Home

Advertisement

Customize

Neil Alex™ Journal

~xelalien's misadventures~

9/1/08 02:19 am - Rockin' the Orient aftermaths

Rockin' the One Luv

Sunday, August 24, 2008 - Off I went to Gig Studio for Rtschrck's band practice. Me and [info]ilovelava_5 arrived late; we'd thought the practice was scheduled at 3 to 5pm, but actually it was moved to 2 to 4pm. Luckily, we had an ample time to jam the whole set.

After practice, we stayed a bit outside and ate some food; then apparently I met a fellow PhilMusic forumite, also waiting for their band practice. Off we traveled to Sucat past 5pm; and since it was a Sunday, the trip duration was relatively short, and we managed to arrive around 6:30 pm.

Upon arrival at One Luv Reggae Bar, my Black Shield bandmate Zigz already set up his rig; and Drey was the only one we're waiting for. Then we started to play past 7pm as he arrived. We (Black Shield) had a good performance that night. Afterwards, I them mingled with some folks, while taking pictures of other bands. That time, the bar is then filled, majority are Koreans.

Do'ahou then played fifth, and we were also able to put up a good show, with our set. ^___^ A lot of bands also played well (and caught my surprise), especially JFK (Jun played bass with them) and Mango Tigers. Rtschrck was the last band to play; we did a good job, but I wasn't satisfied with my sound (maybe it was the amp I used, because the speakers sounded broken). Overall, it was a great night!

After the gig, me and my Rtschrck bandmates still stayed a bit inside the bar, before we, with Elle and other [info]juujiro_ml peeps, decided to journey near Luciel's place at Pasig, and stayed at the drinking place there (where we celebrated his birthday last week). Tita Bong, the manager of HarakiriJiro, and two of the band members also arrived more than an hour later, while I was busy playing billiards with [info]ilovelava_5 and Elle. Stayed there until past 5am (I guess?), only drank a bit, and shared stories.

I arrived home past 6am, very groggy; but I only have to sleep for a few hours, because of a family appointment later on.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Some thoughts

»» First and foremost, I'd like to thank Tita Bong and the rest of the Prime Entertainment Productions for inviting Black Shield, Rtschrck and Do'ahou. Also want to thank the other peeps who gave support (especially to Elle for capturing some pics and for always bein' there with us), and to the staff of One Luv Reggae Bar.

See you all in the next upcoming gigs! \m/

»» By the way, here are the gig pics:

( Rockin' the Orient Multiply gallery )

Too bad, some pics were not saved, because I didn't noticed the SD card memory became full!

... )

»» Oh no, the final exams week is near, and so I face the final curtain... I have to pay for my tuition, plus finish my ESTHEO2, ESTRUD1 and EPRECON requirements as soon as possible. This means little sleep left for me. =___=;

»» I really have a very very difficult time updating my journal, and uploading some gig pics, due to the busy schedule I have. Hopefully I could catch up and post some minor updates in my life!

8/26/08 07:57 pm - School blues + isa na namang Open Genre Nyt gig

Iskul Blos

Thursday, 2008.08.21 - This time, napakaaga kong pumasok ng school for our ESURVEY class (mahigit 30 minutes akong maaga haha), as in... Normal lecture lang ang nangyari.

After that class, nag-internet ako sa labas, at tinapos ko ang dalawang reports (hard copy, and PowerPoint presentation) for ECECTV1. Hindi ko tuloy nagawang pasukan ang EPRECON class namin.

Tapos nung ECECTV1, nag-quiz kami (na nahirapan kaming sagutan T___T), tapos nag-reporting kami ng isa kong kaklase. Ayun, sinabon kami ng prof namin, kesyo 'di daw mabasa ang PowerPoint text namin (pero nababasa naman ng mga kaklase namin haha), tapos nagtatanong pa ng kung anu-anong rhetorical questions. Then in-announce niya na kailangan naming mag-formal attire daw (!?) sa next meeting namin, na kung saan ire-report namin ang case study (kuno) namin. Yeah right!

And nag-normal lecture lang kami nung ESTHEO2; again, dahil naging matindi ang discussion (fast-paced tapos maraming solutions), kinuhanan ko na naman ng pics ang mga sinulat na notes sa whiteboard. Sa sobrang dami, naka-limang pages ng bond paper lahat-lahat.

( Superposition Method + Portal, Cantilever and Factor Methods )

Pagkatapos ng klase, dumaan muna ako sa ate ko para makapag-hapunan.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Upin Janra Nayt

Agad na rin akong dumerecho ng One Luv Reggae Bar afterwards, pero medyo nahirapang makasakay sa Pasay Rotonda, dahil inakala kong may Sucat FX na nakapila doon. So nag-jeep na lang ako, kaya late akong nakarating.

Bale 2nd kaming tumugtog (unang sumalang ang The Guy Upstairs). Si Elle lang ang tanging audience namin nung gabing iyon (siya rin ang tumayong camerawoman namin haha). Wala pang sampung banda ang tumugtog, kaya agad natapos ang Open Genre Nyt.

After ng tugtugan, nagdesisyon kaming magkakabanda (at si Elle) kumain sa Chowking. At ibinaba na lang nila ako sa EDSA, pasakay ng Fairview bus. Pasado ala-una akong nakauwi ng bahay. Walang tulugan na naman!!!

8/26/08 05:29 pm - My first practice sa Malibay

Tuesday, 2008.08.19 - Again, ordinary reporting lang sa ENGIGEO, pero nakapag-quiz naman kami (essay-type). After ng klase, nag-internet pa ako hanggang gabi, then dumeretso na ako kila Jun.

First time naming nakapag-practice na kumpleto kaming apat sa studio a few steps from Jun and his wife Dudes' place sa loob mismo ng Malibay, Pasay. Okay naman ang studio, maluwag ang space, and considerable naman ang gamit. Sulit naman ang dalawang oras, dahil 'yun na lang ang kaisa-isa naming practice bago sumalang sa isa na namang Open Genre Nyt sa One Luv Reggae Bar.

Pasado alas onse na nung magdesisyon kaming umuwi; pero natagalan ang labas namin sa Malibay, dahil nasiraan pa 'yung tsikot ni Zigz. And medyo nahirapan pa akong makasakay pauwi, dahil madalang ang bus nung mga oras na iyon. Alas dos na ako nakauwi ng bahay.      

8/4/08 10:55 am - Yet another School Blues + Black Shield gig entry

Eskwela blues ulit...

Ordinary day sa school -- nag-lecture lang sa ESURVEY, EPRECON; nag-reporting lang sa ECECTV1, at nag-lecure and quiz sa ESTHEO2. Dere-derecho ang klase ko, kaya hindi ko namalayan na mabilis lumipas ang araw sa loob ng eskwela.

Mabuti at tinanggap pa rin ng prof namin sa EPRECON ang gawa namin, kahit late na. And by next week magde-design naman kami ng one-way slab, tapos design sa purlins at truss naman sa ESTRUD1. Tapos sisimulan ko na talaga ang plates sa ESTHEO2. Nalalapit na rin pala ang finals namin, ilang weeks na lang ang bibilangin... Haaay.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



And yet a horrible journey...

After school, agad na rin akong bumiyahe papuntang Sucat; pero sadyang minalas pa ako sa biyahe. Bale nag-LRT-3 ako papuntang Cubao; then napakaraming tao sa MRT Cubao station -- inabot ako ng almost 30 minutos sa pagpila ng single journey ticket.

Pero hindi pa doon nagtapos, dahil nahirapan ako lalo sumalay ng Sucat bus sa Magallanes. nagtagal ako doon for another 30 minutes, at naka-kapit na ako sa pasukan ng bus sa sobrang siksikan ng tao! Pero nakaluwag naman pagdating ng Bicutan, whew. (Good thing is, hindi pa ako nakapagbayad, nyok nyok!)

Pasado alas nuwebe na ako nakarating, at nandoon nakatambay sa labas ang mga kabanda ko, kasama ang The Guy Upstairs pipol. Naki-idlip pa ako sa tsikot ni Drey bago kami umakyat. Bale pang-pito kaming tumugtog.

Naunang tumugtog ang mga hardcore/emo core dudes, then before kami, tumugtug muna ang The Guy Upstairs. Bale apat na kanta ang tinugtog nila (instead of 3 -- sinabihan kami ng isa sa mga taga-doon sa bar na may hinatak silang guest band). So hayun nag-four songs na rin kami, at naging masaya naman ang tugtugan namin (much better than last week). At nakilala din namin ang ibang banda na old school rock din ang tugtugan, especially ang Snakebite band, na pawang mga malulupet haha!

Tinapos namin ang tugtugan up to the last performer (na may gitaristang Caucasian na malaki ang pedalboard!), and past 3am na nung sumibat na kami, bale nakisabay ako sa tsikot ni Lucky (officemate ni Jun), at sumakay ng bus.

At nung pauwi na ako, minalas ulit ako dahil naiwan ko ang file case ko (na ang laman ay mga school projects ko) sa tsikot ni Drey. Ee saktong paubos na pala ang gas ng tsikot niya; so nakipagkita ako sa kanya sa katipunan area pa para kunin yung file case. And past 6am na ako tuloy nakauwi ng bahay! ;p

( For Multiply contacts only: 2008.07.31 One Luv Reggae Bar pics )

Minalas man sa biyahe, solbaks naman sa tugtugan. ^___^

7/26/08 12:35 pm - Studies and Rock n' Roll!

Ordinaryong eskwela blues na naman

Late akong nakarating ng school, dahil medyo nag-petiks ako sa bahay bago nakaalis nung umaga, at hayun more that 30 minutes akong late for ESURVEY class.

As usual, nag-internet ako during break, tapos nag-quiz kami sa EPRECON. Madali lang sana eh, dadalawang problems lang; pero hayun na-mental block na naman ako sa quiz. May nasagutan naman, pero hindi pa ron sigurado, dahil wala sa multiple choices ang mga sagot. Haay gulay!

Tapos nag-reporting ulit habang ECECTV1 class namin... As usual, natagalan na naman sa pag-setup ng PC at projector; tapos medyo matagal nakipag-usap pa ang prof namin sa mga JPICE officers (siya nga kasi ang adviser ng JPICE), kaya habang busy sila nag-uusap, nag-Kodakan kaming magkakaklase, courtesy of my digicam na dinala. (Entry to be edited, ilalagay ko ang pics mamaya!)

Tapos nag-discussion magdamag sa ESTHEO2 class, at nagpa-quiz ba naman ang prof namin (na puro madadaling items daw). Tsk tsk, hayun one out of three problems lang ang nasagutan ko, dahil wala naghahang na ang utak ko nun. Tas medyo inaasar pa ng prof namin 'yung mga kaklase kong nagsi-inuman nung weekend birthday party, na kesyo inuuna pa daw mag-celebrate bago tapusin ang plates namin. Honga naman, wala pa sa amin ang nagsisimulang gawin ang mahigit 100 problems! Tsk tsk... Oh well.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Black Shield band's second gig

Dali-dali na akong bumiyahe papuntang One Luv Reggae bar pagkatapos ng klase -- nagbihis muna ako (at naglabas ng sama ng loob sa C.R.), at instead na bumiyahe ako via LRT1 line, nagdesisyon akong mag-LRT3 at nag-Cubao ako, then MRT hanggang Magallanes station. Then inabot na ako ng matinding ulan sa puntong iyon; umandar bigla ang adrenaline ko at tinawid ko ang gilid ng flyover para makapuwesto sa tabi ng kalye, at hayun nakasakay naman agad ng Sucat bus. Mabuti na lang tumila na ang ulan pagbaba ko ng Sucat, at pagdating ko sa labas ng bar, ako na lang ang hinihintay, at nagsi-pasukan kaming magkakabanda, including Zigz's misis (na acting manager namin hehe).

Kami ang unang dumating na pipol, tapos unti-unting nagsidatingan ang mga tao, at ibang banda. Pasado alas nuwebe na nagsimula ang tugtugan, dahil natagalan ang pagdating ng taong kumakalikot ng mixer. Bale first band ulit kami, at nagtatlong kanta lang kami -- dalawang Razorback at isang Foghat cover.

Kasabay ng tugtog namin, may mamang nag-video ng performance namin, na isang personnel ng Red Horse Muziklaban. Earlier, nilapitan nila kami, at kinumbinsi kaming sumali;pero ayun nga sabi niya irerecord niya ang performance namin as entry sa screening. So pagkatapos namin tumugtog, pinirmahan na ni Zigz ang application form namin.

Then pinanood namin ang sumunod na banda sa amin, ang Guy Upstairs. Nagustuhan daw nila ang set namin, and after nilang tumugtog, naka-chikahan namin silang lahat. Mga PhilMusic forumites din pala sila; at regular sila sa One Luv tuwing Thursdays. (At nalaman naming pen genre day pala kada Huwebes doon.) Pero hayun naka-areglo na namin si Paolo, and next week balik uli kami doon. Yahuu!!

Pasado alas one ng gabi na kami nagdesisyong lumarga; at nakisabay ako kila Zigz papuntang EDSA, at nakasakay ng Novaliches bus pauwi. Quarter to 2am na ako nakauwi ng bahay, bangag na bangag.

7/20/08 09:25 pm - Happy hours sa One Luv Reggae Bar!

First thing in the morning, hindi ko nagawang pasukan ang ESTRUD1 class ko; tinamad na ako dahil medyo masama ang pakiramdam ko, and kinalikot ko na lang buong umaga yung G2.1u ko (natapos ko na sa wakas 'yung modifications sa prototype switch). And of course, nag-memorize pa ako ng lyrics all day (ahaha)...

Then past 3pm na ako nakaalis ng bahay. Then akalain ko ba namanag makasalubong ko bigla ang mom ko, na dala ang sasakyan niya, with groceries! Nagmamadali na akong umalis papuntang MOA (supposedly kita kits kami nila Zigz doon), but my mom insisted me na sumabay sa kanila pauwi. So ayun, tumulong pa ako sa pagbubuhat ng stuff in/out sa sasakyan. T___T

Then hinatid ako nila mom sa Quezon Ave MRT station, at dumerecho na ako ng Sucat, dahil di na ako aabot ng 5pm sa MOA. Saktong 6pm ako nakarating ng One Luv Reggae Bar; at naabutan kong naglilinis pa lang ng venue, at mga [info]juujiro_ml peeps pa lang ang nandoon. So kumain pa ako sandali sa malapit na carinderia (at naiwala ko pa ang takip ng USB player ko in the process~ T___T).

Agad na rin nakarating sina Zigz (kasama ang misis) and Drey; then later on sina Jun, Luciel, [info]ilovelava_5 and Tan naman. Hindi na nagawang sumipot ang isa naming gitarista na si Nestor, dahil tinulugan ba naman kami! (Puyat daw from last night gig with his other band). So definitely he got the boot. Hindi agad nagsimula ang event, dahil inayos pa ang sirang drum snare. So ayun nagdatingan na rin ang mga ibang banda (and other visitors pa), kaya jam-packed na rin bago kami sumalang.

So first band tumugtog for the night ang *ahem* Black Shield. Pagkabanggit ko pa nga lang ng title ng 1st song namin (which was a cover of "Payaso" by Razorback), humirit pa nga yung isang taga-doon sa bar, "sige nga!". So hayun pinakitaan namin sila ng rakenrol (haha!), and masaya naman ang naging feedback nilang lahat. Not bad for our debut gig huh! ;) After naming tumugtog, sa wakas nakainom na rin ako ng beer.

Then nagsitugtugan na ang mga ibang jap-influenced bands,and in the process hiniram nilang lahat 'yung kurdon ko (hehe). Then may tumugotg na band na puro compo na mellow ang tugtugan (that was Lirag). Maganda rin ang naging tugtog ng HarakiriJiro that night; hindi namin expected na magco-cover sila ng OPM ("Elesi" by Rivermaya!) -- astig, di ba...

After nila tumugtog, it was Rtschrck's turn naman. Before kami sumalang, medyo kabado ako dahil skeptic ako sa quality nung amps (Laney, and an ond school Korg amp), dahil yung mga bands na tumugtog bago kami, hindi masyado marinig ang guitar (parang lubog ba siya sa mix). So nung kami na, mabuti na lang at dinig kami pareho ni [info]ilovelava_5; the problem naman is, malakas masyado, dahil kailangan naming pumantay sa level ng drums; at dahil kulob pa ang venue. Naging maganda rin naman ang tugtog namin, hehe.

Tinapos namin ang buong event, mula sa 7Thursday at Harap.Sa.Likod (both bands hiniram uli ang kurdon ko hehe -- instant krdon ng bayan lolz), up to the last performers My Odessa (nakabili na ako ng album nila, with aiutograph pa, ayiiiee!) -- medyo LSS na nga kami sa Sweet Child O' Mine, at sa mga da moves nila onstage hehe; and the project band ng mga bar owners (reggae night na 'yun). I also had the chance to mingle with people the whole night, especially sa mga [info]juujiro_ml peeps na 'di ko masyado nakakausap. Then bago kami bumiyahe paalis nung madaling araw, nag-videoke shownown pa kami ni Luciel. Shakira ba naman ang kinanta namin, haha!

Nag-taxi kami nila Jun, Elle and [info]ilovelava_5 patungo sa place nila Luciel past 3am na, at pinanood namin ang recorded performance namin, courtesy of Elle. Hebigats talaga ang tunog namin that night, at dinig namanlahat ng instruments. Agad na rin ako nilang hinatid pasakay pauwi.

Around 5am na ako nakauwi, break of dawn na hehe. Again, thanks sa Juujiro and One Luv Reggae bar for making the event possible. Thanks din sa mga nanood at sumuporta sa amin; thanks din kila Aru, and sa Raika peeps para dun sa libreng 'shot' nyo hehe. Solb na solb talaga ang gabi, ang saya talaga!

7/18/08 05:35 pm - Post-midterm randoms

»» Super aga kong nakarating ng school for my ESURVEY class. Nag-lecture lang kami, and received our midterm exam results. I was really surprised dahil naka-92 pa ako (isa lang ang mali)!

At hindi lang 'yon, nag-compute pa kami ng grade (tulad ng ginawa namin sa ENGIGEO), and lumabas na ako ang highest among the class. Wahahaha, chamba!

Normal lecture lang naman kami sa EPRECON, nag-reporting lang ako sa ECECTV1, at nag-sleepy lecture kami sa ESTHEO2... Sleepy, dahil sobrang tinamaan na ako ng antok nung period na 'yon, sa sobrang lamig ng classroom dulot ng aircon. =___=;

»» Nung napadaan ako sa CE Faculty para ibalik ang projector (after my report sa ECECTV1), nakasalubong ko ang mga classmates ko sa ENGIGEO (mga on-term 4th year scholars), na officers ng JPICE (a Civil Engineering org sa school). Apparently, out of the blue I was invited by Carmina (one of the classmates). Napa-isip tuloy ako...

More details coming soon... (I'll make a separate entry about this, hehe!)

»» Na-cancel ang supposed-to-be emergency rehearsal ng Black Shield, kaya hayun derecho sabak na lang kami sa Sabado... Haay, magme-memorize pa ako ng ilang kanta. Good luck! T___T Hindi na rin ako nakapunta sa jam ng Do'ahou (natuloy ba?), dahil kinailangan kong pumunta kila ate.

»» Agad naman akong pumunta sa place ng ate ko para makakin ng dinner kasama ang mom ko, and nag-uwi pa ako ng ilang items galing sa balikbayan box, dahil paubos na ang resources sa refrigerator namin sa Shelterville. Around 10pm na ako nakauwi ng bahay, at bumawi agad ng tulog.

»» This Sunday naman nag-set ng lakad ang mom ko; punta daw kami sa dentista (finally makakapag-checkup na uli ako ng teeth) and grocery na rin. So which means after Saturday gig e dapat kong dumerecho agad kila ate. =___=;

»» Nag-iisip ako kung mag-G2.1u lang ako sa Sabado, or mag-hybrid setup (bale kasama ang dirt analog pedals)... Testing ko na lang sa practice namin kung aling setup ang mas effective; at sana maganda 'yung amp sa venue...

Anyways, plug ko lang:

Untitled

Malapit lang 'to kila [info]onelast_sunset; and I guess main band ng event ang My Odessa, dahil magbebenta sila ng album nila doon. Kita kits na lang, hehe!

7/12/08 06:11 am - Black Shiled Practice + Doughnuts

Ordinary day again sa school -- nag-lecture lang kami sa ESTRUD1 ng bagong topic, na isasama sa exam namin sa Sabado. Then nag-quiz kami sa ESURVEL, pero hayun mukhang bokya dahil hindi ako nakapag-aral ng mabuti. T___T

After school, nag-internet ako ng kaunti, then dumerecho na ako ng Mall of Asia, at naghintay ng matagal kila Drey. Past 6pm siya lumabas from Dell, at sinabing matatagalan pa ang alis namin, dahil may tinatapos pa daw siyang report. (BTW, sasabay uli kaming magkakabanda sa auto niya papunta sa studio.)

Habang naghihintay, bumili ako ng pagkain dahil sa sobrang gutom ko that time; at naisipan kong tikman ang Krispy Kreme doughnuts. Bale 2 piraso lang ang binili ko (30+ Php pala ang isa):

Caramel Kreme Crunch
Mmmm, that Caramel Kreme Crunch...



Beware lang sa mga kakain ng doughnut variant na ito -- maghanda na kayo ng tissue dahil baka sa pagkagat nyo ay umapaw ang rich rich caramel filling nito. Grabe, solb na solb sa lasa!

Caramel Kreme Crunch
...and that Glazed Chocolate Cake (na kinagat ko na)



Literal na cake nga ang variant na 'to; sing-lambot at sing-sarap talaga ng cake. BTW, isa pang tip: maghanda rin kayo ng tubig, para ma-enjoy nyo ng lubusan ang pagkain ng Krispy Kreme. Grabe sa tamis, as in! Walang sinabi ang Dunkin or Mister Donut dito.

Back to our regular programming: around 7pm na kami nakaalis ng MOA. Again, slow ride na naman sa South Superhighway -- grabehan pala ang tindi ng traffic sa expressway sa ganung oras... Kaya past 8pm na kami nakarating sa Cherry Studios.

Naging maganda naman ang ensayo namin -- mas 'kapit' na kami compared sa last week's practice. Pagkatapos ng ensayo, sobrang bangag na ako sa antok, at naki-sabay kami kay Drey pauwi ng Cubao. Pasado alas dose na ako nakauwi ng bahay; hindi ako agad natulog dahil kailangan ko pang mag-review for EPRECON exams the following day. (Iyak-tawa na lang ako... T___T)

7/4/08 02:01 am - Mga pangyayari sa school...

Again bumiyahe ako via Quirino Highway papunntang school, and 15 minutes akong late for ESTRUD1 class. Hayu, discussion lang, and next meeting may quiz daw kami.

Then dala-dala ko ang G2.1u ko, my soldering stuffs, and my DIY triple momentary switch na pilit kong tinatapos. Malas lang dahil wala akong dalang soldering paste. hayun, isang switch na lang ang iko-connect ko. Nagbaon din ako that day, kaya nagpalipas-oras lang ako sa bakanteng classroom, kumain ng baon at nag-solder.

Nag-quiz kami nung ESURVEL class namin, and panibagong lecture ulit. Maaga naman akong nakalabas, dahil mabilis kong natapos ang quiz. Nag-internet ako sa NABS, bago bumiyahe papuntang Mall Of Asia.

Pasado alas singko na ako nung tumambay sa tapat ng DELL, at 'di ko ma-reply-an satext yung kabanda ko, dahil naubusan ng load (nakitext pa ako sa isang stranger hehe). Pero hayun sinundo na ako nina Drey and JR (our new guitarist), then sinundo si Jun sa Malibay, and dumerecho na kami ng Cherry Studios,for another Black Shield practice.

Naging okay naman ang practice namin that night, and pasado alas nuwebe nakami nagdesisyong umuwi. Naki-ride kami ni JR sa sasakyan ni Drey until Cubao, kaya napabilis na rin ang biyahe ko pauwi. Saktong midnight na ako nakauwi.

6/2/08 02:53 pm - Tiring (Yet Fun) Sunday ~rehearsals galore~

Medyo hindi ako nakaalis ng maaga (pasado alas nuwebe na); at nagdesisyon na akong dumerecho sa Cherry Studios, instead of meeting up with Zigz sa SM Mall of Asia. So ayun, inabot ako around 3 hours (!) para makarating ng Sucat, dahil madalang ang bus kapag Sunday! X___x

Pasado 12 noon na ako nakarating, pero naging swabe naman ang practice. Sinama din ni Zigz ang misis niyang si LJ (ang acting manager ng Black Shield, hehe). Nairecord pa niya 'yung rehearsal namin all throughout; huling huli yung piyok ko! T___T

Then 30 minutes before 2pm bumisita sa practice namin si [info]onelast_sunset; the night before naka-chat ko kasi siya, at niyaya ko kasing manood, since malapit lang sa kanila. Haha! Nakilala din niya ang mga kabanda ko, then after practice lahat kami nag-chikahan blues sandali. Past 3pm na kami nagdesisyong lumarga lahat; at dumaan muna kami sa bahay ni Zigz, dahil nagpa-burn pa ako sa kanya ng data CD's (installers and mp3). Then hinatid na kaming tatlo nila Jun and Drey sa SM Mall of Asia.

Then sinama ako nilang dalawa sa opisina ng Dell, at nilibre nila ako ng food (!!!), dahil mahigit 3000 worth na pala ang mealcard niya. Hanep yung canteen nila, may recreation room pa na puwedeng mag-PC games, bilyar at kung anu-ano. Syet!!!

At home ka dito sa DELL! Nyehehehe...
"Pare magsi-C.R. ka ba? Doon sa kaliwa. Wag kayo mahiya sa pamamahay ko..." Wahehehe!



Pagkatapos, saka na kami lumarga ni Jun papuntang Gig Studio, via MRT, then trrike sa Cubao. Na-late kami ng 30 minutes, pero mas late dumating si [info]mike5150. Haha! And mas maganda ang tunog namin compared sa yaesterday's practice. At na-meet pa namin doon sina Mike Abrigo, tsaka si Jorel (at ang banda niyang Basilica). Tambay/kain lang kami after practice, then sabay-sabay na rin kami umuwi past 10pm.

Whew, lupaypay ako pagkauwi dahil sa pagod sa biyahe!

5/30/08 08:26 am - First jam with Black Shield

Maaga akong bumiyahe (around 8am) for my first tryout with the band Black Shield. I traveled southbound papuntang SM Mall of Asia, para kitain sina Zigz and Jun... As expected. late ako ng isang oras; nakarating ng 11am instead of 10. Pagkakita naming apat (kasama si Drey), agad na kami bumiyahe pa-Parañaque...

So sa Cherry Studios kami napadpad, sa may BF homes. yup, I was surprised nung nadaanan namin 'yung McDo (looks familiar kasi e!); so I was 100% sure malapit kila [info]onelast_sunset 'yung studio.

Napakaganda ng studio; malawak, maganda ang air conditioning, at hayop sa gamit.

Heto malupet... )

Naging okay naman ang practice namin; though 'di ko pa fully-mastered ang mga piyesa, nakabuo naman kami ng marami. Taenang AC/DC yan, ang hirap kantahin! T___T

So after practice, bumiyahe na ako with Jun, nagpasama sa kanya na magpa-drill ng G2.1u chassis ko, pero sadly hindi daw kaya nung sa machine works na pinuntahan namin, ampotek yan... Then napadalaw ako sa place nila sa Malibay, naki-kain pa ng merienda, at nakapag-copy pa ako ng Rtschrck vids and pics namin nung Ongaku Interrupted.

Rotschreck at Ongaku Interrupted
Rtschrck @ Ongaku Interrupted

LOLZ ang kenkoy ko pala gumalaw nung gig na yon.

Agad na rin akong umuwi around 6pm, at naka-libreng sakay pa ako sa bus. Wahahaha!

Powered by LiveJournal.com

Advertisement

Customize