Thursday Practice; End of Cast Away MarathonOctober 25, 2007. Gumising ng umaga kina Alec, and around 12 noon na kami umalis ni Karu. Dumerecho ako ng Fastest Earning University, at pinasukan ang EBCONST class (just a normal lecture session), and EHYDRAU as well (ganun din).
After school, lipad ako agad papuntang Congressional Ave., sa Ferdie's Studio for Do'ahou band practice prior Ongaku On The Block... Nandoon ulit ang
Jamais Derriere, at nakinood uli ang iba sa kanila sa practice namin, pero umalis din ng maaga.
Pagkatapos ng practice, dumerecho ako sa dorm nila Alec; inaasahan kong nandun na sila ni Karu... Earlier kasi, tinext ako ni Rainey na pumunta na lang agad doon at pauwi na sila galing practice nila, while may iba pa siyang lakad. Pero ayun, sarado 'yung place, walang tao.
So I decided to head home; pero dumaan muna ng Mercury Drug Muñoz to buy a few stuffs, then texted them and waited for their reply. Nung nasa bus na ako naka-receive ng text. Arrived home around 11pm, very stressed and groggy; at the same time, I was really worried kay Rainey, dahil hindi niya nasabi kung saan siya lumarga; at 1am na ng madaling araw 'di pa siya nakakabalik. At habang pauwi, kung anu-anung pumapasok sa isip ko, kaya nakagawa ako ng kaunting haikus (hence the Haiku Shit entry).
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
Ordinary FridayOctober 26, 2007. Went off for school, super-sleepy mode dahil hindi gaano nakatulog ng mabuti. Attended my ESTREMA class after bein absent for the past 2 meetings. As usual, boring lecture, heheh...
After school, dumerecho na ako ng Road 20, naghintay sa McDo hanggang mataposangh klase ni Rainey. Pagdating niya, nag-spend time kami doon hanggang gabi. Nakuwnto niya about sa practice nila, and 'yung lakad niya na inabot ng madaling araw. Nakipagkita nga siya sa isang "mahalagang nilalang", at marami silang napag-usapan. Am glad nakauwi ng mabuti si Rainey that time...
Then shopping spree kami sa Muñoz -- dumaan ng ukay-ukay, at napabili atuloy ako ng 2 items (long sleeved na damit) -- tinulungan ako ni Rainey pumili. Nakabili rin siya ng sapatos na cute, hehe. Then after some more window shopping around, we decided na dumerecho sa boarding house ni Alec. After spending some time, saka na kami umalis ni Rainey.
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
Sabado Adventure; Ongaku On The Block Aftermaths...October 27, 2007. Dahil sa matinding trapik dulot ng mga naglipanang mga barangay election candidates sa bawat sulok, na-late ako ng 1 oras sa EHYDRLA laboratory class ko. Pero fortunately, natapos agad ng mga ka-grupo ko ang experiment; in short, sawsaw na lang ako sa pag-solve ng personal data, hahah.
After class, dumerecho ako ng Vito Cruz, then bumili ng konting stuffs like Ginebra and 1.5L Red Tea (hahah!)... Nakarating ng Transound (doon ko tinimpla ang gin mixture, baon for later gig) para mapanood ang practice ng
Bellkreauxze. Sa ibang studio (yung mas malapit sa Taft Ave.) sila nag-ensayo.
Pagkatapos, nag-taxi na kami (sans Jon) at dumerecho na ng RJ Bistro bar. Nakita namin ang ibang folks there; then na-meet din ni Rainey ang online buddy niyang si
axebass26 (
Ian ang real name) na taga-
PhilMusic (The Bass Place) forums. And dumating na rin 'yung "mahalagang friend" ni Rainey. After havin' a short meal sa nearby tindahan (and more minutes of wait), nakapasok na rin kami sa loob ng bar, napanood ang mga bands (at nagawang kunan ng picture) mula umpisa...
Naging maayus naman ang session performance ko with
Himitsu Heiki; medyo may amats na ako that time -- pa'no ba naman, early bird akong nag-pulang kabayo agad... Then nung sila Rainey na ang tutugtug, tumulong kami ni
axebass26 sa pag-setup nila. Naks, may instant roadie sila sa debut gig nila! Natuwa ako sa tugtog nila
(though hininaan yata ng sound tech 'yung tunog ng guitar amps); at shempre happy ako para sa nee nee ko, dahil may exp na siya sa pagtugtog! ;-X
Then tambay kami uli sa likod while shuma-shot kami ni
axebass26 ng gin mixture na binaon ko (heheh), and shared it with others as well. That time din ako nagkaroon ng chance na makausap muli ang ilang taong na-"detached" dahil sa 'di pagkakaunawaang mahigit isang taon na ang nakakaraan. (Yep, 'di pa ako nakakapag-blogging pa that time.) And medyo nahimasmasan na ang amats ko nung dumating na ang mgakabanda ko.
Tapos tumugtug na kami Do'ahou -- expected ko na may RJ personnel na uutos sa 'min ng kung anu-ano; pero fortunately sinabi lang na tugtog lang and do whatever we want within the 30-minute time frame, basta't naka-live telecast daw siya. So tugtog kami, while we pumped up the audience -- pinapa-sigaw namin sila lagi hahah, 'ika nga "let yourselves be heard live!"... Masaya, dahil enjoy ang lahat.
Huling nakunan ko ng picture ang NEOtaku; for me, sila ang pinaka-malupet na nag-perform that night. Tutok talaga ang mga mata ko. Nakalimutan ko pa ngang makatikim ng pancit canton courtesy of our band food stub -- inubos ng mga kabanda ko, huhu!
Maagang umuwi ang ibang tropa namin (example, si
axebass26); nagsi-uwian na rin kami agad nina Alec, Karu, Hira and Rainey -- we headed towards Road 20, at nagpalipas-oras kaunti sa 7-11. Timing din na dumating doon si Polo, nag-commute galing sa gig. Then decided na umuwi sa dorm ni Alec, except us ni Rainey.
Here's the link ng mga pics.
(Sensya na sa Jamais Derriere at Armada, 'di ko kayo nakuhanan.)( Ongaku On The Block Pics )Mga Pasasalamats: Shempre maraming salamat sa
ongakusociety for yet another successful event; sa RJ Bistro bar for providing the venue (mukhang solbaks yung ibang gitarang naka-display, especially the Musicman); sa mga folks naming nagpunta (pati ang mga 'di inaasahan), especially sina Vahn, Carol ('yung taga-GU dati sa AMACU), sina kyuketsuki and Noir ng OS Forums, si
axebass26 (na nakasundo ko agad -- sa uulitin brad, sana makapunta ako sa Bass Place EB!), sina Michael cosplayer at Aminel (okay lang kahit 'di mo kami naabutan, basta nagpunta ka), at mga S.O.N. alumni peeps na sina Ann Punk, Chris Lemque, Badjo; kay Jeje (sa pag-asikaso sa amin, lalo na nung nagka-prob ako sa mic ko haha); kay
jellypatch, for the "patch-up" (you know what I mean!); sa ibang mga bands na tumugtogat naki-saya sa event; at sa mga sumuporta sa amin. Kita kits sa next event! ^___^v
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
Yehey, walang pasok nung Monday...October 29, 2007. ...at dahil doon, bumawi lang ng pahinga sa bahay. Wala lang. Same as nung Sunday (
October 28, 2007)... Boring na election day.
(OT: Nanalo kaya si Klek?)Oops, correction: nung kinagabihan, nagpunta kami ni Rainey sa place nila Alec, tapos may dala pa kaming death metal shawarma para kina Alec and Karu
(since then tinawag na namin siyang C.S.B., lolz!!!)... At dahil may dala akong Gran Matador, nauwi sa inuman na naman ang magdamag -- and again, cast away ako sa dorm ni Alec for the night. ;p~
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
Bonding moments, heheh!October 30, 2007. Like last week, pumasok sila Alec and Rainey sa klase nila sa AMACU; beforehand, bumaba kami ni Karu, dinalhan namin sila ng breakfast. Then nung 12 noon ako nakaalis, at dumerecho na ako ng school.
Another boring ESTREMA class; this time, nagbigay ng take-home quiz ang prof namin. Oh well, yun ang pinaka-malupet sa subject na 'yun: swerte namin at sooobrang mabait si sir, hahah!
After school, sumaan ako sa place ng Ate ko for financial issues again; tapos dumerecho ako ng AMACU... Beforehand: at last nakapagbayad na ako ng electric/phone bills sa Bayad Center sa may Road 20, yeey~! Pagdating doon, tumambay lang ako sa labas, dahil 'di ako makapasok... (Naka-uniform kasi ako.) Then later on lumabas ng campus si Polo, nadaanan ako, at niyaya akong makipag-inuman wityh his bandmates sa may Red Gate daw... Pero ayun napadaan naman si Kai (naka-auto siya), at nakapasok tuloy ako ng campus.
Then naghintay kami hanggang sa paglabas ng klase nina Rainey; kasama niya sa paglabas ang classmates niyang sina Alec, Luis (org president nila sa AMathS), and Juni. Sabay nagyaya silang pumunta ng SM North, at um-oo ako. Then pumayag na rin si Kai -- ayun, angkas kami sa auto niya on the way sa mall.
Una kaming nagpalipas-oras sa may Quantum; laro sila ng arcade; nakapag-basketball langako nun with Rainey. Then naunang umalis nun si Juni. Afterwards, we decided to have dinner sa KFC The Block, at doon kami nagpalipas-oras -- magdamag kaming nagkwentuhan at ubusan ng chismax, nyehehe! (Parang Boy Abunda nun si Kai.) Past 9pm na kaming lahat nag-decide na umuwi. Saya! ^^
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
Boooooring Wednesday.October 31, 2007. Maagang pumasok for my EBCONSL class, at medyo minalas, dahil ako lang sa grupo namin ang pumasok sa klase. So mag-isa kong ginawa ulit 'yung requirement na kelangang ipasa that day -- ang estimation ng cost ng building ('yung structure na pinili namin). And I was able toleave early, dahil syempre wala na akong gagawin pa -- mabuti pa 'yung ibang grupo, nakapagsimula na ng scale model project nila. Haaay...
After school, dumaan uli ako sa place ng Ate ko, this time para makapag-late lunch (yep, 'di pa ako nakakakain nun); then Rainey texted me na pumunta sa boarding house niya. Then sinamahan ko siya pauwi ng Pasig, sa Country Side -- dala namin ang pusa niya, plus ang laptop ni Alec na ubod ng bigat. T___T
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
Random Thoughts»» Encrypted Part: -to be edited later!-
»» Chismax Galore: Nung OS gig last Saturday, may isang kups na taong 'di ko inaasahang pumunta -- biro mo, pinasabi niya sa isang taga-OS na may hinahanap siyang babae, at pinapapunta niya sa labas (that girl happened to be my friend kasi). .. So ang ginawa ko, sinamahan ko siya, along with her friend na may kalakihang-katawan. Nagmukha kaming bouncer, hahah!
Nalaman naming gusto ni kumag (along with afew friends) na makapasok sa event ng libre -- nakiusap siya kay babae, atsinabing kulang daw ang pera. Sorry na lang siya, at sinabi kong bumili na lang siya ng ticket. And umalis din ang kumag. Belat! XD (Bad!)
»» Nagyaya ng swimming si Alec nung Monday -- sa Bulacan daw kami this coming Saturday... Initially, 50% off daw ang expense, pero nagawan niya ng paraan, at libre na ang entrance namin. So far, ako, si Rainey and si Kai (with his girlfriend) pa lang ang sure ball na sasama. Tiyak masaya 'to!!!
»» Natapos ko na rin ang task ko para sa Rtschrck: nagawa ko na rin sa Guitar Pro 5 ang magiging rendition namin ng boy/girl band song of choice namin for the upcoming OS event
(Gonna post the MP3 file sometime...)). And sana maging productive ang practice namin this Sunday; or else, 'di kami tutugtog.
*crosses fingers*»» Pati sa Do'ahou, cramming mode din for the UPame event -- bale sobrang mabigat na trabaho ang bitbit ni
mike5150 -- APAT na renditions ang gagawin niya. So I have to help him. Patience, my friend...
»» Tapos naka-chat ko ang S.O.N. orgmate na si Mike Abrigo, at nayaya akong mag-bass para sa kanila sa S.O.N.Foundation gig sa AMACU... Shucks, 'di basta-bastang set 'yun -- bale parang G4 'yun, along with 3 other guitarers (kasama si
mike5150 diyan) na mag-i-instrumentals. Magbe-bass ako para sa 4 na pondo nilang lahat; gaah, nakaka-pressure! Anyways, balak ko tuloy magyaya ng mga peeps na manood sa Novermber 16; at tutugtog din ang Bellkreauxze diyan. ;)
»» Ayus, apat na araw na walang pasok................