Home

Advertisement

Customize

Neil Alex™ Journal

~xelalien's misadventures~

8/30/08 12:57 pm - Panibagong GAS, at masayang inuman

GAS attack sa umaga...

Saturday, August 23, 2008 - Hindi ko nagawang pasukan ang ESTRUD1 class namin, dahil na-late ako ng gising; at sobrang antok pa ako nun. So then lumabas ako papuntang Nova Bayan para makipag-transact sa isang PhilMusic forumite named jayflora, regarding sa isa na namang gear aquisition (na nabasa ko dito).

So bale nakabili ako ng isa pang old school pedal: a worn-out Boss CE-3 Chorus pedal, only for 1.5K pesos. Yes, ganun ka-mura!

my BOSS CE-3 Chorus



Ayan, na-solve na rin ang problema ko sa modulation hassles (hindi kasi pwedeng isabay ang Chorus module sa iba pang modulations sa Zoom G2.1u); plus dahil may stereo modes siya, nakumpleto na rin ang 4-way loop setup ko. ^___^ Tamang experiment na lang ako ng magandang setup kada loop.

Pagkatapos ng transaksyon, dumerecho na lang ako sa bahay nila ate at doon muna tumambay at kumain saglit.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


...at bertdi party sa gabi!

Kinagabihan, sumama ako sa 'surprise' birthday party para kay Jorel. Surprise, dahil hindi niya alam na pupunta kaming mga ilang S.O.N. peeps sa kanila.

Akala ko nga hindi na yun matutuloy, dahil walang nagpaparamdam sa text nung araw na 'yun; pero hayun nag-text din si Ann Punk, at nagkita-kits sila nina Mike Abrigo, [info]ilovelava_5, at 'yung kabanda ni Jorel na vocalist, sa may Anonas (Freedom Bar); habang dumerecho na lang ako sa may Betty Go-Belmonte LRT station area (at doon nila ako na-pick-up patungo sa party).

Sumunod na dumating sina Cris Genato Vania at Rex (na nagkamaling nag-text kay Jorel na hindi daw siya makakapunta, LOLZ!); tapos late night dumating si Chi (of Slapshock), at yung vocalist and guitarist nung The Chongkeys. Masayang inuman ang nangyari all night long, heheh...



Sabay na kami naunang umuwi ni [info]ilovelava_5, dahil sobrang bangenge na siya nun (Shumat ba naman ng beer, tapos ginawang chaser 'yung Hombre tequila!) Tapos may band practice (at tugtugan) pa kami kinabukasan... Bangag na rin ako nun dahil sa puyat; lumagpas pa kami sa biyahe sa bus, at sa may bandang Palmera na kami bumaba ng bus, heheh. Nakauwi naman ng maayos habang pasikat na nun ang araw.

8/26/08 07:57 pm - School blues + isa na namang Open Genre Nyt gig

Iskul Blos

Thursday, 2008.08.21 - This time, napakaaga kong pumasok ng school for our ESURVEY class (mahigit 30 minutes akong maaga haha), as in... Normal lecture lang ang nangyari.

After that class, nag-internet ako sa labas, at tinapos ko ang dalawang reports (hard copy, and PowerPoint presentation) for ECECTV1. Hindi ko tuloy nagawang pasukan ang EPRECON class namin.

Tapos nung ECECTV1, nag-quiz kami (na nahirapan kaming sagutan T___T), tapos nag-reporting kami ng isa kong kaklase. Ayun, sinabon kami ng prof namin, kesyo 'di daw mabasa ang PowerPoint text namin (pero nababasa naman ng mga kaklase namin haha), tapos nagtatanong pa ng kung anu-anong rhetorical questions. Then in-announce niya na kailangan naming mag-formal attire daw (!?) sa next meeting namin, na kung saan ire-report namin ang case study (kuno) namin. Yeah right!

And nag-normal lecture lang kami nung ESTHEO2; again, dahil naging matindi ang discussion (fast-paced tapos maraming solutions), kinuhanan ko na naman ng pics ang mga sinulat na notes sa whiteboard. Sa sobrang dami, naka-limang pages ng bond paper lahat-lahat.

( Superposition Method + Portal, Cantilever and Factor Methods )

Pagkatapos ng klase, dumaan muna ako sa ate ko para makapag-hapunan.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Upin Janra Nayt

Agad na rin akong dumerecho ng One Luv Reggae Bar afterwards, pero medyo nahirapang makasakay sa Pasay Rotonda, dahil inakala kong may Sucat FX na nakapila doon. So nag-jeep na lang ako, kaya late akong nakarating.

Bale 2nd kaming tumugtog (unang sumalang ang The Guy Upstairs). Si Elle lang ang tanging audience namin nung gabing iyon (siya rin ang tumayong camerawoman namin haha). Wala pang sampung banda ang tumugtog, kaya agad natapos ang Open Genre Nyt.

After ng tugtugan, nagdesisyon kaming magkakabanda (at si Elle) kumain sa Chowking. At ibinaba na lang nila ako sa EDSA, pasakay ng Fairview bus. Pasado ala-una akong nakauwi ng bahay. Walang tulugan na naman!!!

8/24/08 04:17 pm - Yet another jam with Magnum Opus

Friday, 2008.08.15 - Again, had another ENGIGEO film showing day. After school, nag-internet ako sandali, at saka bumiyahe na ako papuntang Delta, para kitain ang Magnum Opus. Bale sa isang bahay malapit doon sa Sunshine Blvd. (na pag-aari yata ni Boss Mike -- if I'm correct -- ang tumatayong 'manager' nila, and organizer ng gig that night) ang practice, kumpleto pa sa gamit. Na-meet ko pa ang vocalist nilang si Ian sa iba pa nilang band, ang Gone Wild. Then after practice sinamahan ko pa si Melo na makipagkita sa ka-deal niya regarding sa Transformer action figure. Collector din pala siya hehe. Grabe ang buhos ng ulan nung gabing iyon.

Pagbalik, nag-hapunan kami sa malapit na tapsilogan/binalot na kainan, tapos dumerecho na kami sa Puti Bar sa Timog. Marami na palang tao doon, kahit hindi pa nagsisimula. Pero mga tipong sosyalan ang mga tao, so kakaiba ang ambience. And I've found out na member ng 26K daw ang may-ari ng bar. (FYI: 26K yung 26 girls na nagbibitbit ng briefcases sa show na Deal Or No Deal.)

After some few minutes, saka nagsimulang magdatingan ang mga banda, pati na sina Cris Genato (Shotgun); and doon na-meet din namin ang tatlong bebot na tropa nila Cris (sina Mitch, na nalaman kong mga teens pa), para panoorin at suportahan kami. Tapos dumating din doon ang drummer ng Slapshock na si Chi.

Pangatlong banda na sumalang kami ng Magnum Opus, at medyo hindi ako naging confident sa sarili ko, dahil medyo name-mental block pa ako sa dalawang freshly-memorized songs sa lineup (Deep Purple's "Spece Truckin'" and "Crazy Train" by Ozzy Osbourne). Hindi ko na nagawang i-memorize pa yung ibang songs, kasama na 'yung compo nilang "Kinabukasan", kaya si Cris na ang kumanta sa kanila para doon. Bale limang kanta ang set ng Magnum Opus ng gabing iyon; and fortunately naging malupet naman ang performance. ^___^v

After ng tugtugan, petiks na ako nun all throughout the night kaka-inom ng beer, at picture picture around. Nakakuha pa ako ng litrato with the actor Jeffrey Santos, na tropa pala ni Boss Mike. Tapos nalibre pa ako ni Mike Kano (drummer ng Magnum) ng T-Bone Steak sa katabing Slice n' Dice ('yung Php99 steak na kainan). Mmmmm!

Nagdesison na kaming umuwi past 1am na, while tumutugtug yung Bandang Quadro -- 'yung may pinoy rock-influenced vocalist na 'clone ni Dong' (vox ng Bernardo Carpio) hehe... Habang naki=hitch ako ng ride pauwi, binibiro pa ako nila Melo, dahil sa paglibre sa akin ni Mike Kano heheh... Kasabay ko pauwi ng Fairview si Cris, at pasado alas tres na ako nakauwi ng bahay. Solb na solb, as in!

( Rite of Passage pic gallery )

Nagpapasalamat ako sa Magnum Opus, for again inviting me to jam with them; grabe, once-in-a-blue-moon opportunity ang maka-jam ko ang mga magagaling na nilalang na tulad nila. Thanks din kay Boss Mike (ser send ko agad 'yung pix, nagloloko 'yung card reader ko e hehe) for making the gig possible. Bale sa September 15 may jam uli kami; tapos kasama ring ututgtog ang Do'ahou doon. So kita-kits na lang hehe!

8/22/08 06:19 pm - Another same ol' Thursday entry...

Eskwela na naman

Thursday, 2008.08.14 - As usual, na-late ako ng dating for ESURVEY, pero nakapag-quiz naman ako, at sure pass naman heheh.

Tapos, nag-quiz kami sa EPRECON, and nahirapan ako (dahil hindi ako masyadong nag-aral, hehehe) sa pagsagot, pero out of 15 items naka-siyam naman ako. T___T

Nung ECECTV1 naman, nagpakitang-gilas naman ang prof namin sa ECECTV1, at siya naman ang nag-report ng PowerPoint presentation sa amin. Nandoon kasi ang CE Chairman namin, nag-oobserve kung paano siya magturo hehehe... (Kaso, na-tense ang prof namin, at nauutal pa!)

At nung ESTHEO2, mahaba-habang lecture na naman kami, kaya 'di ko nagawang magsulat ng notes; balik uli ako sa digicam mode hehehe... Nagawa ko pang kunan ang mga kaklase ko hehehe!

Feeling seryoso sa lesson haha!
Feeling seryoso sa lesson haha!

Some more pics here )

Marami din ang hindi nakasabay sa kopyahan ng notes dahil sa bilis ng turo ng prof namin (at sa mahaba-habang sulat ng solution), kaya marami ang gustong makakuha ng kopya ng 'notes' ko. ;p

( Moment Distribution Method for Frames w/ Sidesway )

Click the link to download, haha!


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Another Open Genre Nyt @ One Luv

Pagkatapos ng klase, dali-dali na akong bumiyahe papuntang One Luv Reggae Bar, pero sadyang inabutan ng tubig-baha sa gitna ng U-Belt, dala ng matinding ulan na bumuhos habang ESTHEO2 namin. Sinubukan kong lumakad papuntang Doroteo Jose LRT station, pero lagpas sapatos ang baha.

Kaya naglakad na lang ako sa gilid ng kalye from Isetann para makasakay ng Taft jeep. Matagal-tagal din ang usad ng sasakyan, at inabot ng 45 minuto para marating ang U.N. Avenue LRT Station.

Pero hindi pa doon nagtapos ang kalbaryo ko. Mahaba ang pila ng pagbili ng LRT card, tapos matagal bago dumating ang sumunod na tren. Tapos medyo nagsisi ako sa desisyon kong bumaba ng Baclaran station, at sumakay ng Sucat jeep, dahil malubha ang trapik sa Sucat Road ng gabing iyon; tapos mahilig pang mangisda ng pasahero si manong drayber, na akala mo e end of the world na... X___x

Alas nuwebe y medya na ako nakarating ng One Luv Reggae Bar, at wala pang gaanong tao nun, pero nandoon na ang bandang The Guy Upstairs; kaya kami ang unang bandang sumalang. At dahil hindi ko nagawang maisaulo ang lahat ng 4 na bagong kanta sa playlist namin, na-mental block ako sa pagkanta habang sumisilip sa aking munting 'kodigo' ng lyrics sa malayo (haha!). Pati ang mga kabanda ko e maraming sabit din; malamang dahil wala talaga kaming practice bago sumalang sa gig. Bawi na lang kami next time...

Hindi ko rin nagawang makakuha ng mga litrato, dahil naubus ang baterya. :( Malas.

8/8/08 10:58 am - C.E. Assembly

Ordinary lecture lang kami nung ESTRUD1 class first thing in the morning. Bale lalong dumagdag ang mga isa-submit namin sa Sabado. Good luck na lang... T___T

After class, nagkayayaan kaming magkakaklase na kumain sa First Six tapsilogan sa Lerma; at nag-showdown kuno kami ni Joshua, dala ng katuwaan. Ang challenge: paramihan ng kanin! And ngayon lang uli ako naka-anim na kanin after a long long time, hahah!!! XD XD XD

Tapos nagbigay lang ng fieldwork ang prof namin sa ESURVEL. Maaga kaming dinismiss, dahil may C.E. General Assembly daw, organized ng JPICE. Sad to say, hindi na ako nakaabot sa membership sign-up nila, heheh! Initially, ayoko sanang um-attend; pero kailangan kong kitain si Joshua, para i-claim ang pinabili kong NSCP book.

Pagdating doon, akalain mo nga namng may log-in attendance sheet pa sa labas, tapos may food stub pa daw kahit hindi member. Naabutan kong nag-singing portion ang mga kilalang singer sa amin; tapos JPICE slideshow, then kainan na. Hindi ko na kinain 'yung burger, dahil busog pa ako sa kanin heheh...

And dahil dala ko ang aking camera, nakapag-picture pa ako ng kaunti. Hindi ko nagawang rumonda pa sa harap, dahil co-host ng assembly si Epal. ;p~ Kaya enjoylang ako mingling with my classmates.



Past 4pm natapos ang assembly, at nag-adik pa ako sa Special Force sa internet cafe, bago nagdesisyong umuwi.

8/5/08 04:38 pm - Siomai Adventures (Part 2)

Here's yet another edition of Siomai Adventures, courtesy of me (heheh); and this time nagawi naman ako sa Munoz area isang gabi... So I decided to taste some siomai na binebenta sa different stalls...



1) Hen Lin
Location: Walter Mart, Munoz



Ito ang isa sa mga good examples ng "you get what you pay for"; bale foe 3 pieces of siomai, 27 pesos ang presyo nila. Pero sulit naman sa sarap! Malasa naman ang siomai -- something na hindi mo usually mahahanap sa ibang siomai stands. Nakakabitin lang, kasi tatlong piraso lang.

Rating: 8.5 out of 10



2) Shaolin Siomai
Location: Walter Mart, Munoz



Very ordinary siomai taste here; unlike doon sa na-review ko sa previous adventure, wala gaanong lasa itong siomai nila; plus walang garlic bits (take note: pinaliguan lang ng chili yung nasa pic). Tapos si manang tindera pinapaalis pa ako sa puwesto (doon sa likuran nila na puro galon-galong lalagyan ng purified water) "para daw may puwesto yung iba"... (Haller, customer ako, at kumakain pa ako nung panahon na 'yon!)

Rating: 5 out of 10


3) Shiok
Location: Munoz Market



This was unexpectedly one of the most affordable siomai place na napuntahan ko. At hindi lang siomai ang binebenta nila; pati na rin pizza at goto. Bale 'value meal' ang binili ko dito: 4 pieces of siomai and a gulaman drink for only 28 pesos -- ang mura, 'di ba. Tapos may serving platter pa; tapos topped with garlic bits ang siomai pagka-serve.

Pero above expectations ang lasa niya for its price. Maybe dahil bamboo ang lalagyan nung siomai steamer nila; pero may lasa yung pork eh~ :P Dagdagan pa ng friendly service nung babae doon, kaya solb na solb ang kain ko doon.

Rating: 9 out of 10



More siomai adventures ulit sa susunod hehe!

8/4/08 10:55 am - Yet another School Blues + Black Shield gig entry

Eskwela blues ulit...

Ordinary day sa school -- nag-lecture lang sa ESURVEY, EPRECON; nag-reporting lang sa ECECTV1, at nag-lecure and quiz sa ESTHEO2. Dere-derecho ang klase ko, kaya hindi ko namalayan na mabilis lumipas ang araw sa loob ng eskwela.

Mabuti at tinanggap pa rin ng prof namin sa EPRECON ang gawa namin, kahit late na. And by next week magde-design naman kami ng one-way slab, tapos design sa purlins at truss naman sa ESTRUD1. Tapos sisimulan ko na talaga ang plates sa ESTHEO2. Nalalapit na rin pala ang finals namin, ilang weeks na lang ang bibilangin... Haaay.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



And yet a horrible journey...

After school, agad na rin akong bumiyahe papuntang Sucat; pero sadyang minalas pa ako sa biyahe. Bale nag-LRT-3 ako papuntang Cubao; then napakaraming tao sa MRT Cubao station -- inabot ako ng almost 30 minutos sa pagpila ng single journey ticket.

Pero hindi pa doon nagtapos, dahil nahirapan ako lalo sumalay ng Sucat bus sa Magallanes. nagtagal ako doon for another 30 minutes, at naka-kapit na ako sa pasukan ng bus sa sobrang siksikan ng tao! Pero nakaluwag naman pagdating ng Bicutan, whew. (Good thing is, hindi pa ako nakapagbayad, nyok nyok!)

Pasado alas nuwebe na ako nakarating, at nandoon nakatambay sa labas ang mga kabanda ko, kasama ang The Guy Upstairs pipol. Naki-idlip pa ako sa tsikot ni Drey bago kami umakyat. Bale pang-pito kaming tumugtog.

Naunang tumugtog ang mga hardcore/emo core dudes, then before kami, tumugtug muna ang The Guy Upstairs. Bale apat na kanta ang tinugtog nila (instead of 3 -- sinabihan kami ng isa sa mga taga-doon sa bar na may hinatak silang guest band). So hayun nag-four songs na rin kami, at naging masaya naman ang tugtugan namin (much better than last week). At nakilala din namin ang ibang banda na old school rock din ang tugtugan, especially ang Snakebite band, na pawang mga malulupet haha!

Tinapos namin ang tugtugan up to the last performer (na may gitaristang Caucasian na malaki ang pedalboard!), and past 3am na nung sumibat na kami, bale nakisabay ako sa tsikot ni Lucky (officemate ni Jun), at sumakay ng bus.

At nung pauwi na ako, minalas ulit ako dahil naiwan ko ang file case ko (na ang laman ay mga school projects ko) sa tsikot ni Drey. Ee saktong paubos na pala ang gas ng tsikot niya; so nakipagkita ako sa kanya sa katipunan area pa para kunin yung file case. And past 6am na ako tuloy nakauwi ng bahay! ;p

( For Multiply contacts only: 2008.07.31 One Luv Reggae Bar pics )

Minalas man sa biyahe, solbaks naman sa tugtugan. ^___^

7/29/08 03:27 pm - Super Delayed Entry: Rakrakan sa Sta. Lucia East Grand Mall!

(Delayed entry na naman haha, dahil sobrang busy...)

Another boring day sa school nung Friday -- nag-film showing lang kami sa ENGIGEO class, courtesy of Gilda and Mavicon's 2-hour+ video clip. Earlier, I helped Gilda regarding the video's compatibility issues with the school PC. So mahigit 30 minutes pa kaming na-delay bago nakapanood. Bale 2 episodes ang pinanood namin, kaya hindi na rin kami nakapag-quiz.

After school, kasabay ko si Janna sa paglalakad papuntang Recto, at hinatid siya pasakay ng Malanday jeep. Ako naman, sumakay na agad ng LRT-3, at bumiyahe agad papuntang Sta. Lucia East Grand Mall.

Agad kong nakita si Rollie (one of my old anime community friends way back those mIRC days), at sinabing nasa basement ang activity center (the venue of the event). Naabutan kong nagpapa-contest ang [info]juujiro_ml peeps. Then may cosplay din pala, kaya agad kong ginamit ang aking mahiwagang Kodak digicam.

Around 6pm na nagsimula ang tugtugan; nagsimulang tumugtog ang bandang Molded Sushi. Tapos nalaman kong apat na banda lang pala ang naka-lineup, dahil nagsi-backout na ang iba. Tapos ako pa lang sa banda namin ang nakakarating sa venue, kaya medyo nataranta pa ako. Pasado alas siyete na nung unti-unting nagsidatingan ang mga kabanda ko, at sakto lang nung nakumpleto kami, saka kami sumalang agad onstage.

Naging maganda naman ang tugtog ng Rtschrck this time, kahit maraming sabit (as usual!) at medyo nag-struggle sa gamit -- bale rumekta lang ako sa mixer onstage, na nakasaksak sa keyboard amp sa speakers. So nag-cram ako sa pagtimpla ng Zoom G2.1u ko in the last minute. At buti na lang 'di nagloko ang telepathy gadget ko, at nakatakbo pa around the place, dala ng gigil sa tugtog hehe!

Pagkatapos ng event, nag-Kodakan pa kaming lahat, kasama ang [info]juujiro_ml people, at ang HarakiriJiro boys. Kulitan mode, as in, kaya masaya. Tumambay pa kaming lahat hanggang sa magsara ang mall (pasado alas diyes).

Mga ala una na ako nakauwi ng bahay, pero gising na gising ako kahit pagod sa biyahe. Saya kasi ng event hehe.

( Click here for the pics... )

Nagpapasalamat po ako (in behalf of the band Rtschrck) sa Juujiro J-Culture (in cooperation w/ Yoshinoya), sa pag-imbita sa aming tumugtog. Congrats dahil naging success nga naman. Sarap talaga ng libreng beef gyudon! Kita kits sa sunod na event. :)

7/5/08 01:34 pm - Another prototype DIY project finished... ~edited entry~

The prototype has been accomplished

Pagkauwi ko ng bahay, nagpuyat ako para tapusin ang DIY project ko, na recently ko lang tinuloy. And heto, natapos ko na rin ang prototype triple momentary switch para sa G2.1u ko.

A prototype DIY triple momentary switch for my G2.1u
Picture of the prototype.

Innards of the DIY triple momentary switch
The innards...

The G2.1u and the switches
And now my G2.1u is stuffed with switches.

[EDIT] Kabibili kolang ng 8-pin connector sa DEECO, so methinks na kung lalagyan ko na kaya siya ng LEDs... Mwahahaha!

'Ika nga, "I got stinky, I got dirty... But you see... I learned"...


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Pasasalamat lang sa mga PM forumites

Gusto ko lang magpasalamat sa mga nag-reply sa thread na 'to (actually, a duplicate post), and shared their opinions. Kahit papaano may sense ang naging posts compared sa kabilang thread, na puro gay-ass clones and trolls.

6/13/08 09:56 am - Friday School Blues...

Napaaga ako ng dating sa school, dahil nakipagkita ang aking friend na si Joy Anne para makisabay ng lunch. Matagal na panahon na rin daw nung huling bisita niya doon sa Lerma.

So a few minutes before 1pm na kami nagkita sa RK Cuisine, at nilibre niya ako ng lunch (thankiesh!), at ang paborito niyang spaghetti ang in-order namin.

the RK Cuisine spaghetti model
Naks, model ng spaghetti kuno...



So far, one of the best tasting spaghetties I've ever tasted out there; not that usual stereotypical sweet-tasting Filipino style spaghetti na pinauso ng McJolly. Tapos may toasted bread pa.

the delicious RK Cuisine spaghetti
Magutom sana kayo... Nyehehe!



Then after having lunch, around 10 minutes late akong dumating for ENGIGEO class namin; sakto lang na nag-attendance ang prof namin pagkapasok ng classroom. Wala lang, simpleng discussion lang the whole period.

After class, agad na rin akong umuwi para makapagpahinga, at mag-Special Force (as usual, hehe).

6/9/08 02:39 pm - First strike ng [PM] clan!

Naglaro ako ng Special Force pagkauwi galing school (and after kong maidlip ng konti). And for the first time, nakalaro ko na ang iba kong clanmates, besides sa lagi ko ng ka-chat na si Drew (a.k.a. drewLAKANDULA sa PhilMusic). So hayun, may nakalaban kaming mga magkaka-shop, bale 5 on 5 na laban, at naka-tatlong matches kami.

Unang laban ng [PM] clan
[PM] clan WIN!



Aba shempre, tinaob namin sila, hekhek!!!

( Click here to download the RPL file )

Medyo pangat pa 'yung laro ko, dahil ratrat mode lang hehe (puro snipe kasi mga kakampi ko, pero anlalakas nila huh). Pero ansaya, dahil parang wala lang, parang nagkukulitan lang kami habang laro!

Saya nito siguro pag nagkita-kits na kaming magkaka-clan kapag may tournament. Hehe!!

5/30/08 08:26 am - First jam with Black Shield

Maaga akong bumiyahe (around 8am) for my first tryout with the band Black Shield. I traveled southbound papuntang SM Mall of Asia, para kitain sina Zigz and Jun... As expected. late ako ng isang oras; nakarating ng 11am instead of 10. Pagkakita naming apat (kasama si Drey), agad na kami bumiyahe pa-Parañaque...

So sa Cherry Studios kami napadpad, sa may BF homes. yup, I was surprised nung nadaanan namin 'yung McDo (looks familiar kasi e!); so I was 100% sure malapit kila [info]onelast_sunset 'yung studio.

Napakaganda ng studio; malawak, maganda ang air conditioning, at hayop sa gamit.

Heto malupet... )

Naging okay naman ang practice namin; though 'di ko pa fully-mastered ang mga piyesa, nakabuo naman kami ng marami. Taenang AC/DC yan, ang hirap kantahin! T___T

So after practice, bumiyahe na ako with Jun, nagpasama sa kanya na magpa-drill ng G2.1u chassis ko, pero sadly hindi daw kaya nung sa machine works na pinuntahan namin, ampotek yan... Then napadalaw ako sa place nila sa Malibay, naki-kain pa ng merienda, at nakapag-copy pa ako ng Rtschrck vids and pics namin nung Ongaku Interrupted.

Rotschreck at Ongaku Interrupted
Rtschrck @ Ongaku Interrupted

LOLZ ang kenkoy ko pala gumalaw nung gig na yon.

Agad na rin akong umuwi around 6pm, at naka-libreng sakay pa ako sa bus. Wahahaha!

5/17/08 09:21 pm - Kakapal talaga ng mukha ng mga SF cheaters!

Habang tumatagal, 'di lang dumadami ang mga cheaters; lalo pang tumitindi. Kung anu-ano na yatang hack programs ang ginagamit nila (na I guess C++ ang ginamit) para lang makapandaya. Katulad nito:

Amazing airborne technique ni eco123

More screens of this )

Anyways, madami-dami na rin ang naiipon kong glitch tapes (nakakapagod mag-submit!); and the banned list goes on. Kulang na lang maging GM ako eh!

5/14/08 08:55 pm - 'Wag kumapit sa malalakas...

Special Force talks na naman... Oh well.

For a few occasions, I have battled a couple of TmLkz, a soon-to-be-established SF clan, na pawang lahat ay nasa top ranks... (Currently, nasa Top 2 overall standings ang isa nilang member; grabe sa stats ng mga ito!) Lahat yata sa kanila e Colonel na ang ranggo ('yung ibon ang insigna)...

Ang masasabi ko: hindi sila sugapa sa kills at susugid na lang bigla na parang member ng Tadtad cult. And so far hindi naman ako naka-experience ng trash talk from them ('yung mga ibang players na nakakapatay sa kanila, 'yun ang mga maaangas na akala mo pers tym nilang maka-kill haha...) Ako naman, nakaka-chambang patay; nagiging leader pa sa team minsan hehe.

xelalien pwned TmLkz*KorEan (chamba)
The power of AK-74

Pero worth the experience kahit madalas natatalo, dahil may natutunan naman akong bagong strategies. Nyok nyok nyok...

Anyways, 20K exp points na lang, at magiging Captain na ang ranggo ko!

5/5/08 11:29 pm - Glitcher Bakla!

Kung may isang bagay na pinaka-kinaaayawan ko sa Special Force (bukod sa mga quitters), ay ang mga glitchers. Mga bading kung maglaro, takot kasi mapatay ng mga naglalaro ng patas.

FAQ: Ano po ang gitching? )

FAQ: So papaano po manghuli at mag-report ng glitcher? )

So far, walo na ang nahuli kong glitcher, at na-send ko na ang mga replay tapes, hehehe... In-upload ko pa for free download, for viewing pleasure. (Instant plugging pa ang mga kolokoy sa blog ko, heheh...)

Download the glitcher tapes )

Kaya hayun, ingat ingat na lang kayong mga glitcher bading, at baka malagay pa kayo sa listahan ng mga maduduga! XD

4/30/08 04:27 pm - She Saves The Day gig aftermaths~

Mga hapon na ako umalis ng bahay nung Sabado, and around 3pm nakarating ng Pedro Gil/Taft area, then waited for my bandmates until 4pm, heheh... Tapos nag-practice kami ng 1 hour malapit sa Paco Catholic School.

After practice, umuwi na agad si [info]rezarius sa kanila, while naiwan kami ni [info]coincibens (at nag-internet pa ako sandali heheh); tapos nag-taxi na kami papuntang Nightwish bar past 7pm. Doon namin na-meet ang isa sa mga organizers na si Katty. Agad din kaming pumasok sa loob ng bar, at pawang kami lang ang taong banda pa lang doon~ (tambay mode ang mga waitress ng bar, heheh). Later on dumating na rin si [info]rezarius (at may bitbit na guests).

Bale opening act (na naman) ang Nenerminator; but this time for me mas maganda ang naging tugtog namin nung gabing 'yon; though andami ko na namang sabit, at isang major blooper onstage~ (nasiraan pa ako ng strap, pagka-talon while playing The War, hahaha!) Mabuti at may tumakbo agad na tao (from another band) na nag-abot at nagsuot sa kin ng guitar strap. Didn't forgot to thank him afterwards... At ang malupet: marami ring naka-digs ng mga tinugtog namin, lalo na 'yung Hold Me Tight ng AKFG! (Napansin ko, sa kabilang table namin na ibang banda din.) Tapos after pa namin tumugtog, lumapit pa sa 'kin 'yung isa sa mga waitress, at tinanong kung ano 'yung pangatlong song na tinugtog namin (which was Missing by Ellegarden).

Nenerminator band
Sa wakas, may picture na kami! Weeee!



After our set, pinanood ko na rin 'yung ibang bandang tumugtog -- oks 'yung sumunod sa amin, yung Carmelite ('yung bassist nila ang nag-abot ng strap sa akin, hehe), Paramore-influenced... Tapos nabigla din ako nung nalaman kong tutugtog pala ang Niniskirt (!) that night -- small world heheh! Ayun, bonding-bonding na rin kila Nina and Perce...

Naki-bonding na rin ako doon sa ibang tao, especially doon sa wairess na nagtanong sa kin earlier, which I found out na super JPop fanatic pala siya; and she worked na dati sa Tokyo. (Minsan yayayain ko talaga siya sa tugtugan sa labas. :D ) Then 'yung crowd na nag-appreciate sa amin -- 'yung bandang Noir Melodies, with their friends (which I call them 'Ajikan Dudes', dahil nagco-cover din pala ng JPunk 'yung banda na yun!) -- pinanood ko sila bago ako umalis that night; and even left my contacts to them. Hayun, ka-chat ko na 'yung iba sa kanila. :D

( For more photos, click here. Courtesy of Chupachupsyo Productions. )

( More gig pics, courtesy of Chupachupsyo Productions. )

Sobrang saya talaga nung gabing 'yon; masarap tumugtog sa fresh crowd, na unexpectedly e may makaka-appreciate; and to meet new friends along the way! :) Maraming maraming salamat uli sa Chupachupsyo productions, congrats sa successful gig!

4/9/08 11:16 pm - Ozine Fest 2008: Sunday Edition!

Introduction: Hindi ko nagawang pumunta nung Saturday Edition, dahil busy ako sa bahay, nag-iisa at maraming ginawa at inayos. Sayang nga eh, andami kong hindi nasubaybayan at nakitang mga nilalang at kaibigan. :( Anyways, maaga naman akong nakapunta nung Linggo, after practice sa Gig Studio.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Happenings

To start the day, maagang sumalang ang [info]3daytrial, ang bandang sinesyunan namin ni [info]kr_inuki for 3 days (oha!)... Naging maayos naman ang overall tugtog namin, kahit gahol na sa oras sa practice; at medyo minalas pa ako dahil nagkaroon pa ako ng kaunting tech difficulties onstage, tas sobrang bangag talaga ako dahil wala pa akong tulog!

So after tugtog, medyo nag-dalawang isip pa ako kung uuwi muna ako ng bahay (para magpa-petiks, matulog, kumain, mag-Half-Life sa PC, etc), or mag-stay. Pero hayun, I decided to mingle around for hours, nag-sight seeing ng mga people~ (cosplayers, models, friends, etc etc!) Yep, magdamag akong naglibot-libot, na parang walking corpse sa pagkabangag sa puyat...

Around 6pm dumating ang mga kabanda ko; then maaga ring nakatugtog (past 7pm na yata) ang Do'ahou, after 2 consecutive band performances (PPF All-Stars and LSS In A Box). Naging masaya (though bitin, dahil sabay sa announcement of winners) ang performance namin; may pagkakataon pang namigay ako ng posters sa madla, haha... At shempre after tugtog, kasabay ko pauwi sina Marlon (yeah, nagpunta siya para panoorin kami!) and [info]actionstar, at nagkuwentuhan ng kung anu-anong keso sa sinasakyang bus while munching free Yoshinoya gyudon, haha!

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Pic Spam!

At heto na ang mga nakunan kong pics for the day... )



¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Pasasalamats

Unang una, syempre maraming maraming salamat sa organizers, event crew (especially kila ser Bryan and Dennis) ng Ozine Fest sa pag-imbita sa aming tumugtog, at sa mga freebies (Ozine mags and posters) and for the free food as well (like Yakult and Yoshinoya beef gyudon)!

Thanks kay Chinnie, dahil nung tanghali nakakain ako, courtesy ng kanyang carbonara food pack na di nya daw trip kainin... (Next time bawi ako, libre kita!)

Thanks sa [info]ongakusociety sa suporta at sa pag-provide ng "sanctuary" naming mga band members~ :D

And thanks sa mga tropapips na nagpunta para panoorin at suportahan kami, astigas nyo talaga, walang kupas! :D

3/30/08 11:26 pm - Randoms Ulit... ~Back to Normal~

»» Boredom all day Sunday. Walang ginawa kundi matulog, kumain, mag-computer, mag-gitara, matulog. Tinamad akong pumunta sa planong lakad ko kila Sir Emil, para ipa-mod ang DF-2 pedal ko.

»» Hindi na natuloy ang Fall Out Boy sa quest nila sa Antarctica due to bad weather daw (at pagtunaw ng ice shelf doon). Wahahaha!

»» I'm thinking of buying a DIY wireless transmitter for guittar, na worth 2K daw. Pero bibisitahin ko pa sa bandang Tutuban area. Oh well, medyo risky ito, pero worth the try...

»» Hindi nag-online ang kaklase ko sa ESTHEO1. Hindi ko pa rin matapos ang computattions ko, dahil kailangan ko ng NSTP (na supposedly e siya ang mapagtatanungan ko)... Haay buhay!

»» Narito na ang mga pics na nakunan namin nung PCC! Thanks ulit kay [info]rezarius for providing the camera, haha!!! XD

... )

»» Recently nagpaka-retro na naman ang PC ko... Nag-install ako ng Half-Life 1, and played all over from the start; heck, nag-install pa ako ng bots, and played as if nasa hayskul days pa ako. Amft, haha...

»» Yesss, 16-0 na si Undertaker sa Wrestlemania! YEBAHHHH!!!

»» And a fun Flash presentation for forum newbs, hehe...

( Posting and You )

»» Pa-help lang po: sino ang may nakakaalam sa cellphone number ni Manny (of Ethereal band)? Emergency lang po, kailangan ko siyang kontakin... T___T

3/17/08 10:43 pm - Holy Week Randoms

»» Sunday. Okay, that day was too boring for me -- woke up too late in the afternoon (due to long duration of sleep); only interesting to offer was to watch that delayed telecast of Pacquiao-Morales bout. (Even that fight was a rip.)

Spent the whole day doin' my truss analysis architectural sheets for ESTHEO1, via MS Paint! Very tedious and simple, but effective! The only thing hindered me finishing the plan was the OpenOffice.org Writer -- it became a mess whenever I inserted tons of pictures inside a table! (Makes me wanna grab a pirated installer of MS Office 2007, really...) Again, I haven't slept at all.

»» Today. Arrived at school a bit late for EHIGSUR class; had some lecture, and surprised because of the relation of the new topic, to our old, old Hydraulics subject. (Remember Q=AV? You know what I mean, heheh...) Plus, we had the chance to know our midterm grade; luckily, I passed with flying colors. :)

Afterwards, I went to my sister's place to have lunch, and finally claim that remittance from our dad. Now I can solve those household expense problems, yay!

Then only had a film showing during EINPHIL class; we watched that Jodie Foster film Contact. Very philosophical movie -- existentialism rocks! :D We even extended a few minutes just to finish the movie.

And only had a normal lecture during ESTHEO1 class; and also, saw some of my classmates finally submitting their own truss analysis work. Oh well, I'll submit mine next week; so there's no rest for me during Holy Week!

Arrived home awhile ago, around 9pm; and I'm very hungry!!!

»» Our supposed-to-be band practice with [info]rezarius and [info]coincibens today was cancelled, not because of emergency reasons, but poor communication. Since a few days ago, one member can't be reached; and vice-versa with the other... Oh well. :(

»» I was invited to session for a band this coming Ozine Fest `08. Hmmm, I gotta practice my guitar playing this Holy Week as well.

»» Finally bought a new pair of earphones hours ago as I passed along Recto on my way home~ (a China-made iPod ripoff, though.) Now I can get rid of those nonsense music around me!

»» And some interesting news regarding guitar gear: The BOSS Corporation recently gave fanatics more reason to GAS, by releasing two newest pedals!

BOSS DD-7 Digital Delay

Boss DD-7 Digital Delay

The newest addition to the lineup of compact delay pedals of Boss. The catch:

  • two output AND input jacks, plus an external EXP jack for Tap Tempo function or Expression pedal
  • Modulation Delay mode, which offers chorus-type sounds
  • models the classic Analog Delay mode (makes you feel you are using that good ol' Boss DM-2, I guess!)
  • Expanded delay time, up to 6.4 seconds

Now that's neat! And here's another one...

BOSS SL-20 Slicer

Boss SL-20 Slicer

According to the Bosscorp.co.jp page: "Inject a shot of high-octane fuel into your music with the SL-20 Slicer. Instantly transform a guitar, bass, keyboard, or vocal into a pulsating groove instrument. Choose from 50 onboard Slice patterns or experiment with the SL-20's innovative Harmonic Slicer feature, which generates percussive melodies, Loop Record, and unique 3D Panning." To have a good idea what the hell this twin pedal thingamabob does, watch this video (also taken from the demo section of the site):

Very unique indeed... Great for funk, RATM-style, or any experimental music... I wanna have one!!!

»» Ok, back to work... (Currently doin' my ENGIMGT assignment for tomorrow.)

3/16/08 11:55 pm - Yoshinoya Event noong Sabado ~Aftermaths~

Maagang umalis ng bahay, at sadyang minalas sa biyahe nung umagang iyon -- biro mo sakay-baba ako ng jeep at nakapag-FX na nga ako't lahat lahat, na-stuck pa rin ako sa matinding trapik. Hayst, sabado nga naman...

Nakarating ng quarter to 12 ng tanghali, sa Jollibee Munoz, para kitain si Lenlen, a longtime friend namin sa Rtschrck (yep, way back Ongaku Rave, year 2003); supposedly 11:30am kami meet, pero na-late din siya as well (dumating siya a few minutes I arrived). So bumiyahe na kami via MRT hanggang Taft, then sumakay sa pugon na jeep (kasi mausok) upang makarating ng Mall of Arroyo este Asia.

So ayan, narating namin agad ang Music Hall, at nagse-setup pa lang ang isang guest performer (yep, naabutan pa namin ang simula ng event). May iilang cosplayers (tulad ni Sandra -- hehe kaka-chat ko lang sa kanya nung umaga, LOLZ), ilang banda (tulad ng Ethereal), at ilang tropa (tulad ni [info]rezarius) na naroroon.

Pagkatapos tumugtog ng banda ni Kaoru at Ethereal, saka tumugtog kaming mga gunggong, heheh... Naka-tatlong kanta lang, dahil medyo matagal ang pag-setup namin. Medyo bored ang crowd, pero ayus lang.

Then sinimulan ko na ang paglilibot at pangongodak ng kung sinu-sino. At heto ang iilan sa mga nakunan ko, gamit ang mahiwagang cellphone ni [info]rezarius:

Bawal i-click! )

Hindi nanamin nasubaybayan gaanoang contest proper mismo, at naglibot kami ni Lenlen around MOA; and eventually sumama sa pagtambay with my bandmates sa Yoshinoya. Pagbalik sa Music Hall, naabutan na namin ang awardings, at ang performance ng Itchyworms habang pauwi na kami. (Hindi ko na nagawang sumama sa inuman kila Jun.)

So sabay na kami umuwi ni Lenlen, at sinugod ang matinding trapik palabas ng MOA (tae, andaming nagpuprusisyong mga nilalang na nakaputi at may hawak na palaspas, as in maraaaaaaaaammmiii na pagrang langgam sa Macapagal highway!) na inabot almost 30 minutes ng walang galawan. Hinatid ko siya hanggang Monumento. Then nakauwi naman ng bahay lagpas 10pm dahil naman sa matinding trapik sa may Quirino Highway. (Minalas pa sa biyahe dahil nawala ko pa ang isandaang piso ko, tae!) Pero masaya naman ang araw kaya okay lang. :)

Pasasalamats/pabati portion: Una sa lahat, siyempre salamat kay [info]hydee_takarai at sa bumubuo [info]juujiro_ml para sa pag-imbita sa Do'ahou, and sa libreng beef gyudon/red tea; salamat ng marami kay Lenlen sa pagsama (at pagsuporta); kay [info]rezarius sa pagpapahiram niya ng cellphone (nyehehe); at sa iba pang nagpunta at sumuporta sa amin. Congrats kay Sandra (dahil siya ang nanalo sa cosplay); at hello po kay Risha ng PhilMusic forums (que napadaan ka o hindi sa MOA nung Sabado, heheh!); at hello na rin kay umbrella girl, dahil may nagpapatanong kung ano e-mail mo daw sa Friendster (at balak ka niyang i-add), wahehehe...!

Powered by LiveJournal.com

Advertisement

Customize