8/26/08 07:57 pm - School blues + isa na namang Open Genre Nyt gigIskul Blos
Thursday, 2008.08.21 - This time, napakaaga kong pumasok ng school for our ESURVEY class (mahigit 30 minutes akong maaga haha), as in... Normal lecture lang ang nangyari. After that class, nag-internet ako sa labas, at tinapos ko ang dalawang reports (hard copy, and PowerPoint presentation) for ECECTV1. Hindi ko tuloy nagawang pasukan ang EPRECON class namin. Tapos nung ECECTV1, nag-quiz kami (na nahirapan kaming sagutan T___T), tapos nag-reporting kami ng isa kong kaklase. Ayun, sinabon kami ng prof namin, kesyo 'di daw mabasa ang PowerPoint text namin (pero nababasa naman ng mga kaklase namin haha), tapos nagtatanong pa ng kung anu-anong rhetorical questions. Then in-announce niya na kailangan naming mag-formal attire daw (!?) sa next meeting namin, na kung saan ire-report namin ang case study (kuno) namin. Yeah right! And nag-normal lecture lang kami nung ESTHEO2; again, dahil naging matindi ang discussion (fast-paced tapos maraming solutions), kinuhanan ko na naman ng pics ang mga sinulat na notes sa whiteboard. Sa sobrang dami, naka-limang pages ng bond paper lahat-lahat. ( Superposition Method + Portal, Cantilever and Factor Methods ) Pagkatapos ng klase, dumaan muna ako sa ate ko para makapag-hapunan.
Upin Janra Nayt Agad na rin akong dumerecho ng One Luv Reggae Bar afterwards, pero medyo nahirapang makasakay sa Pasay Rotonda, dahil inakala kong may Sucat FX na nakapila doon. So nag-jeep na lang ako, kaya late akong nakarating. Bale 2nd kaming tumugtog (unang sumalang ang The Guy Upstairs). Si Elle lang ang tanging audience namin nung gabing iyon (siya rin ang tumayong camerawoman namin haha). Wala pang sampung banda ang tumugtog, kaya agad natapos ang Open Genre Nyt. After ng tugtugan, nagdesisyon kaming magkakabanda (at si Elle) kumain sa Chowking. At ibinaba na lang nila ako sa EDSA, pasakay ng Fairview bus. Pasado ala-una akong nakauwi ng bahay. Walang tulugan na naman!!! |

Tumawag ako sa mom ko, at sinabing may sakit daw 'yung dentistang kakilala niya. Then 'yung isa pa niyang kakilalang dentista, nagbakasyon naman sa probinsya. So maybe Tuesday afternoon pa ako magpapa-dental check-up.
(Yes, hindi ako natulog agad.) Kinalikot ko rin ang electronics ni 





