7/4/08 02:01 am - Mga pangyayari sa school...Again bumiyahe ako via Quirino Highway papunntang school, and 15 minutes akong late for ESTRUD1 class. Hayu, discussion lang, and next meeting may quiz daw kami.
Then dala-dala ko ang G2.1u ko, my soldering stuffs, and my DIY triple momentary switch na pilit kong tinatapos. Malas lang dahil wala akong dalang soldering paste. hayun, isang switch na lang ang iko-connect ko. Nagbaon din ako that day, kaya nagpalipas-oras lang ako sa bakanteng classroom, kumain ng baon at nag-solder. Nag-quiz kami nung ESURVEL class namin, and panibagong lecture ulit. Maaga naman akong nakalabas, dahil mabilis kong natapos ang quiz. Nag-internet ako sa NABS, bago bumiyahe papuntang Mall Of Asia. Pasado alas singko na ako nung tumambay sa tapat ng DELL, at 'di ko ma-reply-an satext yung kabanda ko, dahil naubusan ng load (nakitext pa ako sa isang stranger hehe). Pero hayun sinundo na ako nina Drey and JR (our new guitarist), then sinundo si Jun sa Malibay, and dumerecho na kami ng Cherry Studios,for another Black Shield practice. Naging okay naman ang practice namin that night, and pasado alas nuwebe nakami nagdesisyong umuwi. Naki-ride kami ni JR sa sasakyan ni Drey until Cubao, kaya napabilis na rin ang biyahe ko pauwi. Saktong midnight na ako nakauwi. |





Wahahaha!