Home

Advertisement

Customize

Neil Alex™ Journal

~xelalien's misadventures~

9/1/08 02:19 am - Rockin' the Orient aftermaths

Rockin' the One Luv

Sunday, August 24, 2008 - Off I went to Gig Studio for Rtschrck's band practice. Me and [info]ilovelava_5 arrived late; we'd thought the practice was scheduled at 3 to 5pm, but actually it was moved to 2 to 4pm. Luckily, we had an ample time to jam the whole set.

After practice, we stayed a bit outside and ate some food; then apparently I met a fellow PhilMusic forumite, also waiting for their band practice. Off we traveled to Sucat past 5pm; and since it was a Sunday, the trip duration was relatively short, and we managed to arrive around 6:30 pm.

Upon arrival at One Luv Reggae Bar, my Black Shield bandmate Zigz already set up his rig; and Drey was the only one we're waiting for. Then we started to play past 7pm as he arrived. We (Black Shield) had a good performance that night. Afterwards, I them mingled with some folks, while taking pictures of other bands. That time, the bar is then filled, majority are Koreans.

Do'ahou then played fifth, and we were also able to put up a good show, with our set. ^___^ A lot of bands also played well (and caught my surprise), especially JFK (Jun played bass with them) and Mango Tigers. Rtschrck was the last band to play; we did a good job, but I wasn't satisfied with my sound (maybe it was the amp I used, because the speakers sounded broken). Overall, it was a great night!

After the gig, me and my Rtschrck bandmates still stayed a bit inside the bar, before we, with Elle and other [info]juujiro_ml peeps, decided to journey near Luciel's place at Pasig, and stayed at the drinking place there (where we celebrated his birthday last week). Tita Bong, the manager of HarakiriJiro, and two of the band members also arrived more than an hour later, while I was busy playing billiards with [info]ilovelava_5 and Elle. Stayed there until past 5am (I guess?), only drank a bit, and shared stories.

I arrived home past 6am, very groggy; but I only have to sleep for a few hours, because of a family appointment later on.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Some thoughts

»» First and foremost, I'd like to thank Tita Bong and the rest of the Prime Entertainment Productions for inviting Black Shield, Rtschrck and Do'ahou. Also want to thank the other peeps who gave support (especially to Elle for capturing some pics and for always bein' there with us), and to the staff of One Luv Reggae Bar.

See you all in the next upcoming gigs! \m/

»» By the way, here are the gig pics:

( Rockin' the Orient Multiply gallery )

Too bad, some pics were not saved, because I didn't noticed the SD card memory became full!

... )

»» Oh no, the final exams week is near, and so I face the final curtain... I have to pay for my tuition, plus finish my ESTHEO2, ESTRUD1 and EPRECON requirements as soon as possible. This means little sleep left for me. =___=;

»» I really have a very very difficult time updating my journal, and uploading some gig pics, due to the busy schedule I have. Hopefully I could catch up and post some minor updates in my life!

8/26/08 07:57 pm - School blues + isa na namang Open Genre Nyt gig

Iskul Blos

Thursday, 2008.08.21 - This time, napakaaga kong pumasok ng school for our ESURVEY class (mahigit 30 minutes akong maaga haha), as in... Normal lecture lang ang nangyari.

After that class, nag-internet ako sa labas, at tinapos ko ang dalawang reports (hard copy, and PowerPoint presentation) for ECECTV1. Hindi ko tuloy nagawang pasukan ang EPRECON class namin.

Tapos nung ECECTV1, nag-quiz kami (na nahirapan kaming sagutan T___T), tapos nag-reporting kami ng isa kong kaklase. Ayun, sinabon kami ng prof namin, kesyo 'di daw mabasa ang PowerPoint text namin (pero nababasa naman ng mga kaklase namin haha), tapos nagtatanong pa ng kung anu-anong rhetorical questions. Then in-announce niya na kailangan naming mag-formal attire daw (!?) sa next meeting namin, na kung saan ire-report namin ang case study (kuno) namin. Yeah right!

And nag-normal lecture lang kami nung ESTHEO2; again, dahil naging matindi ang discussion (fast-paced tapos maraming solutions), kinuhanan ko na naman ng pics ang mga sinulat na notes sa whiteboard. Sa sobrang dami, naka-limang pages ng bond paper lahat-lahat.

( Superposition Method + Portal, Cantilever and Factor Methods )

Pagkatapos ng klase, dumaan muna ako sa ate ko para makapag-hapunan.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Upin Janra Nayt

Agad na rin akong dumerecho ng One Luv Reggae Bar afterwards, pero medyo nahirapang makasakay sa Pasay Rotonda, dahil inakala kong may Sucat FX na nakapila doon. So nag-jeep na lang ako, kaya late akong nakarating.

Bale 2nd kaming tumugtog (unang sumalang ang The Guy Upstairs). Si Elle lang ang tanging audience namin nung gabing iyon (siya rin ang tumayong camerawoman namin haha). Wala pang sampung banda ang tumugtog, kaya agad natapos ang Open Genre Nyt.

After ng tugtugan, nagdesisyon kaming magkakabanda (at si Elle) kumain sa Chowking. At ibinaba na lang nila ako sa EDSA, pasakay ng Fairview bus. Pasado ala-una akong nakauwi ng bahay. Walang tulugan na naman!!!

8/24/08 04:17 pm - Yet another jam with Magnum Opus

Friday, 2008.08.15 - Again, had another ENGIGEO film showing day. After school, nag-internet ako sandali, at saka bumiyahe na ako papuntang Delta, para kitain ang Magnum Opus. Bale sa isang bahay malapit doon sa Sunshine Blvd. (na pag-aari yata ni Boss Mike -- if I'm correct -- ang tumatayong 'manager' nila, and organizer ng gig that night) ang practice, kumpleto pa sa gamit. Na-meet ko pa ang vocalist nilang si Ian sa iba pa nilang band, ang Gone Wild. Then after practice sinamahan ko pa si Melo na makipagkita sa ka-deal niya regarding sa Transformer action figure. Collector din pala siya hehe. Grabe ang buhos ng ulan nung gabing iyon.

Pagbalik, nag-hapunan kami sa malapit na tapsilogan/binalot na kainan, tapos dumerecho na kami sa Puti Bar sa Timog. Marami na palang tao doon, kahit hindi pa nagsisimula. Pero mga tipong sosyalan ang mga tao, so kakaiba ang ambience. And I've found out na member ng 26K daw ang may-ari ng bar. (FYI: 26K yung 26 girls na nagbibitbit ng briefcases sa show na Deal Or No Deal.)

After some few minutes, saka nagsimulang magdatingan ang mga banda, pati na sina Cris Genato (Shotgun); and doon na-meet din namin ang tatlong bebot na tropa nila Cris (sina Mitch, na nalaman kong mga teens pa), para panoorin at suportahan kami. Tapos dumating din doon ang drummer ng Slapshock na si Chi.

Pangatlong banda na sumalang kami ng Magnum Opus, at medyo hindi ako naging confident sa sarili ko, dahil medyo name-mental block pa ako sa dalawang freshly-memorized songs sa lineup (Deep Purple's "Spece Truckin'" and "Crazy Train" by Ozzy Osbourne). Hindi ko na nagawang i-memorize pa yung ibang songs, kasama na 'yung compo nilang "Kinabukasan", kaya si Cris na ang kumanta sa kanila para doon. Bale limang kanta ang set ng Magnum Opus ng gabing iyon; and fortunately naging malupet naman ang performance. ^___^v

After ng tugtugan, petiks na ako nun all throughout the night kaka-inom ng beer, at picture picture around. Nakakuha pa ako ng litrato with the actor Jeffrey Santos, na tropa pala ni Boss Mike. Tapos nalibre pa ako ni Mike Kano (drummer ng Magnum) ng T-Bone Steak sa katabing Slice n' Dice ('yung Php99 steak na kainan). Mmmmm!

Nagdesison na kaming umuwi past 1am na, while tumutugtug yung Bandang Quadro -- 'yung may pinoy rock-influenced vocalist na 'clone ni Dong' (vox ng Bernardo Carpio) hehe... Habang naki=hitch ako ng ride pauwi, binibiro pa ako nila Melo, dahil sa paglibre sa akin ni Mike Kano heheh... Kasabay ko pauwi ng Fairview si Cris, at pasado alas tres na ako nakauwi ng bahay. Solb na solb, as in!

( Rite of Passage pic gallery )

Nagpapasalamat ako sa Magnum Opus, for again inviting me to jam with them; grabe, once-in-a-blue-moon opportunity ang maka-jam ko ang mga magagaling na nilalang na tulad nila. Thanks din kay Boss Mike (ser send ko agad 'yung pix, nagloloko 'yung card reader ko e hehe) for making the gig possible. Bale sa September 15 may jam uli kami; tapos kasama ring ututgtog ang Do'ahou doon. So kita-kits na lang hehe!

8/22/08 06:19 pm - Another same ol' Thursday entry...

Eskwela na naman

Thursday, 2008.08.14 - As usual, na-late ako ng dating for ESURVEY, pero nakapag-quiz naman ako, at sure pass naman heheh.

Tapos, nag-quiz kami sa EPRECON, and nahirapan ako (dahil hindi ako masyadong nag-aral, hehehe) sa pagsagot, pero out of 15 items naka-siyam naman ako. T___T

Nung ECECTV1 naman, nagpakitang-gilas naman ang prof namin sa ECECTV1, at siya naman ang nag-report ng PowerPoint presentation sa amin. Nandoon kasi ang CE Chairman namin, nag-oobserve kung paano siya magturo hehehe... (Kaso, na-tense ang prof namin, at nauutal pa!)

At nung ESTHEO2, mahaba-habang lecture na naman kami, kaya 'di ko nagawang magsulat ng notes; balik uli ako sa digicam mode hehehe... Nagawa ko pang kunan ang mga kaklase ko hehehe!

Feeling seryoso sa lesson haha!
Feeling seryoso sa lesson haha!

Some more pics here )

Marami din ang hindi nakasabay sa kopyahan ng notes dahil sa bilis ng turo ng prof namin (at sa mahaba-habang sulat ng solution), kaya marami ang gustong makakuha ng kopya ng 'notes' ko. ;p

( Moment Distribution Method for Frames w/ Sidesway )

Click the link to download, haha!


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Another Open Genre Nyt @ One Luv

Pagkatapos ng klase, dali-dali na akong bumiyahe papuntang One Luv Reggae Bar, pero sadyang inabutan ng tubig-baha sa gitna ng U-Belt, dala ng matinding ulan na bumuhos habang ESTHEO2 namin. Sinubukan kong lumakad papuntang Doroteo Jose LRT station, pero lagpas sapatos ang baha.

Kaya naglakad na lang ako sa gilid ng kalye from Isetann para makasakay ng Taft jeep. Matagal-tagal din ang usad ng sasakyan, at inabot ng 45 minuto para marating ang U.N. Avenue LRT Station.

Pero hindi pa doon nagtapos ang kalbaryo ko. Mahaba ang pila ng pagbili ng LRT card, tapos matagal bago dumating ang sumunod na tren. Tapos medyo nagsisi ako sa desisyon kong bumaba ng Baclaran station, at sumakay ng Sucat jeep, dahil malubha ang trapik sa Sucat Road ng gabing iyon; tapos mahilig pang mangisda ng pasahero si manong drayber, na akala mo e end of the world na... X___x

Alas nuwebe y medya na ako nakarating ng One Luv Reggae Bar, at wala pang gaanong tao nun, pero nandoon na ang bandang The Guy Upstairs; kaya kami ang unang bandang sumalang. At dahil hindi ko nagawang maisaulo ang lahat ng 4 na bagong kanta sa playlist namin, na-mental block ako sa pagkanta habang sumisilip sa aking munting 'kodigo' ng lyrics sa malayo (haha!). Pati ang mga kabanda ko e maraming sabit din; malamang dahil wala talaga kaming practice bago sumalang sa gig. Bawi na lang kami next time...

Hindi ko rin nagawang makakuha ng mga litrato, dahil naubus ang baterya. :( Malas.

8/4/08 10:55 am - Yet another School Blues + Black Shield gig entry

Eskwela blues ulit...

Ordinary day sa school -- nag-lecture lang sa ESURVEY, EPRECON; nag-reporting lang sa ECECTV1, at nag-lecure and quiz sa ESTHEO2. Dere-derecho ang klase ko, kaya hindi ko namalayan na mabilis lumipas ang araw sa loob ng eskwela.

Mabuti at tinanggap pa rin ng prof namin sa EPRECON ang gawa namin, kahit late na. And by next week magde-design naman kami ng one-way slab, tapos design sa purlins at truss naman sa ESTRUD1. Tapos sisimulan ko na talaga ang plates sa ESTHEO2. Nalalapit na rin pala ang finals namin, ilang weeks na lang ang bibilangin... Haaay.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



And yet a horrible journey...

After school, agad na rin akong bumiyahe papuntang Sucat; pero sadyang minalas pa ako sa biyahe. Bale nag-LRT-3 ako papuntang Cubao; then napakaraming tao sa MRT Cubao station -- inabot ako ng almost 30 minutos sa pagpila ng single journey ticket.

Pero hindi pa doon nagtapos, dahil nahirapan ako lalo sumalay ng Sucat bus sa Magallanes. nagtagal ako doon for another 30 minutes, at naka-kapit na ako sa pasukan ng bus sa sobrang siksikan ng tao! Pero nakaluwag naman pagdating ng Bicutan, whew. (Good thing is, hindi pa ako nakapagbayad, nyok nyok!)

Pasado alas nuwebe na ako nakarating, at nandoon nakatambay sa labas ang mga kabanda ko, kasama ang The Guy Upstairs pipol. Naki-idlip pa ako sa tsikot ni Drey bago kami umakyat. Bale pang-pito kaming tumugtog.

Naunang tumugtog ang mga hardcore/emo core dudes, then before kami, tumugtug muna ang The Guy Upstairs. Bale apat na kanta ang tinugtog nila (instead of 3 -- sinabihan kami ng isa sa mga taga-doon sa bar na may hinatak silang guest band). So hayun nag-four songs na rin kami, at naging masaya naman ang tugtugan namin (much better than last week). At nakilala din namin ang ibang banda na old school rock din ang tugtugan, especially ang Snakebite band, na pawang mga malulupet haha!

Tinapos namin ang tugtugan up to the last performer (na may gitaristang Caucasian na malaki ang pedalboard!), and past 3am na nung sumibat na kami, bale nakisabay ako sa tsikot ni Lucky (officemate ni Jun), at sumakay ng bus.

At nung pauwi na ako, minalas ulit ako dahil naiwan ko ang file case ko (na ang laman ay mga school projects ko) sa tsikot ni Drey. Ee saktong paubos na pala ang gas ng tsikot niya; so nakipagkita ako sa kanya sa katipunan area pa para kunin yung file case. And past 6am na ako tuloy nakauwi ng bahay! ;p

( For Multiply contacts only: 2008.07.31 One Luv Reggae Bar pics )

Minalas man sa biyahe, solbaks naman sa tugtugan. ^___^

7/26/08 12:35 pm - Studies and Rock n' Roll!

Ordinaryong eskwela blues na naman

Late akong nakarating ng school, dahil medyo nag-petiks ako sa bahay bago nakaalis nung umaga, at hayun more that 30 minutes akong late for ESURVEY class.

As usual, nag-internet ako during break, tapos nag-quiz kami sa EPRECON. Madali lang sana eh, dadalawang problems lang; pero hayun na-mental block na naman ako sa quiz. May nasagutan naman, pero hindi pa ron sigurado, dahil wala sa multiple choices ang mga sagot. Haay gulay!

Tapos nag-reporting ulit habang ECECTV1 class namin... As usual, natagalan na naman sa pag-setup ng PC at projector; tapos medyo matagal nakipag-usap pa ang prof namin sa mga JPICE officers (siya nga kasi ang adviser ng JPICE), kaya habang busy sila nag-uusap, nag-Kodakan kaming magkakaklase, courtesy of my digicam na dinala. (Entry to be edited, ilalagay ko ang pics mamaya!)

Tapos nag-discussion magdamag sa ESTHEO2 class, at nagpa-quiz ba naman ang prof namin (na puro madadaling items daw). Tsk tsk, hayun one out of three problems lang ang nasagutan ko, dahil wala naghahang na ang utak ko nun. Tas medyo inaasar pa ng prof namin 'yung mga kaklase kong nagsi-inuman nung weekend birthday party, na kesyo inuuna pa daw mag-celebrate bago tapusin ang plates namin. Honga naman, wala pa sa amin ang nagsisimulang gawin ang mahigit 100 problems! Tsk tsk... Oh well.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Black Shield band's second gig

Dali-dali na akong bumiyahe papuntang One Luv Reggae bar pagkatapos ng klase -- nagbihis muna ako (at naglabas ng sama ng loob sa C.R.), at instead na bumiyahe ako via LRT1 line, nagdesisyon akong mag-LRT3 at nag-Cubao ako, then MRT hanggang Magallanes station. Then inabot na ako ng matinding ulan sa puntong iyon; umandar bigla ang adrenaline ko at tinawid ko ang gilid ng flyover para makapuwesto sa tabi ng kalye, at hayun nakasakay naman agad ng Sucat bus. Mabuti na lang tumila na ang ulan pagbaba ko ng Sucat, at pagdating ko sa labas ng bar, ako na lang ang hinihintay, at nagsi-pasukan kaming magkakabanda, including Zigz's misis (na acting manager namin hehe).

Kami ang unang dumating na pipol, tapos unti-unting nagsidatingan ang mga tao, at ibang banda. Pasado alas nuwebe na nagsimula ang tugtugan, dahil natagalan ang pagdating ng taong kumakalikot ng mixer. Bale first band ulit kami, at nagtatlong kanta lang kami -- dalawang Razorback at isang Foghat cover.

Kasabay ng tugtog namin, may mamang nag-video ng performance namin, na isang personnel ng Red Horse Muziklaban. Earlier, nilapitan nila kami, at kinumbinsi kaming sumali;pero ayun nga sabi niya irerecord niya ang performance namin as entry sa screening. So pagkatapos namin tumugtog, pinirmahan na ni Zigz ang application form namin.

Then pinanood namin ang sumunod na banda sa amin, ang Guy Upstairs. Nagustuhan daw nila ang set namin, and after nilang tumugtog, naka-chikahan namin silang lahat. Mga PhilMusic forumites din pala sila; at regular sila sa One Luv tuwing Thursdays. (At nalaman naming pen genre day pala kada Huwebes doon.) Pero hayun naka-areglo na namin si Paolo, and next week balik uli kami doon. Yahuu!!

Pasado alas one ng gabi na kami nagdesisyong lumarga; at nakisabay ako kila Zigz papuntang EDSA, at nakasakay ng Novaliches bus pauwi. Quarter to 2am na ako nakauwi ng bahay, bangag na bangag.

7/20/08 09:25 pm - Happy hours sa One Luv Reggae Bar!

First thing in the morning, hindi ko nagawang pasukan ang ESTRUD1 class ko; tinamad na ako dahil medyo masama ang pakiramdam ko, and kinalikot ko na lang buong umaga yung G2.1u ko (natapos ko na sa wakas 'yung modifications sa prototype switch). And of course, nag-memorize pa ako ng lyrics all day (ahaha)...

Then past 3pm na ako nakaalis ng bahay. Then akalain ko ba namanag makasalubong ko bigla ang mom ko, na dala ang sasakyan niya, with groceries! Nagmamadali na akong umalis papuntang MOA (supposedly kita kits kami nila Zigz doon), but my mom insisted me na sumabay sa kanila pauwi. So ayun, tumulong pa ako sa pagbubuhat ng stuff in/out sa sasakyan. T___T

Then hinatid ako nila mom sa Quezon Ave MRT station, at dumerecho na ako ng Sucat, dahil di na ako aabot ng 5pm sa MOA. Saktong 6pm ako nakarating ng One Luv Reggae Bar; at naabutan kong naglilinis pa lang ng venue, at mga [info]juujiro_ml peeps pa lang ang nandoon. So kumain pa ako sandali sa malapit na carinderia (at naiwala ko pa ang takip ng USB player ko in the process~ T___T).

Agad na rin nakarating sina Zigz (kasama ang misis) and Drey; then later on sina Jun, Luciel, [info]ilovelava_5 and Tan naman. Hindi na nagawang sumipot ang isa naming gitarista na si Nestor, dahil tinulugan ba naman kami! (Puyat daw from last night gig with his other band). So definitely he got the boot. Hindi agad nagsimula ang event, dahil inayos pa ang sirang drum snare. So ayun nagdatingan na rin ang mga ibang banda (and other visitors pa), kaya jam-packed na rin bago kami sumalang.

So first band tumugtog for the night ang *ahem* Black Shield. Pagkabanggit ko pa nga lang ng title ng 1st song namin (which was a cover of "Payaso" by Razorback), humirit pa nga yung isang taga-doon sa bar, "sige nga!". So hayun pinakitaan namin sila ng rakenrol (haha!), and masaya naman ang naging feedback nilang lahat. Not bad for our debut gig huh! ;) After naming tumugtog, sa wakas nakainom na rin ako ng beer.

Then nagsitugtugan na ang mga ibang jap-influenced bands,and in the process hiniram nilang lahat 'yung kurdon ko (hehe). Then may tumugotg na band na puro compo na mellow ang tugtugan (that was Lirag). Maganda rin ang naging tugtog ng HarakiriJiro that night; hindi namin expected na magco-cover sila ng OPM ("Elesi" by Rivermaya!) -- astig, di ba...

After nila tumugtog, it was Rtschrck's turn naman. Before kami sumalang, medyo kabado ako dahil skeptic ako sa quality nung amps (Laney, and an ond school Korg amp), dahil yung mga bands na tumugtog bago kami, hindi masyado marinig ang guitar (parang lubog ba siya sa mix). So nung kami na, mabuti na lang at dinig kami pareho ni [info]ilovelava_5; the problem naman is, malakas masyado, dahil kailangan naming pumantay sa level ng drums; at dahil kulob pa ang venue. Naging maganda rin naman ang tugtog namin, hehe.

Tinapos namin ang buong event, mula sa 7Thursday at Harap.Sa.Likod (both bands hiniram uli ang kurdon ko hehe -- instant krdon ng bayan lolz), up to the last performers My Odessa (nakabili na ako ng album nila, with aiutograph pa, ayiiiee!) -- medyo LSS na nga kami sa Sweet Child O' Mine, at sa mga da moves nila onstage hehe; and the project band ng mga bar owners (reggae night na 'yun). I also had the chance to mingle with people the whole night, especially sa mga [info]juujiro_ml peeps na 'di ko masyado nakakausap. Then bago kami bumiyahe paalis nung madaling araw, nag-videoke shownown pa kami ni Luciel. Shakira ba naman ang kinanta namin, haha!

Nag-taxi kami nila Jun, Elle and [info]ilovelava_5 patungo sa place nila Luciel past 3am na, at pinanood namin ang recorded performance namin, courtesy of Elle. Hebigats talaga ang tunog namin that night, at dinig namanlahat ng instruments. Agad na rin ako nilang hinatid pasakay pauwi.

Around 5am na ako nakauwi, break of dawn na hehe. Again, thanks sa Juujiro and One Luv Reggae bar for making the event possible. Thanks din sa mga nanood at sumuporta sa amin; thanks din kila Aru, and sa Raika peeps para dun sa libreng 'shot' nyo hehe. Solb na solb talaga ang gabi, ang saya talaga!

7/18/08 05:35 pm - Post-midterm randoms

»» Super aga kong nakarating ng school for my ESURVEY class. Nag-lecture lang kami, and received our midterm exam results. I was really surprised dahil naka-92 pa ako (isa lang ang mali)!

At hindi lang 'yon, nag-compute pa kami ng grade (tulad ng ginawa namin sa ENGIGEO), and lumabas na ako ang highest among the class. Wahahaha, chamba!

Normal lecture lang naman kami sa EPRECON, nag-reporting lang ako sa ECECTV1, at nag-sleepy lecture kami sa ESTHEO2... Sleepy, dahil sobrang tinamaan na ako ng antok nung period na 'yon, sa sobrang lamig ng classroom dulot ng aircon. =___=;

»» Nung napadaan ako sa CE Faculty para ibalik ang projector (after my report sa ECECTV1), nakasalubong ko ang mga classmates ko sa ENGIGEO (mga on-term 4th year scholars), na officers ng JPICE (a Civil Engineering org sa school). Apparently, out of the blue I was invited by Carmina (one of the classmates). Napa-isip tuloy ako...

More details coming soon... (I'll make a separate entry about this, hehe!)

»» Na-cancel ang supposed-to-be emergency rehearsal ng Black Shield, kaya hayun derecho sabak na lang kami sa Sabado... Haay, magme-memorize pa ako ng ilang kanta. Good luck! T___T Hindi na rin ako nakapunta sa jam ng Do'ahou (natuloy ba?), dahil kinailangan kong pumunta kila ate.

»» Agad naman akong pumunta sa place ng ate ko para makakin ng dinner kasama ang mom ko, and nag-uwi pa ako ng ilang items galing sa balikbayan box, dahil paubos na ang resources sa refrigerator namin sa Shelterville. Around 10pm na ako nakauwi ng bahay, at bumawi agad ng tulog.

»» This Sunday naman nag-set ng lakad ang mom ko; punta daw kami sa dentista (finally makakapag-checkup na uli ako ng teeth) and grocery na rin. So which means after Saturday gig e dapat kong dumerecho agad kila ate. =___=;

»» Nag-iisip ako kung mag-G2.1u lang ako sa Sabado, or mag-hybrid setup (bale kasama ang dirt analog pedals)... Testing ko na lang sa practice namin kung aling setup ang mas effective; at sana maganda 'yung amp sa venue...

Anyways, plug ko lang:

Untitled

Malapit lang 'to kila [info]onelast_sunset; and I guess main band ng event ang My Odessa, dahil magbebenta sila ng album nila doon. Kita kits na lang, hehe!

7/12/08 11:57 am - Mga happenings sa eskwela at sa bar

Killer School Blues

Nag-lecture ulit kami sa ESURVEY class first thing in the morning, and received our test papers during last quiz. As expected, bagsakers! T___T

Pagkatapos ng klase, dali-dali akong tumambay sa library magdamag para mag-review for EPRECON exams. Since a few days ago talagang pinag-aralan ko ang mga notes ko. Kaso hayun, napakaramo kong 'careless' errors na nagawa sa mga solution. Feel ko papasa ako, pasang-awa is the case. After exam, nalaman ko sa classmate ko na may quiz (!?) kami later ng hapon sa ESTHEO2, tungkol sa Virtual Work Method... Takteng yan!

Then dumerecho na kami ng Technology Bldg., 9th floor for our ECECTV1 class (haay bakit pa kasi sa classroom na 'yon pa kami nilipat!), and 'di na naman umabot sa akin ang reporting. I doubt kung magre-report kami sa Monday, at baka exams na namin.

And hayun, lecture and quiz kami sa ESTHEO2, wala talaga kaming ligtas sa kamandag ng prof namin. T___T Hindi ko natapos ang quiz namin (dahil kinulang sa oras), pero may nai-tama naman akong items kaya okay lang.

Grabe, tuyong-tuyo na talaga ang utak ko after that goddamn day.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Pillowcase gig sa Elbow Room

Dumerecho muna ako sa ate ko, para maki-kain ng dinner (nag-skip meals na naman ako, gahh), at agad na rin akong bumiyahe papuntang Metrowalk. Saktong 9pm akong nakapasok sa Elbow Room, at naabutang nagpe-perform na si Kate, and her bandmates sa Pillowcase band. Hayun, napaupo ako sa tapat ng stage, at tumungga ng isang boteng Smirnoff while enjoying the music.

By the way, matagal ko ng nakilala si Kate sa PhilMusic, dahil sa isang post niya na gusto niyang mag-cosplay. Then I promised her na panoorin siya (and her band) someday, pero hindi matuloy-tuloy dahil sa pagiging busy. Kaya heto natupad ko na rin!

Pillowcase live @ Elbow Room
Pillowcase band



Light acoustic ang set-up -- k-hon, chorused clean tone electric guitar, electric bass. Chill out lang ang mga tao habang kumakain, mingling with office friends, at nagbibilyar. (Nakita ko pang nagbilyar that night si Bembol Roco -- yes, that celebrity.) Bale tatlong set sila nung gabing yun, and they invited some 'jammers' to sing along with them.

After ng first set, nagka-chikahan kami ni Kate, then she invited me with them for a meal. Nakilala ko ang bandmates niya, especially their guitarist na si Dale, na schoolemate pala ni Karu (of Bellkreauxze) sa San Sebastian. (Small world huh!) Then nung second set na nila, I had the chance to jam with them (they insisted na kumanta ako eh!), so hayun napakanta tuloy ako ng Truly, Madly, Deeply (ng Savage Garden). Solb naman, hahah! Then nag-invite pa ng iba pang jammers, kaya naging 'alive' lalo ang ambience, dahil sa interaction.

Then sa third set, naki-jam uli ako for two songs -- pinapili ako sa 'song list' book nila, and To Be With You (Mr. Big) ang napolo ko; and I Knew I Loved You )again from Savage Garden), dahil ni-request ng bar manager (tama ba) after mapakinggan kami kanina. Pero dahil hindi ko gaanong memorize ang song, 'short version' lang namin siyang tinugtog.

Throughout the night, I realized the beauty of Kate's voice -- na-figure ko na medyo kaboses niya si Lou Gee (of Mojofly); tapos excellent din ang stage presence niya, and PR sa mga tao. Napansin kong peborit niya ang mga kanta ni Madonna. And the instrument guys, kapit naman, especially si Dale, na nakakapag-backup voice pa while doing those acoustic-type licks.

Nakisabay na ako kila Dale sa lakad namin pauwi papuntang EDSA, and hayun 4am na ako nakauwi ng bahay, medyo sinipon dahil sa lamig ng aircon ng nasakyan kong Fairview bus. Whatta day! ^___^

7/9/08 03:49 pm - A few randoms... Zzzzz...

»» Naging maganda ang araw ko sa school, dahil naging maganda ang trabaho ko sa ENGIGEO class namin.

So the day started nung pumunta ako ng school ng maaga, dahil kailangan naming mag-rehearse ng report ni Janna, and i-merge (final edit) 'yung ginawa naming PowerPoint presentation. So ayun, sa labas ng library kami nag-ensayo, via her laptop.

Nung 12:30 noon, kumain kami sa tapsilogan malapit sa UE -- sa Tapsilogan ni Mama Leng. (It's my second time around there -- more details later...) Along the good food, nagkuwentuhan kami [ng maraming chismax], heheh...

Then nung nakapag-report na kami, na-elibs naman sa amin ang prof namin; and good thing nasasagot namin per detail ang kanyang mga tanong sa amin, kaya wala siyang angal (compared sa past reporters, nyehehe).

Dito kasi sila natuwa, heheh...! )

Mission accomplished!

»» Ang tanging 'di ko nagawa that day is hindi ako nakapagpasa agad ng fieldwork for ESURVEL. So balak ko first thing in the morning ko isa-submit sa CE faculty mismo. Oh well, sana tanggapin pa rin ng prof namin; okay lang kahit may deduction... T___T

»» Regarding sa 2nd visit ko sa tapsilogan: this time sinubukan ko na talagang tikman ang kanilang specialty: ang CHICKENPWETSILOG.


Behold, rejoice! Heto na ang CHICKENPWETSILOG...

I agree, masarap 'yung lasa -- just like waht you'd expect sa fried chicken... Crunchy, pero juicy. Thing is, malakas sa kolesterol ito, pero who cares! Minsan lang naman ako mag-indulge heheh.

Try kong bumalik doon, para naman sa pares nila.

»» Naka-receive ako ng notice galing kay Ann Punk, regarding sa S.O.N. matters...

"Hi S.O.N. Family... Dayo Bar imformed me na cancelled na lahat ng productions starting July 26 2008 due to some circumtances to settle from the office of their barangay naingayan ata neighborhood nila. In short, damay ang event natin kaya lipat venue natin sa Nine Mile Bar Kalayaan Road Quezon City. Lapit sa V. Luna beside New City Food House. First come first serve nga pla sa lahat ng bands na tugtog. Mga kapatid pakita kayo sa Saturday ha kitchenette tayo...

So heto, plug ko lang ang upcoming gig namin sa August...

another SON gig!

( For updated details, click here. )

Meron akong passes, para makapasok kayo ng libre, kaya kontakin niyo na lang ako para makapunta kayo!

7/6/08 03:48 pm - One so-so night...

School blues muna...

A few minutes akong late nung dumating sa ENGIGEO class namin, which was another ordinary reporting and quiz day. But this time hindi ako nakinig sa reporting; instead, nag-review aqo sa quiz (nagbasa ng napakaraming handouts). Hayun, mabilis kong natapos tuloy yung quiz!

Agad akong nagpunta ng library, kasama si Janna (maaga rin niya natapos ang quiz), and nag-research kami (for our report sa Tuesday) via wi-fi connection sa campus namin. Around 4pm na nung lumabas ako at nag-internet (at nag-Special Force) sa NABS.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Debut ni Hira

Medyo minalas paako sa biyahe, dahil imbes na Taft jeep ang nasakyan ko, napadpad pa ako ng Lawton. Around 7pm tuloy ako nakarating ng McDo Vito Cruz, pero a few minutes later nagsidatingan ang mga kabanda ko, along with 2 mor guests (mga kaklase ni [info]coincibens). Agad na rin kaming nagtungo ng Burgundy Westbay tower, for the birthday party. (BTW, doon pala nagdo-dorm si [info]onelast_sunset.)

Pagdating, naabutan namin si Peacegle, and nalaman kong hindi pala tuloy ang band nila.Then pag-akyat sa penthouse, wala pang tao (nagse-setup pa lang ang soundsystem at yung mga mesang hapag-kainan). Nagdesisyong bumili ng 2 grandeng Red Horse sina [info]coincibens. Moments later, unti-unting nagdatingan ang mga bands. Then bumaba ako, at nakasalubong ko doon si Rainey. (I was excited to see her eh! Tumugtog din kasi 'yung banda nila.) Kasabay ng inom ay nag-review pa ako para sa quiz namin kinabukasan sa school.

Past 9pm na nung nag-start ang kainan and tugtugan; nagawa ko pang makipag-mingle sa HarakiriJiro and their manager. Share kami ng mga kwento, and chismax (LOLZ).

Past 12 midnight na kami nakatugtog, at medyo groggy na kaming magkakabanda; hindi rin maganda ang pakiramdam ko that time. Ayun tuloy, pangit ang naging performance namin -- sobrang kalat, maraming sabit, hindi kapit ang tunog. Worst gig na yata ng Nenerminator 'yun to date.

Agad na rin akong umuwi ng bahay (instead of staying there until morning). Very stressed talaga ako nun.

On behalf of Nenerminator, nagpapasalamat nga pala kami kay Hira para sa pag-imbita sa amin sa party.

6/30/08 10:28 pm - Whew, Whatta Day...!

Biyahe Blues sa Mahal kong Maynila

Maaga akong nagising(madaling araw), sa 'di-maipaliwanag na dahilan; at medyo tinamad pa akong pumasok... But eventually, nagawa ko namang pasukan ang ESTRUD1 class namin. Nag-lecture lang kami magdamag.

Pagkatapos ng klase, sumama ako sa mga kagrupo ko sa EPRECON, at nag-food trip kami sa may Ever. Hayun, nag-sizzling kami, at heto ang in-order ko...

sizzling skinless longganiza
Mainit-init pang skinless longganiza.



...at ang rating ko sa lasa ng longganiza: 7 out of 10.

Dimating din si Jamie doon, at naisauli na niya si Lispol, at agad din siyang umalis. Tapos bumiyahe na ako apuntang Paco, dumalaw kila Sir Jobet (a.k.a. BAMF), and acquired some Gen 2 scalarizers.

Then dumaan ako sandali sa Raon (to buy a few switches), at agad na rin akong umuwi ng Shelterville.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



So-so gig sa Freedom Bar...

Around 6pm na ako bumiyahe papuntang Freedom Bar, para sa third gig ng Nenerminator sa 1st anniv event ng Chupachupsyo Productions. Past 8pm na ako nakarating, at hindi pa nagsisimula ang gig; nadatnan ko agad doon si [info]rezarius, na alas siyete pa pala dumating.

Then ininform kami ni [info]coincibens na male-late siya ng dating (around 9pm). nagpa-lineup kaming pangatlong band sa list (and noticed na walang may gustong maging first band, kaya hindi makapagsimula agad ang tugtugan). Tapos nag-brownout pa sa Anonas, which caused the further delay of the event. buti na lang bumalik din agad ang kuryente.

Dumating si [info]coincibens bago mag-alas diyes. Nagawa naming makausap (at mapanood) ang mga kapwa-JRock bands nung gabing yun. Labas-masok kami ng bar though, dahil nainitan kami sa weather, at hindi namin nagawang mapanood ng mabuti yung mga banda, pati na rin ang Pedicab. (BTW, oks na oks ang tunog nila! Kaso nahiya akong magpakuha ng litrato, ampf...)

Before 12 midnight na kami nakatugtog -- naging maganda naman ang performance namin (okey sa olrayt ang timpla), pero hindi namin nagustuhan ang overall experience...

( Refer to this link for details. Please ignore the senseless posts of a few trolls out there... )

Salamat ng marami kila Ann Punk, Ronald at sa mga kasama nila, sa pagsuporta nila sa amin that night. (Buti na lang at sakto ang dating nila para mapanood nila kami.)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



...pero 'di pa doon nagtatapos ang gabi

Umuwi na agad si [info]rezarius pagakatapos ng tugtog namin; hinatak naman kami ni lj user="coincibens"> nila Ann Punk, at sumama sa kanila sa panonood ng gig ng The Chongkeys sa kalapit na 9 Mile bar (along Kalayaan Ave. lang).

Tinapos namin ang event, at nag-enjoy kaming lahat. Maganda ang ambience, music at ang atmosphere ng crowd. Chikahan blues pa among folks after ng tugtugan, bago kami nagdesisyong magsiuwian.

Pasado alas-kuwatro na ako nakauwi ng bahay, latang-lata sa pagod at puyat.

6/13/08 10:16 am - Uber Delayed L'Arc~con post...

Saturday morning -- nag-cram ako sa pag-memorize ng lyrics (pero gahh 'di ko talaga ma-memorize 'yung isang kanta), and practice ng gitara. Around 5pm na nung bumiyahe ako papunta sa venue. Instead na makipagkita with my Rtschrck bandmates, mag-isa na akong dumerecho ng Katipunan, along Ateneo/Miriam area... Surprisingly, nagkita kami doon ni Luciel, and nag-taxi na kami derecho sa Katips bar. (Malayo-layo pa pala galing Aurora Blvd 'yun!)

Nakasalubong namin sa labas 'yung Molded Sushi band peeps, and naabutan pa 'yung first band na tumutugtog. (Late na pala nagsimula!) Then met some old time folks there, and the other bands as well. Then I found out na may mga bands na nag-backout (kasama 'yung banda nina Rainey).

Nakakatuwang mapanood ang ilang acts -- 'yung Borazuteru nabuhay ulit, and noticed hackt's improvements sa boses~ :D (Shempre nagyaya siya ng mga sesyonista para makatugtog ulit.) Then 'yung all-Jap band na HarakiriJiro, mga Ajikan dudes din pala (they covered a couple of AKFG songs eh). At shempre, walang kupas ang [info]xeventhvrsday. ;)

Around 11pm (?) na yata kami nakatugtog ng Rtschrck and Do'ahou, consecutively. Naging maganda (at masaya) ang tugtog ng both bands -- oks na oks ang hebigats na tunog ng Rtschrck; and BOTB mode naman ang Do'ahou, dahil nag-Pinoy Rock pa kami (haha!). After ng tugtugan, shempre inuman na, and tumambay along with the [info]juujiro_ml peeps sa loob ng bar magdamag, until 2pm. Nakisabay na ako ng uwi kila Mike5 and Julius via taxi, at nakauwi ng bahay araound 4pm, nae-LSS pa rin sa My Heart Draws A Dream...

Maraming maraming salamat sa L'Arc~en~Ciel Philippines Fans Club for inviting us to play for Link to Seventh Heaven ~Azayaka No Naka Ni~! Thanks din sa mga nagpunta at sumuporta sa amin.

Sa uulitin! ^___^

5/6/08 11:37 pm - Wilfredo's Bar gig nung Friday

Friday: Umalis ng bahay ng alas siyete, para sa Wilfredo's Bar gig; pagdating doon, marami-rami narin ang tao, at petiks mode sila Cris Genato at mga kabanda niya. Nakasalubong ko din si Laline (nakilala kong 'friend' dati pa), pero mukhang busy... At dahil bored ako, umalis ako sandali, pumunta ng FCM, at nagpalipas-oras kaunti sa internet cafe para -- alam nyo na dapat -- maglaro ng Special force hanggang 10pm, heheh.... (By the way, 'di na natuloy ang Do'ahou sa gig na 'to, dahil missing in action si Ajzone.)

Pagbalik ng Wilfredo's, naabutan kong tumutugtog ang banda ng 'anak-anakan' ni Cris (si Duday); ayus ang tugtugan nila, parang Paramore pa ang boses niya. Naabutan ko din nag-iinuman na ang Magnum Opus, kasama si Boss Mike (manager nila). (That time 'di ako pwede uminom, medyo namamaos kasi ako...) Napanood ko (uli) tumugtog ang banda ni Cris; malupit as ever. :D

Later on saka na dumating si Mike5, may kasamang friend (na taga-AMOC daw dati). Then Panglimang banda na tumugtog ang Magnum Opus, with their killer playlist. Naunang kumanta si Cris sa kanila; Iron Man (ng Black Sabbath) at Kinabukasan (lumang composition na nila, way back `90s) ang kinanta niya; then nag-instrumental sila -- Burn ng Deep Purple. Then turn ko naman, at kinanta ko with them 'yung Electric Drill Song (Mr. Big), tsaka Shy Boy by David Lee Roth band (that Vai + Sheehan tandem song!) Solbaks na solbaks talaga! Afterwards, 'di na ako nagulat nung may mga lumapit sa kanila para magpa-autograph at magpa-picture na bagets; hanga sila sa lupet ng mga 'legends', hehe~ :D

Hindi kami agad umalis nun; tinapos namin ang buong gig (noticed na may mga iba pang malulupit na bandang tumugtog), at magdamag kaming nanood at uminom ng maraaaaaming beer, as in 'di ko na mabilang sa dami ng bote. X___x (Pero maagang umalis sila Mike5...) Nagawa din naming magbilyar, kahit me amats na okey lang! Ayun, mag-a-alas singko na nung umuwi kami.

Pasasalamats Section: Unang-una, salamat kila Cris Genato (and Youth Gone Wild productions), at sa Magnum Opus sa pag-imbita sa'kin na maki-jam sa inyo. Unforgettable night yan mga parekoy!

4/30/08 04:27 pm - She Saves The Day gig aftermaths~

Mga hapon na ako umalis ng bahay nung Sabado, and around 3pm nakarating ng Pedro Gil/Taft area, then waited for my bandmates until 4pm, heheh... Tapos nag-practice kami ng 1 hour malapit sa Paco Catholic School.

After practice, umuwi na agad si [info]rezarius sa kanila, while naiwan kami ni [info]coincibens (at nag-internet pa ako sandali heheh); tapos nag-taxi na kami papuntang Nightwish bar past 7pm. Doon namin na-meet ang isa sa mga organizers na si Katty. Agad din kaming pumasok sa loob ng bar, at pawang kami lang ang taong banda pa lang doon~ (tambay mode ang mga waitress ng bar, heheh). Later on dumating na rin si [info]rezarius (at may bitbit na guests).

Bale opening act (na naman) ang Nenerminator; but this time for me mas maganda ang naging tugtog namin nung gabing 'yon; though andami ko na namang sabit, at isang major blooper onstage~ (nasiraan pa ako ng strap, pagka-talon while playing The War, hahaha!) Mabuti at may tumakbo agad na tao (from another band) na nag-abot at nagsuot sa kin ng guitar strap. Didn't forgot to thank him afterwards... At ang malupet: marami ring naka-digs ng mga tinugtog namin, lalo na 'yung Hold Me Tight ng AKFG! (Napansin ko, sa kabilang table namin na ibang banda din.) Tapos after pa namin tumugtog, lumapit pa sa 'kin 'yung isa sa mga waitress, at tinanong kung ano 'yung pangatlong song na tinugtog namin (which was Missing by Ellegarden).

Nenerminator band
Sa wakas, may picture na kami! Weeee!



After our set, pinanood ko na rin 'yung ibang bandang tumugtog -- oks 'yung sumunod sa amin, yung Carmelite ('yung bassist nila ang nag-abot ng strap sa akin, hehe), Paramore-influenced... Tapos nabigla din ako nung nalaman kong tutugtog pala ang Niniskirt (!) that night -- small world heheh! Ayun, bonding-bonding na rin kila Nina and Perce...

Naki-bonding na rin ako doon sa ibang tao, especially doon sa wairess na nagtanong sa kin earlier, which I found out na super JPop fanatic pala siya; and she worked na dati sa Tokyo. (Minsan yayayain ko talaga siya sa tugtugan sa labas. :D ) Then 'yung crowd na nag-appreciate sa amin -- 'yung bandang Noir Melodies, with their friends (which I call them 'Ajikan Dudes', dahil nagco-cover din pala ng JPunk 'yung banda na yun!) -- pinanood ko sila bago ako umalis that night; and even left my contacts to them. Hayun, ka-chat ko na 'yung iba sa kanila. :D

( For more photos, click here. Courtesy of Chupachupsyo Productions. )

( More gig pics, courtesy of Chupachupsyo Productions. )

Sobrang saya talaga nung gabing 'yon; masarap tumugtog sa fresh crowd, na unexpectedly e may makaka-appreciate; and to meet new friends along the way! :) Maraming maraming salamat uli sa Chupachupsyo productions, congrats sa successful gig!

4/20/08 12:55 am - Successful Debut!

The First Nenerminator Gig!

Umalis ng bahay around 4pm, dumaan muna sa ate ko (para makahiram ng money), then sa PIMP Hive, para kunin ang aking mahiwagang DS-1 (na I guess tapos ng lagyan ng MOSFET mod), then dumerecho ng Freedom Bar around 8pm. Nandoon na ang mga kabanda ko and si Marlon, petiks mode. Then umalis sandali si [info]coincibens para kunin ang gamit niya, while nag-internet kami kaunti ni [info]rezarius... Around 9:30 na nung bumalik kami sa loob ng bar, marami ng tao, na halos lahat e officemates ni Marlon (yes, mga Audiophile employees and staff, and their bandmates).

Kami ang naging opening act for the night, and naging maganda ang tugtog namin -- solid, tamang tempo lang, and mas kapit compared sa practices namin, yay! :D

After tugtog, kumain kami sandali ni [info]rezarius sa labas, then pinanood pa namin 'yung ilang bands, while sipping free Cossack Vodka mixes, na nilalako around. Shempre 10-12 midnight unli drinks e! Solbaks kaming lahat dun sa cookies n cream mix nila. :D (Sayang 'di ka nagpunta, [info]sumirehana...)

Highlights ng mga naabutan namin: 'yung 'Love Suicide' band, na puro `70s rock na pinabigat ang tugtugan (ika nga ni [info]coincibens e 'tatay rock', haha); matindi 'yung metalcore na band na naka-Drop A tuning ang 7-string guitarist (na kakilala ni [info]coincibens ang vocalist); and 'yung 'showband' ni Marlon, along with (I guess) the Audiophile bosses (na matitindi ang pedalboard), and their vocalist na kahawig and kaboses ni [info]hidetoslave. :D (Sayang nagka-tech difficulties pa 'yung isang gitarista nun) Then umuwi na kami agad ni [info]rezarius pagpatak ng alas-dose.

Excited na ako sa next gig namin sa April 26, woohoo!!!

4/16/08 06:10 am - [EDITED] Pluggings...

Yesss, tapos ko na ang isa sa mga projects ko sa ESTHEO1! One more to go...

And oh, may gig pala daw kami Do'ahou this coming Saturday... O___O Hala, kailangan na namin mag-practice agad!

( Rumbled Sessions )


[EDIT] Hindi na pala kami makakasama dito, as Mike 5 commented. (Teka, binura mo na pala 'yung LJ account mo dude...)

Heto din, ang debut gig ng NENERMINATOR, ang 3-piece punk rock band namin ni [info]rezarius and [info]coincibens! Prod ni Marlon ito:

( Rakrakan sa Tag-Araw )

Shameless plug lang! XD

4/9/08 11:16 pm - Ozine Fest 2008: Sunday Edition!

Introduction: Hindi ko nagawang pumunta nung Saturday Edition, dahil busy ako sa bahay, nag-iisa at maraming ginawa at inayos. Sayang nga eh, andami kong hindi nasubaybayan at nakitang mga nilalang at kaibigan. :( Anyways, maaga naman akong nakapunta nung Linggo, after practice sa Gig Studio.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Happenings

To start the day, maagang sumalang ang [info]3daytrial, ang bandang sinesyunan namin ni [info]kr_inuki for 3 days (oha!)... Naging maayos naman ang overall tugtog namin, kahit gahol na sa oras sa practice; at medyo minalas pa ako dahil nagkaroon pa ako ng kaunting tech difficulties onstage, tas sobrang bangag talaga ako dahil wala pa akong tulog!

So after tugtog, medyo nag-dalawang isip pa ako kung uuwi muna ako ng bahay (para magpa-petiks, matulog, kumain, mag-Half-Life sa PC, etc), or mag-stay. Pero hayun, I decided to mingle around for hours, nag-sight seeing ng mga people~ (cosplayers, models, friends, etc etc!) Yep, magdamag akong naglibot-libot, na parang walking corpse sa pagkabangag sa puyat...

Around 6pm dumating ang mga kabanda ko; then maaga ring nakatugtog (past 7pm na yata) ang Do'ahou, after 2 consecutive band performances (PPF All-Stars and LSS In A Box). Naging masaya (though bitin, dahil sabay sa announcement of winners) ang performance namin; may pagkakataon pang namigay ako ng posters sa madla, haha... At shempre after tugtog, kasabay ko pauwi sina Marlon (yeah, nagpunta siya para panoorin kami!) and [info]actionstar, at nagkuwentuhan ng kung anu-anong keso sa sinasakyang bus while munching free Yoshinoya gyudon, haha!

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Pic Spam!

At heto na ang mga nakunan kong pics for the day... )



¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Pasasalamats

Unang una, syempre maraming maraming salamat sa organizers, event crew (especially kila ser Bryan and Dennis) ng Ozine Fest sa pag-imbita sa aming tumugtog, at sa mga freebies (Ozine mags and posters) and for the free food as well (like Yakult and Yoshinoya beef gyudon)!

Thanks kay Chinnie, dahil nung tanghali nakakain ako, courtesy ng kanyang carbonara food pack na di nya daw trip kainin... (Next time bawi ako, libre kita!)

Thanks sa [info]ongakusociety sa suporta at sa pag-provide ng "sanctuary" naming mga band members~ :D

And thanks sa mga tropapips na nagpunta para panoorin at suportahan kami, astigas nyo talaga, walang kupas! :D

3/29/08 11:59 pm - Cosplay Convention sa Rob Manila + Wilfredo's gig...

Maagang nagising (around 7am), and found out na maagang umalis si Tita Elsa... So petiks mode ako sa bahay until 11am. Medyo nahirapan sa biyahe papuntang Robinsons Place Manila; and sobrang tindi ng trapik!

Pagdating sa venue, naabutan kong tumutugtog that time ang The CAB Story. Then later on, nalaman kong Do'ahou na pala ang kasunod! So dali-dali pa akong nag-last minute review sa lyricsa ng pang-soundcheck, na later on e kinain kong lahat~ (nabulol eh!) We played 4 songs all in all; may kaunting bloopers pa ako onstage, as usual... ('Oh my god, hahaha...' - Janina San Miguel) Then napanood ko rin tumugtog ang mga kasunod na banda.

Then all day ako naglibot-libot, took pictures ng sari-saring cosplayers; and even got the e-mail addys of some; plus, nakalibre pa kami ng kain sa McDo, plus some T-shirt freebies courtesy of Cosplay.ph! Kaya sulit ang araw!

Around 8pm na kami umalis ni [info]mike5150 (kasabay sina [info]rezarius, [info]actionstar at [info]kr_inuki) at bumiyahe pa-Fairview.

Then I decided na manood sa gig nila Cris Genato Sa Wilfredo's Bar; so bumaba ako doon sa Regalado. Nagsisimula pa lang 'yung prod pagdating ko. And oh, kakaunti lang ang kilala ko sa bar, kaya medyo na-OP ako; pero buti na lang na-meet ko doon si Ryan banot, at 'yung ka-tropa niyang si Lalaine. Then napakilala din ako sa ilang tropa ni Cris, especially sina Ivan and Nene~ (tama ba... hehe) Pero hayun, 'di na kinaya ng powers ko na tapusin ang gig (dahil sa pagod at antok); sayang 'di ko naabutan ang Grin Department at Pentavia (pero nakabili ako ng bagong indie album nila)... At heto, kauuwi ko lang, at matutulog na ako!

Pero before sleep, nais kong pasalamatan muna ang Cosplay.ph and Robinson's Manila, para sa matagumpay na Cosplay Convention -- sa pag-invite sa amin na tumugtog, pati na rin sa freebies; kina Ate [info]hidetoslave at Kuya Jeje sa pakain; kay[info]kr_inuki sa pasalubong niyang Aussie guitar pick; at sa mga sumuporta at nanood sa amin ng walang sawa. Kita kitsh next week! :D

(P.S.: Waah, sorry po, [info]sumirehana, late ko na nabasa 'yung text mo! Tas 'di kita na-approach kanina backstage... Hayun 'di tuloy ako nakanood sa inyo! Bawi ako next time... :( Hayyyy!)

3/16/08 11:55 pm - Yoshinoya Event noong Sabado ~Aftermaths~

Maagang umalis ng bahay, at sadyang minalas sa biyahe nung umagang iyon -- biro mo sakay-baba ako ng jeep at nakapag-FX na nga ako't lahat lahat, na-stuck pa rin ako sa matinding trapik. Hayst, sabado nga naman...

Nakarating ng quarter to 12 ng tanghali, sa Jollibee Munoz, para kitain si Lenlen, a longtime friend namin sa Rtschrck (yep, way back Ongaku Rave, year 2003); supposedly 11:30am kami meet, pero na-late din siya as well (dumating siya a few minutes I arrived). So bumiyahe na kami via MRT hanggang Taft, then sumakay sa pugon na jeep (kasi mausok) upang makarating ng Mall of Arroyo este Asia.

So ayan, narating namin agad ang Music Hall, at nagse-setup pa lang ang isang guest performer (yep, naabutan pa namin ang simula ng event). May iilang cosplayers (tulad ni Sandra -- hehe kaka-chat ko lang sa kanya nung umaga, LOLZ), ilang banda (tulad ng Ethereal), at ilang tropa (tulad ni [info]rezarius) na naroroon.

Pagkatapos tumugtog ng banda ni Kaoru at Ethereal, saka tumugtog kaming mga gunggong, heheh... Naka-tatlong kanta lang, dahil medyo matagal ang pag-setup namin. Medyo bored ang crowd, pero ayus lang.

Then sinimulan ko na ang paglilibot at pangongodak ng kung sinu-sino. At heto ang iilan sa mga nakunan ko, gamit ang mahiwagang cellphone ni [info]rezarius:

Bawal i-click! )

Hindi nanamin nasubaybayan gaanoang contest proper mismo, at naglibot kami ni Lenlen around MOA; and eventually sumama sa pagtambay with my bandmates sa Yoshinoya. Pagbalik sa Music Hall, naabutan na namin ang awardings, at ang performance ng Itchyworms habang pauwi na kami. (Hindi ko na nagawang sumama sa inuman kila Jun.)

So sabay na kami umuwi ni Lenlen, at sinugod ang matinding trapik palabas ng MOA (tae, andaming nagpuprusisyong mga nilalang na nakaputi at may hawak na palaspas, as in maraaaaaaaaammmiii na pagrang langgam sa Macapagal highway!) na inabot almost 30 minutes ng walang galawan. Hinatid ko siya hanggang Monumento. Then nakauwi naman ng bahay lagpas 10pm dahil naman sa matinding trapik sa may Quirino Highway. (Minalas pa sa biyahe dahil nawala ko pa ang isandaang piso ko, tae!) Pero masaya naman ang araw kaya okay lang. :)

Pasasalamats/pabati portion: Una sa lahat, siyempre salamat kay [info]hydee_takarai at sa bumubuo [info]juujiro_ml para sa pag-imbita sa Do'ahou, and sa libreng beef gyudon/red tea; salamat ng marami kay Lenlen sa pagsama (at pagsuporta); kay [info]rezarius sa pagpapahiram niya ng cellphone (nyehehe); at sa iba pang nagpunta at sumuporta sa amin. Congrats kay Sandra (dahil siya ang nanalo sa cosplay); at hello po kay Risha ng PhilMusic forums (que napadaan ka o hindi sa MOA nung Sabado, heheh!); at hello na rin kay umbrella girl, dahil may nagpapatanong kung ano e-mail mo daw sa Friendster (at balak ka niyang i-add), wahehehe...!

Powered by LiveJournal.com

Advertisement

Customize