Nihon Nights 2...Saturday. Petiks mode nung umaga -- haaaay, relax sa pagi-internet, kain ng lutong bahay (mmmm, kalderetang baka!), and nood ng T.V. kaunti... Then 12 noon nakatulog ako ng mahimbing.
Paggising ko, 4pm na pala, wenk! So nagmadali ako't bumiyahe papuntang UST. Kaso, minalas sa biyahe blues -- kung saan-saan kami dinala ng FX driver pa-Blumentritt, mabagal pa ang takbo niya, nagpa-gas pa, and lastly binaba kami sa Rizal Ave! Tae siya! Kaya hayun jeep ako hanggang Tayuman, then trike papuntang UST. Lakad ako dulo-dulo ng campus papuntang Engineering Complex. Late na ako!
Pagdating sa venue, I found out na wala pa pala yung mga kabanda ko! Then hayun liwaliw trip lang ang mga audience doon; and majority nakaupo lang sa benches sa gilid ng court. Noticed na medyo sloppy pa ang crowd. Naabutan kong tumugtog ang Jamais Derriere, Huerika (band ni
sumirehana), and Molded Sushi.
Past 8pm na yata nung nakumpleto na kami Do'ahou; then we played a short set (a soundcheck and a single medley). Fortunately, may napalapit kaming mga tao sa stage, and nabuhayan ang audience. :) After all, masaya naman kahit sabit-sabit kaming lahat, LOL! (Na-mental block pa ako sa lyrics, wenk!)
Overall, masayang gig naman; got to meet some ol' folks (especially si Cha a.k.a. "Pogi", hehe); and was able to know new
girls peeps as well, hehe! :)
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
PasasalamatsSalamat po ng marami sa TomasinOtaku for inviting us to play; special thanks din sa
juujiro_ml peeps for the food & chocolates! Thanks kay
sumirehana -- binigyan pa ako ng libreng fries, hehe... And of course, salamat sa mga nagpunta at sumuporta sa amin! :)
Kita kits sa next gig~ (sa kinse!)
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
The Aftermath... (Sunday)After ng tugtugan, sumama ako kila
mike5150 papunta sa place nila Elle (napasama rin si
rezarius) para kitain sina Luciel and Jun -- hayun, may inuman! Then napadpad na kami ng Barrackz (sa Timog area), and doon na kami nagpalipas-oras hanggang madaling araw. Inom, chismax, kwentuhan, etc etc!
I was also able to contact my friends (finally) thru cellphone -- nakisaksak ako sa cell ni
mike5150... Bad thing lang: doon ko nawala 'yung Globe SIM card ko! T___T (So I gotta buy a new one!)
Then around 3am (tama ba?) lakad trip kami hanggang sa pinakamalapit na Starbucks. Doon na kami lumagpak ni Jun sa sobrang antok. Paano ba naman kasi may malambot ng sofa eh, so ayun, ZZZZ! Around 6am na yata kami nagising at nag-decide na umuwi -- kasabay ko pa-Fairview umuwi si
mike5150. Nakauwi ng bahay past 8am na!
So nagmadali na rin ako maghanda ng thingies, dahil supposedly may practice kami nila
rezarius and
coincibens... So hayun lumipad ako, nakarating kanina sa Gig Studio around 11am, pero wala sila! T___T
Hayun, internet na lang ako magdamag dito malapit sa Nepa-Q-Mart, until that Rtschrck practice mamayang 4pm... Tas 'di ko na tinuloy 'yung "binabalak" kong lakad... (details sa susunod!)
***basa muna ng BECK tsaka NANA manga***