Home

Advertisement

Customize

Neil Alex™ Journal

~xelalien's misadventures~

8/28/08 01:14 am - Eskwela, Ensayo, Elektrisidad

Friday, August 22, 2008 - Late akong nakapasok for ENGIGEO class; nag-film showing lang naman kami, at napanood (for the 2nd time) 'yung sikat na An Inconvenient Truth Al Gore documentary.

Pagkatapos ng klase, magdamag akong nag-internet sa NABS; initially,gagawa sana ako ng plates sa ESTHEO2 and ESTRUD1 sa library, pero nakalimutan kong bumili ngPilot G-Tech pen. :( Tapos dumerecho na ako ng Gig Studio for Do'ahou band practice. Late dumating sina Ajzone and [info]ilovelava_5, pero naging productive naman ang ensayo. Pasado alas onse na ako nakarating ng bahay; at pagkauwi, nakaidlip ako sandali (instead na magtrabaho for my plates), dahil sa sobrang pagod.

Nagising ako around 2am, dahil biglang nag-brownout; at nabalitaan namin kinaumagahan na
may mga halang na nilalang na nagnakaw ng kable ng kuryente sa kalye namin. Limang katao daw, tas may mga dalang armas daw (baril tsaka itak), na siguro e mga taga-Bagong Silang na sindikato. Taenang 'yan!

8/26/08 07:57 pm - School blues + isa na namang Open Genre Nyt gig

Iskul Blos

Thursday, 2008.08.21 - This time, napakaaga kong pumasok ng school for our ESURVEY class (mahigit 30 minutes akong maaga haha), as in... Normal lecture lang ang nangyari.

After that class, nag-internet ako sa labas, at tinapos ko ang dalawang reports (hard copy, and PowerPoint presentation) for ECECTV1. Hindi ko tuloy nagawang pasukan ang EPRECON class namin.

Tapos nung ECECTV1, nag-quiz kami (na nahirapan kaming sagutan T___T), tapos nag-reporting kami ng isa kong kaklase. Ayun, sinabon kami ng prof namin, kesyo 'di daw mabasa ang PowerPoint text namin (pero nababasa naman ng mga kaklase namin haha), tapos nagtatanong pa ng kung anu-anong rhetorical questions. Then in-announce niya na kailangan naming mag-formal attire daw (!?) sa next meeting namin, na kung saan ire-report namin ang case study (kuno) namin. Yeah right!

And nag-normal lecture lang kami nung ESTHEO2; again, dahil naging matindi ang discussion (fast-paced tapos maraming solutions), kinuhanan ko na naman ng pics ang mga sinulat na notes sa whiteboard. Sa sobrang dami, naka-limang pages ng bond paper lahat-lahat.

( Superposition Method + Portal, Cantilever and Factor Methods )

Pagkatapos ng klase, dumaan muna ako sa ate ko para makapag-hapunan.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Upin Janra Nayt

Agad na rin akong dumerecho ng One Luv Reggae Bar afterwards, pero medyo nahirapang makasakay sa Pasay Rotonda, dahil inakala kong may Sucat FX na nakapila doon. So nag-jeep na lang ako, kaya late akong nakarating.

Bale 2nd kaming tumugtog (unang sumalang ang The Guy Upstairs). Si Elle lang ang tanging audience namin nung gabing iyon (siya rin ang tumayong camerawoman namin haha). Wala pang sampung banda ang tumugtog, kaya agad natapos ang Open Genre Nyt.

After ng tugtugan, nagdesisyon kaming magkakabanda (at si Elle) kumain sa Chowking. At ibinaba na lang nila ako sa EDSA, pasakay ng Fairview bus. Pasado ala-una akong nakauwi ng bahay. Walang tulugan na naman!!!

8/26/08 05:29 pm - My first practice sa Malibay

Tuesday, 2008.08.19 - Again, ordinary reporting lang sa ENGIGEO, pero nakapag-quiz naman kami (essay-type). After ng klase, nag-internet pa ako hanggang gabi, then dumeretso na ako kila Jun.

First time naming nakapag-practice na kumpleto kaming apat sa studio a few steps from Jun and his wife Dudes' place sa loob mismo ng Malibay, Pasay. Okay naman ang studio, maluwag ang space, and considerable naman ang gamit. Sulit naman ang dalawang oras, dahil 'yun na lang ang kaisa-isa naming practice bago sumalang sa isa na namang Open Genre Nyt sa One Luv Reggae Bar.

Pasado alas onse na nung magdesisyon kaming umuwi; pero natagalan ang labas namin sa Malibay, dahil nasiraan pa 'yung tsikot ni Zigz. And medyo nahirapan pa akong makasakay pauwi, dahil madalang ang bus nung mga oras na iyon. Alas dos na ako nakauwi ng bahay.      

8/24/08 04:53 pm - Sleepy Day

Saturday, 2008.08.16? - Had another ESTRUD1 day, pero instead na mag-quiz kami ay gumawa na lang kami ng plates, yahuuu! Then after class, sumama ako sa mga kaklase ko, at kumain kami sa tapsilogan along Lerma. Then nagdesisyon na rin kaming umuwi, at kasabay ko ang isang kaklase ko sa biyahe pa-Fairview.

Around 3pm na akong nakauwi ng bahay, at pagka-ligo, kain at gitara, agad na rin ankong natulog. Supposedly gigising sana ako around 8pm; pero nagulat na lan ako pagtingin ko sa relo pagkagising ko -- ala una na ng madaling araw. Ayun, bumawi lang naman ng tulog.

8/22/08 06:19 pm - Another same ol' Thursday entry...

Eskwela na naman

Thursday, 2008.08.14 - As usual, na-late ako ng dating for ESURVEY, pero nakapag-quiz naman ako, at sure pass naman heheh.

Tapos, nag-quiz kami sa EPRECON, and nahirapan ako (dahil hindi ako masyadong nag-aral, hehehe) sa pagsagot, pero out of 15 items naka-siyam naman ako. T___T

Nung ECECTV1 naman, nagpakitang-gilas naman ang prof namin sa ECECTV1, at siya naman ang nag-report ng PowerPoint presentation sa amin. Nandoon kasi ang CE Chairman namin, nag-oobserve kung paano siya magturo hehehe... (Kaso, na-tense ang prof namin, at nauutal pa!)

At nung ESTHEO2, mahaba-habang lecture na naman kami, kaya 'di ko nagawang magsulat ng notes; balik uli ako sa digicam mode hehehe... Nagawa ko pang kunan ang mga kaklase ko hehehe!

Feeling seryoso sa lesson haha!
Feeling seryoso sa lesson haha!

Some more pics here )

Marami din ang hindi nakasabay sa kopyahan ng notes dahil sa bilis ng turo ng prof namin (at sa mahaba-habang sulat ng solution), kaya marami ang gustong makakuha ng kopya ng 'notes' ko. ;p

( Moment Distribution Method for Frames w/ Sidesway )

Click the link to download, haha!


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


Another Open Genre Nyt @ One Luv

Pagkatapos ng klase, dali-dali na akong bumiyahe papuntang One Luv Reggae Bar, pero sadyang inabutan ng tubig-baha sa gitna ng U-Belt, dala ng matinding ulan na bumuhos habang ESTHEO2 namin. Sinubukan kong lumakad papuntang Doroteo Jose LRT station, pero lagpas sapatos ang baha.

Kaya naglakad na lang ako sa gilid ng kalye from Isetann para makasakay ng Taft jeep. Matagal-tagal din ang usad ng sasakyan, at inabot ng 45 minuto para marating ang U.N. Avenue LRT Station.

Pero hindi pa doon nagtapos ang kalbaryo ko. Mahaba ang pila ng pagbili ng LRT card, tapos matagal bago dumating ang sumunod na tren. Tapos medyo nagsisi ako sa desisyon kong bumaba ng Baclaran station, at sumakay ng Sucat jeep, dahil malubha ang trapik sa Sucat Road ng gabing iyon; tapos mahilig pang mangisda ng pasahero si manong drayber, na akala mo e end of the world na... X___x

Alas nuwebe y medya na ako nakarating ng One Luv Reggae Bar, at wala pang gaanong tao nun, pero nandoon na ang bandang The Guy Upstairs; kaya kami ang unang bandang sumalang. At dahil hindi ko nagawang maisaulo ang lahat ng 4 na bagong kanta sa playlist namin, na-mental block ako sa pagkanta habang sumisilip sa aking munting 'kodigo' ng lyrics sa malayo (haha!). Pati ang mga kabanda ko e maraming sabit din; malamang dahil wala talaga kaming practice bago sumalang sa gig. Bawi na lang kami next time...

Hindi ko rin nagawang makakuha ng mga litrato, dahil naubus ang baterya. :( Malas.

8/19/08 03:16 pm - New Strings

Wednesday, 2008.08.13 - Again, another ordinary, sleepy day sa school... Lecture sa ESTRUD1, and nag-solve lang kami buong perio sa ESURVEL, for another fieldwork. Derecho uwi na ako pagkatapos ng school blues; hindi ko na nagawang sumama sa practice ng Black Shield, dahil sobrang masama na ang pakiramdam ko dahil sa puyat, and that gum infection (kaya medyo nilalagnat).

Bago ako nakauwi, nagdesisyon akong bumili ng set ng strings, para naman tatlong gitara na ang nakahiga sa kama ko (hehe). Then instead na bumili ng usual Snarling Dogs 9's, nakaisip ako ng idea...

So I bought this GHS Boomers 10s, this Rotosound 8s and some spare generic Lazer strings, dahil may binabalak akong kakaibang tuning setups for Lispol (ngayon gagamitin ko para sa mga Dropped A shit) and Syntyche (sa mga Dropped C# naman); and for the weekend 'til monday mag-iisip na ako ng compo.

8/19/08 01:26 am - Acoustic Disaster

Tuesday, 2008.08.12 - Magdamag akong nagpuyat, kaka-cram ng pagsipra ng dalawang acoustic songs. Grabe, umaga daw kasi magsisimula ang acoustic contest sa inter-departamental event na ito sa campus namin.

Dumating ako ng school ng 8am sharp, bangag na bangag sa puyat. Nandoon na sa loob si Alvin, at tinulungan niya akong makahiram ng acoustic guitar sa SAO. Among selection of crappy guitars na nakatambak doon (mga Lumanog acoustics na kulang-kulang ang kuwerdas), isang Fernando mini-dreadnaught ang napili ko; medyo tough ang experience ko dito -- occasionally nawawala sa tono 'yung 2nd and 3rd string, tapos kinakalawang pa ang strings. No choice eh.

Sa labas kami tumambay nina Alvin at ang k-hon band member namin; at nasipra ko din sa wakas ang isa sa mga kantang popondohin namin that moment. Tsaka dumating ang isang gitarista namin, dala ang kanyang malupet na Takamine acoustic. Nai-practice namin 'yung song na nasipra so far (it was "Stronger Than" by Gabe Bondoc). Then umakyat kami sa SAO para doon tumambay at mag-ensayo lalo.

Nai-brief pa kami nung isang taga-Student Council (tama ba) regarding sa dapat gawin during that contest -- 'yung stage presence ang nai-ensayo namin. At nakalibre pa kami ng pagkain (yes, pinakain kami) hehe... Mmmm, sarap talaga ng fried chicken sa Tropical Hut...!

Past 12 noon kami sumugod este dumagsa sa auditorium ng FEU, at naabutan namin ang solo singing contestant number 2. Bale matagal-tagal ang naging paghihintay namin for the acoustic contest -- biro mo, 23 solo singing contestants! So nagawa ko pang umidlip sa loob ng auditorium.

At nung nagsimula na ang acoustic contest, nag-last minute practice uli kaming apat. Beforehand, nag-decide na kaming isang song lang ang isasalang namin (sobra-sobrang oras for a 8-minute time limit performance); pero naisipan na naming ihabol ang isa pang pondo ("Gentlemen Don't", again by Gabe Bondoc), dahil dala-dalawang kanta ang tirada nung ibang contestants. Eh hindi ko siprado! Kaya nag-improvisation na lang ako (nyok nyok nyok) habang nag-acoustic chords 'yung isang gitarista. And napanood namin ang ibang banda while nasa backstage -- puro r&b tsaka party music ang tinira, kaya benta sila sa crowd.

Then the moment of truth: past 3pm na kami sumalang, at kami ang pang-walo out of nine contestants. Naka-isip ng gimmick si Alvin (at ginawa naman namin) -- kunyari nagtono kami tapos sabay jam ng Always Be My Baby gay David Cook version, tapos ihihinto, sabay sinabing "Ay mali!"... Edi nagtawanan. Kaso nung tugtog, na-stage fright ang kolokoy. Napansin kong nag-murmur siya sa mikropono (siguro dahil sa sobrang kaba), tapos pumalya pa ang falcetto niya. Worse, naputulan pa ako ng 1st stirng sa 2nd song namin, pero ayos lang dahil improvisation naman eh.

After that so-so performance, nagdesisyon na akong umuwi agad ng bahay, para bumawi ng tulog. 'Di ko talaga kinayanan ang antok the whole day.

8/18/08 12:11 pm - Semi-Encrypted Entry

School blues muna...

Monday, 2008.08.11 - Just a normal school day -- lecture as usual nung ESURVEY, EPRECON, ECECTV1 and ESTHEO2. Ambilis lumipas ng araw, dahil pagtingin ko sa cellphone ko, pasado alas sais na agad... And yes, busy ako buong araw, kaya hindi ko nagawang mag-internet. :(

Tamad na tamad akong kumpoya ng lecture noted during discussions (especially nung EPRECON tsaka ESTHEO2, dahil antok na antok na ako)... So I used again my trusty digicam para may instant notes ako heheh. And eventually nagpa-pose pa ang mga kaklase ko para kunan ko rin sila. ;p~

my classmates during EPRECON class
Class picture habang EPRECON

And may ilang kaklase na gusto na lang kumpoya ng 'caputred notes' ko hehe...


¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤


And now, for the encrypted part...

Don't stop me... Yeah )

8/13/08 04:26 pm - Kinda Unwell

Had an ordinary ESTRUD1 class -- lecture, and submit ng plates. After class, magdamag uli akong nag-internet hanggang hapon. Then past nakipagkita ako kay Alvin (of Music Synergy); and supposedly may acoustic practice kami, pero nagdesisyon na lang akong umuwi dahil wala pa ang kabanda namin.

Nagdesisyon na rin akong bumiyahe pauwi past 5pm. Mabilis akong nakauwi (via Fairview); at nagawa ko pang mamasyal ng kaunti sa SM Fairview.

Pero pagkauwi ko, nagkaroon ako bigla ng lagnat; wala naman akong sipon o ubo. Nalaman kong infection-caused ang lagnat. (Nag-bleed kasi ang gums ko sa ngipin...) And past midnight nalaman kong nag-inuman pala ang mga kaklase ko that moment; sayang hindi ko nagawang sumama hehe.

8/8/08 04:21 pm - Very Ordinary School Day!

Again I was late for ESURVEY class, and we had our quiz about Spiral Curves. Was a bit disappointed, because I overlooked one problem. :(

Then had our ordinary lecture with EPRECON, ECECTV1 and ESTHEO2 subjects. Nothing special happened.

And I tagged along with my classmates on my way home that evening, and arrived home early.

Okay, back to ESTRUD1 designing!

8/8/08 10:58 am - C.E. Assembly

Ordinary lecture lang kami nung ESTRUD1 class first thing in the morning. Bale lalong dumagdag ang mga isa-submit namin sa Sabado. Good luck na lang... T___T

After class, nagkayayaan kaming magkakaklase na kumain sa First Six tapsilogan sa Lerma; at nag-showdown kuno kami ni Joshua, dala ng katuwaan. Ang challenge: paramihan ng kanin! And ngayon lang uli ako naka-anim na kanin after a long long time, hahah!!! XD XD XD

Tapos nagbigay lang ng fieldwork ang prof namin sa ESURVEL. Maaga kaming dinismiss, dahil may C.E. General Assembly daw, organized ng JPICE. Sad to say, hindi na ako nakaabot sa membership sign-up nila, heheh! Initially, ayoko sanang um-attend; pero kailangan kong kitain si Joshua, para i-claim ang pinabili kong NSCP book.

Pagdating doon, akalain mo nga namng may log-in attendance sheet pa sa labas, tapos may food stub pa daw kahit hindi member. Naabutan kong nag-singing portion ang mga kilalang singer sa amin; tapos JPICE slideshow, then kainan na. Hindi ko na kinain 'yung burger, dahil busog pa ako sa kanin heheh...

And dahil dala ko ang aking camera, nakapag-picture pa ako ng kaunti. Hindi ko nagawang rumonda pa sa harap, dahil co-host ng assembly si Epal. ;p~ Kaya enjoylang ako mingling with my classmates.



Past 4pm natapos ang assembly, at nag-adik pa ako sa Special Force sa internet cafe, bago nagdesisyong umuwi.

8/7/08 10:17 pm - Epal Strikes Back! (Ooooh, scared?)

What an amusing day I had in school...

Arrived a few minutes early for our ENGIGEO class; before our professor arrived, I was having a good time with some of my classmates...

...until that sissy bitchy classmate of ours confronted me.

"Usap tayo mamaya, tungkol doon sa nilagay mo sa Friendster mo, sabi mo daw epal ako..."

But she was enraged and rushed back in front of me. Then her mouth turned from burst-fire into a full-automatic loudmouth, or in short, 'palengkera' mode. I then just sat down and enjoyed her 15 seconds of shame infront of my classmates, haha! Ooh, I was scared... NOT! :D

I just kept my cool, and added more insults as she went back to her seat. Poor bitch, guilty of being a well-known 'epal'... Still wondering how the hell did she ever read my Friendster bulletin, the mere fact that my friend's list have no traces of that slut. Oh well, I have a primary gay-ass suspect (that person's a known asshole also in school); but I would even thank that blabbermouth for kissing that bitch's ass. ;p~

Anyway, the class just went normal during the period -- we only watched a film, then had an essay quiz regarding the topic. I was able to finish the quiz quickly, and then spent time in an internet cafe before heading home.

Really, it was fun seeing her pathetically trying to scare the hell out of me, when she still doesn't realize that the joke's on her.

Joke of the day:
Teacher: "Okay class, spell APPLE."
Students: (shouting) E-P-A-L !!!!!

8/7/08 10:07 am - Writing Down Notes (For Lazy People Only!)

Had our ordinary lecture day sessions as usual sa ESURVEY (late na naman ako huhu), EPRECON, ECECTV1 and ESTHEO2. Pero heheh, sadyang tinamad akong kumpoya ng notes; so instead I used the digicam to capture notes directly from the whiteboard, heheh!

And pagkauwi ng bahay, in-edit ko 'yung images (pero hindi gaanong pulido), then put 'em into respective document file format. And here are the direct download links:

( T-Beams (P.R.C.) )

( Sol'n to Last Quiz: Castigliano's Theorem (Structural Theory 2) )

( Slope Deflection Method (Structural Theory 2) )

Heheh, 'di ko na kailangang magsulat ng pagkarami-rami; plus mas focused na ako ngayon sa discussion. Yun nga lang, dagdag-gastos sa print.

8/5/08 05:22 pm - Quiz Aftermath + Encrypted Entry

Had our ESTRUD1 quiz for the finals, and fortunately nakaraos naman... Marami namang nasagutang items. And yeah, nakapag-submit naman ako ng requirements. After school, nag-internet pa ako sandali, bago magtungo ng SM Megamall.

... )

8/4/08 08:15 pm - Yet another ordinary day!

As usual, reporting + quiz na naman kami nung ENGIGEO namin; pero late ako ng mga 45 minutes sa klase, dahil late na ako nakaalis ng bahay, at nahirapan pa akong sumakay ng FX sa Fairview. heheh, mukhang perfect score na naman ang makukuha ko... ;p

Pagkatapos ng klase, magdamag (as in magdamag!) akong nag-internet -- nag-download ng kung anu-ano, at naglaro (sa wakas, after a loooong time) ng Special Force. W00t, may bagong character (KSF) tsaka baril (P90 sub-machine gun) na rin sa wakas! Kaya hayun, gumawa ako ng bagong account; at mataas ang kill/death ratio tsaka winning percentage niya... Haha!

||SF|| DoAsInfinity

(Yun nga lang, nakakatamad magpa-level kapag wala akong x2 EXP item...)

Then kinagabihan, dumalaw ako sa place nila Janna, dahil may celebration party sila doon -- bale pumasa kasi sa nursing board exams ang pinsan niyang si Allen, na isang former AMACU student, at miyembro ng AMA Dance Troupe. Small world, indeed.

Yes, siya 'yung isa sa mga naging katropa naming ADT members nila [info]the_pink_star, Aldin, Chris Lemque, etc etc. These were t he times na humahabilo ang mga ADT members sa tambayan namin; and vice versa (kaming mga S.O.N. members sa gym). Nakasama ko rin si Allen sa mga inuman noon, pati sa acoustic na kantahan. Heheh, those were the good ol' days...

Janna, Allen and me
Ako at ang mag-pinsan

Hayun, kainan tsaka videoke lang ang highlights sa simpleng party na 'yon. Nakilala ko rin ang iba pang kakilala ni Allen, na AMACU graduates din hehe. Past 10pm na ako nagdesisyong umuwi.

8/4/08 10:55 am - Yet another School Blues + Black Shield gig entry

Eskwela blues ulit...

Ordinary day sa school -- nag-lecture lang sa ESURVEY, EPRECON; nag-reporting lang sa ECECTV1, at nag-lecure and quiz sa ESTHEO2. Dere-derecho ang klase ko, kaya hindi ko namalayan na mabilis lumipas ang araw sa loob ng eskwela.

Mabuti at tinanggap pa rin ng prof namin sa EPRECON ang gawa namin, kahit late na. And by next week magde-design naman kami ng one-way slab, tapos design sa purlins at truss naman sa ESTRUD1. Tapos sisimulan ko na talaga ang plates sa ESTHEO2. Nalalapit na rin pala ang finals namin, ilang weeks na lang ang bibilangin... Haaay.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



And yet a horrible journey...

After school, agad na rin akong bumiyahe papuntang Sucat; pero sadyang minalas pa ako sa biyahe. Bale nag-LRT-3 ako papuntang Cubao; then napakaraming tao sa MRT Cubao station -- inabot ako ng almost 30 minutos sa pagpila ng single journey ticket.

Pero hindi pa doon nagtapos, dahil nahirapan ako lalo sumalay ng Sucat bus sa Magallanes. nagtagal ako doon for another 30 minutes, at naka-kapit na ako sa pasukan ng bus sa sobrang siksikan ng tao! Pero nakaluwag naman pagdating ng Bicutan, whew. (Good thing is, hindi pa ako nakapagbayad, nyok nyok!)

Pasado alas nuwebe na ako nakarating, at nandoon nakatambay sa labas ang mga kabanda ko, kasama ang The Guy Upstairs pipol. Naki-idlip pa ako sa tsikot ni Drey bago kami umakyat. Bale pang-pito kaming tumugtog.

Naunang tumugtog ang mga hardcore/emo core dudes, then before kami, tumugtug muna ang The Guy Upstairs. Bale apat na kanta ang tinugtog nila (instead of 3 -- sinabihan kami ng isa sa mga taga-doon sa bar na may hinatak silang guest band). So hayun nag-four songs na rin kami, at naging masaya naman ang tugtugan namin (much better than last week). At nakilala din namin ang ibang banda na old school rock din ang tugtugan, especially ang Snakebite band, na pawang mga malulupet haha!

Tinapos namin ang tugtugan up to the last performer (na may gitaristang Caucasian na malaki ang pedalboard!), and past 3am na nung sumibat na kami, bale nakisabay ako sa tsikot ni Lucky (officemate ni Jun), at sumakay ng bus.

At nung pauwi na ako, minalas ulit ako dahil naiwan ko ang file case ko (na ang laman ay mga school projects ko) sa tsikot ni Drey. Ee saktong paubos na pala ang gas ng tsikot niya; so nakipagkita ako sa kanya sa katipunan area pa para kunin yung file case. And past 6am na ako tuloy nakauwi ng bahay! ;p

( For Multiply contacts only: 2008.07.31 One Luv Reggae Bar pics )

Minalas man sa biyahe, solbaks naman sa tugtugan. ^___^

8/3/08 05:19 pm - School + Practice blues nung Wednesday

Late akong pumasok for ESTRUD1 class -- hayun, lecture lang ulit, nakapag-submit naman ng requirements, and next meeting may quiz daw kami. Then after class todo-review ako sa library naman for ESURVEL class, dahil may quiz kami as usual. Hayun, nakasagot naman, pero hindi pa rin sigurado kung maipe-perfect ko...

Then after school, nag-internet ako magdamag sa NABS, and dumerecho na ako ng biyahe papuntang Ferdie's Studio sa Project 8. Late na ako nun ng mahigit 30 minutos, pero pagdating ko doon wala pa ang mga kabanda ko. Habang wala pa sila, tinuloy ko ang pagtatrabaho ng EPRECON project. Naging productive naman ang ensayo; hindi namin in-expect na mabubuo namin ang isang pondo sa isang pasada lang, heheh...

Tapos kumain pa kami nila [info]ilovelava_5 at [info]the_pink_star sa Chowking Sangandaan branch. Pasado alas dose na ako nakauwi ng bahay, sobrang antok na, pero hindi ko rin nagawang nakatulog ng maaga... (Maaga daw oh!)

8/3/08 12:11 pm - Ang epal naming kaklase, bow!

Had an ordinary ENGIGEO period -- nag-report lang ang prof namin, then nag-quiz kami pagkatapos. Maaga ko natapos ang quiz, as usual.

Then nag-cram pa ako saglit paratapusin ang aking ESURVEY fieldwork, then bumalik ako sa classroom at naabutan ko ang prof namin. Nakatambay din doon ang mga on-term 4th year students, nakikipagkwentuhan kay sir. Ayun, sinubmit ko na 'yung fieldwork ko. And here's what happened:

Ako: "Sir, heto po 'yung fieldwork natin, sensya na sir late ako nakapagpasa."
Prof: "Bale may minus points na yan, last week ko pa kailangan 'yan..."
Epal kong classmate: "Sir, dapat di nyo na tinatanggap yan eh." (sarcastic laugh)

Oh well, that classmate of mine has this 'palengkera' image among schoolmates; and hindi lang iyan ang first time niyang umepal sa akin. Months ago, dinala ko ang aging guitar gear sa school, and nakipag-kantahan lang sa isang vacant classroom with Janna (break time kasi nun); at nakatambay siya doon kasama ang ilang classmates. Nasa kalagitnaan ba naman kami ng kantahan ni Janna, sabay um-epal siya, "ANO BA YAN ANG INGAY!". Sheesh, she's really annoying.

And oh, I remember nabalitaan ko among classmates na nag-post pa 'yun ng pics sa Friendster, posing vanity pics, captioned as "Philippines' Next Top Model". YUCK, mahiya ka naman, bitch!

Hindi ko na ita-tackle pa 'yung financial issues niya (sows feeling fashionista, pulubi naman); sayang pa naman, running for honors itong nilalang na 'to. Matalino ka nga, basura naman ang ugali mo. Hindi magandang ehemplo sa ibang estudyante.

8/3/08 12:44 am - Eskwela Thoughts & Happenings

Ang kwento ng nawalang red cap.

First thing in the morning, bumiyahe ako papuntang school ng maaga, just as usual. Then I received a text message from my ate, and sabi niya nag-away daw sila ng mom namin. Being sleepy that time, pinabayaan ko ang mensahe.

Then nung nakasakay ako ng Morayta jeep, paglagpas namin ng UST gate along Dapitan, biglang nahagip ng malakas na hangin ang suot kong red cap. Bad thing is, hinayaan ko lang na nakahandusay sa kalsada ang cap, dahil nagmamadali na akong pumasok ng school.

Minutes later, I've realized the sentimental value of that cap -- that was given to me by my mom pagkauwi niya dito sa Pinas. Then naisip ko rin that time na i-text si ate, at pinagsabihan siyang magpakahinahon, dahil minsan na nga lang namin makasama ang mom namin, lalo na't tumatanda na rin kaming lahat. Then after a few moments bumaba ako ng jeep, naabutan ng malakas ng ulan, tinakbo ko ang Dapitan. Sadly, wala na yung red cap.

But the good thing is, nagkaayos na rin agad sina ate and mom that morning. Initially, nag-decide ang mom ko na umalis doon at dito na lang sa Shelterville mag-stay habang nandito sa Pinas.

Lesson: Don't take your loved ones for granted, 'coz life is too short.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



...and ordinary school blues na naman

Hayun dahil sa pangyayari na 'yun nung umaga, na-late na naman ako sa ESURVEY class namin ngmahigit 30 minutes, pero masuwerteng naabutang busy sapagsusulat sa whiteboard ang prof namin, kaya hindi naman ako nasita sa pagiging late. Normal lecture lang kami sa period na'yun.

Agad akong nagtungo ng library para piliting tapusin ang part ko sa group project namin sa EPRECON -- hindi ko pa natapos ang computations ng maraming beams, dahil naka-ilang ulit ako, dala ng maraming errors sa computation, kaya naging gahol ako sa oras. Pero surprisingly, may substitute prof kami, dahil nag-leave 'yung original prof namin. So hayun, pati mga kagrupo ko hindi pa kumpleto sa requirements, kaya nagdesisyon silang huwag munang magpasa ang grupo namin.

Tapos nag-quiz lang kami sa ECECTV1, na mabilis kong natapos (dahil report ko ang topic ng quiz, heheh)... Kaya nakapag-internet pa ako sa labas pagkatapos.

At nung ESTHEO2, nag-lecture kami tungkol sa isa na namang method ng pag-solve ng deflection at slope ng elastic curve: ang Castigliano's Theorem. At dahil para siyang pinadaling Virtual Work Method, naging peborit ko na siya, heheh... Kaya nung nag-quiz kami bago matapos ang period, naisagot ko lahat ng items (pers taym ito sa buong term), at perfect ako tuloy sa quiz na 'yon. Woohoo!

Agad narin akong umuwi ng bahay, para pilitin (ulit) na tapusin ang EPRECON requirements, plus pati sa ESTRUD1 din. Good luck talaga sa akin!

7/30/08 05:38 pm - Happenings nung Weekend

Sabado.

Late akong nakapasok ng ESTRUD1 class namin; tapos akala ko maagang na-dismiss yung klase, dahil naabutan kong may kausap ang prof namin sa CE faculty. Pero hayun nakapagpasa naman ako ng plate, pero hindi ko agad nabawi 'yung gawa ko.

Pagkatapos, nag-internet ako magdamag sa NABS, at hindi ko nakita ang mga kagrupo ko sa EPRECON. Gagawa pa naman sana kami ng projects together sa library, pero pagpunta ko doon walang katao-tao. Kaya hayun dumaan ako kila ate, at umuwi agad ng bahay.

¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤



Linggo.

Tanghali ako lumabas ng bahay, at pumunta ako kila ate, at sumama ako sa mom ko para magpa-check up sa dentista. At sa wakas, nalinis na rin ang ngipin kong puro tartar (yuck!), hehe... Bale anak ng co-teacher dati ng mom ko ang dentista, kaya maitututing na 'suki' na kami sa kanila.

Mga alas singko na ako bumiyahe pauwi; pero napadaan muna ako ng Walter Mart sa Munoz, at sa SM North para bumili ng school supplies sa National Bookstore. Mga alas diyes na ako nakauwi ng bahay, at nagpuyat na naman ako para tapusin ang EPRECON projects. Zzzzz...
Powered by LiveJournal.com

Advertisement

Customize