Home

Advertisement

Customize

Neil Alex™ Journal

~xelalien's misadventures~

8/28/08 01:14 am - Eskwela, Ensayo, Elektrisidad

Friday, August 22, 2008 - Late akong nakapasok for ENGIGEO class; nag-film showing lang naman kami, at napanood (for the 2nd time) 'yung sikat na An Inconvenient Truth Al Gore documentary.

Pagkatapos ng klase, magdamag akong nag-internet sa NABS; initially,gagawa sana ako ng plates sa ESTHEO2 and ESTRUD1 sa library, pero nakalimutan kong bumili ngPilot G-Tech pen. :( Tapos dumerecho na ako ng Gig Studio for Do'ahou band practice. Late dumating sina Ajzone and [info]ilovelava_5, pero naging productive naman ang ensayo. Pasado alas onse na ako nakarating ng bahay; at pagkauwi, nakaidlip ako sandali (instead na magtrabaho for my plates), dahil sa sobrang pagod.

Nagising ako around 2am, dahil biglang nag-brownout; at nabalitaan namin kinaumagahan na
may mga halang na nilalang na nagnakaw ng kable ng kuryente sa kalye namin. Limang katao daw, tas may mga dalang armas daw (baril tsaka itak), na siguro e mga taga-Bagong Silang na sindikato. Taenang 'yan!

8/26/08 05:29 pm - My first practice sa Malibay

Tuesday, 2008.08.19 - Again, ordinary reporting lang sa ENGIGEO, pero nakapag-quiz naman kami (essay-type). After ng klase, nag-internet pa ako hanggang gabi, then dumeretso na ako kila Jun.

First time naming nakapag-practice na kumpleto kaming apat sa studio a few steps from Jun and his wife Dudes' place sa loob mismo ng Malibay, Pasay. Okay naman ang studio, maluwag ang space, and considerable naman ang gamit. Sulit naman ang dalawang oras, dahil 'yun na lang ang kaisa-isa naming practice bago sumalang sa isa na namang Open Genre Nyt sa One Luv Reggae Bar.

Pasado alas onse na nung magdesisyon kaming umuwi; pero natagalan ang labas namin sa Malibay, dahil nasiraan pa 'yung tsikot ni Zigz. And medyo nahirapan pa akong makasakay pauwi, dahil madalang ang bus nung mga oras na iyon. Alas dos na ako nakauwi ng bahay.      

8/24/08 04:17 pm - Yet another jam with Magnum Opus

Friday, 2008.08.15 - Again, had another ENGIGEO film showing day. After school, nag-internet ako sandali, at saka bumiyahe na ako papuntang Delta, para kitain ang Magnum Opus. Bale sa isang bahay malapit doon sa Sunshine Blvd. (na pag-aari yata ni Boss Mike -- if I'm correct -- ang tumatayong 'manager' nila, and organizer ng gig that night) ang practice, kumpleto pa sa gamit. Na-meet ko pa ang vocalist nilang si Ian sa iba pa nilang band, ang Gone Wild. Then after practice sinamahan ko pa si Melo na makipagkita sa ka-deal niya regarding sa Transformer action figure. Collector din pala siya hehe. Grabe ang buhos ng ulan nung gabing iyon.

Pagbalik, nag-hapunan kami sa malapit na tapsilogan/binalot na kainan, tapos dumerecho na kami sa Puti Bar sa Timog. Marami na palang tao doon, kahit hindi pa nagsisimula. Pero mga tipong sosyalan ang mga tao, so kakaiba ang ambience. And I've found out na member ng 26K daw ang may-ari ng bar. (FYI: 26K yung 26 girls na nagbibitbit ng briefcases sa show na Deal Or No Deal.)

After some few minutes, saka nagsimulang magdatingan ang mga banda, pati na sina Cris Genato (Shotgun); and doon na-meet din namin ang tatlong bebot na tropa nila Cris (sina Mitch, na nalaman kong mga teens pa), para panoorin at suportahan kami. Tapos dumating din doon ang drummer ng Slapshock na si Chi.

Pangatlong banda na sumalang kami ng Magnum Opus, at medyo hindi ako naging confident sa sarili ko, dahil medyo name-mental block pa ako sa dalawang freshly-memorized songs sa lineup (Deep Purple's "Spece Truckin'" and "Crazy Train" by Ozzy Osbourne). Hindi ko na nagawang i-memorize pa yung ibang songs, kasama na 'yung compo nilang "Kinabukasan", kaya si Cris na ang kumanta sa kanila para doon. Bale limang kanta ang set ng Magnum Opus ng gabing iyon; and fortunately naging malupet naman ang performance. ^___^v

After ng tugtugan, petiks na ako nun all throughout the night kaka-inom ng beer, at picture picture around. Nakakuha pa ako ng litrato with the actor Jeffrey Santos, na tropa pala ni Boss Mike. Tapos nalibre pa ako ni Mike Kano (drummer ng Magnum) ng T-Bone Steak sa katabing Slice n' Dice ('yung Php99 steak na kainan). Mmmmm!

Nagdesison na kaming umuwi past 1am na, while tumutugtug yung Bandang Quadro -- 'yung may pinoy rock-influenced vocalist na 'clone ni Dong' (vox ng Bernardo Carpio) hehe... Habang naki=hitch ako ng ride pauwi, binibiro pa ako nila Melo, dahil sa paglibre sa akin ni Mike Kano heheh... Kasabay ko pauwi ng Fairview si Cris, at pasado alas tres na ako nakauwi ng bahay. Solb na solb, as in!

( Rite of Passage pic gallery )

Nagpapasalamat ako sa Magnum Opus, for again inviting me to jam with them; grabe, once-in-a-blue-moon opportunity ang maka-jam ko ang mga magagaling na nilalang na tulad nila. Thanks din kay Boss Mike (ser send ko agad 'yung pix, nagloloko 'yung card reader ko e hehe) for making the gig possible. Bale sa September 15 may jam uli kami; tapos kasama ring ututgtog ang Do'ahou doon. So kita-kits na lang hehe!

8/3/08 05:19 pm - School + Practice blues nung Wednesday

Late akong pumasok for ESTRUD1 class -- hayun, lecture lang ulit, nakapag-submit naman ng requirements, and next meeting may quiz daw kami. Then after class todo-review ako sa library naman for ESURVEL class, dahil may quiz kami as usual. Hayun, nakasagot naman, pero hindi pa rin sigurado kung maipe-perfect ko...

Then after school, nag-internet ako magdamag sa NABS, and dumerecho na ako ng biyahe papuntang Ferdie's Studio sa Project 8. Late na ako nun ng mahigit 30 minutos, pero pagdating ko doon wala pa ang mga kabanda ko. Habang wala pa sila, tinuloy ko ang pagtatrabaho ng EPRECON project. Naging productive naman ang ensayo; hindi namin in-expect na mabubuo namin ang isang pondo sa isang pasada lang, heheh...

Tapos kumain pa kami nila [info]ilovelava_5 at [info]the_pink_star sa Chowking Sangandaan branch. Pasado alas dose na ako nakauwi ng bahay, sobrang antok na, pero hindi ko rin nagawang nakatulog ng maaga... (Maaga daw oh!)

7/13/08 10:56 pm - Short entry... (school + band stuff again)

Had our exams for ENGIGEO, but we started 45 minutes late. For that, I had it done for less than 15 minutes (of course because I've intensely reviewed). Muhahaha!

Afterwards, I spent some time at the internet cafe, then I went to my sister's place. And by 7pm I went to Gig Studio for Rtschrck practice. This time me and Mike5 were the early birds, and the three were almost an hour late. But it was yet another productive practice; and we sounded good just like the previous rehearsal.

Throughout the day my nose was killing me, due to sinusitis. So I decided to rush back home and get some good ol' rest... Not feelin' well, really.

7/9/08 05:18 am - Sunday Sunday Sunday...

Rtschrck practice

Dumating ako 30 minutes late for our Rtschrck practice sa Gig Studio, kaso hindi nakarating si Jun.

Pero naging productive naman. Nakapag-practice na kami ng popondohin para sa 19 and 20; and may nabubuo pa kaming idea for a new compo.


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Encrypred part...

If I could, I'd only want to... )

7/4/08 02:01 am - Mga pangyayari sa school...

Again bumiyahe ako via Quirino Highway papunntang school, and 15 minutes akong late for ESTRUD1 class. Hayu, discussion lang, and next meeting may quiz daw kami.

Then dala-dala ko ang G2.1u ko, my soldering stuffs, and my DIY triple momentary switch na pilit kong tinatapos. Malas lang dahil wala akong dalang soldering paste. hayun, isang switch na lang ang iko-connect ko. Nagbaon din ako that day, kaya nagpalipas-oras lang ako sa bakanteng classroom, kumain ng baon at nag-solder.

Nag-quiz kami nung ESURVEL class namin, and panibagong lecture ulit. Maaga naman akong nakalabas, dahil mabilis kong natapos ang quiz. Nag-internet ako sa NABS, bago bumiyahe papuntang Mall Of Asia.

Pasado alas singko na ako nung tumambay sa tapat ng DELL, at 'di ko ma-reply-an satext yung kabanda ko, dahil naubusan ng load (nakitext pa ako sa isang stranger hehe). Pero hayun sinundo na ako nina Drey and JR (our new guitarist), then sinundo si Jun sa Malibay, and dumerecho na kami ng Cherry Studios,for another Black Shield practice.

Naging okay naman ang practice namin that night, and pasado alas nuwebe nakami nagdesisyong umuwi. Naki-ride kami ni JR sa sasakyan ni Drey until Cubao, kaya napabilis na rin ang biyahe ko pauwi. Saktong midnight na ako nakauwi.

7/1/08 12:32 am - A Few Band-Related Matters...

Lat na akong nakaalis ng bahay, at 45 minutes late ako para sa practie ng Rtschrck sa Gig Studio. Paano ba naman kasi, natulog ako buong maghapon, at nagising ng alas singko. Wenk!

Si Mike5 lang ang wala nung practice (may sakit daw kasi), at nagpainit lang kami sa pag-recall ng mga lumang pondo na kanta. Bale tatlong gigs ang paghahandaan namin this July.

... )

6/21/08 01:44 pm - It's nice to be back at Ferdie's...

Wala lang, reporting blues na naman (plus quiz na mahaba na naman) during ENGIGEO class. After school, nag-internet ako ng matagaaaaaaaaaal sa NABS. Download dito, download doon...

Kinagabihan, bumiyahe na ako papuntang Gig Studio, dahil may practice ang Do'ahou, para sa ToyCon event bukas; as in inagahan ko pa talaga ang punta ko. Eee sadyang engot ako, naalala ko na sa Ferdie's Studio pala ang practice! Wenk...

So dali-dali akong bumiyahe papuntang Project 8; nagbago na daw ang location ng Ferdie's Studio (dati along Congressional daw; pero ngayon along General na daw). And late na ako nun ng 45 minutes, dahil matindi ang biyahe nung gabing 'yon.

At may nakakatuwang nangyari pa sa akin on the way... While nasa Pascual Liner bus ako, may nakatabi akong bebot na maganda (I guess fresh grad siya na nagtatrabaho sa call center). Hindi ko siya gaano pinansin, dahil inuna kong umidlip habang nasa biyahe. Pero nung nakarating na ang bus sa bandang Munoz, tinamaan ng antok ang bebot. Eventually, sumandal ang ulo niya sa balikat ko, at hinayaan ko lang. At ginising ko na siya nung bababa na ako sa St. James area. Pero bago tuluyang bumaba, nakuha ko pa ang name niya (her name's April), and nakuha ko pa ang cellphone number niya. Haha!!!

Isang small residential house na pala ang puwesto ng Ferdie's Studio; and as usual, masikip ang kwarto ng praktisan. Pero naging productive naman ang practice namin -- nabuo naman namin ang mga popondohin para bukas, kaya okey sa olrayt.

Kasabay ko si [info]ilovelava_5 pauwi, at pasado alas dose na ako nakauwi ng bahay, bangag na bangag.

6/17/08 12:21 am - Another Boring Day

School ulit...

Before lunch ako nakaalis ng bahay, na may bitbit pang mga mabibigat na guitar gear. Pinasukan ang morning ESTRUD1 class for the first time, and had some introductions related to timber. Medyo inclined sa ESTHEO1 (Structural Theory 1) topics ang lesson, which is okay.

Then nung hapon, nag-assign ulit ng panibagong fieldwork ang prof namin (to be submitted the next day!), ng hindi pa niya dini-discuss 'yung topic. (Ayus 'di ba?) Then nag-fieldwork kami sa FEU grounds (yep, bilad na naman sa araw kami), only to find out na ile-layout lang namin 'yung mga data sa ginawa naming previous plate namin. No observed data recordings, papawis lang talaga. Oh well. Maaga naman kami dinismiss, kaya oks lang.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Papawis practice sa Gigs...

Nag-internet pa ako sa NABS bago lumarga papuntang Gig Studio for Nenerminator practice. Before 8pm na ako dumating, at nandoon na pala si [info]coincibens since 7pm (sinabihan ko kasing 7 to 9pm ang practice, instead of 8 to 10pm, LOLZ). Pero hayun, walang [info]rezarius na dumating for practice; nalaman naming may tinapos pa pala siyang 'raket' (OWSSSS.... Hahaha) via SMS. So nag-jam jam na lang kaming dalawa, and umalis na kami agad, pero 2 hours worth of practice pa rin ang ibinayad namin -- so tig-150 php kaming dalawa. (Ouch, ang sakit sa bulsa!)

Naki-hitch pa ako ng taxi ride ni [info]coincibens hanggang sa Cubao, then agad na rin akong nakauwi ng bahay, very exhausted.

6/9/08 09:40 am - School + Practice blues

Short School Blues

Tanghali akong pumasok for my ESURVEL (Engineering Surveys lab) class; bale instead of fieldworks (?) daw ang madalas gawin e puro plates na lang daw ang gagawin namin, which should be submitted before next week meeting ng lab class. Then nag-lecture lang din kami, and may assignment/plate na kami agad.

Then after class, nakapag-add na ako ng 6 more units (sa wakas) -- ESTRUD1 (Structural Design 1: Timber) tsaka ECECTV1 (Elective 1: Water Resources). Nagawa ko pang mag-internet sandali, bago bumiyahe papuntang Gig Studio.


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Do'ahou practice of the week #2

Ontime akong nakarating for our practice; dinala ko pa 'yung DOD FX-17 ko para magamit ni Adrian. Naging maayos naman, except nung kinuha bigla nung nagbabantay 'yung adapter ng plug ng mic speakers -- ayun tuloy, for a short while kumanta ako ng walang mikropono sa practice. Until naisip kong magpaka-McGyver. So bumunot ako ng pliers sa tabi, pumutol ng spare wire...

DO NOT TRY THIS AT HOME, noobs...
Mag-ingat sa boltahe...

...at nagamit na uli namin 'yung mikropono.

Agad na rin kaming umuwi after practice, and nag-Special Force ako magdamag pagkauwi. LOLZ!

6/3/08 10:38 pm - Monday Randomzzz

»» Tinamad akong pumasok sa school; so instead, nagpa-petiks lang ako sa bahay -- tulog, laro sng Special Force, and partly did that chassis of my current DIY project (that resembles like this). I've decided na the next day na lang ako maglo-load adjustment ng subjects sa school.

»» Had our 1st of the Do'ahou rehearsals trilogy of the week sa Gig Studio. Fortunately, nakabuo na kami ng 3 songs for our playlist sa upcoming L'Arc~con event. Heheh, antagal ulit mula nung huling beses kaming nagsama-samang lima. Nanood sa practice namin si [info]steena_malfoy, by the way.

»» More SF talks: Oh well, nagkaroon na naman ng patch upgrade ang game, and tinanggal na ang screenshot feature. So hayun, lalong dumami (at lumakas ang loob) ng mga cheaters/glitchers/wallhackers. By the way, hindi na rin ine-entertain ang screenshots sa pagre-report ng mga cheaters; replay tape na lang talaga. Pfft!

»» Lastly, may soon-to-be-clan na akong sinalihan sa Special Force: ang [PM] clan, na kinabibilangan ng mga fellow Talk @ PhilMusic forumites! And I had the chance to play with some of 'em for the first time. Grabe, anlalakas nila! :D Muhahahaha...

Currently walo pa lang kami; required rank lang yata is 2nd Lieutenant pataas, if I'm correct; and leader namin si Drew (a.k.a. drewLAKANDULA sa PhilMusic forums), and his current handle is [PM]Donati. So samga gustong sumaling PhilMusic forumites, siya ang kalabanin nyo one-on-one para sa 'initiation rites'. ;)

My clan handle right now is [PM]NeilAlex. Naks!!! :D

6/2/08 02:53 pm - Tiring (Yet Fun) Sunday ~rehearsals galore~

Medyo hindi ako nakaalis ng maaga (pasado alas nuwebe na); at nagdesisyon na akong dumerecho sa Cherry Studios, instead of meeting up with Zigz sa SM Mall of Asia. So ayun, inabot ako around 3 hours (!) para makarating ng Sucat, dahil madalang ang bus kapag Sunday! X___x

Pasado 12 noon na ako nakarating, pero naging swabe naman ang practice. Sinama din ni Zigz ang misis niyang si LJ (ang acting manager ng Black Shield, hehe). Nairecord pa niya 'yung rehearsal namin all throughout; huling huli yung piyok ko! T___T

Then 30 minutes before 2pm bumisita sa practice namin si [info]onelast_sunset; the night before naka-chat ko kasi siya, at niyaya ko kasing manood, since malapit lang sa kanila. Haha! Nakilala din niya ang mga kabanda ko, then after practice lahat kami nag-chikahan blues sandali. Past 3pm na kami nagdesisyong lumarga lahat; at dumaan muna kami sa bahay ni Zigz, dahil nagpa-burn pa ako sa kanya ng data CD's (installers and mp3). Then hinatid na kaming tatlo nila Jun and Drey sa SM Mall of Asia.

Then sinama ako nilang dalawa sa opisina ng Dell, at nilibre nila ako ng food (!!!), dahil mahigit 3000 worth na pala ang mealcard niya. Hanep yung canteen nila, may recreation room pa na puwedeng mag-PC games, bilyar at kung anu-ano. Syet!!!

At home ka dito sa DELL! Nyehehehe...
"Pare magsi-C.R. ka ba? Doon sa kaliwa. Wag kayo mahiya sa pamamahay ko..." Wahehehe!



Pagkatapos, saka na kami lumarga ni Jun papuntang Gig Studio, via MRT, then trrike sa Cubao. Na-late kami ng 30 minutes, pero mas late dumating si [info]mike5150. Haha! And mas maganda ang tunog namin compared sa yaesterday's practice. At na-meet pa namin doon sina Mike Abrigo, tsaka si Jorel (at ang banda niyang Basilica). Tambay/kain lang kami after practice, then sabay-sabay na rin kami umuwi past 10pm.

Whew, lupaypay ako pagkauwi dahil sa pagod sa biyahe!

6/1/08 03:45 am - Huling Randoms Bago Matapos Ang Bakasyon

»» Medyo na-late ako kaunti for Rtschrck practice, dahil nag-stop over pa ako sa Philcoa habang biyahe, para magpabarya ng 1000 peso bill. Obviously walang panukli si manong jeepney drayber; at ako naman nadale ng maling akala, at wala pala akong barya.

Napakain tuloy ako sa carinderia bago dumerecho ng Gig Studio. Hehe. Pero ayus lang, dahil pagdating ko naman hindi pa nagsimula ang practice. Delayed kami ng 30+ minutes.

»» Finally used my ear muffs sa Rtschrck practice kanina. Good thing is, sobrang naprotektahan ang tenga ko. Bad thinglang, 'di pa ako sanay gamitin siya, kaya hayun pangit ang volume leveling ko with my bandates~ (nasita tuloy ako haha!)

For me, it's really a MUST to have an ear muff, no matter what...

»» Did some grocery-ing on my way home sa Nova Bayan. Then sa pila ngSHelter terminal, naghintay na naman kami ng matagaaaaaal nago dumating ang jeepney. Hayun quarter to 12 midnight na ako nakauwi kanina.

»» May nabasa akong malupet na thread sa PhilMusic -- sing-lupet ng mga ekskusibong chismax ni Boy Abunda. Haha, naaliw ako dito pramis, masarap pag may kasamang popcorn o kaya chicharong bulaklak...

( MGA BRAD I NEED UR HELP/FAIR ADVICE...THANK YOU! )

Ma-'kamandag' na chismax, 'no? :D Moral lesson: It takes more than an overnight success to gain good reputation; and a few forum posts to entirely lose it. Heheh...

»» Ampotek, server maintenance na naman ng Special Force online! Plano ko pa namang magpuyat (walang tulugan) para maka-20K exp points, tapos malalaman kong hanggang alas dose ng tanghali ang lecheng maintenance! Boo-hoo, paano na ang x2 exp item ko!!!

»» Had an unexpected phone call from her kaninang midnight. Haay, I really badly miss her so much... Lalo ko tuloy gusto kong makasama siya nung narinig ko ang boses niya kanina; halatang stresses sa school work/OJT niya. :(

5/30/08 08:26 am - First jam with Black Shield

Maaga akong bumiyahe (around 8am) for my first tryout with the band Black Shield. I traveled southbound papuntang SM Mall of Asia, para kitain sina Zigz and Jun... As expected. late ako ng isang oras; nakarating ng 11am instead of 10. Pagkakita naming apat (kasama si Drey), agad na kami bumiyahe pa-Parañaque...

So sa Cherry Studios kami napadpad, sa may BF homes. yup, I was surprised nung nadaanan namin 'yung McDo (looks familiar kasi e!); so I was 100% sure malapit kila [info]onelast_sunset 'yung studio.

Napakaganda ng studio; malawak, maganda ang air conditioning, at hayop sa gamit.

Heto malupet... )

Naging okay naman ang practice namin; though 'di ko pa fully-mastered ang mga piyesa, nakabuo naman kami ng marami. Taenang AC/DC yan, ang hirap kantahin! T___T

So after practice, bumiyahe na ako with Jun, nagpasama sa kanya na magpa-drill ng G2.1u chassis ko, pero sadly hindi daw kaya nung sa machine works na pinuntahan namin, ampotek yan... Then napadalaw ako sa place nila sa Malibay, naki-kain pa ng merienda, at nakapag-copy pa ako ng Rtschrck vids and pics namin nung Ongaku Interrupted.

Rotschreck at Ongaku Interrupted
Rtschrck @ Ongaku Interrupted

LOLZ ang kenkoy ko pala gumalaw nung gig na yon.

Agad na rin akong umuwi around 6pm, at naka-libreng sakay pa ako sa bus. Wahahaha!

5/7/08 11:52 am - Rtschrck Weekend Practice (Part 2)

In-umaga na ako ng tulog (pasadong 6am); at nagising na ako nung alas-dose; kaya hayun na-late (na naman) ako sa practice namin... T___T Marami na naman akong binitbit, kaya pagod na naman... (Kailangan ko na nga yata ng roadie chick hehe) Naging okay naman ang practice; nalinis na rin (sa wakas) ang mga pondo namin. Bale apat na oras (ulit) ang practice -- 1-3pm, atsaka 5-7pm sa Gig Studio. Naabutan pa namin ni Mike5 nagpa-practice din doon ang Basilica (banda ni Jorel, fellow S.O.N. alumni).

Medyo bangenge na ako nung nakauwi, pero 'di iyon naging dahilan para hindi maglaro ng Special Force, haha! >:) Naka-double up item pa ako, kaya tiba-tiba na naman sa exp points, hehe!

5/7/08 06:31 am - Rtschrck Weekend Practice (Part 1)

Umalis ako ng bahay after lunch (bitbit ang mga kagamitang panggitara), at dumerecho ng Buendia, para daanan ang pinadalang parcel galing sa aking mga magulang. Along the way, inabot ako ng sangkatutak na kamalasan -- inabutan ako ng hagupit ng malakas na ulan, nasiraan pa ng tren nung sumakay ng LRT, at nakipagkumpulan sa matinding trapik along Buendia... So ayun, dumating ako sa Macro (pangalan nung delivery) office around 5pm.

May 4-6pm practice kami nun, pero hindi ko na nagawang abutan; pero humabol pa ako for that 7-9pm practice instead. So dali-dali akong nagtungo ng Gig Studio, kahit basang-basa sa ulan tulad ng Aegis... Pero hayun, naging okey naman ang practice; pero medyo bitin, dahil kinailangang umalis agad ni Jun (dahil may trabaho).

Pagkatapos ng practice, agad na rin kami umuwi, at minalas pa rin dahil nahirapan akong sumakay pauwi ng Shelterville -- hayun, mahabang pila na naman dahil walang jeep! Ang nakakaasar: naghintay ako ng mahigit 30 minuto, tapos nainip na ako at nagdesisyong lumakad pabalik at sumabit sa Bagong Silang Kaliwa (phase 9) jeep. Pagkadaan ng jeep, saka ko nakitang may dumating pang Shelter jeep. Taenang yan, napagastos tuloy ako ng trike pauwi sa amin.

Hindi rin ako nakatulog (kahit sobrang puyat, at pagod sa biyahe), dahil kinailangan kong sumipra sa gitara, at *ehem* maglaro ng online game, para sulitin ang off-peak internet... XD

Pero ang pinaka-da best: may bagong cellphone na ako sa wakas! Tsaka sapatos na rin, hehe! (Yun ang pinadala nila sa akin.)

5/5/08 06:58 pm - Practice, Rants, at Inuman kila Melo (Part 2)!

Tuesday: Umalis ako ng bahay ng maaga, para makakuha agad ng pera sa banko sa may Almar, at magbayad ng kuryente bill; then pagkatapos nag-Special Force pa ako (at nag-download) sa malapit na rentahan. Naging masama ang experience ko dahil kups yung may-ari ng rentahan! Pagkapasok ko, parang ang sama ng mood niya, (na sapagtagal e naibuhos pa niya sa 'kin). Una, nainis ako dahil wala siyang paggalang sa privacy ng iba! Panay tingin niya sa monitor ko, binabasa kung ano sinu-surf ko (lalo na nung nagcheck ako ng e-mail), tas magco-comment pa ng kung anu-ano. Nakaka-bastos, 'di ba? Tapos isa pa ang vovo pa sa computer; medyo gumati ako (hehe) at panay comment din ako sa kanya kung ano dapat gawin (kasi vovo nga!) pero hayun, nagmamarunong pa at nagalit ang gurang... Oh well, 'di na ako babalik doon~ :D

Agad na rin ako bumiyahe papuntang Club Tedd, at kasabay kong dumating si Cris Genato. Moments later, dumating na din ang Magnum Opus (and found out na galing pa daw sila sa place ng manager nila). So ayun nag-practice kami until quarter to 5pm. Then nagyayaan na mag-inuman daw mamaya sa place nila (ulit), pero sinabi kong susunod na lang ako.

Hindi ko na nagawang bumili ng shawarma, dahil kailangan kong pumunta ng PLDT, para magbayad din ng bill, at mag-inquire ng myDSL plan; pero sad to say, walang available pa sa Shelterville. T___T

Pagkatapos, nag-food trip pa ako sa FCM, at nag-Special Force (at download na naman) sa malapit na rentahan ng PC. Tsaka na ako dumeretso sa place nila Melo; natrapik pa ako (as expected) sa Quirino Highway.

Pagdating, nakapag-simula na pala sila ng inuman, kasama ang kanilang mga pinsan and a couple of friends; and for the first time, ang gitarista nilang si Chuck. :D At hayun, magdamagang inuman, nakarami rin kami ng brandy tsaka beer. Bangenge kami ni Cris nung pauwi, haha...

4/24/08 11:34 pm - Happenings since three days ago...

Tuesday

Buong umaga/tanghali akong tulog, dahil sa magdamagang pag-iinternet/puyat... Naglaban pa kami ni [info]rezarius sa Special Force, heheh~ :D

Then nag-practice kami ng Nenerminator band sa Gig Studio nung gabi (8 to 10pm), and naging productive naman ang pag-eensayo namin; plus I had he chance for settings tweaking of my gear, for optimum performance (naks haha!)... Pero minalas at nasira bigla 'yung input jack ni Lispol; pero buti naagapan ko (salamat sa duct tape na napulot ko sa tabi-tabi hehe) at napatunog ko naman... (Buti na lang at nasiraan ako agad, kesa naman pag sa Sabado...) After practice, tumambay /kwentuhan lang kami sandali, then umuwi na rin kami agad.

Wednesday

Again, nagpuyat buong madaling araw, kakalaro naman ng Half-Life tsaka Team Fortress Classic, tas sabayan din ng guitar practice (yari na ako sa Sabado haha)... Then tulog na naman ako buong umaga't tanghali. Naging prooductive pa rin ang araw, dahil magdamag na nangalikot ng electronics -- inayos ko 'yung wiring ni Lispol, inayos uli ang Zoom G2.1u ko (yung kabilang tact switch naman ang bumigay -- buti may spare ako nyehehe), at gumawa ng panibagong patch cables~ :D

Thursday

Special Forces morning -- magdamag mula madaling araw hanggang umaga ako naglaro ng Special Force (at sinamantala ang libreng off-peak internet, nyehehe)... Weee, mula Private rank naging Staff Sergeant (yellow) rank na ako hehehe; tas 2 na ang primary weap ko yehey... (Hmmm anyone out there na naglalro din ng SF? :D :D)

So 11am na ako nakatulog kanina (haha!) at nagising past 2pm; then dumaan ako sa ate ko (family matters); then agad na akong dumaan sa PIMP Hive, at naabutan doon si Sir Jobet; Sammy and Jepoy. At matapos ang ilang oras niya ng pagkalikot ng mga pedal, naayos na 'yung modfified DF-2 ko! Excited na ako ma-test ito pagkauwi ng bahay! (Yep, wala munang laro, Neil -- mag-practice ka pa!...) Then naka-libreng kain pa ako, courtesy of Jepoy's garlic-rich cooking, heheh! (Maraming salamat sa inyo mga tsong...) At bago ako umalis, iniwan ko naman 'yung CS-3 ko, para ipa-mod naman para sa susunod. (Modified DF-2 pedal review coming soon...)

(Random trivia: nakapag-record na pala doon sa PIMP 'yung banda nina Ashley (Hymn of Siren) :D Small world...)

Currently nagpapalipas-oras sa internet shop dito sa may Holy Cross, at pupunta ako maya-maya sa may Bagbag (kila Melo of Magnum Opus kasama si Cris Genato) para tumambay magdamag... XD

4/19/08 08:05 pm - Nenerminator Practice

Wednesday night: After school, dumerecho na ako ng Gig Studio; this time nag-LRT ako para mabilis makarating. Pagdating, nandoon na si [info]rezarius. Pero Past 9:30pm na nung nakarating si [info]coincibens, dala-dala ang kanyang Peavey bass (na may hard case, sosyal!)...

Solbaks sa olrayt ang naging practice, dahil nabuo namin ng mabuti 'yung mga kanta; though medyo marumi pa (dahil ngaon lang kami nakumpleto ulit). Na-excite na tuloy kami para sa Friday gig!

After practice, lakad trip kami hanggang Cubao, at agad na rin kaming bumiyahe pauwi. Lagpas alas dose ng madaling araw na ako nakauwi ng bahay.

Thursday: Buong araw akong nangalikot ng gitara -- inayos ko na ang wirings ni Lispol (sa wakas); so yun na ang weapon of choice ko instead of Mike 5's guitar (si Blue Jem, na ginamit ko the previous night practice). Matinding GHS Zakk Wylde LO 11's set ang nilagay ko sa kanya, kaya hayun medyo masakit sa kamay habang nag-practice sa bahay... Pero sulit naman, para kumapal na ang kalyo ko sa daliri, yeahhh!!!
Powered by LiveJournal.com

Advertisement

Customize