Home

Advertisement

Customize

Neil Alex™ Journal

~xelalien's misadventures~

8/10/08 12:56 pm - Friday Aftermaths

Had a boring day sa school -- wala lang, nanood na naman kami ng pelikula nung ENGIGEO class namin, na ikina-antok ng ilan (as usual). After class, magdamag na naman akong nag-internet, hehehe...

Past 7pm na ako bumiyahe papuntang 9 Mile bar, and hindi pa pala nagsimula 'yung event pagdating ko doon. Then chikahan blues among S.O.N. peeps tulad nina Mike Abrigo, Vaniia, etc etc. Before 9am na nag-start ang event;and tig-3 songs na lang kada band, dahil around 20 bands ang naka-lineup.

Naging maganda naman ang tugtog namin ng Do'ahou; problema ko lang is, tuyo ang lalamunan ko, plus hindi ko pamemorize 'yung isa naming pondo... Kaya hayun andami kong miscues. Pero bawi naman sa last song eh, hehe... Tapos after naming tumugtog, doon na dumami ang tao -- nagsi-pasukan ang mga emo kids (na nakatira sa area malapit sa bar), as in literal na mga KIDS (mga totoy at nene na bihis-emo).

At kumanta ulit ako (pati si Cris Genato) para sa Magnum Opus; and as expected, masaya ang naging tugtog. Afterwards saka na ako nakainom ng beer (sa wakas).

Pasado ala una na ako nagdesisyong umuwi, kasabay si [info]ilovelava_5, dahil may pasok pa ako sa umaga... So ayun, sayang dahil 'di ko natapos 'yung gig; pero
nagawa ko namang kumuha ng maraming pictures.

( Musicians At Work pics )

Salamat ng marami kay Ann Punk para sa pag-lineup nila sa amin sa gig; at salamat din kila [info]ilovelava_5 at sa Magnum Opus peeps, sa libreng beer! Kita kits na lang uli sa susunod!

7/20/08 09:25 pm - Happy hours sa One Luv Reggae Bar!

First thing in the morning, hindi ko nagawang pasukan ang ESTRUD1 class ko; tinamad na ako dahil medyo masama ang pakiramdam ko, and kinalikot ko na lang buong umaga yung G2.1u ko (natapos ko na sa wakas 'yung modifications sa prototype switch). And of course, nag-memorize pa ako ng lyrics all day (ahaha)...

Then past 3pm na ako nakaalis ng bahay. Then akalain ko ba namanag makasalubong ko bigla ang mom ko, na dala ang sasakyan niya, with groceries! Nagmamadali na akong umalis papuntang MOA (supposedly kita kits kami nila Zigz doon), but my mom insisted me na sumabay sa kanila pauwi. So ayun, tumulong pa ako sa pagbubuhat ng stuff in/out sa sasakyan. T___T

Then hinatid ako nila mom sa Quezon Ave MRT station, at dumerecho na ako ng Sucat, dahil di na ako aabot ng 5pm sa MOA. Saktong 6pm ako nakarating ng One Luv Reggae Bar; at naabutan kong naglilinis pa lang ng venue, at mga [info]juujiro_ml peeps pa lang ang nandoon. So kumain pa ako sandali sa malapit na carinderia (at naiwala ko pa ang takip ng USB player ko in the process~ T___T).

Agad na rin nakarating sina Zigz (kasama ang misis) and Drey; then later on sina Jun, Luciel, [info]ilovelava_5 and Tan naman. Hindi na nagawang sumipot ang isa naming gitarista na si Nestor, dahil tinulugan ba naman kami! (Puyat daw from last night gig with his other band). So definitely he got the boot. Hindi agad nagsimula ang event, dahil inayos pa ang sirang drum snare. So ayun nagdatingan na rin ang mga ibang banda (and other visitors pa), kaya jam-packed na rin bago kami sumalang.

So first band tumugtog for the night ang *ahem* Black Shield. Pagkabanggit ko pa nga lang ng title ng 1st song namin (which was a cover of "Payaso" by Razorback), humirit pa nga yung isang taga-doon sa bar, "sige nga!". So hayun pinakitaan namin sila ng rakenrol (haha!), and masaya naman ang naging feedback nilang lahat. Not bad for our debut gig huh! ;) After naming tumugtog, sa wakas nakainom na rin ako ng beer.

Then nagsitugtugan na ang mga ibang jap-influenced bands,and in the process hiniram nilang lahat 'yung kurdon ko (hehe). Then may tumugotg na band na puro compo na mellow ang tugtugan (that was Lirag). Maganda rin ang naging tugtog ng HarakiriJiro that night; hindi namin expected na magco-cover sila ng OPM ("Elesi" by Rivermaya!) -- astig, di ba...

After nila tumugtog, it was Rtschrck's turn naman. Before kami sumalang, medyo kabado ako dahil skeptic ako sa quality nung amps (Laney, and an ond school Korg amp), dahil yung mga bands na tumugtog bago kami, hindi masyado marinig ang guitar (parang lubog ba siya sa mix). So nung kami na, mabuti na lang at dinig kami pareho ni [info]ilovelava_5; the problem naman is, malakas masyado, dahil kailangan naming pumantay sa level ng drums; at dahil kulob pa ang venue. Naging maganda rin naman ang tugtog namin, hehe.

Tinapos namin ang buong event, mula sa 7Thursday at Harap.Sa.Likod (both bands hiniram uli ang kurdon ko hehe -- instant krdon ng bayan lolz), up to the last performers My Odessa (nakabili na ako ng album nila, with aiutograph pa, ayiiiee!) -- medyo LSS na nga kami sa Sweet Child O' Mine, at sa mga da moves nila onstage hehe; and the project band ng mga bar owners (reggae night na 'yun). I also had the chance to mingle with people the whole night, especially sa mga [info]juujiro_ml peeps na 'di ko masyado nakakausap. Then bago kami bumiyahe paalis nung madaling araw, nag-videoke shownown pa kami ni Luciel. Shakira ba naman ang kinanta namin, haha!

Nag-taxi kami nila Jun, Elle and [info]ilovelava_5 patungo sa place nila Luciel past 3am na, at pinanood namin ang recorded performance namin, courtesy of Elle. Hebigats talaga ang tunog namin that night, at dinig namanlahat ng instruments. Agad na rin ako nilang hinatid pasakay pauwi.

Around 5am na ako nakauwi, break of dawn na hehe. Again, thanks sa Juujiro and One Luv Reggae bar for making the event possible. Thanks din sa mga nanood at sumuporta sa amin; thanks din kila Aru, and sa Raika peeps para dun sa libreng 'shot' nyo hehe. Solb na solb talaga ang gabi, ang saya talaga!

7/5/08 01:34 pm - Another prototype DIY project finished... ~edited entry~

The prototype has been accomplished

Pagkauwi ko ng bahay, nagpuyat ako para tapusin ang DIY project ko, na recently ko lang tinuloy. And heto, natapos ko na rin ang prototype triple momentary switch para sa G2.1u ko.

A prototype DIY triple momentary switch for my G2.1u
Picture of the prototype.

Innards of the DIY triple momentary switch
The innards...

The G2.1u and the switches
And now my G2.1u is stuffed with switches.

[EDIT] Kabibili kolang ng 8-pin connector sa DEECO, so methinks na kung lalagyan ko na kaya siya ng LEDs... Mwahahaha!

'Ika nga, "I got stinky, I got dirty... But you see... I learned"...


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Pasasalamat lang sa mga PM forumites

Gusto ko lang magpasalamat sa mga nag-reply sa thread na 'to (actually, a duplicate post), and shared their opinions. Kahit papaano may sense ang naging posts compared sa kabilang thread, na puro gay-ass clones and trolls.

6/30/08 10:28 pm - Whew, Whatta Day...!

Biyahe Blues sa Mahal kong Maynila

Maaga akong nagising(madaling araw), sa 'di-maipaliwanag na dahilan; at medyo tinamad pa akong pumasok... But eventually, nagawa ko namang pasukan ang ESTRUD1 class namin. Nag-lecture lang kami magdamag.

Pagkatapos ng klase, sumama ako sa mga kagrupo ko sa EPRECON, at nag-food trip kami sa may Ever. Hayun, nag-sizzling kami, at heto ang in-order ko...

sizzling skinless longganiza
Mainit-init pang skinless longganiza.



...at ang rating ko sa lasa ng longganiza: 7 out of 10.

Dimating din si Jamie doon, at naisauli na niya si Lispol, at agad din siyang umalis. Tapos bumiyahe na ako apuntang Paco, dumalaw kila Sir Jobet (a.k.a. BAMF), and acquired some Gen 2 scalarizers.

Then dumaan ako sandali sa Raon (to buy a few switches), at agad na rin akong umuwi ng Shelterville.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



So-so gig sa Freedom Bar...

Around 6pm na ako bumiyahe papuntang Freedom Bar, para sa third gig ng Nenerminator sa 1st anniv event ng Chupachupsyo Productions. Past 8pm na ako nakarating, at hindi pa nagsisimula ang gig; nadatnan ko agad doon si [info]rezarius, na alas siyete pa pala dumating.

Then ininform kami ni [info]coincibens na male-late siya ng dating (around 9pm). nagpa-lineup kaming pangatlong band sa list (and noticed na walang may gustong maging first band, kaya hindi makapagsimula agad ang tugtugan). Tapos nag-brownout pa sa Anonas, which caused the further delay of the event. buti na lang bumalik din agad ang kuryente.

Dumating si [info]coincibens bago mag-alas diyes. Nagawa naming makausap (at mapanood) ang mga kapwa-JRock bands nung gabing yun. Labas-masok kami ng bar though, dahil nainitan kami sa weather, at hindi namin nagawang mapanood ng mabuti yung mga banda, pati na rin ang Pedicab. (BTW, oks na oks ang tunog nila! Kaso nahiya akong magpakuha ng litrato, ampf...)

Before 12 midnight na kami nakatugtog -- naging maganda naman ang performance namin (okey sa olrayt ang timpla), pero hindi namin nagustuhan ang overall experience...

( Refer to this link for details. Please ignore the senseless posts of a few trolls out there... )

Salamat ng marami kila Ann Punk, Ronald at sa mga kasama nila, sa pagsuporta nila sa amin that night. (Buti na lang at sakto ang dating nila para mapanood nila kami.)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



...pero 'di pa doon nagtatapos ang gabi

Umuwi na agad si [info]rezarius pagakatapos ng tugtog namin; hinatak naman kami ni lj user="coincibens"> nila Ann Punk, at sumama sa kanila sa panonood ng gig ng The Chongkeys sa kalapit na 9 Mile bar (along Kalayaan Ave. lang).

Tinapos namin ang event, at nag-enjoy kaming lahat. Maganda ang ambience, music at ang atmosphere ng crowd. Chikahan blues pa among folks after ng tugtugan, bago kami nagdesisyong magsiuwian.

Pasado alas-kuwatro na ako nakauwi ng bahay, latang-lata sa pagod at puyat.

6/13/08 10:16 am - Uber Delayed L'Arc~con post...

Saturday morning -- nag-cram ako sa pag-memorize ng lyrics (pero gahh 'di ko talaga ma-memorize 'yung isang kanta), and practice ng gitara. Around 5pm na nung bumiyahe ako papunta sa venue. Instead na makipagkita with my Rtschrck bandmates, mag-isa na akong dumerecho ng Katipunan, along Ateneo/Miriam area... Surprisingly, nagkita kami doon ni Luciel, and nag-taxi na kami derecho sa Katips bar. (Malayo-layo pa pala galing Aurora Blvd 'yun!)

Nakasalubong namin sa labas 'yung Molded Sushi band peeps, and naabutan pa 'yung first band na tumutugtog. (Late na pala nagsimula!) Then met some old time folks there, and the other bands as well. Then I found out na may mga bands na nag-backout (kasama 'yung banda nina Rainey).

Nakakatuwang mapanood ang ilang acts -- 'yung Borazuteru nabuhay ulit, and noticed hackt's improvements sa boses~ :D (Shempre nagyaya siya ng mga sesyonista para makatugtog ulit.) Then 'yung all-Jap band na HarakiriJiro, mga Ajikan dudes din pala (they covered a couple of AKFG songs eh). At shempre, walang kupas ang [info]xeventhvrsday. ;)

Around 11pm (?) na yata kami nakatugtog ng Rtschrck and Do'ahou, consecutively. Naging maganda (at masaya) ang tugtog ng both bands -- oks na oks ang hebigats na tunog ng Rtschrck; and BOTB mode naman ang Do'ahou, dahil nag-Pinoy Rock pa kami (haha!). After ng tugtugan, shempre inuman na, and tumambay along with the [info]juujiro_ml peeps sa loob ng bar magdamag, until 2pm. Nakisabay na ako ng uwi kila Mike5 and Julius via taxi, at nakauwi ng bahay araound 4pm, nae-LSS pa rin sa My Heart Draws A Dream...

Maraming maraming salamat sa L'Arc~en~Ciel Philippines Fans Club for inviting us to play for Link to Seventh Heaven ~Azayaka No Naka Ni~! Thanks din sa mga nagpunta at sumuporta sa amin.

Sa uulitin! ^___^

4/9/08 11:16 pm - Ozine Fest 2008: Sunday Edition!

Introduction: Hindi ko nagawang pumunta nung Saturday Edition, dahil busy ako sa bahay, nag-iisa at maraming ginawa at inayos. Sayang nga eh, andami kong hindi nasubaybayan at nakitang mga nilalang at kaibigan. :( Anyways, maaga naman akong nakapunta nung Linggo, after practice sa Gig Studio.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Happenings

To start the day, maagang sumalang ang [info]3daytrial, ang bandang sinesyunan namin ni [info]kr_inuki for 3 days (oha!)... Naging maayos naman ang overall tugtog namin, kahit gahol na sa oras sa practice; at medyo minalas pa ako dahil nagkaroon pa ako ng kaunting tech difficulties onstage, tas sobrang bangag talaga ako dahil wala pa akong tulog!

So after tugtog, medyo nag-dalawang isip pa ako kung uuwi muna ako ng bahay (para magpa-petiks, matulog, kumain, mag-Half-Life sa PC, etc), or mag-stay. Pero hayun, I decided to mingle around for hours, nag-sight seeing ng mga people~ (cosplayers, models, friends, etc etc!) Yep, magdamag akong naglibot-libot, na parang walking corpse sa pagkabangag sa puyat...

Around 6pm dumating ang mga kabanda ko; then maaga ring nakatugtog (past 7pm na yata) ang Do'ahou, after 2 consecutive band performances (PPF All-Stars and LSS In A Box). Naging masaya (though bitin, dahil sabay sa announcement of winners) ang performance namin; may pagkakataon pang namigay ako ng posters sa madla, haha... At shempre after tugtog, kasabay ko pauwi sina Marlon (yeah, nagpunta siya para panoorin kami!) and [info]actionstar, at nagkuwentuhan ng kung anu-anong keso sa sinasakyang bus while munching free Yoshinoya gyudon, haha!

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Pic Spam!

At heto na ang mga nakunan kong pics for the day... )



¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Pasasalamats

Unang una, syempre maraming maraming salamat sa organizers, event crew (especially kila ser Bryan and Dennis) ng Ozine Fest sa pag-imbita sa aming tumugtog, at sa mga freebies (Ozine mags and posters) and for the free food as well (like Yakult and Yoshinoya beef gyudon)!

Thanks kay Chinnie, dahil nung tanghali nakakain ako, courtesy ng kanyang carbonara food pack na di nya daw trip kainin... (Next time bawi ako, libre kita!)

Thanks sa [info]ongakusociety sa suporta at sa pag-provide ng "sanctuary" naming mga band members~ :D

And thanks sa mga tropapips na nagpunta para panoorin at suportahan kami, astigas nyo talaga, walang kupas! :D

3/29/08 11:59 pm - Cosplay Convention sa Rob Manila + Wilfredo's gig...

Maagang nagising (around 7am), and found out na maagang umalis si Tita Elsa... So petiks mode ako sa bahay until 11am. Medyo nahirapan sa biyahe papuntang Robinsons Place Manila; and sobrang tindi ng trapik!

Pagdating sa venue, naabutan kong tumutugtog that time ang The CAB Story. Then later on, nalaman kong Do'ahou na pala ang kasunod! So dali-dali pa akong nag-last minute review sa lyricsa ng pang-soundcheck, na later on e kinain kong lahat~ (nabulol eh!) We played 4 songs all in all; may kaunting bloopers pa ako onstage, as usual... ('Oh my god, hahaha...' - Janina San Miguel) Then napanood ko rin tumugtog ang mga kasunod na banda.

Then all day ako naglibot-libot, took pictures ng sari-saring cosplayers; and even got the e-mail addys of some; plus, nakalibre pa kami ng kain sa McDo, plus some T-shirt freebies courtesy of Cosplay.ph! Kaya sulit ang araw!

Around 8pm na kami umalis ni [info]mike5150 (kasabay sina [info]rezarius, [info]actionstar at [info]kr_inuki) at bumiyahe pa-Fairview.

Then I decided na manood sa gig nila Cris Genato Sa Wilfredo's Bar; so bumaba ako doon sa Regalado. Nagsisimula pa lang 'yung prod pagdating ko. And oh, kakaunti lang ang kilala ko sa bar, kaya medyo na-OP ako; pero buti na lang na-meet ko doon si Ryan banot, at 'yung ka-tropa niyang si Lalaine. Then napakilala din ako sa ilang tropa ni Cris, especially sina Ivan and Nene~ (tama ba... hehe) Pero hayun, 'di na kinaya ng powers ko na tapusin ang gig (dahil sa pagod at antok); sayang 'di ko naabutan ang Grin Department at Pentavia (pero nakabili ako ng bagong indie album nila)... At heto, kauuwi ko lang, at matutulog na ako!

Pero before sleep, nais kong pasalamatan muna ang Cosplay.ph and Robinson's Manila, para sa matagumpay na Cosplay Convention -- sa pag-invite sa amin na tumugtog, pati na rin sa freebies; kina Ate [info]hidetoslave at Kuya Jeje sa pakain; kay[info]kr_inuki sa pasalubong niyang Aussie guitar pick; at sa mga sumuporta at nanood sa amin ng walang sawa. Kita kitsh next week! :D

(P.S.: Waah, sorry po, [info]sumirehana, late ko na nabasa 'yung text mo! Tas 'di kita na-approach kanina backstage... Hayun 'di tuloy ako nakanood sa inyo! Bawi ako next time... :( Hayyyy!)

3/16/08 11:55 pm - Yoshinoya Event noong Sabado ~Aftermaths~

Maagang umalis ng bahay, at sadyang minalas sa biyahe nung umagang iyon -- biro mo sakay-baba ako ng jeep at nakapag-FX na nga ako't lahat lahat, na-stuck pa rin ako sa matinding trapik. Hayst, sabado nga naman...

Nakarating ng quarter to 12 ng tanghali, sa Jollibee Munoz, para kitain si Lenlen, a longtime friend namin sa Rtschrck (yep, way back Ongaku Rave, year 2003); supposedly 11:30am kami meet, pero na-late din siya as well (dumating siya a few minutes I arrived). So bumiyahe na kami via MRT hanggang Taft, then sumakay sa pugon na jeep (kasi mausok) upang makarating ng Mall of Arroyo este Asia.

So ayan, narating namin agad ang Music Hall, at nagse-setup pa lang ang isang guest performer (yep, naabutan pa namin ang simula ng event). May iilang cosplayers (tulad ni Sandra -- hehe kaka-chat ko lang sa kanya nung umaga, LOLZ), ilang banda (tulad ng Ethereal), at ilang tropa (tulad ni [info]rezarius) na naroroon.

Pagkatapos tumugtog ng banda ni Kaoru at Ethereal, saka tumugtog kaming mga gunggong, heheh... Naka-tatlong kanta lang, dahil medyo matagal ang pag-setup namin. Medyo bored ang crowd, pero ayus lang.

Then sinimulan ko na ang paglilibot at pangongodak ng kung sinu-sino. At heto ang iilan sa mga nakunan ko, gamit ang mahiwagang cellphone ni [info]rezarius:

Bawal i-click! )

Hindi nanamin nasubaybayan gaanoang contest proper mismo, at naglibot kami ni Lenlen around MOA; and eventually sumama sa pagtambay with my bandmates sa Yoshinoya. Pagbalik sa Music Hall, naabutan na namin ang awardings, at ang performance ng Itchyworms habang pauwi na kami. (Hindi ko na nagawang sumama sa inuman kila Jun.)

So sabay na kami umuwi ni Lenlen, at sinugod ang matinding trapik palabas ng MOA (tae, andaming nagpuprusisyong mga nilalang na nakaputi at may hawak na palaspas, as in maraaaaaaaaammmiii na pagrang langgam sa Macapagal highway!) na inabot almost 30 minutes ng walang galawan. Hinatid ko siya hanggang Monumento. Then nakauwi naman ng bahay lagpas 10pm dahil naman sa matinding trapik sa may Quirino Highway. (Minalas pa sa biyahe dahil nawala ko pa ang isandaang piso ko, tae!) Pero masaya naman ang araw kaya okay lang. :)

Pasasalamats/pabati portion: Una sa lahat, siyempre salamat kay [info]hydee_takarai at sa bumubuo [info]juujiro_ml para sa pag-imbita sa Do'ahou, and sa libreng beef gyudon/red tea; salamat ng marami kay Lenlen sa pagsama (at pagsuporta); kay [info]rezarius sa pagpapahiram niya ng cellphone (nyehehe); at sa iba pang nagpunta at sumuporta sa amin. Congrats kay Sandra (dahil siya ang nanalo sa cosplay); at hello po kay Risha ng PhilMusic forums (que napadaan ka o hindi sa MOA nung Sabado, heheh!); at hello na rin kay umbrella girl, dahil may nagpapatanong kung ano e-mail mo daw sa Friendster (at balak ka niyang i-add), wahehehe...!

3/2/08 02:47 pm - Sabado Tugtugan/Inuman + Sunday Blues

Nihon Nights 2...

Saturday. Petiks mode nung umaga -- haaaay, relax sa pagi-internet, kain ng lutong bahay (mmmm, kalderetang baka!), and nood ng T.V. kaunti... Then 12 noon nakatulog ako ng mahimbing.

Paggising ko, 4pm na pala, wenk! So nagmadali ako't bumiyahe papuntang UST. Kaso, minalas sa biyahe blues -- kung saan-saan kami dinala ng FX driver pa-Blumentritt, mabagal pa ang takbo niya, nagpa-gas pa, and lastly binaba kami sa Rizal Ave! Tae siya! Kaya hayun jeep ako hanggang Tayuman, then trike papuntang UST. Lakad ako dulo-dulo ng campus papuntang Engineering Complex. Late na ako!

Pagdating sa venue, I found out na wala pa pala yung mga kabanda ko! Then hayun liwaliw trip lang ang mga audience doon; and majority nakaupo lang sa benches sa gilid ng court. Noticed na medyo sloppy pa ang crowd. Naabutan kong tumugtog ang Jamais Derriere, Huerika (band ni [info]sumirehana), and Molded Sushi.

Past 8pm na yata nung nakumpleto na kami Do'ahou; then we played a short set (a soundcheck and a single medley). Fortunately, may napalapit kaming mga tao sa stage, and nabuhayan ang audience. :) After all, masaya naman kahit sabit-sabit kaming lahat, LOL! (Na-mental block pa ako sa lyrics, wenk!)

Overall, masayang gig naman; got to meet some ol' folks (especially si Cha a.k.a. "Pogi", hehe); and was able to know new girls peeps as well, hehe! :)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Pasasalamats

Salamat po ng marami sa TomasinOtaku for inviting us to play; special thanks din sa [info]juujiro_ml peeps for the food & chocolates! Thanks kay [info]sumirehana -- binigyan pa ako ng libreng fries, hehe... And of course, salamat sa mga nagpunta at sumuporta sa amin! :)

Kita kits sa next gig~ (sa kinse!)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



The Aftermath... (Sunday)

After ng tugtugan, sumama ako kila [info]mike5150 papunta sa place nila Elle (napasama rin si [info]rezarius) para kitain sina Luciel and Jun -- hayun, may inuman! Then napadpad na kami ng Barrackz (sa Timog area), and doon na kami nagpalipas-oras hanggang madaling araw. Inom, chismax, kwentuhan, etc etc!

I was also able to contact my friends (finally) thru cellphone -- nakisaksak ako sa cell ni [info]mike5150... Bad thing lang: doon ko nawala 'yung Globe SIM card ko! T___T (So I gotta buy a new one!)

Then around 3am (tama ba?) lakad trip kami hanggang sa pinakamalapit na Starbucks. Doon na kami lumagpak ni Jun sa sobrang antok. Paano ba naman kasi may malambot ng sofa eh, so ayun, ZZZZ! Around 6am na yata kami nagising at nag-decide na umuwi -- kasabay ko pa-Fairview umuwi si [info]mike5150. Nakauwi ng bahay past 8am na!

So nagmadali na rin ako maghanda ng thingies, dahil supposedly may practice kami nila [info]rezarius and [info]coincibens... So hayun lumipad ako, nakarating kanina sa Gig Studio around 11am, pero wala sila! T___T

Hayun, internet na lang ako magdamag dito malapit sa Nepa-Q-Mart, until that Rtschrck practice mamayang 4pm... Tas 'di ko na tinuloy 'yung "binabalak" kong lakad... (details sa susunod!) ***basa muna ng BECK tsaka NANA manga***

2/16/08 02:13 pm - Kick-@$$ Friday, with an attitude! [EDITED]

School Blues

Hindi na ako pumasok sa ENGIMGT ko nung umaga, due to cramming guitar practice sa bahay. Around 12 noon ako nakarating ng U-Belt, nagpalipas-oras sa internet till our EHYDROL class. Ayun, ordinary reporting chuva lang doon... Then after class, dumaan ako sa ate ko for dinner; then lipad uli ako sa school for our ESMECHS quiz. I was a few minutes late, pero luckily nasagutan ko lahat ng items, at ako pa ang unang natapos at nakalabas, mwahaha!! (Hindi kasi nag-review ang mga "magagaling" kong classmates, tsk tsk...) Ah basta, sure ball na pasado ako doon. :)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Then lipad papuntang Dayo Bar!

Dali-dali akong bumiyahe papunta sa S.O.N. gig; naabutan ko na lang ata ang pang-apat na band (sayang, 'di ko naabutan ang Jamais Derriere) and saw a lot of good ol' folks, and some new ones as well. Surprised nung nakita kong sina Daze ang nasa reception, taga-tatak ng ticket. Mingled with fellow bandmates/orgmates, especially sina Macmac, [info]coincibens and his bandmates, J.M., and Vania (wow pumunta talaga siya.); while bands before us rocked the hell out. As usual, The Chongkeys did their lively set~ :)

Then sumunod na kami (Do'ahou) -- played 2 anime songs, and lastly Parting Time -- na-dedicate ko pa kay Marlon, hekhek... Heheh, fortunately maraming naka-appreciate, especially yung mga tropa ni Cris Genato sa kabilang table sa band area ('yung mga members ng Magnum Opus -- more info later.)

Tapos G4 na -- nakow, sabit galore kaming tatlo nina Jorel tsaka Mike Abrigo, haha! Sayang, 'di na namin natugtog ang La Grange, dahil strictly 3 songs na lang talaga~ (due to the number of bands na susunod pa.) Nakakabitin tuloy ang feeling -- gaah, dapat piyesa na uli ng bago hekhek...

Then relax mode na kami sa band area afterwards -- kain, inom, kwenuhan ng kung anu-ano , etc etc... Until tumugtog na ang Magnum Opus -- noticed their bassist Melo and his Yamaha RGX bass -- Billy Sheehan. Then pumasok uli sa loob si [info]mike5150 -- at ang unang bagsakan: BAMMMM! Tutug pak, tutug pak... Patay, Electric Drill Song! Si Cris Genato ang session vocalist nila. Takbo ako papasok ng bar, heheh!

Kwentuhan kami ni [info]mike5150 about the band -- si Chuck (mentor niya) pala 'yung gitarista. Then binulungan niya ako about something "once-in-a-lifetime-chance" na favor: maki-kanta daw ako sa kanila...

...ng Shy Boy! (At sino ba naman ang tatanggi diyan!)

Potek, tumayo balahibo ko nun sa excitement -- kaso medyo nakalimutan ko 'yung lyrics, pero sige lang, go on... So ayun, last song na nila tinugtog, kasama ako. Panalo ang feeling, heheh! Personally, a dream come true na makapag-jam ng Shy Boy -- doon pa sa kanilang mga beterano! And ang saya dahil sobrang nag-enjoy ang lahat sa song na 'yun! Hindi pa rin ako makapaniwalang na-kanta ko 'yun! T___T

Afterwards, pinakilala na ako (formally) ni [info]mike5150 sa Magnum Opus -- saludo talaga ako sa kanila -- sobrang humble nilang lahat, as in. Then I remembered na nanood pala sa amin dati si Chuck, way back Ozine Fest (sa Galleria -- 'yung parang Woodstock gig, hahah...) Then inuman galore na rin kami the rest of the gig.

Tinapos ko ang buong event -- watched all the remaining bands. Tumugtog uli 'yung 3-piece na old school punk band (forgot their name), with ther arko-de-bajo-equipped bassist. Sa kalagitnaan ng set, nagka-tech difficulties siya; so pinahiram ko siya ng kurdon. Tapos Sacramento -- headbang blues na naman! (Kaso medyo hindi "madagundong" 'yung guitar tone ni JV that night, IMO...) Pero heck, still loved their set. Then another band named Back Bt Midnite caught everyone's attention -- 3-piece na all-girl band, na sobrang hebigat! (Yup, they all GROWL!) They covered Chop Suey and Bodies -- really liked their mind blowing set! And siyempre, enjoyed the sets of Shotgun, Historia (band ni Mike Abrigo) and Basilica (band ni Jorel) as well.

Around 4:30am na natapos ang gig. I was also able to ask Friendster contacts of some folks, before kami umuwi nila Macmac, [info]mike5150 and Cris Genato pa-Fairview. Grabe, ngayon lang uli ako naka-experience ng sobrang saya sa isang event! Sulit, as in... I guess Axel was watching at us all night, and I'm sure he enjoyed as well. :)

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Axel Tribute Gig Pasasalamats

Una sa lahat: thanks kay Ann Punk for making SON gig last night possible... Solbaks talaga, as in!

Thanks din sa mga nagpunta at sumuporta sa mga banda (pati sa amin), especially sa S.O.N. orgmates. Special thanks kay Vania -- naka-chat ko lang nung tanghali about the gig, pero 'di ko expect na pupunta talaga, para suportahan kami. ^___^ (Text talaga ako agad pag nagka-cellphone me...)

Thanks sa Magnum Opus band for the great, scorching jam! Sarap ng experience, may hangover pa rin ako hanggang ngayon, haha! :D Sa uulitin!

Thanks ng marami (as in feeling ko anlaki ng pagkakautang ko) kay Cris Genato -- bow talaga ako sa 'yo pre, sa walang-sawang suporta... Hanga talaga ako sa 'yo dude.

Kita kits next S.O.N. reunion gig! :)

12/31/07 08:14 pm - Final entry for the year 2007~

Okaaaaay, in a few hours, and matatapos na ang taong 2007. Sobrang andaming nangyari all-year around, as in...

But first: updates muna!


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Some crap...

Wala lang )


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Huling Encrypted Entry For Year 2007

^___^; )


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


New Picks!

First of all: Many many thanks to [info]yuffchan sa binigay niyang Christmas gift sa 'kin -- a couple of ESP and an Ibanez guitar picks from Japan! :D

Anyways, nung Saturday hapon ako lumarga papuntang SM Megamall; supposedly mga 4:30pm ko dapat imi-meet si [info]yuffchan; pero nakarating about an hour late. T___T Sa may Rai Rai Ken ko na siya meet, kasama ang Rtschrck bandmates na sina Jun (with his wife and kid) and Luciel. (Doon ko nakuha ang gift ko. ;p) Then we spent time sharing stories sa may Starbucks~ (nilibre pa ako ni Jun -- uy thanks men!)

Past 7pm na kami naghiwa-hiwalay sa mall; then nag-window shopping ako sa mga guitar stores sa Megamall; all in all, isang Planet Waves pick lang ang nabili ko, wenk! ;p~ So heto na ang nadagdag sa pick collection ko:

my new picks (12/29/2007)


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


New Phone... T___T

Earlier that morning, napabili ako sa Nova Bayan ng bagong cellphone, dahil tinotoyo na ang isa ko pang Motorola phone ('yung lumang V220 crap)... Initially, a cheap Nokia 3315 lang sana ang bibilhin ko; pero after some searches, nakahanap ako ng murang Sony Ericsson na phone worth 1,850 pesos na may bluetooth, infrared tsaka camera (pero mababa ang resolution)! Ayun, may bagong T681 na ako tuloy. Tapos pag-uwi ko ng bahay, biglang tumino 'yung Motorola V220 ko... Weird!

Then after the 'guitar stuffs window shopping' spree, pina-activate ko na rin agad ang GPS/WAP 'yung munting T681, tsaka napabili narin ako ng USB data cable. Then agad na ring umuwi ng bahay, via SM Fairview/Robinsons Fairview; and got home before 11pm.


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Bonding With Zel

A day before, Rainey told me na balak mag-spend ng night sa amin si Zel after manood nila ng concert ng Center for Pop sa Music Museum; supossedly 10pm kami daw magmi-meet, pero walang definite plans.

... )


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Yearender Bonding with Rainey

Pagkauwi ng bahay that afternoon, nakatulog ako until around 8pm; then pagkagising ko, agad na rin akong nag-online. Pagka-login sa Y!M, naka-chat ko si Rainey (and obviously nakila Alec's place uli siya); that time, namimilipit daw siya sa gutom, at medyo nahihirapang huminga (dahil sa humid na panahon). She was expecting Zel that time to arrive para dalhan siya ng pagkain.

... )

Agad din akong nakauwi ng bahay kaninang hapon; si Tita Elsa naman nakaalis na ng bahay, and magse-spend ng New Year's Eve with her family. So here I am, nagsa-soundtrip mag-isa sa kwarto (again, death metal sounds), and finishing off this damn entry.


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Anyways, HAPPY NEW YEAR po sa lahat!

Happy New Year!!! 2008, here I come!...

Had a tough year, but thanks for the memories, year 2007... Maraming masasayang moments, mga emo shits, mga pagkakamali, gained and lost friends, lotsa gigs and events, naubos na beer at brandy, GASsed pedals and gear, kilometers na biyahe, and many more... And hopin' to be a better person this coming year.

11/30/07 11:03 pm - Accumulated Delayed Super Late Updates (Nov 20 - 30 Month-ender Entry)

Wenk, 10 araw na pala akong 'di nakakapag-entreh! Magkahalong katamaran at maraming pinagkakaabalahan... Sa totoo lang, andami kong gustong gawin at tapusin, pero kulang ang 24 oras sa isang araw! ('Di na nga rin ako nakakapag-praktis ng gitara, badtrip!) Pero buti matalas ang memorya ko, kaya heto ang recap...

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Three-night rehearsal!

November 20 - Just had that normal ESTREMA class, and our prof again had some difficulties sa tinuturo niya -- kinailangan uli namin siyang tulungan. Inamin namang kahinaan niya ang stersses in beams -- sa shear and moment diagrams... (Sabagay, highway engineering ang forte daw niya, so yari siguro ako sa subject niya sa mga susunod na sem!)

After school, nag-internet ako magdamag hanggang 6pm, then dumerecho na ako agad sa Ferdie's Studio... We practiced kahit walang bass, dahil ginagamit daw that time. Then after practice, inuman sessions kila [info]mike5150, woohoo!

... )



November 21 - Umagang nagising, may hangover dulot ng GranMa. Agad na rin akong nakauwi ng bahay (around 10am), nagbihis at umalis para pasukan ang EBCONSL class namin. Walang pumapasok sa utak ko, kaya labas-masok ako sa classroom; plus anlamig pa sa loob, sabayan pa ng matinding hangover, heheh...

We also had our laboratory class sa EHYDRLA, did an experiment, and maaga kong natapos 'yun... Thirty minutes early ako nkalabas ng school, and bumiyahe papuntang Ferdie's Studio. Again, Do'ahou had a 2-hour practice for the night, na naging productive naman. :D Then maaga na rin akong umuwi nun, around 11pm,at bumawi ng pahinga, dulot ng puyat + alak + stress...

November 22 - Normal school day again -- reporting lang sa EBCONST namin, tapos internet magdamag sa labas, then normal lecture in our EHYDRAU class until 7 in the evening. Then derecho again sa Ferdie's Studio for our final rehearsal before AME Gakuensai. After practice naabutan pa kami ng malakas na ulan (ito na ba yung humahagupit na 'yung mga bagyo?) at hindi kami nakaalis agad. So ayun, past 12 midnight na ako nakauwi nun.

November 23 - After having a normal school bukol ESTREMA class (same topic as last meeting), nag-internet ako magdamag (at nag-download ng kung anu-ano) bago nakauwi ng bahay around 8pm. That time nagca-cram na ako sa pagmemeorize ng lyrics, haha...

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



AME Gakuensai Aftermaths + Pasasalamats

November 24 - Past 9am na ako umalis ng bahay (dapat sana e nung 8am) at bumiyahe papuntang Legarda area (malapit sa Mendiola) para makipag-meet with my project groupmates sa EBCONST... Ang meet-up time was 10am; pero magtu-12 noon na ako nung nakarating... So tinext ko yung group leader namin pagkadating sa meetup place namin (sa Jollibee Legarda), pero sinabi niyang bumili muna ako ng materials sa tabi ng UST (sa P.Noval), then kontakin namin siya pag nakabili na. Whew, so bumiyahe ako all around u-belt at naghanap ng materyales, pero I still tiredly ended up doon sa P. Noval. That time inatake pa ako (uli) ng sinusitis, so after kong makabili ng materials, tumawid ako ng Espana para makabili ng gamot sa botika nearby. Sakto din namang nakasalubong ko ang 2 ko pang kagrupo, pinabibili din daw sila ng materyales haha! Aftwerards, food trip kaming tatlo malapit sa FEU -- kumain kami ng masaraaaaaap na sisig! :D

Around 1pm na kami nakipag-meet sa group leader namin sa Jollibee, then agad nagtungo sa dorm ng kagrupo namin. Nandoon din gumagawa ng project ang isa pang grupo (mga kaklase ko rin). Masaya naman, dahil sound tripping habang gumagawa... And marami kaming na-accomplish hanggang pumatak ang 4pm.

Then nagmadali na rin akong nagtungo ng U.P. Diliman, kahit medyo bangag (magkahalong antok + sinusitis attack), and naabutan ko na ang group cosplay part ng AME Gakuensai. Ayun, kodakan with some few peeps around! Then nung band performances na, saka na ako umakyat sa band area, nag-relax kahit medyo kinakabahan dahil name-mental block sa lyrics, plus masama pa ang pakiramdam... =___=;

As planned, around 9:30pm na kami nakatugtog ng Do'ahou (last band)... And as expected, nauutal ako sa lyrics, plus kinapos na ako sa breathing, and tinotoyo na ang ilong ko (lecheng sinus talaga); pero binuhos ko na ang lahat sa last song namin, as in nagtatatakbo na ako around~ (syempre kakapusin na ako ng hinga talaga nun...) So after our set, nahiga na lang ako sa sahig sa likod, as in "can't breathe" na talaga... Mabuti at inabutan akong tubig, at may nagpaypay pa sa akin na UPame peeps... After gig, nag-decide na magsi-uwian ang lahat; and kasabay ko pauwi via SM Fairview si [info]mike5150.

PASASALAMATS: Belated maraming maraming salamat sa UPAME for inviting us to play, and congrats sa successful event! Thanks din sa mga sumuporta sa amin, kay [info]hvid_noire at nakunan mo kami ng video para kay Rainey. ;p~ Sa uulitin!


Back To Normal...


November 25 - Ayun, all-day kong kinalikot si Cliff -- installed those not-so bluish-white LED's na nabili ko dati sa Deeco... I had some trouble dahil sa blinker circuit niya, and I didn't get the job done, especially nung nagtext bigla si Rainey around 4pm. She told me if it was okay to meet up later evening.

... )

November 26 - Maagang umalis ng bahay, decided na dumaan sa bahay nina Jun sa may Vicas; the night before, nagpaalam ko sa kanya para hiramin ang kanyang bass na si Buffy; daanan ko nalang sa umaga. So ayun pagdating sa bahay, 'yung "katiwala" ang nandoon, sinabing umalis sandali 'yung mga tao; tapos wala daw binilin si Jun, and dapat tumawag siya sa landline ora mismo. Kinontak ko siya thru cellphone, pero 'di niya sinagot~ (nasa work yata or tulog?) So ayun, umalis na lang ako, frustrated...

Dumerecho ng school for EBCONST class na puro reporting na naman; then after class dumaan ako ng Raon, and nag-window shopping ng stuffs... Napabili ng shielded wires for Cliff, etc... And maaga na rin ako bumalik ng U-Belt para mag-food trip, then sa classroom for our EHYDRAU class. At dahil na-cancel ang Do'ahou band practice for that night, I decided na dumaan sa ate ko (for some matters), and maaga akong nakauwi ng bahay(sumakay ng Nova bus via NLEX!), balik sa kalikot-mode and reading manga all night...

November 27 - Had that one-item quiz sa ESTREMA class that day. After school, I decided to drop by Raon ulit to buy a few stuffs. Then napadaan ako doon sa LED shop and surprised na may 10mm bullet-tupe super bright LEDs! So I immediately bought 7 of those for Cliff. XD~

Dumerecho na ako sa Ferdie's Studio for that 4-hour practice ng G4, and supposedly with Do'ahou; pero dahil wala si Adrian, tinutukan na lang namin 'yung guitar instrumentals, especially 'yung kay [info]mike5150. Good thing nagustuhan ni Ajzone na gumamit ng CS-3 for bass, heheh! Past 9pm na kami natapos; and nakauwi naman ng house before 12 midnight.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



AMACU Foundation Week `07 Blues!

November 28 - Maagang bumiyahe papunta sa place ng Ate ko for some matters, then napadpad ng Raon to buy an electronic part, and a black bonnet sa may Tandem area. Then pumasok ng maaga sa school for that EBCONSL class na pawang boring reporting na naman... I even asked our professor kung maaari akong umalis ngmas maaga sa klase (para maaga ako makarating ng AMACU), pero ayun strictly until 4pm natapos ang klase,at nagmadali ako pumunta ng AMACU, para sa S.O.N. tugtugan... Hindi ko na nagawang pumasok sa EHYDRLA class namin -- ipinabilin ko na lang sa kaklase ko, para ma-inform ang prof namin. (Hope he understood...T___T)

Pagdating ko, nakasalubong ko si Zel, pero hindi ko na siya gaano nakausap dahil sa pagmamadali... Naabutan kong nagse-setup na ang G4. Tinulungan ko na rin agad makapag-setup si [info]mike5150, and after a few moments, natugtog na nila yung song niya, then pasok kami ni JV for the last song na 4-guitar jam... Na-cut na ang set namin sa 2 songs; plus 'di na nakatugtog ang Do'ahou dahil sa time limit ng tugtugan sa gym (may susunod na program kasi doon that night). So ayun, sobrang bitinnnnn!!!!

After makapag-ayus ng gamit: hinanap ko sina Rainey, pero hindi ko makita... So I decided na sumama na lang kay Zel; na that time e manonood with her former blockmates sa Mr. and Ms. AMA University event that evening sa gym. Napabili ako ng 50 pesos ticket entrance tuloy. Later on, I didn't expect na mahahanap ako ni Rainey, and somehow she made me convince na sumama sa practice with her band. (FYI: Niyaya ako ni Alec a few days ago na sumesyon sa kanila as drummer dahil 'di available si Jon sa 29.

Tumambay muna kami sa canteen to settle things. Ayun, nagpasya kaming mag-practice sa Ferdie's Studio, at lumargami doon nina Alec, Karu, Hira, Rainey, plus Jamis Derriere axemen Kai and Peacegle.

... )

Around 9pm na kami nakapag-practice until 11pm; naunang umuwi si Rainey that night. And hindi na ako nakasunod sa S.O.N. inuman sa kitchenette, huhu! Past 12 midnight na rinakong nakauwi nun, at naabutan pa ako ng ulan. T___T

November 29 - Maagang umalis ng bahay para makarating sa Villa Arca subdivision (AMACU area), at nagtungo sa place nina Alec. Nandoon nakatambay si Karu, and decided na umalis na at mag-practice sana; pero wasted nun si Alec. Pinuntahan namin sa school si Rainey, na busy sa school activities that time; and she told us na susunod na lang daw siya. Me and Karu then decided na kumain muna sa loob ng campus; then na-meet namin sina Peacegle and Kai sa canteen. Past 10:30am na kami umalis patungong Ferdie's Studio via Kai's auto; bago lumabas ng campus, nakasalubong namin si Alec, so he tagged along as well.

Nag-practice kami ng 1 hour and 30 minues; nasita pa nga kami ng may-ari one time, dahil di daw kami maingat sa gamit, LOL... Then sumunod si Rainey, together with Zel. Anyways, maayus naman ang pracice with Kai and Peacegle (drums ako sa talent portion niya sa Eng'g event that night); pero ayun 2 lang ang nabuong songs with Bellkreauxze~ (ang hirap ng dwums ng Paramore, syet!)

After practice, I was unsure at first kung papasok pa ako sa school, dahil nagtext si Hira na suspended na daw ang klase sa kanila. Pero after tawagan ang kaklase ko sa EHYDRAU, may classes daw... So ayun, bumiyahe na ako for school. Then, yet another ordinary EBCONST class -- reporting shit lang, etc etc... After class, internet ako saglit sa labas, then food trip and tumambay sa classroom ng EHYDRAU class... Then around 4am sinabi ng prof namin na 'di kami magkaklase for that day. So ayun, maaga na akong bumiyahe pa-AMACU.

On my way to the gym, nakasalubong ko sina Rainey and Ayeka (her Pasig neighborhood friend); after lumabas then pumasok ng campus, tumambay ako sandali sa S.O.N. tambayan to relax; bumalik si Rainey kasama si Zel, and dumerecho na kami ng gym, saktong nag-start ang AMACU eng'g event of the night -- Ms. Bebot `07 (formerly known as MASKIPAPS). Contestant number 10 si Kai. ;p~ Nung una, the program flowed as normal; pero lately nalaman na kinailangan ng tapusin daw 'yung event until 9pm, due to political reasons (obviously), kesyo me curfew. Badtrip talaga, nabitin na naman!!! T___T Only to blame but the government (lahat sila, Trillanes, GMA...)

After the event, I called back home kung nasa bahay si Tita Elsa; fortunately 'di naman siya lumabas, and found out na tapos na that time 'yung kudeta. Back to AMACU: kasama konathat time sina Raine and Ayeka, si Luis (presidente ng AmathS), Bellkreauxze bandmates, Peacegle, J.M. and his girlfriend Daze, Juni and Aki.They decided na kumain sa tapsilogan sa kanto malapit sa dorm nina Rainey. Afterwards naunang umuwi na si Luis; then nag-decide kaming lahat mag-inuman at J.M.'s place. Bonding moments, asaran blues, and of course: pulang kabayo galore! :D :D :D

November 30 - Magdamag lang akong gising after the inuman blues. Then kwentuhan mode lang kami ni Ayeka until sa pagsikat ng araw. Nakakuha naman ako ng kaunting sleep doon (30 mins lang); tapos naunang umalis ina Rainey and Ayeka. Then around 10am na kami umalis lahat sa place at dumerecho kina Alec.

Hinanop ko sina Rainey, dahil na-hand over sa akin ang wallet niya (naitago ni Hira); and ayun nalaman kong nagpunta sila sa ibang place (ayaw sabihin sa akin, and busy daw si Rainey), pero I searched them around Villa Arca area. I gave up searching nung na-empty na ang baterya ng cellphone ko at tinamaan na ngmatinding antok; and ayun I decided to go home. Nakauwi before 12 noon, pero 2 hours lang ang tulog ko. Spent the rest of the day facin' my computer, heheh...

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Random thoughts

»» Nung Wednesday after tugtugan sa S.O.N., nung inaayos ko 'yung mga things ko, I realized na nawawala 'yung isang Motorola cellphone ko (na Smart SIM ko ang nakasaksak)... Pero I was not that worried much, dahil alam kong sa school ko naiwan; and probably makikita ko siya uli.

»» So kinabukasan, pagdating sa main building namin agad ako nagtungo sa Disciplinary Office, and informed about the loss. So sinabihan akong pumunta sa facilities office; but before that nakausap ko ang prof namin kung may nakita siyang cellphone na naiwan during our class the day before. And ayun, naitago pala niya; mabuti naka-register ang Smart number ko sa listahan ni ma'am. Yosh, ang swerte ko!

Encrypred shit again )



»» Haay bitin talaga nung Maskipaps, ansaya saya na ng lahat that time... Malas! Pero at least nakapag-drums ako sa talent portion ni Kai, pero disaster 'yung drum set, gumagalaw mag-isa yung bass pedal! T___T

»» AME Gakuensai pics to follow...

11/18/07 11:26 pm - 2 Consecutive Gigs! (Aftermaths + Random Thoughts)

Friday School + Gig On The Run Aftermaths

Maagang napadpad ng U-belt, kaya nag-food trip ako bago pumasok sa klase. Had a normal ESTREMA class kahit medyo umulan bandang tanghali (pero grabe anlamig ng panahon). Nag-quiz kami ng one item, at natapos ko ng maaga, kaya an hour early ako nakalabas ng school. Derecho uwi ako ng Shelter afterwards.

Medyo nagpractice pa ako ng bass bago umalis ng bahay (around 7pm), and si Deathscythe (bass ni Rainey) ang sandata ko sa gabing iyon. So lumarga na ako pa-Fairview, then bus hanggang Cubao, then jeep hanggang Tomas Morato, at naabutan pa ako ng malakas na ulan.

Nandun na sa Purple haze si [info]hydee_takarai (of Juujiro), and ang iba kong kabanda sa G4 na sina Mike Abrigo and Jorel. Tapos 'yung unang band, nanghiram pa ng bass sa akin. A few minutes later, I decided na lumabas at kumain sa Burger Machine, at nagpa-load~ (May ka-text kasi ako that night... ;p~)

Pagbalik, napanood ko 'yung mga naunang U.P. Underground bands~ (astig pa rin ng Aizo!) Then naki-bonding/usap sa labas with other S.O.N. alumnis... Then napanood ko ang Shotgun (banda ni Cris Genato) at Sacramento... New school rock ang tirada nina Cris, pero nag-Bon Jovi pa sila sa huli, heheh; sina J.V. (nakakatakam 'yung Jackson guit niya!!!) at Jeff naman, walang kupas! Thrash to the nth level, dumadagundong! Tapos reggae time nung Lokal Grounation na... 'Yung Kinta (banda ni Jon) asteg din, pagka-new wave pa rin ang tunog... Then bago kami tumugtog, may tumugtog na house band, yung The Chongkeys.

Finally nakatugtog naang Do'ahou past 2am (or 3am?) na yata, at halos inaantuk na kaming lahat; pati ang audience medyo dragged na rin sa antok; Grabe, andami naming sabit, lalo na sa Transformers haha!!! ;p ;p ;p~~~ (Namaos ba naman ako, piyok tuloy!) Pero fortunately nag-enjoy silang lahat sa set namin; binati pa ako ni Mike (vocalist ng Sacramento). ^___^v

Tapos napanood ko din ang killer collab band ng U.P. Underground -- La Passionaria... After nila, G4 naman! Nag-enjoy ako sa pagbe-bass with them; plus ang ganda ng timpla ng bass ko nung umagang 'yon... Ang tatlong gitarista naman nagpasiklab ng talento... Pero ayun, may mga sabit din kami heheh!!! Overall, na-appreciate din ng lahat ang tugtog naming malupet! ;p~

Afterwards, agad na ako nag-pack up, then nag-decide na umuwi na agad si [info]the_pink_star, and sumabay na ako sa kanya pauwi. Hindi ko na nagawang mag-enjoy at uminom ng marami that night... (Yes, hindi ko nga naubos ang isang bote ng San Mig Light.) Nung pauwi, ibinaba ako sa may Baesa, then jeepney routine pauwi via bagong Silang Kanan. Nakauwi na ako ng Shelter around 5am nung Sunday, at nagsisimula ng sumikat ang araw nun... Pagkaligo, lagpak na ako sa kama dahil sa sobrang pagod. =___=;


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Ongaku Fresh Meet Aftermaths

Would you believe this: 4pm na ng hapon ako nagising nung Sabado! Bale 11 hours ang tulog ko... Paggising ko, agad na rin akong naghanda ng stuffs, nag-hinang ng kaunting electronics shit, at practice pa ng kaunti sa gitara bago umalis ng bahay around 7pm.

Biyahe ako via MRT para makarating ng Buendia, dahil tiyak hebigats ang trapik pag nag-bus ako mula Robinson's Fairview. Then naabutan ko sa Shell gas station (malapit sa Buendia MRT station) sina Luciel and Jun, at tumambay kami ng matagal doon. Before 10pm na yata ako nakarating ng RJ bar, at naabutang tumugtugtog ang [info]3daytrial... Medyo 'di rin ako gaano nakapag-mingle around; most of the time kina [info]coincibens, Dawny and Julius ako nakatambay...

Onga pala, before ako dumating, kinontak ako ni [info]mike5150 sa Y!M pati sa text na kung maaari akong kumanta sa kanila (Brainstorm); so ayun nag-cramming ako sa pag-memorize ng lyrics ng kanta ng Spice Girls, heheh. Then that time umalis si [info]einehell, para bumalik sana sa bahay nila (at kunin ang effects niya)... So ang nangyari, tutugtog na sana ang Rtschrck; pero dahil wala siya, nauna tuloy ang Brainstorm. Good thing naka-kanta pa si [info]velvetkitten__ for one song, kahit masama ang pakiramdam niya. Then nung last song, I sang "2 Become 1" for them (syempre Paul Gilbert version)... Natuwa (at nabuhayan) ang audience dahil sa mga pinaggagawa namin, heheh!

Pagbaba ng stage, nalaman kong nakabalik na pala si [info]einehell, kaya nag-setup na kami agad sa stage... Then tumugtug na kami ng set namin -- 2 DeG songs, 1 GazettE, at 1 gurlband song... Shucks, andami kong sabit! T___T Pinaka-disaster e nung huminto kami at umulit... Wenk! X___x

After the event, we decided na mag-inuman; bale sina Jun ang nagplano, initially sa Glorietta 1 sana... So nag-taxi na ang grupo; huling batch kami nag-taxi nina Julius, Joe (friend nila) and [info]kirby_agudelo. Napadpad kami ng G3; so nag-lakad trip kami hanggang makarating sa paroroonan. Nagtatanung-=tanung kami kung nasaan sila; sabi nasa Krokodile Grill daw, pero wala sila... Eventually nag-settle sila sa Masa's sa may Greenbelt 2; nandoon sina Luciel, Jun and his officemates, sina Elle, and [info]mike5150. Last call na sa place na'yun, so naka-2 bote lang ako ng Red Horse sa mini-inuman naming 'yon.

After maglakad uli hanggang McDo, nag-decide kami nina [info]mike5150, Julius and Joe na umuwi agad... Around 5am uli ako nakauwi, at nakapag-online ng saglit... Then lagpak na naman dahilsa sobrang pagod. Whew!


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Pasasalamats.

Gig On The Run Tenkyus: Maraming maraming maraming salamat kina Ann Punk, kay Sir Rob (happy birthday ulit sa inyong dalawa!) and the rest of the U.P. Underground peeps for making the event possible! Hayop sa lupet nung mga tumugtog, as in... Salamat din sa mga S.O.N. members na nagpunta at sumuporta sa amin!!! Doon ko lang uli nakita ang mga alumni na naabutan ko dati... Thanks din sa mga nanood sa amin kahit uber late na ng madaling araw, hahah! Tsaka tenx kay [info]the_pink_star at nakalibre ako ng hitch sa taxi pauwi, yippee...........! Lastly, thanks kay Rainey for lending me her bass guitar.

OS Fresh Meet Tenkyus: Maraming maraming maraming salamat sa mga may pakana ng Ongaku Fresh Meet; again, success ang event -- congrats! Sensya na at late akong nakarating, tapos nausog pa yung banda namin (salamat ate [info]hidetoslave...) Tenks sa Brainstorm band at bigla akong hinatak para sa pang-Seiko Films na song nila heheh, buti marami ang naaliw sa amin... Tenks din sa mga sumuporta sa Rtschrck kahit sabit-sabit haha...! Special mention pasasalamats ke Aminel -- maaga ka pala dumating kagabi, wenk! Salamat din kay Julius para sa libreng siopao (bagong raket mo huh!!), tapos kina Luciel para sa libreng beer.

Kita kits next event mga 'dre!


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Pix Galore!

A few pics during some events during the past days... (In chronological order)

Pics under the cut )

Sa next event, magpi-picture na talaga ako ng marami...


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


A Few Random Thoughts...

»» Tuloy ulit kaming G4 sa Foundation Week gig ng S.O.N. sa 28!!! Yosh!!! And sabi ni Mike Abrigo, this time kasama na yata si [info]mike5150.

»» Dinala ko ang aking fresh na fresh na CS-3 nung Friday, at ginamit ko sa bass -- that time ko lang sinubukan kung magiging nagamda ang tunog. Ang resulta: mas nagustuhan ko ang attack at 'yung dynamics ng bass,lalo na sa slap/pop! Tapos may sustain pa... Asteg talaga, mula ngayon gagamit na ako ng compressor kapag nagbe-bass!!!

»» Chismax: Nandoon noong Friday 'yung kumag na tinutukoy ko sa chismax dito -- grabe, sigaw ng sigaw ng "Wooo S.O.N.!!!" Sinisigaw pa niya 'yung pangalan ng ibang alumni (I won't mention na lang) as if ka-berks niya sila!

(Teka, reality check lang sa iyo: S.O.N. member ka nga ba??? Balita ko dati mong siniraan ang S.O.N. e... Tapos nakarating pa ang balita sa 'kin na kakilala mo daw si [info]mike5150, and claimed na may sarili siyang "scale" na ginagamit sa pagggitara. Barbero ampotah! :D :D :D)

»» Chismax ulit: Nandoon din noong Friday si "boy sakal", hahah! (Rainey, kilala mo na kung sino ang tunutukoy ko.)

»» Kakaiba ang aura kagabi nung OS Fresh Meet; parang andaming "heavy listeners" -- yung mga tipong nakatutok talaga ng mabuti sa mga tumutugtog, at nagbibilang ng mga sabit... T___T Plus, kakaunti lang ang mga kakilala ko sa audience...

»» May gusto akong lapitan kagabi nung OS event... Kaso busy siya eh!

»» Nung naglalakad kami nina [info]kirby_agudelo around Glorietta/Park Square area, I approached a conotic gurl para magtanong ng directions.

Ako: "Uhm excuse me po... Magtatanong lang po, saan po 'yung Krokodile Grill?"
Bebot na Konyotik: *lumayo as if nandidiri, tumabi sa boypren niya*
Boypren nung Bebot: "Nandoon sa Greenbelt 1 'yung Krokodile Grill..."

Nakakainit ng ulo 'yung babae, walang pinag-aralan potah! 'Kala naman niya gagahasain siya... Bobo.

»» Hapi bertdi kay [info]mike5150!!! Oist gudlak sa inyo sa Hero event, ohohoho... Tuloy ang inuman natin ni Julius sa Tuesday, walang atrasan sa amin ha! :D

11/1/07 11:56 pm - Super Delayed Entry na naman... (1 week-worth lengthy post)

Thursday Practice; End of Cast Away Marathon

October 25, 2007. Gumising ng umaga kina Alec, and around 12 noon na kami umalis ni Karu. Dumerecho ako ng Fastest Earning University, at pinasukan ang EBCONST class (just a normal lecture session), and EHYDRAU as well (ganun din).

After school, lipad ako agad papuntang Congressional Ave., sa Ferdie's Studio for Do'ahou band practice prior Ongaku On The Block... Nandoon ulit ang Jamais Derriere, at nakinood uli ang iba sa kanila sa practice namin, pero umalis din ng maaga.

Pagkatapos ng practice, dumerecho ako sa dorm nila Alec; inaasahan kong nandun na sila ni Karu... Earlier kasi, tinext ako ni Rainey na pumunta na lang agad doon at pauwi na sila galing practice nila, while may iba pa siyang lakad. Pero ayun, sarado 'yung place, walang tao.

So I decided to head home; pero dumaan muna ng Mercury Drug Muñoz to buy a few stuffs, then texted them and waited for their reply. Nung nasa bus na ako naka-receive ng text. Arrived home around 11pm, very stressed and groggy; at the same time, I was really worried kay Rainey, dahil hindi niya nasabi kung saan siya lumarga; at 1am na ng madaling araw 'di pa siya nakakabalik. At habang pauwi, kung anu-anung pumapasok sa isip ko, kaya nakagawa ako ng kaunting haikus (hence the Haiku Shit entry).

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Ordinary Friday

October 26, 2007. Went off for school, super-sleepy mode dahil hindi gaano nakatulog ng mabuti. Attended my ESTREMA class after bein absent for the past 2 meetings. As usual, boring lecture, heheh...

After school, dumerecho na ako ng Road 20, naghintay sa McDo hanggang mataposangh klase ni Rainey. Pagdating niya, nag-spend time kami doon hanggang gabi. Nakuwnto niya about sa practice nila, and 'yung lakad niya na inabot ng madaling araw. Nakipagkita nga siya sa isang "mahalagang nilalang", at marami silang napag-usapan. Am glad nakauwi ng mabuti si Rainey that time...

Then shopping spree kami sa Muñoz -- dumaan ng ukay-ukay, at napabili atuloy ako ng 2 items (long sleeved na damit) -- tinulungan ako ni Rainey pumili. Nakabili rin siya ng sapatos na cute, hehe. Then after some more window shopping around, we decided na dumerecho sa boarding house ni Alec. After spending some time, saka na kami umalis ni Rainey.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Sabado Adventure; Ongaku On The Block Aftermaths...

October 27, 2007. Dahil sa matinding trapik dulot ng mga naglipanang mga barangay election candidates sa bawat sulok, na-late ako ng 1 oras sa EHYDRLA laboratory class ko. Pero fortunately, natapos agad ng mga ka-grupo ko ang experiment; in short, sawsaw na lang ako sa pag-solve ng personal data, hahah.

After class, dumerecho ako ng Vito Cruz, then bumili ng konting stuffs like Ginebra and 1.5L Red Tea (hahah!)... Nakarating ng Transound (doon ko tinimpla ang gin mixture, baon for later gig) para mapanood ang practice ng Bellkreauxze. Sa ibang studio (yung mas malapit sa Taft Ave.) sila nag-ensayo.

Pagkatapos, nag-taxi na kami (sans Jon) at dumerecho na ng RJ Bistro bar. Nakita namin ang ibang folks there; then na-meet din ni Rainey ang online buddy niyang si axebass26 (Ian ang real name) na taga-PhilMusic (The Bass Place) forums. And dumating na rin 'yung "mahalagang friend" ni Rainey. After havin' a short meal sa nearby tindahan (and more minutes of wait), nakapasok na rin kami sa loob ng bar, napanood ang mga bands (at nagawang kunan ng picture) mula umpisa...

Naging maayus naman ang session performance ko with Himitsu Heiki; medyo may amats na ako that time -- pa'no ba