Home

Advertisement

Customize

Neil Alex™ Journal

~xelalien's misadventures~

8/26/08 05:29 pm - My first practice sa Malibay

Tuesday, 2008.08.19 - Again, ordinary reporting lang sa ENGIGEO, pero nakapag-quiz naman kami (essay-type). After ng klase, nag-internet pa ako hanggang gabi, then dumeretso na ako kila Jun.

First time naming nakapag-practice na kumpleto kaming apat sa studio a few steps from Jun and his wife Dudes' place sa loob mismo ng Malibay, Pasay. Okay naman ang studio, maluwag ang space, and considerable naman ang gamit. Sulit naman ang dalawang oras, dahil 'yun na lang ang kaisa-isa naming practice bago sumalang sa isa na namang Open Genre Nyt sa One Luv Reggae Bar.

Pasado alas onse na nung magdesisyon kaming umuwi; pero natagalan ang labas namin sa Malibay, dahil nasiraan pa 'yung tsikot ni Zigz. And medyo nahirapan pa akong makasakay pauwi, dahil madalang ang bus nung mga oras na iyon. Alas dos na ako nakauwi ng bahay.      

8/13/08 07:56 pm - Nakakahilong Thoughts...

»» Nabalitaan kong nagka-basagan daw nung recent S.O.N. gig nung madaling araw (after naming makauwi). The story: Aksidenteng nahulog nung vocalist nung isang non-S.O.N. band na tumugtog 'yung mikropono doon sa maliit na bilog na table na may salamin. So syempre nabasag iyon. Ang ginawa daw, lalo pang binasag 'yung salamin (!?) na akala mo e rockstar; tutal babayaran naman daw niya iyon, mabuti nang tuluyang basagin pa.

Ang reaksyon ko sa rockstar na 'yon: ANG JOLOGS MO! Unang-una hindi mo pag-aari ang salamin ng bar. Pangalawa, hindi ikaw ang organizer ng event para magbasag. Ikatlo, delikado ang glass shards at nakakasugat ng tao iyon (DUH!) 'pag naapakan (or worse, matalsikan sa mata). Wala ka bang utak? Sana mukha mo na lang ang binasag mo.

Oh well, dahil sa nangyari, pinatigil ang (sanang) masayang tugtugan. Worse, na-banned na tuloy ang production nila Ann Punk sa 9 Mile bar. GALING MO MEYN! JOLOGS NA JOLOGS! Putang ina mo.

»» At hindi lang iyon -- nanakawan pa daw ng cellphone at pera nung gig na 'iyon si Ann Punk. Really sad to hear that. Maputulan sana ng kamay 'yung magnanakaw na iyon, letse.

»» After some long long time, naka-receive uli ako ng text from her the day after that gig.

... )

»» Oh well, it's been a week since huli siyang nagparamdam sa text. :( Can't help worrying about her.

»» Hanggang ngayon nalilito pa rin ako sa pag-compute ng Stair Beam sa ESTRUD1 design plates namin. Tapos wala pa akong notes. Ang kawawang cowboy... ***sigh***

»» I'll attempt to do a feat I've never done ever in my life as a gigging person: to memorize eight old-school rock n' roll songs in less than a week. Yup, 4 songs each for two bands na kakantahan ko -- Black Shield and Magnum Opus (again) -- this coming Thursday (doon ulit sa One Luv Reggae Bar) and Friday (sa may Timog daw kami tutugtog), respectively. Good luck naman sa memory ko, di ba... AJA! =___=;

»» And I have to memorize two acoustic songs for two days; bad thing is, I've never played any chill-out acoustic songs ever. T___T

»» And nilalagnat pa rin ako. Taena talaga.

7/21/08 09:34 am - Post-gig Sunday Randoms

»» More post-gig news: Dahil nagustuhan ang aming (Black Shield) tugtog, nalaman kong pinagpapa-audition pala kami ng isa sa mga bar owners, sa Thursday. Bale 3 songs ang ihahanda namin; so by Wednesday may naka-sched kaming practice.

»» Then I also found out na kakilala din pala ni Tan 'yung isa sa mga owners ng bar ('yung babae naman), and naka-areglo naman niya daw para maging regular' kami (Rtschrck) din sa bar; bale iimbitahan kaming tumugtog sa kahit anong production na tutugtog doon. Like, WOW...!

»» Hindi natuloy ang lakad ko nung Sunday morning... Tumawag ako sa mom ko, at sinabing may sakit daw 'yung dentistang kakilala niya. Then 'yung isa pa niyang kakilalang dentista, nagbakasyon naman sa probinsya. So maybe Tuesday afternoon pa ako magpapa-dental check-up.

»» Napakinggan ko na rin ang album ng My Odessa na nabili ko last night. Hmmm, medyo nagtataka pa rin ako kung bakit hindi sila tumugtog ng composition nila; instead, they played the exact playlist nung ToyCon `08. Pero ang masasabi ko lang: malayo ang tugtugan doon sa kino-cover nila. (Medyo hindi nag-exceed sa expectations ko, though.) And regarding sa mixing ng record: in my opinion hindi masyado pulido ang mix; puwede pa sanang pagandahin pa... Overall, satisfactory ang album.

»» So ayun buong Sunday I only did some household chores and electronic stuff. (Yes, hindi ako natulog agad.) Kinalikot ko rin ang electronics ni Cliff, especially sa LED section niya. Afterwards, tinamaan ako ng antok, at nakatulog ako from 4pm until past 9pm. O___o

»» Pa-encrypt lang...

... )

»» Patay, wala pang nagagawa ang grupo namin sa ECECTV1 for our case study research, at ilang oras na lang ang deadline (and the presentation proper)! Good luck naman!!! T___T

7/20/08 09:25 pm - Happy hours sa One Luv Reggae Bar!

First thing in the morning, hindi ko nagawang pasukan ang ESTRUD1 class ko; tinamad na ako dahil medyo masama ang pakiramdam ko, and kinalikot ko na lang buong umaga yung G2.1u ko (natapos ko na sa wakas 'yung modifications sa prototype switch). And of course, nag-memorize pa ako ng lyrics all day (ahaha)...

Then past 3pm na ako nakaalis ng bahay. Then akalain ko ba namanag makasalubong ko bigla ang mom ko, na dala ang sasakyan niya, with groceries! Nagmamadali na akong umalis papuntang MOA (supposedly kita kits kami nila Zigz doon), but my mom insisted me na sumabay sa kanila pauwi. So ayun, tumulong pa ako sa pagbubuhat ng stuff in/out sa sasakyan. T___T

Then hinatid ako nila mom sa Quezon Ave MRT station, at dumerecho na ako ng Sucat, dahil di na ako aabot ng 5pm sa MOA. Saktong 6pm ako nakarating ng One Luv Reggae Bar; at naabutan kong naglilinis pa lang ng venue, at mga [info]juujiro_ml peeps pa lang ang nandoon. So kumain pa ako sandali sa malapit na carinderia (at naiwala ko pa ang takip ng USB player ko in the process~ T___T).

Agad na rin nakarating sina Zigz (kasama ang misis) and Drey; then later on sina Jun, Luciel, [info]ilovelava_5 and Tan naman. Hindi na nagawang sumipot ang isa naming gitarista na si Nestor, dahil tinulugan ba naman kami! (Puyat daw from last night gig with his other band). So definitely he got the boot. Hindi agad nagsimula ang event, dahil inayos pa ang sirang drum snare. So ayun nagdatingan na rin ang mga ibang banda (and other visitors pa), kaya jam-packed na rin bago kami sumalang.

So first band tumugtog for the night ang *ahem* Black Shield. Pagkabanggit ko pa nga lang ng title ng 1st song namin (which was a cover of "Payaso" by Razorback), humirit pa nga yung isang taga-doon sa bar, "sige nga!". So hayun pinakitaan namin sila ng rakenrol (haha!), and masaya naman ang naging feedback nilang lahat. Not bad for our debut gig huh! ;) After naming tumugtog, sa wakas nakainom na rin ako ng beer.

Then nagsitugtugan na ang mga ibang jap-influenced bands,and in the process hiniram nilang lahat 'yung kurdon ko (hehe). Then may tumugotg na band na puro compo na mellow ang tugtugan (that was Lirag). Maganda rin ang naging tugtog ng HarakiriJiro that night; hindi namin expected na magco-cover sila ng OPM ("Elesi" by Rivermaya!) -- astig, di ba...

After nila tumugtog, it was Rtschrck's turn naman. Before kami sumalang, medyo kabado ako dahil skeptic ako sa quality nung amps (Laney, and an ond school Korg amp), dahil yung mga bands na tumugtog bago kami, hindi masyado marinig ang guitar (parang lubog ba siya sa mix). So nung kami na, mabuti na lang at dinig kami pareho ni [info]ilovelava_5; the problem naman is, malakas masyado, dahil kailangan naming pumantay sa level ng drums; at dahil kulob pa ang venue. Naging maganda rin naman ang tugtog namin, hehe.

Tinapos namin ang buong event, mula sa 7Thursday at Harap.Sa.Likod (both bands hiniram uli ang kurdon ko hehe -- instant krdon ng bayan lolz), up to the last performers My Odessa (nakabili na ako ng album nila, with aiutograph pa, ayiiiee!) -- medyo LSS na nga kami sa Sweet Child O' Mine, at sa mga da moves nila onstage hehe; and the project band ng mga bar owners (reggae night na 'yun). I also had the chance to mingle with people the whole night, especially sa mga [info]juujiro_ml peeps na 'di ko masyado nakakausap. Then bago kami bumiyahe paalis nung madaling araw, nag-videoke shownown pa kami ni Luciel. Shakira ba naman ang kinanta namin, haha!

Nag-taxi kami nila Jun, Elle and [info]ilovelava_5 patungo sa place nila Luciel past 3am na, at pinanood namin ang recorded performance namin, courtesy of Elle. Hebigats talaga ang tunog namin that night, at dinig namanlahat ng instruments. Agad na rin ako nilang hinatid pasakay pauwi.

Around 5am na ako nakauwi, break of dawn na hehe. Again, thanks sa Juujiro and One Luv Reggae bar for making the event possible. Thanks din sa mga nanood at sumuporta sa amin; thanks din kila Aru, and sa Raika peeps para dun sa libreng 'shot' nyo hehe. Solb na solb talaga ang gabi, ang saya talaga!

7/1/08 12:32 am - A Few Band-Related Matters...

Lat na akong nakaalis ng bahay, at 45 minutes late ako para sa practie ng Rtschrck sa Gig Studio. Paano ba naman kasi, natulog ako buong maghapon, at nagising ng alas singko. Wenk!

Si Mike5 lang ang wala nung practice (may sakit daw kasi), at nagpainit lang kami sa pag-recall ng mga lumang pondo na kanta. Bale tatlong gigs ang paghahandaan namin this July.

... )

6/30/08 10:28 pm - Whew, Whatta Day...!

Biyahe Blues sa Mahal kong Maynila

Maaga akong nagising(madaling araw), sa 'di-maipaliwanag na dahilan; at medyo tinamad pa akong pumasok... But eventually, nagawa ko namang pasukan ang ESTRUD1 class namin. Nag-lecture lang kami magdamag.

Pagkatapos ng klase, sumama ako sa mga kagrupo ko sa EPRECON, at nag-food trip kami sa may Ever. Hayun, nag-sizzling kami, at heto ang in-order ko...

sizzling skinless longganiza
Mainit-init pang skinless longganiza.



...at ang rating ko sa lasa ng longganiza: 7 out of 10.

Dimating din si Jamie doon, at naisauli na niya si Lispol, at agad din siyang umalis. Tapos bumiyahe na ako apuntang Paco, dumalaw kila Sir Jobet (a.k.a. BAMF), and acquired some Gen 2 scalarizers.

Then dumaan ako sandali sa Raon (to buy a few switches), at agad na rin akong umuwi ng Shelterville.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



So-so gig sa Freedom Bar...

Around 6pm na ako bumiyahe papuntang Freedom Bar, para sa third gig ng Nenerminator sa 1st anniv event ng Chupachupsyo Productions. Past 8pm na ako nakarating, at hindi pa nagsisimula ang gig; nadatnan ko agad doon si [info]rezarius, na alas siyete pa pala dumating.

Then ininform kami ni [info]coincibens na male-late siya ng dating (around 9pm). nagpa-lineup kaming pangatlong band sa list (and noticed na walang may gustong maging first band, kaya hindi makapagsimula agad ang tugtugan). Tapos nag-brownout pa sa Anonas, which caused the further delay of the event. buti na lang bumalik din agad ang kuryente.

Dumating si [info]coincibens bago mag-alas diyes. Nagawa naming makausap (at mapanood) ang mga kapwa-JRock bands nung gabing yun. Labas-masok kami ng bar though, dahil nainitan kami sa weather, at hindi namin nagawang mapanood ng mabuti yung mga banda, pati na rin ang Pedicab. (BTW, oks na oks ang tunog nila! Kaso nahiya akong magpakuha ng litrato, ampf...)

Before 12 midnight na kami nakatugtog -- naging maganda naman ang performance namin (okey sa olrayt ang timpla), pero hindi namin nagustuhan ang overall experience...

( Refer to this link for details. Please ignore the senseless posts of a few trolls out there... )

Salamat ng marami kila Ann Punk, Ronald at sa mga kasama nila, sa pagsuporta nila sa amin that night. (Buti na lang at sakto ang dating nila para mapanood nila kami.)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



...pero 'di pa doon nagtatapos ang gabi

Umuwi na agad si [info]rezarius pagakatapos ng tugtog namin; hinatak naman kami ni lj user="coincibens"> nila Ann Punk, at sumama sa kanila sa panonood ng gig ng The Chongkeys sa kalapit na 9 Mile bar (along Kalayaan Ave. lang).

Tinapos namin ang event, at nag-enjoy kaming lahat. Maganda ang ambience, music at ang atmosphere ng crowd. Chikahan blues pa among folks after ng tugtugan, bago kami nagdesisyong magsiuwian.

Pasado alas-kuwatro na ako nakauwi ng bahay, latang-lata sa pagod at puyat.

6/29/08 08:51 am - School Blues + Cancelled Practice

Maagang bumiyahe for school (dala-dala ang mabigat na guitar gear), and nakarating on time for ESURVEY class namin (lecture na naman). 'Di ko na nagawang mag-internet, dahil kapos ako sa budget nung araw na 'yun. Pero nagawa ko namang i-text ang Nenerminator bandmates ko na tuloy kami sa Gig Studio no matter what, kahit walk-in lang.

Then lecture din sa EPRECON, tapos discussion tsaka quiz sa ECECTV1, at killer quiz (na 'di ko na-review ng 100%) sa ESTHEO2. Nadale na naman ako sa subject ng killer prof namin...

After class, nagpatulong sa akin 'yung prof namin na mag-uplad ng isesend niyang Microsoft Word documents, na naglalaman ng mga plates namin. Then napag-utusan din akong magpa-photocopy ng prof namin sa EPRECON, hehe. Pagkatapos nun ay dali-dali na akong lumabas, at tinawagan ko na si [info]coincibens, at sinabi niyang bukas na lang daw kami mag-practice. Kaya hayun umuwi na lang ako agad. Pagkauwi, nalaman kong nagtungo pala ng Gig Studio si [info]rezaruis (at nadatnan pa nya doon si Dawny). Miscommunication tuloy ang nangyari, wenk...

6/23/08 03:59 pm - So-so day for me

First thing in the morning, minalas na ako agad sa biyahe papuntang school. Again, naghintay ako ng matagal sa Vicas FX terminal; sa sobrang inip ko, nag-jeep na ako papuntang Almar, then na-stuck sa traffic jam sa loob ng mga villages sa Zabarte, on the way to SM Fairview. So hayun 8:30am na ako nakarating tuloy ng school; and absent na naman ako for ESURVEY class.

After nag-internet ng matagal 'til 11am, pumasok na ako for EPRECON, ECECTV1 and ESTHEL2 classes; nag-cram pa akong gawin ang assignment namin, tas mali-mali pa rin ang sagot, haha... Pero ngayon mas gets ko na ang Area Moment Method. ^___^

After school, nag-internet ako sa NABS until 7pm, and late ko na nasagap na canceled na ang Nenerminator practice namin (supposedly sa Gig Studio), dahil sa personal priblems ng mga kabanda ko sa kani-kanilang bahay. Kaya derecho uwi na lang ako, medyo groggy na ako pagkauwi dahil sa bigat ng bitbit ko (mga guitar stuffs as usual -- tsk nasayang ang effort ko)....

5/13/08 03:00 pm - Sabado OS Interrupted Blues

Sabado. Medyo nahirapang umalis ng bahay, dahil sobrang lakas ng ulan mula alas kwatro... Kaya mgaala sais nasa Nova Bayan pa lang ako, basang basa na sa ulan. Saktong nakarating sa SM Megamall ng alas otso, para kitain ang mga kabanda. Pasado alas nuwebe na kami nagkita nina Luciel, Tan at Jun sa foodcourt. At nilakad na namin papunta sa venue ng OS gig.

Naabutan kong tumutugtog ang CAB Story; tapos dumeretso na ako sa band area, umidlip sandali (dahil sa pagod at pagkahilo dahil nga nabasa sa ulan). Dagdagan pa ng halong kaba, dahil 'di ko pa naman masyado na-practice 'yung isang tutugtugin naming kanta.

Nalaman namin na sobrang nabulilyaso ang pagkakasunod-sunod ng mga banda, kaya hayun alas dose na kami nakatugtog. Kahit nabawasan na ng tao, masaya at soya ang audience; at solbaks din ang tugtugan namin kahit medyo sabit, haha...

Pagkatapos ng tugtog, nag-chicha kami sa labas ng bar (shempre dahil may free food provided, minus the kanin); and nakilala ko 'yung kabanda ni Jun sa Dell, and niyaya akong kumanta sa banda nila, mga old school rock ang banatan. And hayun, more band talks din kaming magkakabanda...

Tinapos namin ni Mike5 'yung gig up to the last performer (Unfinished Confessions). Sina Luciel at Jun nakipag-inuman kila Elle para mapanood 'yung ni-record na vid. Then sabay na kaming tatlo nina [info]the_pink_star pauwi via taxi. Nakauwi naman ng bahay mga alas kwatro, at balik-Special Force bago nakatulog nung umaga. Haha!

Nagpapasalamat ako sa [info]ongakusociety, again sa pag-imbita sa Rtschrck sa isa na namang solb na OS gig. Sa uulitin!

4/28/08 03:03 pm - Inuman kila Melo!

Friday ng madaling araw: After ko mag-internet sa may Holy Cross, nagtungo na ako sa may Park Zone para kitain ako ni Cris Genato papunta sa lugar nila Melo (of Magnum Opus). Hayun, inuman kami magdamag hanggang 4pm, and discussed some band matters along with a couple of friends. Nakakatuwa rin ang mga kinukwento nilang band experiences nila noon; lalo tuloy akong excited na someday makilala ko in person 'yung utol nilang vocalist na nasa abroad...

So ayun pagkauwi, hindi ko nagawang matulog -- nag-Special Force na naman ako hanggang tanghali, haha!!! Second Lieutenant na rin sa wakas! XD XD XD

4/23/08 06:53 pm - Randoms Randoms Randoms....

»» Off I went to my sister for household errands -- my dad sent a sack of rice for us from Ilocos Sur, for reserve stock... My parents were actually alarmed about the silly rice crisis here in the country. So I went there the second time already (been there yesterday night) for claiming the stocks.

»» Budget crisis again -- we are cutting short of food supplies for the past 2 weeks, because of money remittance delay. Recently found out that my dad got sick a few days ago; hence the delay.

»» Encrypted portion: don't try to decipher...

Missing Lyrics )



»» Hmmm, I strongly agree [info]nyebe's post. Have a lot of 'em on my Y!M list, and they're too annoying, really. Symptoms of ADD, perhaps... (Just turn off that goddamn messenger, moron!)

»» Recently listed all possible subjects to enroll this coming school year:

  • Structural Theory 2 (3 units)
  • Structural Design 1 (Timber) (4 units)
  • Principles of Reinforced Concrete (3 units)
  • Engineering Surveys (3 units)
  • Engineering Geology (3 units)
  • Materials of Construction (3 units)
  • Water Resources (3 units)


I'll keep my fingers crossed if I would be allowed to enroll 22 units... One brutal semester coming up!

»» Am starting to become a bit pessimistic again, and absorb that philosophical idea called Existentialism. Recently hated a person for not showing up last Friday; oh well, she promised, that's for sure...

"Potency is nothing; actuality is everything."

I won't listen to promises anymore. And put up, or shut up.

»» Kinda excited for Saturday gig -- we were invited by [info]sumirehana to be a guest band (along with them) in this production's birthday-party-slash-gig:



( For more details, click here )

Yay, it's 2nd consecutive gig of Nenerminator band! Muhahaha...

4/19/08 08:05 pm - Nenerminator Practice

Wednesday night: After school, dumerecho na ako ng Gig Studio; this time nag-LRT ako para mabilis makarating. Pagdating, nandoon na si [info]rezarius. Pero Past 9:30pm na nung nakarating si [info]coincibens, dala-dala ang kanyang Peavey bass (na may hard case, sosyal!)...

Solbaks sa olrayt ang naging practice, dahil nabuo namin ng mabuti 'yung mga kanta; though medyo marumi pa (dahil ngaon lang kami nakumpleto ulit). Na-excite na tuloy kami para sa Friday gig!

After practice, lakad trip kami hanggang Cubao, at agad na rin kaming bumiyahe pauwi. Lagpas alas dose ng madaling araw na ako nakauwi ng bahay.

Thursday: Buong araw akong nangalikot ng gitara -- inayos ko na ang wirings ni Lispol (sa wakas); so yun na ang weapon of choice ko instead of Mike 5's guitar (si Blue Jem, na ginamit ko the previous night practice). Matinding GHS Zakk Wylde LO 11's set ang nilagay ko sa kanya, kaya hayun medyo masakit sa kamay habang nag-practice sa bahay... Pero sulit naman, para kumapal na ang kalyo ko sa daliri, yeahhh!!!

3/23/08 11:18 pm - Easter randoms

»» Late akong nakarating ng practice kanina with Do'ahou sa Red Damien (pati rin sina Aris and Adrian); pero naging productive naman. And we're gonna cram another metalized anime arrangement from scratch for Saturday...

For that, I'm planning to skip my ESMECHS class this coming Friday. :(

»» After practice, tumambay pa kami nila [info]the_pink_star and [info]mike5150 sa nearby KFC sa Mindanao/Congressional Ave. Doon kami kumain ng kaunti, at inatake ang kawawang mga gravy thermos. Naging arroz caldo tuloy ang Chicken Strips (Wow Sungit Sulit! haha) meal ko hehe.

Then pagkatapos naghiwalay ng landas, dumerecho na ako ng SM North, para humanap ng Higher Surveying textbook sa National Bookstore, pero walang makita. And nag-window shopping sandali around. Then I decided na magtungo ng U-Belt.

So kinailangan ko pang bumiyahe papuntang Recto para makabili ng Higher Surveying book na brand new, at makapagpa-print (and magpa-photocopy ng template page) ng truss analysis for ESTHEO1. Then bumiyahe na ako papuntang SM Fairview. Napabili ng kaunting school supplies.

At heto, nakauwi ng maayos kaninang alas otso, inaantok pa. Buti nakabili ako ng 3 sachet ng C4 explosives este energy drink sa Mini Stop. German Moreno mode na naman ako, walang tulugan!!!

»» Tae, natapos ko na rin ang pagsusulat ng mala-Noli Me Tangere na EHIGSUR assignment namin! At heto, inaatake na ako ng sintomas ng CTS, and nadagdagan ng pimples sa mukha... T___T

»» Kanina ko lang nalaman na 'di kami matutuloy nila [info]coincibens and [info]rezarius sa isang upcoming event. Sayang talaga, biro mo PEDRO GIL wing pa naman! Yum yum!!! Kaya pupunta pa rin kami haha :D

Sana swertehin kaming makapasok sa mga darating na gig!.........

»» Some random shit I've found:

Metasonix G1000 )

3/17/08 10:43 pm - Holy Week Randoms

»» Sunday. Okay, that day was too boring for me -- woke up too late in the afternoon (due to long duration of sleep); only interesting to offer was to watch that delayed telecast of Pacquiao-Morales bout. (Even that fight was a rip.)

Spent the whole day doin' my truss analysis architectural sheets for ESTHEO1, via MS Paint! Very tedious and simple, but effective! The only thing hindered me finishing the plan was the OpenOffice.org Writer -- it became a mess whenever I inserted tons of pictures inside a table! (Makes me wanna grab a pirated installer of MS Office 2007, really...) Again, I haven't slept at all.

»» Today. Arrived at school a bit late for EHIGSUR class; had some lecture, and surprised because of the relation of the new topic, to our old, old Hydraulics subject. (Remember Q=AV? You know what I mean, heheh...) Plus, we had the chance to know our midterm grade; luckily, I passed with flying colors. :)

Afterwards, I went to my sister's place to have lunch, and finally claim that remittance from our dad. Now I can solve those household expense problems, yay!

Then only had a film showing during EINPHIL class; we watched that Jodie Foster film Contact. Very philosophical movie -- existentialism rocks! :D We even extended a few minutes just to finish the movie.

And only had a normal lecture during ESTHEO1 class; and also, saw some of my classmates finally submitting their own truss analysis work. Oh well, I'll submit mine next week; so there's no rest for me during Holy Week!

Arrived home awhile ago, around 9pm; and I'm very hungry!!!

»» Our supposed-to-be band practice with [info]rezarius and [info]coincibens today was cancelled, not because of emergency reasons, but poor communication. Since a few days ago, one member can't be reached; and vice-versa with the other... Oh well. :(

»» I was invited to session for a band this coming Ozine Fest `08. Hmmm, I gotta practice my guitar playing this Holy Week as well.

»» Finally bought a new pair of earphones hours ago as I passed along Recto on my way home~ (a China-made iPod ripoff, though.) Now I can get rid of those nonsense music around me!

»» And some interesting news regarding guitar gear: The BOSS Corporation recently gave fanatics more reason to GAS, by releasing two newest pedals!

BOSS DD-7 Digital Delay

Boss DD-7 Digital Delay

The newest addition to the lineup of compact delay pedals of Boss. The catch:

  • two output AND input jacks, plus an external EXP jack for Tap Tempo function or Expression pedal
  • Modulation Delay mode, which offers chorus-type sounds
  • models the classic Analog Delay mode (makes you feel you are using that good ol' Boss DM-2, I guess!)
  • Expanded delay time, up to 6.4 seconds

Now that's neat! And here's another one...

BOSS SL-20 Slicer

Boss SL-20 Slicer

According to the Bosscorp.co.jp page: "Inject a shot of high-octane fuel into your music with the SL-20 Slicer. Instantly transform a guitar, bass, keyboard, or vocal into a pulsating groove instrument. Choose from 50 onboard Slice patterns or experiment with the SL-20's innovative Harmonic Slicer feature, which generates percussive melodies, Loop Record, and unique 3D Panning." To have a good idea what the hell this twin pedal thingamabob does, watch this video (also taken from the demo section of the site):

Very unique indeed... Great for funk, RATM-style, or any experimental music... I wanna have one!!!

»» Ok, back to work... (Currently doin' my ENGIMGT assignment for tomorrow.)

3/9/08 11:26 pm - PSP (Productive Sunday Practice)

Naging productive naman ang practice namin nina [info]rezarius and [info]coincibens (kahit wala siyang bass) sa Gig Studio nung tanghali -- nakabuo na rin ng 5 songs sa wakas! (W00t, dagdag pa tayo ng 2!) After practice, tumambay kami sa labas, food trip ng fishball, then decided na tumambay sa Gateway. And maagang nakauwi ng bahay (around 7pm).

Hopefully masimulan na rin namin ang pagco-compo, kung kakayanin ng oras. Shempre depends na rin sa time management ko with studies, and other bands!

2/10/08 09:37 pm - Birthday Inuman Party kila Jun!

After practice sa Gig Studio, tumambay kami ni [info]rezarius sa ibaba, para hintayin sina Julius and [info]mike5150 (na dumating a few minutes later). Then bumiyahe na kami papunta kila manong Jun; nakarating yata past 11pm -- nadatnan naming nandoon na ang mga hayskul tropa niya (na nagpo-poker sa isang table); and sina Tim and Ellen. Agad na rin kami kumain ng mga hinanda, dahil sa sobrang gutom. (W00t, liempo + crispy pata! Cholesterol rush na naman!!!)

After kumain, tumambay na kami with the others sa secret garden. Then saka dumating si Tan; then later on, si Luciel, kasama sina [info]hydee_takarai, Elle and Ajzone (nauna na rin silang umalis bago sumapit ang umaga). Later on, lumabas kaming apat nila Tim, Jun and Tan, for some matters about Aethyra. Pagbalik, nagawa rin naming mag-guitar jam sandali (habang pinababa ang mga kinain sa tiyan, heheh). In no time, agad na rin naming sinimulan ang inuman, and videoke showdown, madaling araw magdamag hanggang sa pagsikat ng araw, heheh!

Kinaumagahan, nakaramdam na ako ng antok, at napaidlip na lang sa damuhan, while the others were too tipsy "arguing", sparked by [info]mike5150's proposal related to Rtschrck... (Medyo confidential info...) Paggising ko, yung iba naman ang nakatulog bigla (sina Jun and Tan); kaya hayun, napag-tripan ko na silang sulatan ng pentel pen sa mukha, LMAO! (Later on, ganun din ang ginawa ko kay [info]mike5150, nyehehe...) Sayang, wala akong camera for souvenirs (like last year)...! Nakapag-breakfast din kami before umuwi. And around 11am na ako nakabalik ng bahay, ngarag at agad natulog.

Ansaya ng inuman, 'di lang dahil sa hapi-hapi sa pag-inom; pati na rin sa band-related stuffs~

2/9/08 09:36 pm - Practice Blues

Dumating ng Gig Studio, para mag-practice for my planned three-piece-punk-influenced project band; hindi nakarating si [info]coincibens, kaya kaming dalawa lang ni [info]rezarius ang nag-practice ng 1 hour (walk-in). Ayus naman, productive... :)

Andaming kantang gusto kong i-kober; plus may mga naiisip na akong potential compo riffs... Yay!

1/21/08 11:57 pm - Lucky Monday

To start off the day kanina: nakarating sa PC shop nina Tim (sa may Villa Nova Subdivision) around 1am. I was fetched by Tan's cousin, kasama si Tim and Allan. Pagdating, nandoon sina Tan (at isa pa niyang pinsan), Ann Punk, Ronald and Cris Genato. (Agad din umalis 'yung huling tatlo, dahil late night na rin.) So hayun, naparami ako ng inom ng Pulang Kabayo~ (dahil late akong dumating!) Ang birthday girl naman eh nakatulog ng maaga, dahil may lagnat daw.

Nakalibreng internet surf din ako magdamag sa shop, hehe... Then may incident that moment na nawala 'yung cellphone ng isang customer sa shop; pero kami-kami lang ang nandoon. In the end, hindi na nabawi 'yung telepono (agad daw sinara e.); and isa sa mga kasama namin (shempre hindi kabanda ko) ang pinaghihinalaan nung customer. Haay!

Nagawa rin naming mapag-usapan ang Aethyra band matters, especially tungkol doon sa pag-disband namin noon. Mabuti naman at nakapag-usap usap kaming apat; since sabi ni Jun, "It's time to break the silence". Ngayon, maghahanap na lang kami ng free time para mag-usap kaming lima.

Around 5am na kami umalis ni Allan, groggy na akong bumiyahe papuntang Fastest Earning University. And hayun, nakarating sa EHIGHSUR class a few minutes late; pero maagang tinapos ang quiz (syempre, nag-aral eh!), at nakalabas ng school around 8:30am.

Then nagpalipas oras sa bahay ng ate ko, bumawi ng tulog till 12 noon. Then had a normal lecture sa EINPHIL; and dumagdag ang mga estudyante sa class. Tapos wala kaming ESTHEO1 class dahil 'di sumipot ang terror prof namin, nyehehehe... So sabay akong umuwi with some classmates tsaka si Janna. Nakauwi ng bahay before 6pm. :D


(W00t, nakaidlip ako while doing the entry! =___=;)

1/17/08 11:53 pm - Randoms ng Isang Insomnyak

»» Managed to survive my first Killer Thursday for the trimester! On time nakapasok sa EHIGSUR class, and mala-nobelang notes na naman... Then nag-internet lang ako sa 9am-1pm break, nag-download ng kung anu-ano... (Nyehehe, may tagalized rap mp3's na naman ako, haha!)

Blah blah... )

»» Nagsasawa na ako sa siomai rice sa school. 'Yun lang kasi ang pinakamurang "matinong pagkain" sa U-Belt eh...

»» Nagbabalat na ang kalyo ko sa daliri. Which means, 'di na ako nakakapaggitara for days! Haaay, wala na rin 'ata akong social life eh, except sa school!

And 'di ko na rin naituloy ang pangangalikot sa mga mga guitar-related projects dito sa bahay. Haay gulay...

»» Kaninang umaga, na-PM ako ni [info]h_matsumoto, and may nabalitaan...

Doc Rick )

»» Bakit kaya ganun, kahit nagpapaka-busy na ako't 'di na din nagtetext masyado, hindi ko pa rin maiwasang mag-alala dun sa isang tao... Damn, I badly need help on this... Ayokong maudlot ang positive "momentum" ko...

»» Pinag-isa na pala nila Ann Punk 'yung S.O.N. gigs sa Feb 7 and 15 -- ang resulta: jam-packed na mala-Woodstock na gig! Andaming bandang naka-lineup, tas 4am ng umaga na 'yung last na tutugtug! Eh papaano kaya 'pag late nagsimula? Kukuru kukuuuu!!! ;p~ Mabuti at medyo maaga ang slot ng Do'ahou...

»» 'Di talaga ako makatulog ngayon. Pramis.

11/15/07 11:25 pm - November 14-15

Wednesday.

Went to school as usual, for that EBCONSL class; arrived 30 minues late, and naabutang nagre-report ang kaklase namin. Wala sa focus ang utak ko the whole period, dala ng matinding bigat na nakakulong sa utak ko... (Tangled thoughts on the way to school -- did a lot of reminiscings...) Tapos antok pa ako dahil hindi makatulog masyado during the night. Tuloy, walang nasagap na info ang utak ko!

Then EHYDRAU class naman nung alas kwatro, pero until 6:30 pm lang kami nagsi-lecture, plus midterms-related matters. Fortunately pasado ako; in fact, walang bumagsak sa buong klase. Pero sabi ni sir "demoted" ako into failure status dahil 'di daw ako masyado nage-exert ng effort. So ayun, 'di na ako magpapa-late sa klase! ;p~

After class, naghabol ako agad para maabutan ang G3 (o G4?) practice sa Ferdie's Grill ulit... Pagdating ko doon, I was expecting na may bass doon, pero ginagamit pala sa kabilang studio. So nag-antay pa kami ng mahigit 30 minuto para sa shitty bass geetar na 'yun; then I learned na 'yung band ni Polo pala 'yung nagpa-practice sa kabila... (Pinoy rock ang pondo pala nila hehe~) Nakapag-practice naman ng matiwasay for the rest ng period...

After practice, agad na rin akong umuwi; supposedly, magkikita kami ni Rainey.


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Thursday.

Went to school as normal; dala-dala ko pa si Syntyche, plus tons of effects, kahit umuulan~ (Well, hindi naman tonelada, tatlo lang yata hehe.) Medyo minalas that day, dahil napabayad ako ng malaki sa pamasahe papuntang school. had a normale lecture sa EBCONST; at kanina tinawag pa akong "engineer kuripot" ng kaklase ko, dahil sa lupet ng estimation ko sa bakal -- walang tapon, hahah!

During class, nasagap agad namin ang balita na sinuspinde ang klase sa amin by 3pm, so ayun 2:30 pa lang dismissed na kami. Also, na-cancel na rin ag practice namin sa Rtschrck, dahil daw malakas ang ulan~ (Yeah right. Nagbitbit pa ako ng mabigat for nothing. T___T) Then kumain pa ako sa labas bago sumakay ng FX pa-Proj.8, thinking na may klase sina Rainey... Pero naalala ko bigla na may practice pala sila ng Bellkreauxze! So lipad ako pa-Vito Cruz at nakarating ng Transound. Ayun, nakatambay sila doon; tapos na pala sila mag-practice.

Then sumthin' weird happened to me at bigla akong nasuka sa labas, pero wala namang maisuka... So me and Rainey decided na umalis agad, at masama na rin ang pakiramdam niya, plus nilalamig dahil sa weather...

(♪ kanta ng Yeng Constantino song ♫)

Powered by LiveJournal.com

Advertisement

Customize