Home

Advertisement

Customize

Neil Alex™ Journal

~xelalien's misadventures~

8/26/08 05:34 pm - Wrong Timing na Bagyo!!!

Wednesday, 2008.08.20 - Na-late ako ng gising, dahil sa magdamag kong pagre-review para sa ESTRUD1 quiz namin. Paggising ko, alas sais na pala! Medyo maliwanag pa ang langit nun; pero nung pag-alis ko ng bahay, unti-unti nang dumilim dahil sa makakapal na ulap.

At gumawa ako ng napakamaling desisyon -- ang pagbiyahe papuntang SM Fairview papuntang Espana, imbes na mag-FX ako sa Vicas at mag-Blumentritt jeep. So hayun, bumuhos ang malakas na ulan (buti na lang, dala ko ang payong ko); at pagbaba ko ng Robinson's Fairview, wala akong masakyang FX, at napakahaba ng pila. Nag-jeep na lang ako, at nagbakasakaling makasakay ng FX sa FCM. Doon ako nagkamali.

Bale naghintay lang naman ng matagal ang nasakyan ko ng jeep sa kahabaan ng Regalado Ave., dala ng matinding traffic. And hindi basta matagal 'yon -- 45 minutong nakatigil ang mga sasakyan! At pagkausad, nalaman kong lagpas FCM pala ang matinding trapik; may ibang nilalang na napilitang mag-counterflow dahil siguro sa matinding pagmamadaling makapasok sa eskwela/opisina.

To make the story short, nakarating ako ng FEU-East Asia pasado alas diyes. Yep, late na ako ng isang oras, at 15 minuto. Tinanong ako ng prof namin kung gusto ko pa raw mag-quiz; aba e syempre pumayag ako, dahil ayokong bumagsak! Pero inakala kong sandali ko lang masasagot ang quiz. Nagkamali na naman ako.

Dalawang problems lang yung quiz. Pero, napakahaba nung problem #2: magde-design ng truss, EACH MEMBER pa yun ha... Bale napakahabang computation ang kailangan -- aalamin ang bawat reaction ng members, tas isa-isahing ide-design kung anong dimension ng timber ang gagamitin. Kung nakapasok lang ako ng maaga, edi nasagutan ko iyon. Takteng yan, number one lang ang nakuha ko tuloy. Sana pala hindi na ako nag-quiz, at nagpa-special quiz ako. (Or better, sana hindi na lang pala ako pumasok. ~___~!!!)

Pagkatapos ng aking kamalasan, sumama ako sa mga kaklase ko na kumain, para mawala ang pagkabadtrip namin. (Pati 'yung iba e hindi nagawang tapusin ang napakahabang problem na 'yun.) Tapos nagbalak pa kami sanang tumambay ng TriNoma, para gumawa ng ESTHEO2 plates, pero hindi na naming nagawa, dahil napakahirap makasakay ng jeep. So hayun, pagka-print ko ng ESTHEO2 notes ko, nahiwalay na ako sa mga kaklase ko (na 'di ko na alam kung san tumambay). Kaya agad na rin akong umuwi ng bahay nun pagkasakay ng bus pa-Fairview, dahil alas dose na nung na-declared na suspended na ang klase. Haaay badtrip talaga!

8/22/08 06:19 pm - Another same ol' Thursday entry...

Eskwela na naman

Thursday, 2008.08.14 - As usual, na-late ako ng dating for ESURVEY, pero nakapag-quiz naman ako, at sure pass naman heheh.

Tapos, nag-quiz kami sa EPRECON, and nahirapan ako (dahil hindi ako masyadong nag-aral, hehehe) sa pagsagot, pero out of 15 items naka-siyam naman ako. T___T

Nung ECECTV1 naman, nagpakitang-gilas naman ang prof namin sa ECECTV1, at siya naman ang nag-report ng PowerPoint presentation sa amin. Nandoon kasi ang CE Chairman namin, nag-oobserve kung paano siya magturo hehehe... (Kaso, na-tense ang prof namin, at nauutal pa!)

At nung ESTHEO2, mahaba-habang lecture na naman kami, kaya 'di ko nagawang magsulat ng notes; balik uli ako sa digicam mode hehehe... Nagawa ko pang kunan ang mga kaklase ko hehehe!

Feeling seryoso sa lesson haha!
Feeling seryoso sa lesson haha!

Some more pics here )

Marami din ang hindi nakasabay sa kopyahan ng notes dahil sa bilis ng turo ng prof namin (at sa mahaba-habang sulat ng solution), kaya marami ang gustong makakuha ng kopya ng 'notes' ko. ;p

( Moment Distribution Method for Frames w/ Sidesway )

Click the link to download, haha!


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Another Open Genre Nyt @ One Luv

Pagkatapos ng klase, dali-dali na akong bumiyahe papuntang One Luv Reggae Bar, pero sadyang inabutan ng tubig-baha sa gitna ng U-Belt, dala ng matinding ulan na bumuhos habang ESTHEO2 namin. Sinubukan kong lumakad papuntang Doroteo Jose LRT station, pero lagpas sapatos ang baha.

Kaya naglakad na lang ako sa gilid ng kalye from Isetann para makasakay ng Taft jeep. Matagal-tagal din ang usad ng sasakyan, at inabot ng 45 minuto para marating ang U.N. Avenue LRT Station.

Pero hindi pa doon nagtapos ang kalbaryo ko. Mahaba ang pila ng pagbili ng LRT card, tapos matagal bago dumating ang sumunod na tren. Tapos medyo nagsisi ako sa desisyon kong bumaba ng Baclaran station, at sumakay ng Sucat jeep, dahil malubha ang trapik sa Sucat Road ng gabing iyon; tapos mahilig pang mangisda ng pasahero si manong drayber, na akala mo e end of the world na... X___x

Alas nuwebe y medya na ako nakarating ng One Luv Reggae Bar, at wala pang gaanong tao nun, pero nandoon na ang bandang The Guy Upstairs; kaya kami ang unang bandang sumalang. At dahil hindi ko nagawang maisaulo ang lahat ng 4 na bagong kanta sa playlist namin, na-mental block ako sa pagkanta habang sumisilip sa aking munting 'kodigo' ng lyrics sa malayo (haha!). Pati ang mga kabanda ko e maraming sabit din; malamang dahil wala talaga kaming practice bago sumalang sa gig. Bawi na lang kami next time...

Hindi ko rin nagawang makakuha ng mga litrato, dahil naubus ang baterya. :( Malas.

8/13/08 04:26 pm - Kinda Unwell

Had an ordinary ESTRUD1 class -- lecture, and submit ng plates. After class, magdamag uli akong nag-internet hanggang hapon. Then past nakipagkita ako kay Alvin (of Music Synergy); and supposedly may acoustic practice kami, pero nagdesisyon na lang akong umuwi dahil wala pa ang kabanda namin.

Nagdesisyon na rin akong bumiyahe pauwi past 5pm. Mabilis akong nakauwi (via Fairview); at nagawa ko pang mamasyal ng kaunti sa SM Fairview.

Pero pagkauwi ko, nagkaroon ako bigla ng lagnat; wala naman akong sipon o ubo. Nalaman kong infection-caused ang lagnat. (Nag-bleed kasi ang gums ko sa ngipin...) And past midnight nalaman kong nag-inuman pala ang mga kaklase ko that moment; sayang hindi ko nagawang sumama hehe.

8/4/08 10:55 am - Yet another School Blues + Black Shield gig entry

Eskwela blues ulit...

Ordinary day sa school -- nag-lecture lang sa ESURVEY, EPRECON; nag-reporting lang sa ECECTV1, at nag-lecure and quiz sa ESTHEO2. Dere-derecho ang klase ko, kaya hindi ko namalayan na mabilis lumipas ang araw sa loob ng eskwela.

Mabuti at tinanggap pa rin ng prof namin sa EPRECON ang gawa namin, kahit late na. And by next week magde-design naman kami ng one-way slab, tapos design sa purlins at truss naman sa ESTRUD1. Tapos sisimulan ko na talaga ang plates sa ESTHEO2. Nalalapit na rin pala ang finals namin, ilang weeks na lang ang bibilangin... Haaay.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



And yet a horrible journey...

After school, agad na rin akong bumiyahe papuntang Sucat; pero sadyang minalas pa ako sa biyahe. Bale nag-LRT-3 ako papuntang Cubao; then napakaraming tao sa MRT Cubao station -- inabot ako ng almost 30 minutos sa pagpila ng single journey ticket.

Pero hindi pa doon nagtapos, dahil nahirapan ako lalo sumalay ng Sucat bus sa Magallanes. nagtagal ako doon for another 30 minutes, at naka-kapit na ako sa pasukan ng bus sa sobrang siksikan ng tao! Pero nakaluwag naman pagdating ng Bicutan, whew. (Good thing is, hindi pa ako nakapagbayad, nyok nyok!)

Pasado alas nuwebe na ako nakarating, at nandoon nakatambay sa labas ang mga kabanda ko, kasama ang The Guy Upstairs pipol. Naki-idlip pa ako sa tsikot ni Drey bago kami umakyat. Bale pang-pito kaming tumugtog.

Naunang tumugtog ang mga hardcore/emo core dudes, then before kami, tumugtug muna ang The Guy Upstairs. Bale apat na kanta ang tinugtog nila (instead of 3 -- sinabihan kami ng isa sa mga taga-doon sa bar na may hinatak silang guest band). So hayun nag-four songs na rin kami, at naging masaya naman ang tugtugan namin (much better than last week). At nakilala din namin ang ibang banda na old school rock din ang tugtugan, especially ang Snakebite band, na pawang mga malulupet haha!

Tinapos namin ang tugtugan up to the last performer (na may gitaristang Caucasian na malaki ang pedalboard!), and past 3am na nung sumibat na kami, bale nakisabay ako sa tsikot ni Lucky (officemate ni Jun), at sumakay ng bus.

At nung pauwi na ako, minalas ulit ako dahil naiwan ko ang file case ko (na ang laman ay mga school projects ko) sa tsikot ni Drey. Ee saktong paubos na pala ang gas ng tsikot niya; so nakipagkita ako sa kanya sa katipunan area pa para kunin yung file case. And past 6am na ako tuloy nakauwi ng bahay! ;p

( For Multiply contacts only: 2008.07.31 One Luv Reggae Bar pics )

Minalas man sa biyahe, solbaks naman sa tugtugan. ^___^

7/30/08 05:38 pm - Happenings nung Weekend

Sabado.

Late akong nakapasok ng ESTRUD1 class namin; tapos akala ko maagang na-dismiss yung klase, dahil naabutan kong may kausap ang prof namin sa CE faculty. Pero hayun nakapagpasa naman ako ng plate, pero hindi ko agad nabawi 'yung gawa ko.

Pagkatapos, nag-internet ako magdamag sa NABS, at hindi ko nakita ang mga kagrupo ko sa EPRECON. Gagawa pa naman sana kami ng projects together sa library, pero pagpunta ko doon walang katao-tao. Kaya hayun dumaan ako kila ate, at umuwi agad ng bahay.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Linggo.

Tanghali ako lumabas ng bahay, at pumunta ako kila ate, at sumama ako sa mom ko para magpa-check up sa dentista. At sa wakas, nalinis na rin ang ngipin kong puro tartar (yuck!), hehe... Bale anak ng co-teacher dati ng mom ko ang dentista, kaya maitututing na 'suki' na kami sa kanila.

Mga alas singko na ako bumiyahe pauwi; pero napadaan muna ako ng Walter Mart sa Munoz, at sa SM North para bumili ng school supplies sa National Bookstore. Mga alas diyes na ako nakauwi ng bahay, at nagpuyat na naman ako para tapusin ang EPRECON projects. Zzzzz...

7/17/08 10:29 pm - Bagyo Blues

Naabutan ako ng hagupit ng bagyo on my way to school; pagdating ng Blumentritt, aba, walang Morayta jeep, at napakahaba ng pila! Napilitan akong mag-Sta. Cruz jeep at bumaba ng Recto. Wala, baha talaga along the city of Manila -- sa Dimasalang, Recto... And that time pasado alas nuwebe na, kaya hindi ko na nagawang pasukan ang ESTRUD1 class ko.

Nag-internet na lang ako, then nagpalipas-oras ng kaunti sa library para mag-review for the last midterm exam for the sem -- ESURVEY. (Nalilito pa rin ako sa symmetrical parabolic curve!) Then hayun nasagutan ko naman ang exam, pero nadale yata ako sa isang problem, na anim ang required values.

After class,nagdesisyon akong umuwi ng Shelter (instead of staying at my Ate's place agad), at nagbayad ako ng phone bill sa PLDT Fairview branch. Nireklamo ko 'yung dobleng singil nila sa bill ko (nag-reflect ba naman 'yung bill ko last month, ee nabayaran ko na!), tapos notice of disconnection daw. Aysus, aysus...

Shempre laking ginhawa ng nakauwi ng bahay -- nakakain, nakaligo ulit, at nakapaghanda pa ng mga damit/things. Then bumiyahe na rin ako papunta kila ate; along the way, napadaan ako ng CD-R King sa Walter Mart Munoz para bumili ng bagong earbuds.

Alas otso y medya na ako nakarating, at agad na kami umalis nila Tita Evalor and Adrian (my tita and cousin sa mother side) papuntang NAIA, para sunduin ang aking ermats. Past 11pm na namin sinalubong si mom, at pagkauwi kila ate, nilabas ni mom ang mga hinanda niyang pagkain sa baggage niya -- cooked ham (na ubod ng laki), and franks. Yup, talagang hilig na ng mom ko magluto/magprepare ng food. Kaya hayun cholesterol rush kami ni Adrian haha!

I spent the whole night at ate's place, since 7am ang pasok ko the next day.

7/6/08 11:41 pm - Bothered...

Saturday. Arrived on our ESTRUD1 class on time, and had our second quiz. This time I've accomplished faster than anyone in the class. I never let my focus lost to something worth bothering in my mind; good thing I reviewed my notes since a couple of days ago.

After class, I spent some time at NABS Internet Cafe, to amuse and distract myself [from those bothering thoughts]. Then I went to Raon to buy some electronic stuffs again -- wow, I found some 8-pin connectors at DEECO. (Me thinks of another evil plan for my G2.1u frankenstein...)

Around 4pm I went off to my ate's place, and finally had my meal for the day. I skipped breakfast and lunch. Then I traveled way back home, and instead of joining my Rtschrck bandmates at their inuman sessions at Mike5's place, I slept early to relax my mind.

Somehow I'll make it through; I just need more time...

6/30/08 10:28 pm - Whew, Whatta Day...!

Biyahe Blues sa Mahal kong Maynila

Maaga akong nagising(madaling araw), sa 'di-maipaliwanag na dahilan; at medyo tinamad pa akong pumasok... But eventually, nagawa ko namang pasukan ang ESTRUD1 class namin. Nag-lecture lang kami magdamag.

Pagkatapos ng klase, sumama ako sa mga kagrupo ko sa EPRECON, at nag-food trip kami sa may Ever. Hayun, nag-sizzling kami, at heto ang in-order ko...

sizzling skinless longganiza
Mainit-init pang skinless longganiza.



...at ang rating ko sa lasa ng longganiza: 7 out of 10.

Dimating din si Jamie doon, at naisauli na niya si Lispol, at agad din siyang umalis. Tapos bumiyahe na ako apuntang Paco, dumalaw kila Sir Jobet (a.k.a. BAMF), and acquired some Gen 2 scalarizers.

Then dumaan ako sandali sa Raon (to buy a few switches), at agad na rin akong umuwi ng Shelterville.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



So-so gig sa Freedom Bar...

Around 6pm na ako bumiyahe papuntang Freedom Bar, para sa third gig ng Nenerminator sa 1st anniv event ng Chupachupsyo Productions. Past 8pm na ako nakarating, at hindi pa nagsisimula ang gig; nadatnan ko agad doon si [info]rezarius, na alas siyete pa pala dumating.

Then ininform kami ni [info]coincibens na male-late siya ng dating (around 9pm). nagpa-lineup kaming pangatlong band sa list (and noticed na walang may gustong maging first band, kaya hindi makapagsimula agad ang tugtugan). Tapos nag-brownout pa sa Anonas, which caused the further delay of the event. buti na lang bumalik din agad ang kuryente.

Dumating si [info]coincibens bago mag-alas diyes. Nagawa naming makausap (at mapanood) ang mga kapwa-JRock bands nung gabing yun. Labas-masok kami ng bar though, dahil nainitan kami sa weather, at hindi namin nagawang mapanood ng mabuti yung mga banda, pati na rin ang Pedicab. (BTW, oks na oks ang tunog nila! Kaso nahiya akong magpakuha ng litrato, ampf...)

Before 12 midnight na kami nakatugtog -- naging maganda naman ang performance namin (okey sa olrayt ang timpla), pero hindi namin nagustuhan ang overall experience...

( Refer to this link for details. Please ignore the senseless posts of a few trolls out there... )

Salamat ng marami kila Ann Punk, Ronald at sa mga kasama nila, sa pagsuporta nila sa amin that night. (Buti na lang at sakto ang dating nila para mapanood nila kami.)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



...pero 'di pa doon nagtatapos ang gabi

Umuwi na agad si [info]rezarius pagakatapos ng tugtog namin; hinatak naman kami ni lj user="coincibens"> nila Ann Punk, at sumama sa kanila sa panonood ng gig ng The Chongkeys sa kalapit na 9 Mile bar (along Kalayaan Ave. lang).

Tinapos namin ang event, at nag-enjoy kaming lahat. Maganda ang ambience, music at ang atmosphere ng crowd. Chikahan blues pa among folks after ng tugtugan, bago kami nagdesisyong magsiuwian.

Pasado alas-kuwatro na ako nakauwi ng bahay, latang-lata sa pagod at puyat.

6/30/08 01:37 am - Friday Adventures

Dumating ako on time sa school, and nag-quiz (na naman) kami during ENGIGEO class. Afterwards, nakipagkita na ako sa ESURVEY classmate ko na si Jamie, dahil hihiramin niya daw si Lispol, for Muziklaban elims later evening. Pero ang siste, dapat muna siyang sumama sa practice namin ng Nenerminator sa Gig Studio (at gagamitin ko si Lispol), then sabay na kaming pupunta sa venue ng Muziklaban elims.

Napatambay ako sa dorm ni Jamie, and nag-jam pa kami ng kaunti, gamit pa niya ang old school Dean guitar (na mukhang Jackson) ng bandmate niya. Bumigay pa ang high E string ni Lispol, so required na ako that time bumili ng new set of strings, since kinakalawang na ang mga strings niya.

Then mga quarter to 4pm na kami lumarga papuntang Gig Studio, at nag-start na kami mag-practice nung 4:30pm. Malas, dahil walang stock ng D'Addario strings sa DAME store, so after practice ay bumiyahe na kami agad papuntang SM North (medyo minalas pa lalo, dahil lumagpas ang sinakyan naming Monumento bus), at bumili ng Snarling Dogs 10's sa Lazer.

Nag-taxi na kami derecho ng Commonwealth, and masuwerteng nahanap namin ang A&M building bago mag-Batasan. (Naka-indicate lang kasi 'yung address sa SMS message ni Jamie sa phone niya.) So ayun, medyo skeptic pa nga kami nung una kung doon nga 'yung elims (dahil walang Muziklaban tarpaulin), until nagtanong na kami sa guard, at saktong [unexpectedly] dumating si Mike Abrigo, and his bandmates sa Historia. Mag-o-audition din pala sila for Muziklaban.

So after magpalista ni Jamie, kumain kami sa nearby Mini Stop sa building ng Convergys. We decided to try this Mr. Choi rice, pero mukhang nagkamali kami... (Commercial break muna!)

Mr. Choi Rice
Mr. Choi frozen Sweet 'n Sour rice meal



Review: Lasang carton yung sweet & sour na pork nila, and yung rice almost paubos na ang life span, heheh... Kumurot din ako ng kaunti sa burger steak ni Jamie, at lasang carton din 'yung karne. Eeww... Kaya kung kakain kayo ng rice sa Mini Stop, mag-friend chicken na lang kayo instead.

Okay, back to regular programming: After namin kumain, tumambay kami magdamag doon, as applicants play and record their stuff. (Bale live recording ng 3 songs ang naging elims proper.) Also due to boredom, sinaksak ko na 'yung dala kong MS-2R, at nag-jamjam kami with Mike Abrigo, and guitarist nila Jamie. Then before 11pm na nung nainip na ako ng todo, at nagdesisyong umuwi na lang; that time pang-5th band pa lang na nagre-record, while pang-10 pa sila Jamie. Pagkauwi ko ng bahay quarter to 12 midnight, tinamaan na ako ng antok, at nagdesisyong magkita na lang kami ni Jamie the next day, after my ESTRUD1 class.

All in all, napagastos lang naman ako ng todo buong araw, pero ayus naman ang biyahe at adventure...

6/29/08 07:51 am - Manila Day Bloopers

Engot ko talaga...

First thing in the morning, naghanda ako agad para makaalis ng maaga papuntang school. Napagastos pa ako sa pamasahe (nag-trike pa ako, nag-FX hanggang U-Belt)...

...only to find out na Manila Day pala! (Inakala kong Thursday pa 'yun!)

So hayun bumiyahe lang ako sa labas ng bahay for a few hours of internet sa NABS, a couple of doughnuts sa Dunkin Donuts, and hours of window shopping sa SM Fairview at Robinson's Fairview. Yun lang!

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



...and a weird online classified ad na nakita ko somewhere

Hehe, we all know how crappy OLX Friendster is -- puro murahan, panloloko (fake deals) at kung anu-ano pa ang nandito. Heto, try nyong patulan...

( Try me.. Navotas )



Nakakaloka talaga potah!

6/23/08 05:29 pm - Rainy (yet a bit adventurous) Saturday

Again, nagpuyat ako buong madaling araw para tapusin ang natitirang architectural plan pages sa ESTRUD1 plate ko (details of stairs, windows and doors). Then inabot ako ng ambon/ulan on the wat to school, pero sakto naman ang dating ko. Marami din ang na-late ng dating sa ESTRUD1 class namin. Yun nga lang, nag-lecture lang kami, at hindi chineck ng prof namin ang pinagpuyatan naming plates; sa next meeting Wednesday na lang daw. Pfft!

After class, sinamahan ko ang mga kagrupo ko sa EPRECON para sa aming mini-adventure; first, kumain kami ng lunch sa tapsilogan malapit sa UE. Medyo weird, kasi ngayon lang ako nakakita ng ganito sa menu nila:

Isang CHICKENPWETSILOG nga!
Ano kaya lasa nun...?



Pero hehe sinubukan ko ang kanilang Chicklongsilog (Chicken-flavored longganiza). In fairness, masarap naman; pero ewan ko ba kung bakit ang liit ng sunny-side up egg nila; fried pugo yata 'yun...

The yummy Chicklongsilog
Magutom sana kayo, hekhek...



Then agad na rin kami bumiyahe papuntang Manila City Hall. On the way, may na-meet kaming street musicians na naki-hitch sa jeep. Ayos naman ang dynamics ng bata, tas DIY pa yung tambol nila, at sa may bandang Lerma sila tumambay. Hehe, nakaka-elibs.

6/23/08 02:51 pm - Ordinary Tuesday

Arrived a bit late for our ENGIGEO class -- another ordinary reporting day. After school, kasabay kong pauwi si Janna; naparami ang kwentuhan namin along the way, tapos nilibre pa niya ako ng coffee drink malapit sa LRT station. Magkasama kami until pagsakay ng LRT station (doon siya sa ladies area, 'at baka may makaaway daw siya bigla', aniya).

Pagbaba ko ng R.Papa station, lumakad ako through La Loma cemetery, upang makarating ng Brgy. San Jose, at dumalaw sa place ng ate ko (for family matters). Agad na rin akong bumiyahe pauwi pagkatapos, at nakatulog agad pagkauwi ng bahay, dahil sa sobrang puyat.

That's all, 'yun lang!

6/21/08 01:44 pm - It's nice to be back at Ferdie's...

Wala lang, reporting blues na naman (plus quiz na mahaba na naman) during ENGIGEO class. After school, nag-internet ako ng matagaaaaaaaaaal sa NABS. Download dito, download doon...

Kinagabihan, bumiyahe na ako papuntang Gig Studio, dahil may practice ang Do'ahou, para sa ToyCon event bukas; as in inagahan ko pa talaga ang punta ko. Eee sadyang engot ako, naalala ko na sa Ferdie's Studio pala ang practice! Wenk...

So dali-dali akong bumiyahe papuntang Project 8; nagbago na daw ang location ng Ferdie's Studio (dati along Congressional daw; pero ngayon along General na daw). And late na ako nun ng 45 minutes, dahil matindi ang biyahe nung gabing 'yon.

At may nakakatuwang nangyari pa sa akin on the way... While nasa Pascual Liner bus ako, may nakatabi akong bebot na maganda (I guess fresh grad siya na nagtatrabaho sa call center). Hindi ko siya gaano pinansin, dahil inuna kong umidlip habang nasa biyahe. Pero nung nakarating na ang bus sa bandang Munoz, tinamaan ng antok ang bebot. Eventually, sumandal ang ulo niya sa balikat ko, at hinayaan ko lang. At ginising ko na siya nung bababa na ako sa St. James area. Pero bago tuluyang bumaba, nakuha ko pa ang name niya (her name's April), and nakuha ko pa ang cellphone number niya. Haha!!!

Isang small residential house na pala ang puwesto ng Ferdie's Studio; and as usual, masikip ang kwarto ng praktisan. Pero naging productive naman ang practice namin -- nabuo naman namin ang mga popondohin para bukas, kaya okey sa olrayt.

Kasabay ko si [info]ilovelava_5 pauwi, at pasado alas dose na ako nakauwi ng bahay, bangag na bangag.

6/2/08 02:53 pm - Tiring (Yet Fun) Sunday ~rehearsals galore~

Medyo hindi ako nakaalis ng maaga (pasado alas nuwebe na); at nagdesisyon na akong dumerecho sa Cherry Studios, instead of meeting up with Zigz sa SM Mall of Asia. So ayun, inabot ako around 3 hours (!) para makarating ng Sucat, dahil madalang ang bus kapag Sunday! X___x

Pasado 12 noon na ako nakarating, pero naging swabe naman ang practice. Sinama din ni Zigz ang misis niyang si LJ (ang acting manager ng Black Shield, hehe). Nairecord pa niya 'yung rehearsal namin all throughout; huling huli yung piyok ko! T___T

Then 30 minutes before 2pm bumisita sa practice namin si [info]onelast_sunset; the night before naka-chat ko kasi siya, at niyaya ko kasing manood, since malapit lang sa kanila. Haha! Nakilala din niya ang mga kabanda ko, then after practice lahat kami nag-chikahan blues sandali. Past 3pm na kami nagdesisyong lumarga lahat; at dumaan muna kami sa bahay ni Zigz, dahil nagpa-burn pa ako sa kanya ng data CD's (installers and mp3). Then hinatid na kaming tatlo nila Jun and Drey sa SM Mall of Asia.

Then sinama ako nilang dalawa sa opisina ng Dell, at nilibre nila ako ng food (!!!), dahil mahigit 3000 worth na pala ang mealcard niya. Hanep yung canteen nila, may recreation room pa na puwedeng mag-PC games, bilyar at kung anu-ano. Syet!!!

At home ka dito sa DELL! Nyehehehe...
"Pare magsi-C.R. ka ba? Doon sa kaliwa. Wag kayo mahiya sa pamamahay ko..." Wahehehe!



Pagkatapos, saka na kami lumarga ni Jun papuntang Gig Studio, via MRT, then trrike sa Cubao. Na-late kami ng 30 minutes, pero mas late dumating si [info]mike5150. Haha! And mas maganda ang tunog namin compared sa yaesterday's practice. At na-meet pa namin doon sina Mike Abrigo, tsaka si Jorel (at ang banda niyang Basilica). Tambay/kain lang kami after practice, then sabay-sabay na rin kami umuwi past 10pm.

Whew, lupaypay ako pagkauwi dahil sa pagod sa biyahe!

6/1/08 03:45 am - Huling Randoms Bago Matapos Ang Bakasyon

»» Medyo na-late ako kaunti for Rtschrck practice, dahil nag-stop over pa ako sa Philcoa habang biyahe, para magpabarya ng 1000 peso bill. Obviously walang panukli si manong jeepney drayber; at ako naman nadale ng maling akala, at wala pala akong barya.

Napakain tuloy ako sa carinderia bago dumerecho ng Gig Studio. Hehe. Pero ayus lang, dahil pagdating ko naman hindi pa nagsimula ang practice. Delayed kami ng 30+ minutes.

»» Finally used my ear muffs sa Rtschrck practice kanina. Good thing is, sobrang naprotektahan ang tenga ko. Bad thinglang, 'di pa ako sanay gamitin siya, kaya hayun pangit ang volume leveling ko with my bandates~ (nasita tuloy ako haha!)

For me, it's really a MUST to have an ear muff, no matter what...

»» Did some grocery-ing on my way home sa Nova Bayan. Then sa pila ngSHelter terminal, naghintay na naman kami ng matagaaaaaal nago dumating ang jeepney. Hayun quarter to 12 midnight na ako nakauwi kanina.

»» May nabasa akong malupet na thread sa PhilMusic -- sing-lupet ng mga ekskusibong chismax ni Boy Abunda. Haha, naaliw ako dito pramis, masarap pag may kasamang popcorn o kaya chicharong bulaklak...

( MGA BRAD I NEED UR HELP/FAIR ADVICE...THANK YOU! )

Ma-'kamandag' na chismax, 'no? :D Moral lesson: It takes more than an overnight success to gain good reputation; and a few forum posts to entirely lose it. Heheh...

»» Ampotek, server maintenance na naman ng Special Force online! Plano ko pa namang magpuyat (walang tulugan) para maka-20K exp points, tapos malalaman kong hanggang alas dose ng tanghali ang lecheng maintenance! Boo-hoo, paano na ang x2 exp item ko!!!

»» Had an unexpected phone call from her kaninang midnight. Haay, I really badly miss her so much... Lalo ko tuloy gusto kong makasama siya nung narinig ko ang boses niya kanina; halatang stresses sa school work/OJT niya. :(

5/31/08 05:09 am - Huling Biyernes ng Aking Bakasyon...

Umalis ng bahay ng alas diyes, at nagmadaling nagtungo sa MRT Ayala station. Agenda: kunin ang in-order kong PhilMusic Guitar Central shirt. Habang nasa daan, nakapagbayad na ako (sa wakas) ng bill sa kuryente sa Nova Bayan. Napaaga ang dating ko sa Ayala station (quarter to 12), so nag-enjoy ako sa mga free taste booths sa loob ng istasyon -- rice noodles, energy drink, tas may coffee survey pa -- at nakakuha pa ako ng freebies na pawang mga chichirya.

Mga alas dose y medya na nung dumating si Sir Leo (a.k.a. romard sa PhilMusic), at may ka-deal na kapwa forumite that time (si Sid Pablo a.k.a. sidlead). Ang transaksyunes: ang isang malupet na PRS SE na ubod ng ganda, na binenta sa halagang 17000php lamang. Ukinam syet, presyong adik! :D

Tapos may ilang forumites din na unti-unting nagsidatingan (tulad ni Dyulyus_Caezar -- ka-deal ko dati sa Arion SCO-1 ko; at si Mike Abrigo a.k.a. ibanezman), hanggang sa naipamahagi na ang mga T-shirt. Pagkatapos, nakipagtsikahan na lang ako sa kanila hanggang alas tres ng hapon -- kwentuhan, chismisan at kung anu-anung kalokohan. Nakakatuwa silang lahat.

Nung alisan time na, sabay-sabay kaming sumakay ng MRT; at ang kapalpakan ko, imbes na southnound ang nasakayn ko, sa kabila ako napadpad. Nadestino tuloy ako hanggang Boni station imbes na Taft. Ayun, bumalik uli ako, tas sumakay ng LRT hanggang Doroteo Jose. Nagtungo ng Donnell Trading para bumili ng acrylic sheet, para sa DIY project (hehe). Tapos pinatabas ko pa sa malapit na aluminum/glass shop. Sobrang nagutom ako, kaya kumain ako sa malapit na tapsilogan.

Tapos, nagtungo na ako sa Fastest Earning University, at hinabol ko ang pagbayad ng enrollment; nakapag-isyu pa ako ng Promissory Note, heheh... Bago sila magsara ng alas singko, naipa-imprenta ko na ang COR ko. Ayun, 12 units lang talaka; add/drop na lang ako ng subjects sa Lunes. Pfft...

Commercial break )



Tapos nagmadali pa akong nagtungo sa Ever, para makapagbayad ng telephone bill sa Western Union. At nag-shopping ng ilang kagamitan sa DIY shop (hardware). Dumerecho na rin ako ng uwi, nakarating ng bahay kaninang alas otso.

5/31/08 01:40 am - Still, no luck

Late morning na ako nagising, dahil sa magdamag na paglalaro ng Special Force buong madaling araw. Pero after lunch saka na ako umalis papuntang school; on the way,dala-dala ko ang G2.1u ko, and finally napabutas ko rin ang chassis for the simple [frankenstein] modification I'm planning for. (Muhahaha....)

Pagkadating sa school, agad na akong dumerecho sa assessment area (sa Tech building); but lo and behold, 12 units pa rin ang total enlisted subjects ko -- hindi lumabas yung ESTRUD1 (Structural Design 1). So nagtungo ako sa CE Department; and I was told na hintayin na lang ang CE Director (si Sir Jun), for the necessary actions.

Naghintay ako until 4:30pm; bumalik ako para ipa-print na ang assessment form. At dumaan na ako ng CE Department, nandoon na si Sir Jun.

I then discovered na 20 students lang ang nakapasok sa ESTRUD1, pero fully booked na; dahil sa room A204 -- isang napakaliit na classroom -- pala ang magiging kwarto namin. So ipinabago ni Sir Jun para may iba pang makapasok sa subject. Pero hayun sinabi na balikan ko na lang daw sa susunod na araw, dahil lagpas 5pm na nun (at sarado na ang Registrar). Hayun, wala rin akong napala sa FEU-East Asia that day!

Napadaan na naman ako ng Raon, para bumili uli ng ilang components (related uli doon sa 'binabalak' kong DIY mod sa G2.1u); at agad na rin akong umuwi. Shempre napagod buong araw kaka-biyahe... Hayyy.

5/30/08 08:26 am - First jam with Black Shield

Maaga akong bumiyahe (around 8am) for my first tryout with the band Black Shield. I traveled southbound papuntang SM Mall of Asia, para kitain sina Zigz and Jun... As expected. late ako ng isang oras; nakarating ng 11am instead of 10. Pagkakita naming apat (kasama si Drey), agad na kami bumiyahe pa-Parañaque...

So sa Cherry Studios kami napadpad, sa may BF homes. yup, I was surprised nung nadaanan namin 'yung McDo (looks familiar kasi e!); so I was 100% sure malapit kila [info]onelast_sunset 'yung studio.

Napakaganda ng studio; malawak, maganda ang air conditioning, at hayop sa gamit.

Heto malupet... )

Naging okay naman ang practice namin; though 'di ko pa fully-mastered ang mga piyesa, nakabuo naman kami ng marami. Taenang AC/DC yan, ang hirap kantahin! T___T

So after practice, bumiyahe na ako with Jun, nagpasama sa kanya na magpa-drill ng G2.1u chassis ko, pero sadly hindi daw kaya nung sa machine works na pinuntahan namin, ampotek yan... Then napadalaw ako sa place nila sa Malibay, naki-kain pa ng merienda, at nakapag-copy pa ako ng Rtschrck vids and pics namin nung Ongaku Interrupted.

Rotschreck at Ongaku Interrupted
Rtschrck @ Ongaku Interrupted

LOLZ ang kenkoy ko pala gumalaw nung gig na yon.

Agad na rin akong umuwi around 6pm, at naka-libreng sakay pa ako sa bus. Wahahaha!

5/26/08 08:52 pm - The horrible journey

Just had one of the worst experiences on my way home: after kong dumaan ng Raon para magtingin-tingin ng mga electronic stuffs ('di ko na nagawang pumunta ng school), naisip kong sumakay ng Nova Bayan bus malapit sa Doroteo Jose LRT station, dahil tiyak matindi ang traffic sa Quirino Highway. Alas singko ng hapon na nun...

Malaking pagkakamali.

Unang-una, dahil para kaming nasa loob ng steamer ng siomai/siopao -- anak ng teteng, sumisingaw 'yung init ng makina sa LOOB MISMO NG BUS! At ang malas, nasa gilid ako malapit sa bintana at gulong, na kung saan doon sumisingaw 'yung init ng makina. Nagtiis ako sa puwesto ko hanggang makarating kami sa Malinta tollgate (na halos 45 minutes din dahil matindi ang traffic along A. Bonifacio!), at nagsibabaan ang maraming bus.

Hindi pa doon nagtapos ang kalbaryo; sooooobrang kupad ng usad along Gen. Luis road; at tila naghintuan ang lahat ng sasakyan bago kami makarating ng Vista Verde. Tumirik pa ang bus ng ilang minuto, dahil ang lecheng drayber pinapatay-patay pa 'yung makina kapag humihinto.

Matapos mahigit 30 minutos, nagdesisyon na akong lakarin (at lagpasan) ang mga tila nagingitlog na mgasasakyan -- 18 wheeler, maraming bus, at maraming jeepney... Ilang metro na rin akong nakalagpas ng Vista Verde, saka ko naabutan ang pag-usad ng mga sasakyan. So hayun sumakay ako ng Nova Bayan jeep.

Pagkasakay ko, medyo matindi na uli ang trapik; kaya naisipan ni manong na mag-counterflow sandali para ma-overtake ang ilang trak. Tapos gumilid kami para makadaan 'yung nasa kabilang lane. At minalas na naman -- nasiraan bigla ng gulong 'yung isang van sa kabilang lane, at sa gitna ng daan huminto!

Takte, nag-maniobra bigla 'yung jeepney pabalik -- oo bumalik kami -- at nagdesisyon si manong drayber na sa loob na ng Vista Verde tumahak! Nakakainis, dahil nakasalubong ko uli 'yung sinakyan kong bus kanina. Pffft!

Dahil sa Vista Verde subdivision (at sa kung anu-anung pasikot-sikot na ruta) ang dinaanan, nakalusot na kami (SA WAKAS) uli ng Gen. Luis, sa may Flying V station. Wala ng matinding traffic. Pero si manong drayber nagdesisyong magpa-gas sa Shell (malapit sa Glori), at talagang nagpatagal ng husto ang gunggong! So nilakad ko na mula doon hanggang sa Shelterville terminal, sa soobrang inis!

Kung may dala lang akong FA-MAS rifle tsaka FR-F2 nag-amok na ako!

5/23/08 10:09 pm - After enrollment...

Bumalik ako sa place na pinag-repair ng bag (claimed it), then sa jeans; pero 'di pa daw tapos (around 5pm ko pa daw makukuha). So I decided to spend time sa place ng ate ko -- kumain ng kaunti, and nanood ng Mexican telenovela (nyahaha), Hana Kimi tsaka re-run ng Naruto...

Pagkatapos makuha ang aking my jeans (na naging shorts na, yeeyy haha!), agad na akong bumiyahe pauwi sa amin... Pagdating ng Bayan, nakatanggap ako ng text from Rainey; sabi niya nasa Bayan din daw siya, nasa parlor...

After a series of text messages (and a bit of confusion), napuntahan ko siya sa John Stevens parlor malapit sa Simbahan; and found out na nagpa-rebond sila ni Zel doon. So ayun, magdamag ko silang sinamahan for more than 4 hours -- kumustahan blues, biruan and kwentuhan. Nilibre ko rin sila ng burger (haha, parang McDo), dahil nagutom sila sa tagal ng pagpapa-rebond nila...

Natapos na sila pasado alas diyes, so pagkatapos nag-food trip kami sa C5, doon sa famous Ongpin Estero place, na China Pot na ang pangalan niya ngayon -- the home of the killer beef mami! Um-order lang kami ng 1 beef mami at 1 pancit canton. Hayun, solb sa busog! Nabundat tuloy si Zel, haha!

Then hinatid ko na sila pauwi ng Villa Matilde (sa dorm); gusto pa sana magpuyat ni Rainey (mag-DarkRO ba naman daw!), per hayun sinabihan kong magpahinga na lang, dahil alas otso pa ang pasok niya. Then bumiyahe na ako pauwi, nakauwi ng bahay around 1am.

Anyways, napawi ang pagka-badtrip ko sa enrollment chuchu sa school; and angsaya saya talaga nilang kasama, as in. ^___^
Powered by LiveJournal.com

Advertisement

Customize