Home

Advertisement

Customize

Neil Alex™ Journal

~xelalien's misadventures~

8/26/08 05:34 pm - Wrong Timing na Bagyo!!!

Wednesday, 2008.08.20 - Na-late ako ng gising, dahil sa magdamag kong pagre-review para sa ESTRUD1 quiz namin. Paggising ko, alas sais na pala! Medyo maliwanag pa ang langit nun; pero nung pag-alis ko ng bahay, unti-unti nang dumilim dahil sa makakapal na ulap.

At gumawa ako ng napakamaling desisyon -- ang pagbiyahe papuntang SM Fairview papuntang Espana, imbes na mag-FX ako sa Vicas at mag-Blumentritt jeep. So hayun, bumuhos ang malakas na ulan (buti na lang, dala ko ang payong ko); at pagbaba ko ng Robinson's Fairview, wala akong masakyang FX, at napakahaba ng pila. Nag-jeep na lang ako, at nagbakasakaling makasakay ng FX sa FCM. Doon ako nagkamali.

Bale naghintay lang naman ng matagal ang nasakyan ko ng jeep sa kahabaan ng Regalado Ave., dala ng matinding traffic. And hindi basta matagal 'yon -- 45 minutong nakatigil ang mga sasakyan! At pagkausad, nalaman kong lagpas FCM pala ang matinding trapik; may ibang nilalang na napilitang mag-counterflow dahil siguro sa matinding pagmamadaling makapasok sa eskwela/opisina.

To make the story short, nakarating ako ng FEU-East Asia pasado alas diyes. Yep, late na ako ng isang oras, at 15 minuto. Tinanong ako ng prof namin kung gusto ko pa raw mag-quiz; aba e syempre pumayag ako, dahil ayokong bumagsak! Pero inakala kong sandali ko lang masasagot ang quiz. Nagkamali na naman ako.

Dalawang problems lang yung quiz. Pero, napakahaba nung problem #2: magde-design ng truss, EACH MEMBER pa yun ha... Bale napakahabang computation ang kailangan -- aalamin ang bawat reaction ng members, tas isa-isahing ide-design kung anong dimension ng timber ang gagamitin. Kung nakapasok lang ako ng maaga, edi nasagutan ko iyon. Takteng yan, number one lang ang nakuha ko tuloy. Sana pala hindi na ako nag-quiz, at nagpa-special quiz ako. (Or better, sana hindi na lang pala ako pumasok. ~___~!!!)

Pagkatapos ng aking kamalasan, sumama ako sa mga kaklase ko na kumain, para mawala ang pagkabadtrip namin. (Pati 'yung iba e hindi nagawang tapusin ang napakahabang problem na 'yun.) Tapos nagbalak pa kami sanang tumambay ng TriNoma, para gumawa ng ESTHEO2 plates, pero hindi na naming nagawa, dahil napakahirap makasakay ng jeep. So hayun, pagka-print ko ng ESTHEO2 notes ko, nahiwalay na ako sa mga kaklase ko (na 'di ko na alam kung san tumambay). Kaya agad na rin akong umuwi ng bahay nun pagkasakay ng bus pa-Fairview, dahil alas dose na nung na-declared na suspended na ang klase. Haaay badtrip talaga!

8/22/08 06:19 pm - Another same ol' Thursday entry...

Eskwela na naman

Thursday, 2008.08.14 - As usual, na-late ako ng dating for ESURVEY, pero nakapag-quiz naman ako, at sure pass naman heheh.

Tapos, nag-quiz kami sa EPRECON, and nahirapan ako (dahil hindi ako masyadong nag-aral, hehehe) sa pagsagot, pero out of 15 items naka-siyam naman ako. T___T

Nung ECECTV1 naman, nagpakitang-gilas naman ang prof namin sa ECECTV1, at siya naman ang nag-report ng PowerPoint presentation sa amin. Nandoon kasi ang CE Chairman namin, nag-oobserve kung paano siya magturo hehehe... (Kaso, na-tense ang prof namin, at nauutal pa!)

At nung ESTHEO2, mahaba-habang lecture na naman kami, kaya 'di ko nagawang magsulat ng notes; balik uli ako sa digicam mode hehehe... Nagawa ko pang kunan ang mga kaklase ko hehehe!

Feeling seryoso sa lesson haha!
Feeling seryoso sa lesson haha!

Some more pics here )

Marami din ang hindi nakasabay sa kopyahan ng notes dahil sa bilis ng turo ng prof namin (at sa mahaba-habang sulat ng solution), kaya marami ang gustong makakuha ng kopya ng 'notes' ko. ;p

( Moment Distribution Method for Frames w/ Sidesway )

Click the link to download, haha!


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Another Open Genre Nyt @ One Luv

Pagkatapos ng klase, dali-dali na akong bumiyahe papuntang One Luv Reggae Bar, pero sadyang inabutan ng tubig-baha sa gitna ng U-Belt, dala ng matinding ulan na bumuhos habang ESTHEO2 namin. Sinubukan kong lumakad papuntang Doroteo Jose LRT station, pero lagpas sapatos ang baha.

Kaya naglakad na lang ako sa gilid ng kalye from Isetann para makasakay ng Taft jeep. Matagal-tagal din ang usad ng sasakyan, at inabot ng 45 minuto para marating ang U.N. Avenue LRT Station.

Pero hindi pa doon nagtapos ang kalbaryo ko. Mahaba ang pila ng pagbili ng LRT card, tapos matagal bago dumating ang sumunod na tren. Tapos medyo nagsisi ako sa desisyon kong bumaba ng Baclaran station, at sumakay ng Sucat jeep, dahil malubha ang trapik sa Sucat Road ng gabing iyon; tapos mahilig pang mangisda ng pasahero si manong drayber, na akala mo e end of the world na... X___x

Alas nuwebe y medya na ako nakarating ng One Luv Reggae Bar, at wala pang gaanong tao nun, pero nandoon na ang bandang The Guy Upstairs; kaya kami ang unang bandang sumalang. At dahil hindi ko nagawang maisaulo ang lahat ng 4 na bagong kanta sa playlist namin, na-mental block ako sa pagkanta habang sumisilip sa aking munting 'kodigo' ng lyrics sa malayo (haha!). Pati ang mga kabanda ko e maraming sabit din; malamang dahil wala talaga kaming practice bago sumalang sa gig. Bawi na lang kami next time...

Hindi ko rin nagawang makakuha ng mga litrato, dahil naubus ang baterya. :( Malas.

8/19/08 01:26 am - Acoustic Disaster

Tuesday, 2008.08.12 - Magdamag akong nagpuyat, kaka-cram ng pagsipra ng dalawang acoustic songs. Grabe, umaga daw kasi magsisimula ang acoustic contest sa inter-departamental event na ito sa campus namin.

Dumating ako ng school ng 8am sharp, bangag na bangag sa puyat. Nandoon na sa loob si Alvin, at tinulungan niya akong makahiram ng acoustic guitar sa SAO. Among selection of crappy guitars na nakatambak doon (mga Lumanog acoustics na kulang-kulang ang kuwerdas), isang Fernando mini-dreadnaught ang napili ko; medyo tough ang experience ko dito -- occasionally nawawala sa tono 'yung 2nd and 3rd string, tapos kinakalawang pa ang strings. No choice eh.

Sa labas kami tumambay nina Alvin at ang k-hon band member namin; at nasipra ko din sa wakas ang isa sa mga kantang popondohin namin that moment. Tsaka dumating ang isang gitarista namin, dala ang kanyang malupet na Takamine acoustic. Nai-practice namin 'yung song na nasipra so far (it was "Stronger Than" by Gabe Bondoc). Then umakyat kami sa SAO para doon tumambay at mag-ensayo lalo.

Nai-brief pa kami nung isang taga-Student Council (tama ba) regarding sa dapat gawin during that contest -- 'yung stage presence ang nai-ensayo namin. At nakalibre pa kami ng pagkain (yes, pinakain kami) hehe... Mmmm, sarap talaga ng fried chicken sa Tropical Hut...!

Past 12 noon kami sumugod este dumagsa sa auditorium ng FEU, at naabutan namin ang solo singing contestant number 2. Bale matagal-tagal ang naging paghihintay namin for the acoustic contest -- biro mo, 23 solo singing contestants! So nagawa ko pang umidlip sa loob ng auditorium.

At nung nagsimula na ang acoustic contest, nag-last minute practice uli kaming apat. Beforehand, nag-decide na kaming isang song lang ang isasalang namin (sobra-sobrang oras for a 8-minute time limit performance); pero naisipan na naming ihabol ang isa pang pondo ("Gentlemen Don't", again by Gabe Bondoc), dahil dala-dalawang kanta ang tirada nung ibang contestants. Eh hindi ko siprado! Kaya nag-improvisation na lang ako (nyok nyok nyok) habang nag-acoustic chords 'yung isang gitarista. And napanood namin ang ibang banda while nasa backstage -- puro r&b tsaka party music ang tinira, kaya benta sila sa crowd.

Then the moment of truth: past 3pm na kami sumalang, at kami ang pang-walo out of nine contestants. Naka-isip ng gimmick si Alvin (at ginawa naman namin) -- kunyari nagtono kami tapos sabay jam ng Always Be My Baby gay David Cook version, tapos ihihinto, sabay sinabing "Ay mali!"... Edi nagtawanan. Kaso nung tugtog, na-stage fright ang kolokoy. Napansin kong nag-murmur siya sa mikropono (siguro dahil sa sobrang kaba), tapos pumalya pa ang falcetto niya. Worse, naputulan pa ako ng 1st stirng sa 2nd song namin, pero ayos lang dahil improvisation naman eh.

After that so-so performance, nagdesisyon na akong umuwi agad ng bahay, para bumawi ng tulog. 'Di ko talaga kinayanan ang antok the whole day.

8/4/08 10:55 am - Yet another School Blues + Black Shield gig entry

Eskwela blues ulit...

Ordinary day sa school -- nag-lecture lang sa ESURVEY, EPRECON; nag-reporting lang sa ECECTV1, at nag-lecure and quiz sa ESTHEO2. Dere-derecho ang klase ko, kaya hindi ko namalayan na mabilis lumipas ang araw sa loob ng eskwela.

Mabuti at tinanggap pa rin ng prof namin sa EPRECON ang gawa namin, kahit late na. And by next week magde-design naman kami ng one-way slab, tapos design sa purlins at truss naman sa ESTRUD1. Tapos sisimulan ko na talaga ang plates sa ESTHEO2. Nalalapit na rin pala ang finals namin, ilang weeks na lang ang bibilangin... Haaay.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



And yet a horrible journey...

After school, agad na rin akong bumiyahe papuntang Sucat; pero sadyang minalas pa ako sa biyahe. Bale nag-LRT-3 ako papuntang Cubao; then napakaraming tao sa MRT Cubao station -- inabot ako ng almost 30 minutos sa pagpila ng single journey ticket.

Pero hindi pa doon nagtapos, dahil nahirapan ako lalo sumalay ng Sucat bus sa Magallanes. nagtagal ako doon for another 30 minutes, at naka-kapit na ako sa pasukan ng bus sa sobrang siksikan ng tao! Pero nakaluwag naman pagdating ng Bicutan, whew. (Good thing is, hindi pa ako nakapagbayad, nyok nyok!)

Pasado alas nuwebe na ako nakarating, at nandoon nakatambay sa labas ang mga kabanda ko, kasama ang The Guy Upstairs pipol. Naki-idlip pa ako sa tsikot ni Drey bago kami umakyat. Bale pang-pito kaming tumugtog.

Naunang tumugtog ang mga hardcore/emo core dudes, then before kami, tumugtug muna ang The Guy Upstairs. Bale apat na kanta ang tinugtog nila (instead of 3 -- sinabihan kami ng isa sa mga taga-doon sa bar na may hinatak silang guest band). So hayun nag-four songs na rin kami, at naging masaya naman ang tugtugan namin (much better than last week). At nakilala din namin ang ibang banda na old school rock din ang tugtugan, especially ang Snakebite band, na pawang mga malulupet haha!

Tinapos namin ang tugtugan up to the last performer (na may gitaristang Caucasian na malaki ang pedalboard!), and past 3am na nung sumibat na kami, bale nakisabay ako sa tsikot ni Lucky (officemate ni Jun), at sumakay ng bus.

At nung pauwi na ako, minalas ulit ako dahil naiwan ko ang file case ko (na ang laman ay mga school projects ko) sa tsikot ni Drey. Ee saktong paubos na pala ang gas ng tsikot niya; so nakipagkita ako sa kanya sa katipunan area pa para kunin yung file case. And past 6am na ako tuloy nakauwi ng bahay! ;p

( For Multiply contacts only: 2008.07.31 One Luv Reggae Bar pics )

Minalas man sa biyahe, solbaks naman sa tugtugan. ^___^

7/26/08 12:35 pm - Studies and Rock n' Roll!

Ordinaryong eskwela blues na naman

Late akong nakarating ng school, dahil medyo nag-petiks ako sa bahay bago nakaalis nung umaga, at hayun more that 30 minutes akong late for ESURVEY class.

As usual, nag-internet ako during break, tapos nag-quiz kami sa EPRECON. Madali lang sana eh, dadalawang problems lang; pero hayun na-mental block na naman ako sa quiz. May nasagutan naman, pero hindi pa ron sigurado, dahil wala sa multiple choices ang mga sagot. Haay gulay!

Tapos nag-reporting ulit habang ECECTV1 class namin... As usual, natagalan na naman sa pag-setup ng PC at projector; tapos medyo matagal nakipag-usap pa ang prof namin sa mga JPICE officers (siya nga kasi ang adviser ng JPICE), kaya habang busy sila nag-uusap, nag-Kodakan kaming magkakaklase, courtesy of my digicam na dinala. (Entry to be edited, ilalagay ko ang pics mamaya!)

Tapos nag-discussion magdamag sa ESTHEO2 class, at nagpa-quiz ba naman ang prof namin (na puro madadaling items daw). Tsk tsk, hayun one out of three problems lang ang nasagutan ko, dahil wala naghahang na ang utak ko nun. Tas medyo inaasar pa ng prof namin 'yung mga kaklase kong nagsi-inuman nung weekend birthday party, na kesyo inuuna pa daw mag-celebrate bago tapusin ang plates namin. Honga naman, wala pa sa amin ang nagsisimulang gawin ang mahigit 100 problems! Tsk tsk... Oh well.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Black Shield band's second gig

Dali-dali na akong bumiyahe papuntang One Luv Reggae bar pagkatapos ng klase -- nagbihis muna ako (at naglabas ng sama ng loob sa C.R.), at instead na bumiyahe ako via LRT1 line, nagdesisyon akong mag-LRT3 at nag-Cubao ako, then MRT hanggang Magallanes station. Then inabot na ako ng matinding ulan sa puntong iyon; umandar bigla ang adrenaline ko at tinawid ko ang gilid ng flyover para makapuwesto sa tabi ng kalye, at hayun nakasakay naman agad ng Sucat bus. Mabuti na lang tumila na ang ulan pagbaba ko ng Sucat, at pagdating ko sa labas ng bar, ako na lang ang hinihintay, at nagsi-pasukan kaming magkakabanda, including Zigz's misis (na acting manager namin hehe).

Kami ang unang dumating na pipol, tapos unti-unting nagsidatingan ang mga tao, at ibang banda. Pasado alas nuwebe na nagsimula ang tugtugan, dahil natagalan ang pagdating ng taong kumakalikot ng mixer. Bale first band ulit kami, at nagtatlong kanta lang kami -- dalawang Razorback at isang Foghat cover.

Kasabay ng tugtog namin, may mamang nag-video ng performance namin, na isang personnel ng Red Horse Muziklaban. Earlier, nilapitan nila kami, at kinumbinsi kaming sumali;pero ayun nga sabi niya irerecord niya ang performance namin as entry sa screening. So pagkatapos namin tumugtog, pinirmahan na ni Zigz ang application form namin.

Then pinanood namin ang sumunod na banda sa amin, ang Guy Upstairs. Nagustuhan daw nila ang set namin, and after nilang tumugtog, naka-chikahan namin silang lahat. Mga PhilMusic forumites din pala sila; at regular sila sa One Luv tuwing Thursdays. (At nalaman naming pen genre day pala kada Huwebes doon.) Pero hayun naka-areglo na namin si Paolo, and next week balik uli kami doon. Yahuu!!

Pasado alas one ng gabi na kami nagdesisyong lumarga; at nakisabay ako kila Zigz papuntang EDSA, at nakasakay ng Novaliches bus pauwi. Quarter to 2am na ako nakauwi ng bahay, bangag na bangag.

7/16/08 11:13 am - Sakit ng Ulo!

First thing in the morning, naka-idlip ako sa bahay sa gitna ng pagri-review ko (for the exams) around 4am; kaya hayun 6:30 na ako nagising! Mahigit 30 minutes tuloy akong late for ESURVEY class tuloy. T___T Nagpa-photocopy tuloy ako ng maraming notes...

Then hindi ko nagawang pasukan ang EPRECON class namin, dahil magdamag akong nag-internet, at nag-edit ng ECECTV1 report (at 'di ko na namalayan ang oras). Pero hayun na-compute ng kaklase ko ang midterm grade ko, at pasado naman daw ako. Whew!

Nag-exam kami sa ECECTV1 namin, at maaga ko namang natapos ang pagsusulit. Tapos agad na rin akong tumambay ng library kasama ang mga kaklase, para sa kinatatakutang ESTHEO2 exams.

At tulad ng inaasahan, naging mahirap ang pagsusulit namin sa ESTHEO2; nasagutan ko naman ang mga problems, pero hindi 100% sigurado sa sagot. Kumusta naman 'yon, haha!

Agad na rin akong nag-FX pauwi para makabawi ng tulog sa biyahe, at sa bahay. Tuyong-tuyo talaga ang utak ko pramis!

7/14/08 10:31 am

Exams na naman

Late na akong nakapasok ng ESTRUD1, dahil late na akong nagising. Tapos nakalimutan kong dalhin ang aking Canon calculator, kaya't napatakbo pa ako sa CE Faculty para manghiram ng scientific calculator; kaso old school ang nahiram ko, kaya nahirapan ako sa pag-calculate. Ang resulta: hindi ko natapos ang last 2 questions ng exam; pero sigurado naman akong papasa ako. (Kaso sayang pa rin!) Oh well.

After exams, kinontak ko ang kagrupo ko sa EPRECON, and past 3pm nagkita kits kami sa library para tapusin ang group project namin. Before 4pm na kami nakapag-submit sa CE Faculty -- mission accomplished sa wakas... (BTW, may bonus na isang quiz equivalent ang project, kaya makakabawi kami sa midterm grade. Whew!)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



S.O.N. Applicants' Audition `08

Afterwards agad na rin akong nagtungo ng AMA Computer University (AMACU) para um-attend sa once-in-a-year gathering ng S.O.N., dedicated sa mga nagbabalak-sumali ng org. Medyo nag-hesitate ako, dahil inaatake pa rin ako ng sinusitis; pero nagpunta pa rin ako kahit masama ang pakiramdam, tutal gusto kong makita muli ang fellow alumni ng org.

Past 4pm ako nakarating, at naabutan kong maraming taong nagkukumpulan sa tambayan; at mangilan-ngilang alumni din ang naabutan kong nakaupo, pumipirma ng mga tickler. Hindi nakarating ang mga kabanda kong si Jun at Mike5 (ampf kau!), pero nakarating naman sina Ann President (ang S.O.N. president nung aplikante pa lang ako way back 2002), Rex 'dreadhead', Cris Genato, Derrick 'the legend', Danny and Mondo.

Also that time na-meet ko sa tambayan si Lari (napadaan kasi siya), at nakapag-usap kami ng matagal-tagal din (at last, after some looong long time). Then ayun in-approach ako ni Alec -- was surprised dahil aplikente rin siya -- para magpapirma ng tickler sa akin. I made 2 requests to him bago ko pirmahan ang tickler: (1) Ayusin ang 'gap' nila ni Polo (na former S.O.N. president; and (2) Usap kami regarding some recent 'sensitive matters'. Pero hayun naging okay naman ang pakikitungo ko sa kanya.

Before 6pm natapos ang auditions, at dumerecho na kami ng Kitchenette for the 'traditional' inuman sessions -- bale bininyagan na namin ang mga 'di umiinom, at isinagawa na rin namin ang 'initiation rites' namin, na ikina-kaba ng iilang aplikante (nyehehe!)... May mga maagang umuwi, pero natapos na kami past 12 midnight.

Kasabay ko palabas ng Munoz sina Ann President at Chris Roach, at nakauwi na ako ng bahay around 2am. Saya ng araw ko, as in...

(Entry to be updated, post ako ng pics soon...)

7/9/08 08:15 am - Simula na naman ng school weekday na malupet...

Magdamag kong ginawa ang report ko sa ECECTV1 buong madaling araw, so hayun wala akong tulog at all.

Then ordinary day ulit sa school -- arrived a bit late for our ESURVEY class, tapos bago na ang room namin (doon sa mas maliit na A204). After that class, nag-internet ulit ako para tapusin 'yung report (PowerPoint presentation kasi 'yon).

Tapos sa EPRECON nai-reveal sa amin ang resulta ng quiz -- WALANG PUMASA! Hayun sinulat ang mga solutions sa BUONG whiteboard; punong-puno talaga ng sulat, na 'di ko na kinopya dahil sa sobrang puyat. At 'di lang 'yon; midterm exam na daw namin sa Thursday (imbes na next week pa), dahil magli-leave ang prof namin next week. Yari na talaga!

Then sa ECECTV1 nag-quiz kami, at hindi na kami nakapag-reporting (!?!) dahil nakulangan sa oras. (Tsss, naghanda pa naman ako, tapos wala rin!)

At nag-lecture at short quiz kami sa ESTHEO2, na obviously e 50/50 ang chance kong pumasa, dahil 2 problems lang pero mahihirap; tapos medyo nalito pa ako sa conjugate beam method. T___T

Agad na rin akong umuwi, para simulan naman agad ang PowerPoint report ko para sa ENGIGEO...

7/6/08 03:48 pm - One so-so night...

School blues muna...

A few minutes akong late nung dumating sa ENGIGEO class namin, which was another ordinary reporting and quiz day. But this time hindi ako nakinig sa reporting; instead, nag-review aqo sa quiz (nagbasa ng napakaraming handouts). Hayun, mabilis kong natapos tuloy yung quiz!

Agad akong nagpunta ng library, kasama si Janna (maaga rin niya natapos ang quiz), and nag-research kami (for our report sa Tuesday) via wi-fi connection sa campus namin. Around 4pm na nung lumabas ako at nag-internet (at nag-Special Force) sa NABS.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Debut ni Hira

Medyo minalas paako sa biyahe, dahil imbes na Taft jeep ang nasakyan ko, napadpad pa ako ng Lawton. Around 7pm tuloy ako nakarating ng McDo Vito Cruz, pero a few minutes later nagsidatingan ang mga kabanda ko, along with 2 mor guests (mga kaklase ni [info]coincibens). Agad na rin kaming nagtungo ng Burgundy Westbay tower, for the birthday party. (BTW, doon pala nagdo-dorm si [info]onelast_sunset.)

Pagdating, naabutan namin si Peacegle, and nalaman kong hindi pala tuloy ang band nila.Then pag-akyat sa penthouse, wala pang tao (nagse-setup pa lang ang soundsystem at yung mga mesang hapag-kainan). Nagdesisyong bumili ng 2 grandeng Red Horse sina [info]coincibens. Moments later, unti-unting nagdatingan ang mga bands. Then bumaba ako, at nakasalubong ko doon si Rainey. (I was excited to see her eh! Tumugtog din kasi 'yung banda nila.) Kasabay ng inom ay nag-review pa ako para sa quiz namin kinabukasan sa school.

Past 9pm na nung nag-start ang kainan and tugtugan; nagawa ko pang makipag-mingle sa HarakiriJiro and their manager. Share kami ng mga kwento, and chismax (LOLZ).

Past 12 midnight na kami nakatugtog, at medyo groggy na kaming magkakabanda; hindi rin maganda ang pakiramdam ko that time. Ayun tuloy, pangit ang naging performance namin -- sobrang kalat, maraming sabit, hindi kapit ang tunog. Worst gig na yata ng Nenerminator 'yun to date.

Agad na rin akong umuwi ng bahay (instead of staying there until morning). Very stressed talaga ako nun.

On behalf of Nenerminator, nagpapasalamat nga pala kami kay Hira para sa pag-imbita sa amin sa party.

7/5/08 11:53 am - Nayari na naman ako sa quiz namin...

Oh well, mukhang bokya ako sa EPRECON quiz namin, dahil na-mental block ako sa dami ng formulas, at sa mga tricky questions. Oh well, nagpuyat pa naman ako kaka-review nung madaling araw. Pagkatapos ng quiz e tinamaan na talaga ako ng matinding antok sa school.

Earlier, nakapasok naman ako on time for my ESURVEY class; pagkatapos nun ay agad akong kumain ng early lunch, and nagtungo ng library para mag-review pa ulit (para doon nga sa quiz).

Then medyo nakapag-participate naman ako sa ECECTV1 and ESTHEL2 classes namin, thanks sa isang bagong brand ng kendi na nabili ko sa bangketa. (Edit ko itong post mamaya, ipo-post ko yung picture.)

Bale Php2.50 ang presyo ng isa, tapos "energy candy" daw siya. Lasang peppermint (tama ba) yung candy, and yes medyo effective siya 'di lang pantanggal ng antok, pati na rin sa gutom... Makabili pa nga ulit...

After school, dumaan ako sa ate ko para makapag-dinner, then dumerecho na ako ng uwi ng bahay. At dahil pasado 11pm na ako nakauwi, 'di ko naabutan ang overseas phone call ng dad ko; kaya mukhang bad shot na naman ako.

6/30/08 10:28 pm - Whew, Whatta Day...!

Biyahe Blues sa Mahal kong Maynila

Maaga akong nagising(madaling araw), sa 'di-maipaliwanag na dahilan; at medyo tinamad pa akong pumasok... But eventually, nagawa ko namang pasukan ang ESTRUD1 class namin. Nag-lecture lang kami magdamag.

Pagkatapos ng klase, sumama ako sa mga kagrupo ko sa EPRECON, at nag-food trip kami sa may Ever. Hayun, nag-sizzling kami, at heto ang in-order ko...

sizzling skinless longganiza
Mainit-init pang skinless longganiza.



...at ang rating ko sa lasa ng longganiza: 7 out of 10.

Dimating din si Jamie doon, at naisauli na niya si Lispol, at agad din siyang umalis. Tapos bumiyahe na ako apuntang Paco, dumalaw kila Sir Jobet (a.k.a. BAMF), and acquired some Gen 2 scalarizers.

Then dumaan ako sandali sa Raon (to buy a few switches), at agad na rin akong umuwi ng Shelterville.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



So-so gig sa Freedom Bar...

Around 6pm na ako bumiyahe papuntang Freedom Bar, para sa third gig ng Nenerminator sa 1st anniv event ng Chupachupsyo Productions. Past 8pm na ako nakarating, at hindi pa nagsisimula ang gig; nadatnan ko agad doon si [info]rezarius, na alas siyete pa pala dumating.

Then ininform kami ni [info]coincibens na male-late siya ng dating (around 9pm). nagpa-lineup kaming pangatlong band sa list (and noticed na walang may gustong maging first band, kaya hindi makapagsimula agad ang tugtugan). Tapos nag-brownout pa sa Anonas, which caused the further delay of the event. buti na lang bumalik din agad ang kuryente.

Dumating si [info]coincibens bago mag-alas diyes. Nagawa naming makausap (at mapanood) ang mga kapwa-JRock bands nung gabing yun. Labas-masok kami ng bar though, dahil nainitan kami sa weather, at hindi namin nagawang mapanood ng mabuti yung mga banda, pati na rin ang Pedicab. (BTW, oks na oks ang tunog nila! Kaso nahiya akong magpakuha ng litrato, ampf...)

Before 12 midnight na kami nakatugtog -- naging maganda naman ang performance namin (okey sa olrayt ang timpla), pero hindi namin nagustuhan ang overall experience...

( Refer to this link for details. Please ignore the senseless posts of a few trolls out there... )

Salamat ng marami kila Ann Punk, Ronald at sa mga kasama nila, sa pagsuporta nila sa amin that night. (Buti na lang at sakto ang dating nila para mapanood nila kami.)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



...pero 'di pa doon nagtatapos ang gabi

Umuwi na agad si [info]rezarius pagakatapos ng tugtog namin; hinatak naman kami ni lj user="coincibens"> nila Ann Punk, at sumama sa kanila sa panonood ng gig ng The Chongkeys sa kalapit na 9 Mile bar (along Kalayaan Ave. lang).

Tinapos namin ang event, at nag-enjoy kaming lahat. Maganda ang ambience, music at ang atmosphere ng crowd. Chikahan blues pa among folks after ng tugtugan, bago kami nagdesisyong magsiuwian.

Pasado alas-kuwatro na ako nakauwi ng bahay, latang-lata sa pagod at puyat.

5/31/08 01:40 am - Still, no luck

Late morning na ako nagising, dahil sa magdamag na paglalaro ng Special Force buong madaling araw. Pero after lunch saka na ako umalis papuntang school; on the way,dala-dala ko ang G2.1u ko, and finally napabutas ko rin ang chassis for the simple [frankenstein] modification I'm planning for. (Muhahaha....)

Pagkadating sa school, agad na akong dumerecho sa assessment area (sa Tech building); but lo and behold, 12 units pa rin ang total enlisted subjects ko -- hindi lumabas yung ESTRUD1 (Structural Design 1). So nagtungo ako sa CE Department; and I was told na hintayin na lang ang CE Director (si Sir Jun), for the necessary actions.

Naghintay ako until 4:30pm; bumalik ako para ipa-print na ang assessment form. At dumaan na ako ng CE Department, nandoon na si Sir Jun.

I then discovered na 20 students lang ang nakapasok sa ESTRUD1, pero fully booked na; dahil sa room A204 -- isang napakaliit na classroom -- pala ang magiging kwarto namin. So ipinabago ni Sir Jun para may iba pang makapasok sa subject. Pero hayun sinabi na balikan ko na lang daw sa susunod na araw, dahil lagpas 5pm na nun (at sarado na ang Registrar). Hayun, wala rin akong napala sa FEU-East Asia that day!

Napadaan na naman ako ng Raon, para bumili uli ng ilang components (related uli doon sa 'binabalak' kong DIY mod sa G2.1u); at agad na rin akong umuwi. Shempre napagod buong araw kaka-biyahe... Hayyy.

5/26/08 08:52 pm - The horrible journey

Just had one of the worst experiences on my way home: after kong dumaan ng Raon para magtingin-tingin ng mga electronic stuffs ('di ko na nagawang pumunta ng school), naisip kong sumakay ng Nova Bayan bus malapit sa Doroteo Jose LRT station, dahil tiyak matindi ang traffic sa Quirino Highway. Alas singko ng hapon na nun...

Malaking pagkakamali.

Unang-una, dahil para kaming nasa loob ng steamer ng siomai/siopao -- anak ng teteng, sumisingaw 'yung init ng makina sa LOOB MISMO NG BUS! At ang malas, nasa gilid ako malapit sa bintana at gulong, na kung saan doon sumisingaw 'yung init ng makina. Nagtiis ako sa puwesto ko hanggang makarating kami sa Malinta tollgate (na halos 45 minutes din dahil matindi ang traffic along A. Bonifacio!), at nagsibabaan ang maraming bus.

Hindi pa doon nagtapos ang kalbaryo; sooooobrang kupad ng usad along Gen. Luis road; at tila naghintuan ang lahat ng sasakyan bago kami makarating ng Vista Verde. Tumirik pa ang bus ng ilang minuto, dahil ang lecheng drayber pinapatay-patay pa 'yung makina kapag humihinto.

Matapos mahigit 30 minutos, nagdesisyon na akong lakarin (at lagpasan) ang mga tila nagingitlog na mgasasakyan -- 18 wheeler, maraming bus, at maraming jeepney... Ilang metro na rin akong nakalagpas ng Vista Verde, saka ko naabutan ang pag-usad ng mga sasakyan. So hayun sumakay ako ng Nova Bayan jeep.

Pagkasakay ko, medyo matindi na uli ang trapik; kaya naisipan ni manong na mag-counterflow sandali para ma-overtake ang ilang trak. Tapos gumilid kami para makadaan 'yung nasa kabilang lane. At minalas na naman -- nasiraan bigla ng gulong 'yung isang van sa kabilang lane, at sa gitna ng daan huminto!

Takte, nag-maniobra bigla 'yung jeepney pabalik -- oo bumalik kami -- at nagdesisyon si manong drayber na sa loob na ng Vista Verde tumahak! Nakakainis, dahil nakasalubong ko uli 'yung sinakyan kong bus kanina. Pffft!

Dahil sa Vista Verde subdivision (at sa kung anu-anung pasikot-sikot na ruta) ang dinaanan, nakalusot na kami (SA WAKAS) uli ng Gen. Luis, sa may Flying V station. Wala ng matinding traffic. Pero si manong drayber nagdesisyong magpa-gas sa Shell (malapit sa Glori), at talagang nagpatagal ng husto ang gunggong! So nilakad ko na mula doon hanggang sa Shelterville terminal, sa soobrang inis!

Kung may dala lang akong FA-MAS rifle tsaka FR-F2 nag-amok na ako!

5/7/08 06:31 am - Rtschrck Weekend Practice (Part 1)

Umalis ako ng bahay after lunch (bitbit ang mga kagamitang panggitara), at dumerecho ng Buendia, para daanan ang pinadalang parcel galing sa aking mga magulang. Along the way, inabot ako ng sangkatutak na kamalasan -- inabutan ako ng hagupit ng malakas na ulan, nasiraan pa ng tren nung sumakay ng LRT, at nakipagkumpulan sa matinding trapik along Buendia... So ayun, dumating ako sa Macro (pangalan nung delivery) office around 5pm.

May 4-6pm practice kami nun, pero hindi ko na nagawang abutan; pero humabol pa ako for that 7-9pm practice instead. So dali-dali akong nagtungo ng Gig Studio, kahit basang-basa sa ulan tulad ng Aegis... Pero hayun, naging okey naman ang practice; pero medyo bitin, dahil kinailangang umalis agad ni Jun (dahil may trabaho).

Pagkatapos ng practice, agad na rin kami umuwi, at minalas pa rin dahil nahirapan akong sumakay pauwi ng Shelterville -- hayun, mahabang pila na naman dahil walang jeep! Ang nakakaasar: naghintay ako ng mahigit 30 minuto, tapos nainip na ako at nagdesisyong lumakad pabalik at sumabit sa Bagong Silang Kaliwa (phase 9) jeep. Pagkadaan ng jeep, saka ko nakitang may dumating pang Shelter jeep. Taenang yan, napagastos tuloy ako ng trike pauwi sa amin.

Hindi rin ako nakatulog (kahit sobrang puyat, at pagod sa biyahe), dahil kinailangan kong sumipra sa gitara, at *ehem* maglaro ng online game, para sulitin ang off-peak internet... XD

Pero ang pinaka-da best: may bagong cellphone na ako sa wakas! Tsaka sapatos na rin, hehe! (Yun ang pinadala nila sa akin.)

4/19/08 12:51 pm - Palpak!

Wednesday. Dumating ako ng school saktong alas otso, para sa EHIGSUR class ko. Naabutan kong busy nage-exam ang lahat; pagpasok ko ng classroom, nagtaka ako't nagtitinginan silang lahat sa akin. Pagka-approach ko sa prof ko, agad akong tinanong, "Dito ka ba talaga?"

Then later I found out na 7 to 9am pala ang exam. Yes, Late ako ng 1 hour. At napakahaba ng exam namin! So kukulangin ang 1 hour time limit; kaya agad akong nagmadali!

Tinanong ako ng prof namin kung bakit late na naman ako; at sinabi kong in-inform sa 'kin na 8 to 11am daw ang exam; and that classmate of mine also arrived 8am, halos magkasabay lang kami. At may mga na-late pang iba, dahil na-inform din sila (courtesy of me), kaya hayun apat kaming hindi nakatapos ng exam! (Sayang, 2 triangulation items na mahaba 'yung di ko nasagutan! :( Tae...)

Syempre nanlumo ako pagkatapos ng pagsausulit na 'yon. Afterwards, nilakad ko na ang exams permit signatures ko sa iba kong mga prof (dahil kakabayad ko lang ng tuition that day).


Pero hindi doon nagtatapos ang kapalpakan ko nung araw na 'yon. Nung ESTHEO1 exam naman, nakow todo review ako (as in pinaghandaan ko talaga), plus tinapos ko ang assignment namin. Then nung exam, grabe parang Takeshi's Castle sa hirap! Lahat kaming magkakaklase e literal na natuyo ang utak! :( May iilan na nakatapos, pero halos lahat may mga hindi nasagutan na item. T___T Tae talaga!

Pero sa wakas, bakasyon na!!! Que pasado o hindi, babawi ako ng maraming tulog! At gusto ko na mag-beach!

3/31/08 11:25 pm - Another So-So Monday Na Naman Ulit Again.

Nabukol sa School

Gising ako buong madaling araw kanina, kakalaro ng Half-Life (haha!); at dahil hindi ko namalayan ang oras, hayun na-late tuloy ako ng alis ng bahay! Tapos minalas pa sa biyahe -- 'di nakaligtas sa trapik ni Kamatayan... Kaya hayun, nasa Blumentritt pa lang ako nung alas-otso (!) na. Kaya naisipan kong pumunta kila ate. Doon ako bumawi ng tulog, at kumain ng lunch.

Tapos pagbalik ng school, hindi dumating (na naman) ang prof namin sa EINPHIL; so ayun 'di natuloy ang quiz namin. Pero hayun nag-quiz kami sa ESTHEO1 naman -- doon ako nayari, dahil na-mental block bigla. Nagkamali-mali ang pagkakasunod-sunod ng mga equations ko, potek! T___T

Kaasar talaga...



Atake ng GAS

After school (at kumain sandali ng siomai rice sa tabi), agad na ako bumiyahe papuntang Tutuban Centermall, at nakipagkita ako kay Sir Mehraj (a PhilMusic forumite). Naki-angkas ako sa scooter niya papunta sa place nila sa Tondo proper, and doon ako naka-GAS ng item; and na-testing pa namin... Soyang-soya!

Oh well, balak kong gamitin ito sa Linggo; kaya medyo kailangang pag-aralan ko pa ang paggamit (at pagpihit) nito. Medyo inferior ang quality nito compared sa talagang ginagamit na type; pero pwede na. Sa Ozine Fest ko na lang malalaman ang totoong potensyal nito, hehe; good luck naman 'di ba...

3/28/08 11:39 pm - Shitty Friday

First thing in the morning, ginawa ko 'yung mgaassignments ko sa ENGIMGT and EHYDROL; then late nakaalis ng bahay, kaya late na nakarating ng school. Before ako pumasok ng ENGIMGT, nagpa-print and kumain pa ako, kaya 1 hour late ako dumating, haha... :D And as usual, tablado na naman ang prof namin -- hindi nagpa-participate ang mga pasaway na kaklase ko; example: biro mo ba naman, tinatanong na siya ni ma'am, tuloy pa rin siya sa pagru-rubix cube na tila walang narinig. Tsk tsk...

Then after class, nagpalipas-oras ako sa internet, and finished the 3 EHYDROL assignments. As usual, nagkaroon lang ng normal reporting daysa EHYDROL...

Afterwards, nag-internet uli ako sa labas, bago bumalik ng school around 6pm, para mag-review ng matindi for ESMECHS quiz. Pero sadyang minalas na naman, at may mga items na 'di ko masagutan agad, at naubusan na ako ng oras bago ko nagawang tapusin. Tae! T___T

Agad na rin akong umuwi ng bahay, super stressed.





[EDIT] Tas nag-brownout ba dito. Bullsyet talaga...

3/26/08 10:28 pm - Wednesday Hassle!

Na-late ako sa pagpasok ko for EHIGFLD subject namin that morning; pero nakatulong naman sa grupo namin na tapusin ang fieldwork~ (Naunahan na naman namin 'yung mga mababagal na grupo, heheh..)

And then... )

3/25/08 11:46 pm - Martes Malas!

Grrrr... Ewan ko ba kung bakit ang malas ko sa biyahe!

First thing in the morning, nagtungo ako sa PLDT Fairview Branch, para umapela ng temporary restraining order este i-update (at bayaran) ang aking billing statement -- biro mo, nakapagbayad na ako last month, pero sinisingil pa rin kami! Ano sila, helowww... >:E Okaaaay one down, one Meralco bill to go...

Then heto na ang simula ng kamalasan... May dumaan na Quiapo bus -- halos puno, pero 'di ako sumakay, dahil umasang may dadaang FX na singlamig ng Tagaytay ang aircon, pero WALA! So after a million years nakasakay ako sa sumunod na Quiapo bus, na konti ang tao; and guess what: mangingisda pala yung drayber! Paano ba naman, parang arowana sa bagal at haliparot ang bus, tas nangingisda ng pasahero sa buong Commonwealth Avenue Islands (at di nakuntento, pati sa Quezon Blvd at Espana namick-up din ang kumag)! FIIIIIISHHH!!!

So as expected, isang oras akong late para sa ENGIMGT class namin. Pero masuwerteng nagka-kainan blues sa kalse, dahil may hiding admirer este mabait na estudyante (sa I.T. dep't ata) na nagregalo sa kanya. Then maaga din kami dinismiss; nagbigay lang ng assignment. Pagkatapos, nagpalipas-oras ako sa internet cafe, at gumawa ng assignment para sa EHYDROL.

Tapos simpleng reporting lang uli sa EHYDROl; as usual, active na naman ang mga Pilosopong Tasyo, kaka-tanong ng mga out-of-this-world na katanungan, hehe... Pagkatapos, nag-siomai food trip sa labas (kasama ang mga kaklase), at nag-internet ulit.

Normal na lecture lang ulit sa ESMECHS. Pero ang kamalasan: may quiz daw kami sa Biyernes; so ibig sabihin, 'di ako makaka-absent, at um-attend sa Do'ahou practice. Takte talaga oh.

At nung pauwi, minalas ulit sa biyahe, at nakasakay sa bulok na Nova Bayan jeep -- kung anu-anong side-mission pa ang ginawa ni manong drayber (at ang kanyang mga ka-party na Tatlong Maria na biatch!); dinaig pa ang FFX-2, pramis... Dagdag mo pa diyan ang nakaka-iritang kwentuhan sigawan nung Tatlong Maria -- akala mo naman nanalo sila ng Barangay Miss Gay! Buti na lang at naisipan kong mag-wantutri~ (at nagtagumpay naman.) :D Sori na lang, haha!

'Di pa dun nagtatapos, dahil inabot na ng Ice Age bago dumating ang last trip jeep sa Shelter terminal... Tanggal naman ang antok dahil sa pag-oobserba sa mg pokpok na dumi-display pa sa katabing mini-KTV/beerhouse... Talaga nga naman, 'pag di ka naka-boundary, hehe... At quarter to 12 na ako nakauwi, THANK YOU!!! Haay, nakakaasar talaga!

3/16/08 11:55 pm - Yoshinoya Event noong Sabado ~Aftermaths~

Maagang umalis ng bahay, at sadyang minalas sa biyahe nung umagang iyon -- biro mo sakay-baba ako ng jeep at nakapag-FX na nga ako't lahat lahat, na-stuck pa rin ako sa matinding trapik. Hayst, sabado nga naman...

Nakarating ng quarter to 12 ng tanghali, sa Jollibee Munoz, para kitain si Lenlen, a longtime friend namin sa Rtschrck (yep, way back Ongaku Rave, year 2003); supposedly 11:30am kami meet, pero na-late din siya as well (dumating siya a few minutes I arrived). So bumiyahe na kami via MRT hanggang Taft, then sumakay sa pugon na jeep (kasi mausok) upang makarating ng Mall of Arroyo este Asia.

So ayan, narating namin agad ang Music Hall, at nagse-setup pa lang ang isang guest performer (yep, naabutan pa namin ang simula ng event). May iilang cosplayers (tulad ni Sandra -- hehe kaka-chat ko lang sa kanya nung umaga, LOLZ), ilang banda (tulad ng Ethereal), at ilang tropa (tulad ni [info]rezarius) na naroroon.

Pagkatapos tumugtog ng banda ni Kaoru at Ethereal, saka tumugtog kaming mga gunggong, heheh... Naka-tatlong kanta lang, dahil medyo matagal ang pag-setup namin. Medyo bored ang crowd, pero ayus lang.

Then sinimulan ko na ang paglilibot at pangongodak ng kung sinu-sino. At heto ang iilan sa mga nakunan ko, gamit ang mahiwagang cellphone ni [info]rezarius:

Bawal i-click! )

Hindi nanamin nasubaybayan gaanoang contest proper mismo, at naglibot kami ni Lenlen around MOA; and eventually sumama sa pagtambay with my bandmates sa Yoshinoya. Pagbalik sa Music Hall, naabutan na namin ang awardings, at ang performance ng Itchyworms habang pauwi na kami. (Hindi ko na nagawang sumama sa inuman kila Jun.)

So sabay na kami umuwi ni Lenlen, at sinugod ang matinding trapik palabas ng MOA (tae, andaming nagpuprusisyong mga nilalang na nakaputi at may hawak na palaspas, as in maraaaaaaaaammmiii na pagrang langgam sa Macapagal highway!) na inabot almost 30 minutes ng walang galawan. Hinatid ko siya hanggang Monumento. Then nakauwi naman ng bahay lagpas 10pm dahil naman sa matinding trapik sa may Quirino Highway. (Minalas pa sa biyahe dahil nawala ko pa ang isandaang piso ko, tae!) Pero masaya naman ang araw kaya okay lang. :)

Pasasalamats/pabati portion: Una sa lahat, siyempre salamat kay [info]hydee_takarai at sa bumubuo [info]juujiro_ml para sa pag-imbita sa Do'ahou, and sa libreng beef gyudon/red tea; salamat ng marami kay Lenlen sa pagsama (at pagsuporta); kay [info]rezarius sa pagpapahiram niya ng cellphone (nyehehe); at sa iba pang nagpunta at sumuporta sa amin. Congrats kay Sandra (dahil siya ang nanalo sa cosplay); at hello po kay Risha ng PhilMusic forums (que napadaan ka o hindi sa MOA nung Sabado, heheh!); at hello na rin kay umbrella girl, dahil may nagpapatanong kung ano e-mail mo daw sa Friendster (at balak ka niyang i-add), wahehehe...!

Powered by LiveJournal.com

Advertisement

Customize