of strings, since kinakalawang na ang mga strings niya.

Then mga quarter to 4pm na kami lumarga papuntang Gig Studio, at nag-start na kami mag-practice nung 4:30pm. Malas, dahil walang stock ng D'Addario strings sa DAME store, so after practice ay bumiyahe na kami agad papuntang SM North (medyo minalas pa lalo, dahil lumagpas ang sinakyan naming Monumento bus), at bumili ng Snarling Dogs 10's sa Lazer.

Nag-taxi na kami derecho ng Commonwealth, and masuwerteng nahanap namin ang A&M building bago mag-Batasan. (Naka-indicate lang kasi 'yung address sa SMS message ni Jamie sa phone niya.) So ayun, medyo skeptic pa nga kami nung una kung doon nga 'yung elims (dahil walang Muziklaban tarpaulin), until nagtanong na kami sa guard, at saktong [unexpectedly] dumating si Mike Abrigo, and his bandmates sa Historia. Mag-o-audition din pala sila for Muziklaban.

So after magpalista ni Jamie, kumain kami sa nearby Mini Stop sa building ng Convergys. We decided to try this Mr. Choi rice, pero mukhang nagkamali kami... (Commercial break muna!)

Mr. Choi Rice
Mr. Choi frozen Sweet 'n Sour rice meal



Review: Lasang carton yung sweet & sour na pork nila, and yung rice almost paubos na ang life span, heheh... Kumurot din ako ng kaunti sa burger steak ni Jamie, at lasang carton din 'yung karne. Eeww... Kaya kung kakain kayo ng rice sa Mini Stop, mag-friend chicken na lang kayo instead.

Okay, back to regular programming: After namin kumain, tumambay kami magdamag doon, as applicants play and record their stuff. (Bale live recording ng 3 songs ang naging elims proper.) Also due to boredom, sinaksak ko na 'yung dala kong MS-2R, at nag-jamjam kami with Mike Abrigo, and guitarist nila Jamie. Then before 11pm na nung nainip na ako ng todo, at nagdesisyong umuwi na lang; that time pang-5th band pa lang na nagre-record, while pang-10 pa sila Jamie. Pagkauwi ko ng bahay quarter to 12 midnight, tinamaan na ako ng antok, at nagdesisyong magkita na lang kami ni Jamie the next day, after my ESTRUD1 class.

All in all, napagastos lang naman ako ng todo buong araw, pero ayus naman ang biyahe at adventure...

6/29/08 09:39 am - Papayag ba kayo dito???

Nadiskubre ko lang out of boredom...

( Check this website )

VHEMT bullcrap



It's sole purpose is to recruit volunteers and educate enough people to eventually realize that the human race needs to completely die out in order that the planet can survive. The Voluntary Human Extinction Movement (VHEMT) says humans need to stop breeding and voluntarily progress our own slow demise in order that plants, animals and fragile ecosystems can survive.

The group's motto is "May we live long and die out". Their website explains their commitment to a long term goal of convincing the population of Earth that it has no future

It has been suggested that there are only two chances of everyone volunteering to stop breeding: slim and none. The odds may be against preserving life on Earth, but the decision to stop reproducing is still the morally correct one. Indeed, the likelihood of our failure to avoid the massive die off which humanity is engineering is a very good reason to not sentence another of us to life. The future isn't what it used to be.

Even if our chances of succeeding were only one in a hundred, we would have to try. Giving up and allowing humanity to take its course is unconscionable. There is far too much at stake.

The Movement may be considered a success each time one more of us volunteers to breed no more.


The movement is at pains to explain that it does not advocate suicide, abortion, mass murder, or any form of FORCED population control, yet it does advocate a total reduction in human population down to zero.

Papayag ba kayo sa mga ogag na 'to??

6/29/08 08:51 am - School Blues + Cancelled Practice

Maagang bumiyahe for school (dala-dala ang mabigat na guitar gear), and nakarating on time for ESURVEY class namin (lecture na naman). 'Di ko na nagawang mag-internet, dahil kapos ako sa budget nung araw na 'yun. Pero nagawa ko namang i-text ang Nenerminator bandmates ko na tuloy kami sa Gig Studio no matter what, kahit walk-in lang.

Then lecture din sa EPRECON, tapos discussion tsaka quiz sa ECECTV1, at killer quiz (na 'di ko na-review ng 100%) sa ESTHEO2. Nadale na naman ako sa subject ng killer prof namin...

After class, nagpatulong sa akin 'yung prof namin na mag-uplad ng isesend niyang Microsoft Word documents, na naglalaman ng mga plates namin. Then napag-utusan din akong magpa-photocopy ng prof namin sa EPRECON, hehe. Pagkatapos nun ay dali-dali na akong lumabas, at tinawagan ko na si [info]coincibens, at sinabi niyang bukas na lang daw kami mag-practice. Kaya hayun umuwi na lang ako agad. Pagkauwi, nalaman kong nagtungo pala ng Gig Studio si [info]rezaruis (at nadatnan pa nya doon si Dawny). Miscommunication tuloy ang nangyari, wenk...

6/29/08 08:43 am - Wednesday School Blues... Again...

We only had our quiz diuring our ESTRUD1 period (a bit difficult, as expected), and we had our plates checked by our prof -- w00t, I got a whooping 90 mark out of my rushed work!

Then during ESURVEL class we had our previous fieldwork redone, then we had a minor lecture, and yet another fieldwork assigned to us.

After school I immediately rushed back home. It's just another ordinary day.

6/29/08 07:51 am - Manila Day Bloopers

Engot ko talaga...

First thing in the morning, naghanda ako agad para makaalis ng maaga papuntang school. Napagastos pa ako sa pamasahe (nag-trike pa ako, nag-FX hanggang U-Belt)...

...only to find out na Manila Day pala! (Inakala kong Thursday pa 'yun!)

So hayun bumiyahe lang ako sa labas ng bahay for a few hours of internet sa NABS, a couple of doughnuts sa Dunkin Donuts, and hours of window shopping sa SM Fairview at Robinson's Fairview. Yun lang!

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



...and a weird online classified ad na nakita ko somewhere

Hehe, we all know how crappy OLX Friendster is -- puro murahan, panloloko (fake deals) at kung anu-ano pa ang nandito. Heto, try nyong patulan...

( Try me.. Navotas )



Nakakaloka talaga potah!

6/24/08 11:37 pm - Bored Bored Bored

Due to excessive boredom (and 2 days na walang pasok. plus cancelled band rehearsals nung Sunday), heto at nagpakalunod ako sa internet sa labas (dala na rin ng frequent brownouts sa lugar namin)...



...and this video made me LULLLLZ for the whole day.

6/23/08 07:04 pm - Mga naipon na SF glitch tapes...

Muli na naman akong sinipag mag-upload at mag-0submit ng mga replay tapes upang mapatawan ng parusa ang mga nahuli kong cheaters. Bale since end of May ko pa naipon sa hard disk ang mga replay tapes (worth 30+ MB silang lahat). Buti na lang bago mag-brownout, na-edit (at na-archive) ko lahat ng files, at heto nasa Vicas ako nagsu-surf.

flashyHearT nahuli sa spy camera
Nahuli si flashyHearT naggi-glitch!

Glitch tapes waiting for download! )

Oh well, karamihan pa naman sa mga nahuli ko e mga 1st Lirutenant at Captain; may iilang Major rank pa akong nahuli, harhar!

6/23/08 05:29 pm - Rainy (yet a bit adventurous) Saturday

Again, nagpuyat ako buong madaling araw para tapusin ang natitirang architectural plan pages sa ESTRUD1 plate ko (details of stairs, windows and doors). Then inabot ako ng ambon/ulan on the wat to school, pero sakto naman ang dating ko. Marami din ang na-late ng dating sa ESTRUD1 class namin. Yun nga lang, nag-lecture lang kami, at hindi chineck ng prof namin ang pinagpuyatan naming plates; sa next meeting Wednesday na lang daw. Pfft!

After class, sinamahan ko ang mga kagrupo ko sa EPRECON para sa aming mini-adventure; first, kumain kami ng lunch sa tapsilogan malapit sa UE. Medyo weird, kasi ngayon lang ako nakakita ng ganito sa menu nila:

Isang CHICKENPWETSILOG nga!
Ano kaya lasa nun...?



Pero hehe sinubukan ko ang kanilang Chicklongsilog (Chicken-flavored longganiza). In fairness, masarap naman; pero ewan ko ba kung bakit ang liit ng sunny-side up egg nila; fried pugo yata 'yun...

The yummy Chicklongsilog
Magutom sana kayo, hekhek...



Then agad na rin kami bumiyahe papuntang Manila City Hall. On the way, may na-meet kaming street musicians na naki-hitch sa jeep. Ayos naman ang dynamics ng bata, tas DIY pa yung tambol nila, at sa may bandang Lerma sila tumambay. Hehe, nakaka-elibs.

6/23/08 05:23 pm - Haaay, ENGIGEO na naman.

Another boring ordinary reporting day lang kami sa ENGIGEO class namin, then we had another quiz (na puro multiple choice lang); this time walang pattern na ginawa ang prof namin sa answer key. And after class, kasabay ko uli pauwi si Janna; this time, nag-Malanday jeep naman kami. Then bumaba ako ng Blumentritt, nag-internet at naglaro ng Special Force, then bumiyahe na rin ako pauwi. Zzzzzz...

Then nabalitaan ko sa ka-group namin sa EPRECON na nakakuha na kami (at na-approve na ng prof namin) ng building plan! Wooo, mauunahan na namin ang ibang grupo, wahahaha!

6/23/08 03:59 pm - So-so day for me

First thing in the morning, minalas na ako agad sa biyahe papuntang school. Again, naghintay ako ng matagal sa Vicas FX terminal; sa sobrang inip ko, nag-jeep na ako papuntang Almar, then na-stuck sa traffic jam sa loob ng mga villages sa Zabarte, on the way to SM Fairview. So hayun 8:30am na ako nakarating tuloy ng school; and absent na naman ako for ESURVEY class.

After nag-internet ng matagal 'til 11am, pumasok na ako for EPRECON, ECECTV1 and ESTHEL2 classes; nag-cram pa akong gawin ang assignment namin, tas mali-mali pa rin ang sagot, haha... Pero ngayon mas gets ko na ang Area Moment Method. ^___^

After school, nag-internet ako sa NABS until 7pm, and late ko na nasagap na canceled na ang Nenerminator practice namin (supposedly sa Gig Studio), dahil sa personal priblems ng mga kabanda ko sa kani-kanilang bahay. Kaya derecho uwi na lang ako, medyo groggy na ako pagkauwi dahil sa bigat ng bitbit ko (mga guitar stuffs as usual -- tsk nasayang ang effort ko)....

6/23/08 03:21 pm - Productive School Day

Magdamag akong gising buong madaling araw, at nag-cram ako para tapusin ang plate ko sa ESTRUD1 -- mga architectural plan sketches lang naman (floor plan, sections, perspective...) ang pinagpuyatan ko; at nung natapos ko, agad na rin akong naghanda, at nakaalis ng bahay.

Advanced ng 30 minutes akong nakarating for our ESTRUD1 class, dahil mabilis ang nasakyan kong FX sa Vicas, na nagtaas-pasahe na pala (from 50 pesos to 60 pesos, potah!) Nag-lecture lang sa class, then nagpa-check kaming lahat ng mga gawa namin. May mga hindi in-approve ang prof namin (hindi pinirmahan, pina-revise at pinapa-submit uli sa susunod na meeting), dahil hindi raw maganda ang gawa. Luckily, napirmahan ang akin (gandahan ko na lang daw lalo), heheh...

Then nag-quiz lang kami sa ESURVEL class namin, and obviously hindi ako nakapag-aral masyado (dahil absent nga ako last meeting, 'di ba...), kaya hayun good luck na lang sa mga isinagot ko! And hayun, panibagong field work na naman. Maaga rin akong nakauwi, dahil mabilis kong naipasa ang quiz paper ko.
Powered by LiveJournal.com

Advertisement