Home

Advertisement

Customize

Neil Alex™ Journal

~xelalien's misadventures~

7/6/08 03:48 pm - One so-so night...

School blues muna...

A few minutes akong late nung dumating sa ENGIGEO class namin, which was another ordinary reporting and quiz day. But this time hindi ako nakinig sa reporting; instead, nag-review aqo sa quiz (nagbasa ng napakaraming handouts). Hayun, mabilis kong natapos tuloy yung quiz!

Agad akong nagpunta ng library, kasama si Janna (maaga rin niya natapos ang quiz), and nag-research kami (for our report sa Tuesday) via wi-fi connection sa campus namin. Around 4pm na nung lumabas ako at nag-internet (at nag-Special Force) sa NABS.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Debut ni Hira

Medyo minalas paako sa biyahe, dahil imbes na Taft jeep ang nasakyan ko, napadpad pa ako ng Lawton. Around 7pm tuloy ako nakarating ng McDo Vito Cruz, pero a few minutes later nagsidatingan ang mga kabanda ko, along with 2 mor guests (mga kaklase ni [info]coincibens). Agad na rin kaming nagtungo ng Burgundy Westbay tower, for the birthday party. (BTW, doon pala nagdo-dorm si [info]onelast_sunset.)

Pagdating, naabutan namin si Peacegle, and nalaman kong hindi pala tuloy ang band nila.Then pag-akyat sa penthouse, wala pang tao (nagse-setup pa lang ang soundsystem at yung mga mesang hapag-kainan). Nagdesisyong bumili ng 2 grandeng Red Horse sina [info]coincibens. Moments later, unti-unting nagdatingan ang mga bands. Then bumaba ako, at nakasalubong ko doon si Rainey. (I was excited to see her eh! Tumugtog din kasi 'yung banda nila.) Kasabay ng inom ay nag-review pa ako para sa quiz namin kinabukasan sa school.

Past 9pm na nung nag-start ang kainan and tugtugan; nagawa ko pang makipag-mingle sa HarakiriJiro and their manager. Share kami ng mga kwento, and chismax (LOLZ).

Past 12 midnight na kami nakatugtog, at medyo groggy na kaming magkakabanda; hindi rin maganda ang pakiramdam ko that time. Ayun tuloy, pangit ang naging performance namin -- sobrang kalat, maraming sabit, hindi kapit ang tunog. Worst gig na yata ng Nenerminator 'yun to date.

Agad na rin akong umuwi ng bahay (instead of staying there until morning). Very stressed talaga ako nun.

On behalf of Nenerminator, nagpapasalamat nga pala kami kay Hira para sa pag-imbita sa amin sa party.

6/30/08 10:28 pm - Whew, Whatta Day...!

Biyahe Blues sa Mahal kong Maynila

Maaga akong nagising(madaling araw), sa 'di-maipaliwanag na dahilan; at medyo tinamad pa akong pumasok... But eventually, nagawa ko namang pasukan ang ESTRUD1 class namin. Nag-lecture lang kami magdamag.

Pagkatapos ng klase, sumama ako sa mga kagrupo ko sa EPRECON, at nag-food trip kami sa may Ever. Hayun, nag-sizzling kami, at heto ang in-order ko...

sizzling skinless longganiza
Mainit-init pang skinless longganiza.



...at ang rating ko sa lasa ng longganiza: 7 out of 10.

Dimating din si Jamie doon, at naisauli na niya si Lispol, at agad din siyang umalis. Tapos bumiyahe na ako apuntang Paco, dumalaw kila Sir Jobet (a.k.a. BAMF), and acquired some Gen 2 scalarizers.

Then dumaan ako sandali sa Raon (to buy a few switches), at agad na rin akong umuwi ng Shelterville.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



So-so gig sa Freedom Bar...

Around 6pm na ako bumiyahe papuntang Freedom Bar, para sa third gig ng Nenerminator sa 1st anniv event ng Chupachupsyo Productions. Past 8pm na ako nakarating, at hindi pa nagsisimula ang gig; nadatnan ko agad doon si [info]rezarius, na alas siyete pa pala dumating.

Then ininform kami ni [info]coincibens na male-late siya ng dating (around 9pm). nagpa-lineup kaming pangatlong band sa list (and noticed na walang may gustong maging first band, kaya hindi makapagsimula agad ang tugtugan). Tapos nag-brownout pa sa Anonas, which caused the further delay of the event. buti na lang bumalik din agad ang kuryente.

Dumating si [info]coincibens bago mag-alas diyes. Nagawa naming makausap (at mapanood) ang mga kapwa-JRock bands nung gabing yun. Labas-masok kami ng bar though, dahil nainitan kami sa weather, at hindi namin nagawang mapanood ng mabuti yung mga banda, pati na rin ang Pedicab. (BTW, oks na oks ang tunog nila! Kaso nahiya akong magpakuha ng litrato, ampf...)

Before 12 midnight na kami nakatugtog -- naging maganda naman ang performance namin (okey sa olrayt ang timpla), pero hindi namin nagustuhan ang overall experience...

( Refer to this link for details. Please ignore the senseless posts of a few trolls out there... )

Salamat ng marami kila Ann Punk, Ronald at sa mga kasama nila, sa pagsuporta nila sa amin that night. (Buti na lang at sakto ang dating nila para mapanood nila kami.)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



...pero 'di pa doon nagtatapos ang gabi

Umuwi na agad si [info]rezarius pagakatapos ng tugtog namin; hinatak naman kami ni lj user="coincibens"> nila Ann Punk, at sumama sa kanila sa panonood ng gig ng The Chongkeys sa kalapit na 9 Mile bar (along Kalayaan Ave. lang).

Tinapos namin ang event, at nag-enjoy kaming lahat. Maganda ang ambience, music at ang atmosphere ng crowd. Chikahan blues pa among folks after ng tugtugan, bago kami nagdesisyong magsiuwian.

Pasado alas-kuwatro na ako nakauwi ng bahay, latang-lata sa pagod at puyat.

6/29/08 08:51 am - School Blues + Cancelled Practice

Maagang bumiyahe for school (dala-dala ang mabigat na guitar gear), and nakarating on time for ESURVEY class namin (lecture na naman). 'Di ko na nagawang mag-internet, dahil kapos ako sa budget nung araw na 'yun. Pero nagawa ko namang i-text ang Nenerminator bandmates ko na tuloy kami sa Gig Studio no matter what, kahit walk-in lang.

Then lecture din sa EPRECON, tapos discussion tsaka quiz sa ECECTV1, at killer quiz (na 'di ko na-review ng 100%) sa ESTHEO2. Nadale na naman ako sa subject ng killer prof namin...

After class, nagpatulong sa akin 'yung prof namin na mag-uplad ng isesend niyang Microsoft Word documents, na naglalaman ng mga plates namin. Then napag-utusan din akong magpa-photocopy ng prof namin sa EPRECON, hehe. Pagkatapos nun ay dali-dali na akong lumabas, at tinawagan ko na si [info]coincibens, at sinabi niyang bukas na lang daw kami mag-practice. Kaya hayun umuwi na lang ako agad. Pagkauwi, nalaman kong nagtungo pala ng Gig Studio si [info]rezaruis (at nadatnan pa nya doon si Dawny). Miscommunication tuloy ang nangyari, wenk...

6/17/08 12:21 am - Another Boring Day

School ulit...

Before lunch ako nakaalis ng bahay, na may bitbit pang mga mabibigat na guitar gear. Pinasukan ang morning ESTRUD1 class for the first time, and had some introductions related to timber. Medyo inclined sa ESTHEO1 (Structural Theory 1) topics ang lesson, which is okay.

Then nung hapon, nag-assign ulit ng panibagong fieldwork ang prof namin (to be submitted the next day!), ng hindi pa niya dini-discuss 'yung topic. (Ayus 'di ba?) Then nag-fieldwork kami sa FEU grounds (yep, bilad na naman sa araw kami), only to find out na ile-layout lang namin 'yung mga data sa ginawa naming previous plate namin. No observed data recordings, papawis lang talaga. Oh well. Maaga naman kami dinismiss, kaya oks lang.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Papawis practice sa Gigs...

Nag-internet pa ako sa NABS bago lumarga papuntang Gig Studio for Nenerminator practice. Before 8pm na ako dumating, at nandoon na pala si [info]coincibens since 7pm (sinabihan ko kasing 7 to 9pm ang practice, instead of 8 to 10pm, LOLZ). Pero hayun, walang [info]rezarius na dumating for practice; nalaman naming may tinapos pa pala siyang 'raket' (OWSSSS.... Hahaha) via SMS. So nag-jam jam na lang kaming dalawa, and umalis na kami agad, pero 2 hours worth of practice pa rin ang ibinayad namin -- so tig-150 php kaming dalawa. (Ouch, ang sakit sa bulsa!)

Naki-hitch pa ako ng taxi ride ni [info]coincibens hanggang sa Cubao, then agad na rin akong nakauwi ng bahay, very exhausted.

4/30/08 04:27 pm - She Saves The Day gig aftermaths~

Mga hapon na ako umalis ng bahay nung Sabado, and around 3pm nakarating ng Pedro Gil/Taft area, then waited for my bandmates until 4pm, heheh... Tapos nag-practice kami ng 1 hour malapit sa Paco Catholic School.

After practice, umuwi na agad si [info]rezarius sa kanila, while naiwan kami ni [info]coincibens (at nag-internet pa ako sandali heheh); tapos nag-taxi na kami papuntang Nightwish bar past 7pm. Doon namin na-meet ang isa sa mga organizers na si Katty. Agad din kaming pumasok sa loob ng bar, at pawang kami lang ang taong banda pa lang doon~ (tambay mode ang mga waitress ng bar, heheh). Later on dumating na rin si [info]rezarius (at may bitbit na guests).

Bale opening act (na naman) ang Nenerminator; but this time for me mas maganda ang naging tugtog namin nung gabing 'yon; though andami ko na namang sabit, at isang major blooper onstage~ (nasiraan pa ako ng strap, pagka-talon while playing The War, hahaha!) Mabuti at may tumakbo agad na tao (from another band) na nag-abot at nagsuot sa kin ng guitar strap. Didn't forgot to thank him afterwards... At ang malupet: marami ring naka-digs ng mga tinugtog namin, lalo na 'yung Hold Me Tight ng AKFG! (Napansin ko, sa kabilang table namin na ibang banda din.) Tapos after pa namin tumugtog, lumapit pa sa 'kin 'yung isa sa mga waitress, at tinanong kung ano 'yung pangatlong song na tinugtog namin (which was Missing by Ellegarden).

Nenerminator band
Sa wakas, may picture na kami! Weeee!



After our set, pinanood ko na rin 'yung ibang bandang tumugtog -- oks 'yung sumunod sa amin, yung Carmelite ('yung bassist nila ang nag-abot ng strap sa akin, hehe), Paramore-influenced... Tapos nabigla din ako nung nalaman kong tutugtog pala ang Niniskirt (!) that night -- small world heheh! Ayun, bonding-bonding na rin kila Nina and Perce...

Naki-bonding na rin ako doon sa ibang tao, especially doon sa wairess na nagtanong sa kin earlier, which I found out na super JPop fanatic pala siya; and she worked na dati sa Tokyo. (Minsan yayayain ko talaga siya sa tugtugan sa labas. :D ) Then 'yung crowd na nag-appreciate sa amin -- 'yung bandang Noir Melodies, with their friends (which I call them 'Ajikan Dudes', dahil nagco-cover din pala ng JPunk 'yung banda na yun!) -- pinanood ko sila bago ako umalis that night; and even left my contacts to them. Hayun, ka-chat ko na 'yung iba sa kanila. :D

( For more photos, click here. Courtesy of Chupachupsyo Productions. )

( More gig pics, courtesy of Chupachupsyo Productions. )

Sobrang saya talaga nung gabing 'yon; masarap tumugtog sa fresh crowd, na unexpectedly e may makaka-appreciate; and to meet new friends along the way! :) Maraming maraming salamat uli sa Chupachupsyo productions, congrats sa successful gig!

4/24/08 11:34 pm - Happenings since three days ago...

Tuesday

Buong umaga/tanghali akong tulog, dahil sa magdamagang pag-iinternet/puyat... Naglaban pa kami ni [info]rezarius sa Special Force, heheh~ :D

Then nag-practice kami ng Nenerminator band sa Gig Studio nung gabi (8 to 10pm), and naging productive naman ang pag-eensayo namin; plus I had he chance for settings tweaking of my gear, for optimum performance (naks haha!)... Pero minalas at nasira bigla 'yung input jack ni Lispol; pero buti naagapan ko (salamat sa duct tape na napulot ko sa tabi-tabi hehe) at napatunog ko naman... (Buti na lang at nasiraan ako agad, kesa naman pag sa Sabado...) After practice, tumambay /kwentuhan lang kami sandali, then umuwi na rin kami agad.

Wednesday

Again, nagpuyat buong madaling araw, kakalaro naman ng Half-Life tsaka Team Fortress Classic, tas sabayan din ng guitar practice (yari na ako sa Sabado haha)... Then tulog na naman ako buong umaga't tanghali. Naging prooductive pa rin ang araw, dahil magdamag na nangalikot ng electronics -- inayos ko 'yung wiring ni Lispol, inayos uli ang Zoom G2.1u ko (yung kabilang tact switch naman ang bumigay -- buti may spare ako nyehehe), at gumawa ng panibagong patch cables~ :D

Thursday

Special Forces morning -- magdamag mula madaling araw hanggang umaga ako naglaro ng Special Force (at sinamantala ang libreng off-peak internet, nyehehe)... Weee, mula Private rank naging Staff Sergeant (yellow) rank na ako hehehe; tas 2 na ang primary weap ko yehey... (Hmmm anyone out there na naglalro din ng SF? :D :D)

So 11am na ako nakatulog kanina (haha!) at nagising past 2pm; then dumaan ako sa ate ko (family matters); then agad na akong dumaan sa PIMP Hive, at naabutan doon si Sir Jobet; Sammy and Jepoy. At matapos ang ilang oras niya ng pagkalikot ng mga pedal, naayos na 'yung modfified DF-2 ko! Excited na ako ma-test ito pagkauwi ng bahay! (Yep, wala munang laro, Neil -- mag-practice ka pa!...) Then naka-libreng kain pa ako, courtesy of Jepoy's garlic-rich cooking, heheh! (Maraming salamat sa inyo mga tsong...) At bago ako umalis, iniwan ko naman 'yung CS-3 ko, para ipa-mod naman para sa susunod. (Modified DF-2 pedal review coming soon...)

(Random trivia: nakapag-record na pala doon sa PIMP 'yung banda nina Ashley (Hymn of Siren) :D Small world...)

Currently nagpapalipas-oras sa internet shop dito sa may Holy Cross, at pupunta ako maya-maya sa may Bagbag (kila Melo of Magnum Opus kasama si Cris Genato) para tumambay magdamag... XD

4/23/08 06:53 pm - Randoms Randoms Randoms....

»» Off I went to my sister for household errands -- my dad sent a sack of rice for us from Ilocos Sur, for reserve stock... My parents were actually alarmed about the silly rice crisis here in the country. So I went there the second time already (been there yesterday night) for claiming the stocks.

»» Budget crisis again -- we are cutting short of food supplies for the past 2 weeks, because of money remittance delay. Recently found out that my dad got sick a few days ago; hence the delay.

»» Encrypted portion: don't try to decipher...

Missing Lyrics )



»» Hmmm, I strongly agree [info]nyebe's post. Have a lot of 'em on my Y!M list, and they're too annoying, really. Symptoms of ADD, perhaps... (Just turn off that goddamn messenger, moron!)

»» Recently listed all possible subjects to enroll this coming school year:

  • Structural Theory 2 (3 units)
  • Structural Design 1 (Timber) (4 units)
  • Principles of Reinforced Concrete (3 units)
  • Engineering Surveys (3 units)
  • Engineering Geology (3 units)
  • Materials of Construction (3 units)
  • Water Resources (3 units)


I'll keep my fingers crossed if I would be allowed to enroll 22 units... One brutal semester coming up!

»» Am starting to become a bit pessimistic again, and absorb that philosophical idea called Existentialism. Recently hated a person for not showing up last Friday; oh well, she promised, that's for sure...

"Potency is nothing; actuality is everything."

I won't listen to promises anymore. And put up, or shut up.

»» Kinda excited for Saturday gig -- we were invited by [info]sumirehana to be a guest band (along with them) in this production's birthday-party-slash-gig:



( For more details, click here )

Yay, it's 2nd consecutive gig of Nenerminator band! Muhahaha...

4/20/08 12:55 am - Successful Debut!

The First Nenerminator Gig!

Umalis ng bahay around 4pm, dumaan muna sa ate ko (para makahiram ng money), then sa PIMP Hive, para kunin ang aking mahiwagang DS-1 (na I guess tapos ng lagyan ng MOSFET mod), then dumerecho ng Freedom Bar around 8pm. Nandoon na ang mga kabanda ko and si Marlon, petiks mode. Then umalis sandali si [info]coincibens para kunin ang gamit niya, while nag-internet kami kaunti ni [info]rezarius... Around 9:30 na nung bumalik kami sa loob ng bar, marami ng tao, na halos lahat e officemates ni Marlon (yes, mga Audiophile employees and staff, and their bandmates).

Kami ang naging opening act for the night, and naging maganda ang tugtog namin -- solid, tamang tempo lang, and mas kapit compared sa practices namin, yay! :D

After tugtog, kumain kami sandali ni [info]rezarius sa labas, then pinanood pa namin 'yung ilang bands, while sipping free Cossack Vodka mixes, na nilalako around. Shempre 10-12 midnight unli drinks e! Solbaks kaming lahat dun sa cookies n cream mix nila. :D (Sayang 'di ka nagpunta, [info]sumirehana...)

Highlights ng mga naabutan namin: 'yung 'Love Suicide' band, na puro `70s rock na pinabigat ang tugtugan (ika nga ni [info]coincibens e 'tatay rock', haha); matindi 'yung metalcore na band na naka-Drop A tuning ang 7-string guitarist (na kakilala ni [info]coincibens ang vocalist); and 'yung 'showband' ni Marlon, along with (I guess) the Audiophile bosses (na matitindi ang pedalboard), and their vocalist na kahawig and kaboses ni [info]hidetoslave. :D (Sayang nagka-tech difficulties pa 'yung isang gitarista nun) Then umuwi na kami agad ni [info]rezarius pagpatak ng alas-dose.

Excited na ako sa next gig namin sa April 26, woohoo!!!

4/19/08 08:05 pm - Nenerminator Practice

Wednesday night: After school, dumerecho na ako ng Gig Studio; this time nag-LRT ako para mabilis makarating. Pagdating, nandoon na si [info]rezarius. Pero Past 9:30pm na nung nakarating si [info]coincibens, dala-dala ang kanyang Peavey bass (na may hard case, sosyal!)...

Solbaks sa olrayt ang naging practice, dahil nabuo namin ng mabuti 'yung mga kanta; though medyo marumi pa (dahil ngaon lang kami nakumpleto ulit). Na-excite na tuloy kami para sa Friday gig!

After practice, lakad trip kami hanggang Cubao, at agad na rin kaming bumiyahe pauwi. Lagpas alas dose ng madaling araw na ako nakauwi ng bahay.

Thursday: Buong araw akong nangalikot ng gitara -- inayos ko na ang wirings ni Lispol (sa wakas); so yun na ang weapon of choice ko instead of Mike 5's guitar (si Blue Jem, na ginamit ko the previous night practice). Matinding GHS Zakk Wylde LO 11's set ang nilagay ko sa kanya, kaya hayun medyo masakit sa kamay habang nag-practice sa bahay... Pero sulit naman, para kumapal na ang kalyo ko sa daliri, yeahhh!!!

4/18/08 12:27 pm - Busy, productive Monday.

Maaga akong pumasok sa school, dala-dala ang aking gitara ati ilang mga materyales pantugtog; inakala ko, exam namin nung araw na iyon; pero exam pala nung kabilang section. Pfft. XD

So maaga akong napatambay sa library, at magdamag akong nagtrabaho para tapusin ang natirang ESTHEO1 project ko; sa sobrang busy, hindi ko namalayang lumagpas na ng ala-una, at dali-dali na akong tumakbo para sa EINPHIL exam namin. Minadali kong tapusin, at bumalik uli ng library para ituloy ang trabaho.

Pasado alas-singko na ako umalis at bumiyahe papuntang Gig Studio; nagkamali ng desisyon at bumiyahe pa-Cubao via FX, kaya ayun nahagilap na naman ako sa rush hour traffic. Alas siyete na ako nakarating, at naabutan si [info]rezarius na nagpa-practice mag-isa sa loob ng studio. Hindi na nagawang makarating ni [info]coincibens, dahil nasa La Union pa siya nung panahon na yon. Kaya napagastos ako nung araw na yun, sagot ko tuloy ang 2-hour practice namin (Pero at least nagtanggal-kalawang kami). T___T

Pagkatapos, lakad trip na lang kami ni [info]rezarius hanggang Aurora Blvd, at kumain sa malapit na carinderia dahil sa sobrang pagod/gutom; nilibre ko rin siya doon, dahil alaws budget. Then bumiyahe na din pauwi, pasado alas dose nakarating ng bahay, at tinapos na rin (sa wakas) ang huling ESTHEO1 project. XD

4/16/08 06:10 am - [EDITED] Pluggings...

Yesss, tapos ko na ang isa sa mga projects ko sa ESTHEO1! One more to go...

And oh, may gig pala daw kami Do'ahou this coming Saturday... O___O Hala, kailangan na namin mag-practice agad!

( Rumbled Sessions )


[EDIT] Hindi na pala kami makakasama dito, as Mike 5 commented. (Teka, binura mo na pala 'yung LJ account mo dude...)

Heto din, ang debut gig ng NENERMINATOR, ang 3-piece punk rock band namin ni [info]rezarius and [info]coincibens! Prod ni Marlon ito:

( Rakrakan sa Tag-Araw )

Shameless plug lang! XD
Powered by LiveJournal.com

Advertisement

Customize