Monday, 10-01-2007Pumasok for my EBCONST class, at sinubmit ang 'di ko natapos na paperwork na National Building Code (in Eng'g lettering shit)... ours ago, nagsulat ako ng pagkadami-dami (as in)! kaya kumirot ang kanang wrist ko. (FYI: until now may kaunting kirot pa rin, hence di ako makapagpost ng matinong updates sa blog........) Feeling ko may sintomas na ako ng Carpal Tunnel Shit. Shit talaga.
Then bangenge mode sa rentahan ng PC at nag-check ng kung anu-ano para maaliw ang sarili.. Then pagbalik sa school for my EHYDRAU class, pero wala pala ang prof namin. Wenk.
So agad na akong umuwi dahil sa sobrang pagkabangag. WTF day.
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
Tuesday, 10-02-2007Hindi ko pinasukan ang ESTREMA class ko, dahil simply tinamad ako. :P Nag-practice (crammed) lang ng paggigitara sa bahay, before our Do'ahou practice later ng hapon. Dumating ako ng 6pm (instead of 5) dahil minalas na makaasakay sa takaw-pasaherong jeepney driver (na masarap sapakin), plus heavy traffic pa sa bandang Tandang Sora. ~___~!
Medyo naging ayos naman ang practice, pero medyo may hiss si Cliff, tapos hindi pa ganung maganda ang timpla ko, dahil 'yung DF-2 lang ang dinala ko...
Then after practice, nakipagkita ako with Rainey sa Road 20, then I decided na i-treat ko siya, at nag-food trip kami sa may C-5 (refer to my previous post, heheh...) Solbaks kami sa beef mami! Then hinatid ko siya pauwi ng dorm niya. And nakauwi naman ng bahay ng 12 midnight...
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
Wednesday, 10-03-2007Maagang umalis ng bahay, dahil dumaan pa ng munisipyo ng North Caloocan first thing in the morning. Then did some drafting projects sa EBCONSL, na tipong architecture shit... Obviously, nananakit pa yung kamay ko as in, at nanginginig ang mga linya ko. Then around 2:30pm nag-break na kami, dahil may fire drill minutes later, at magsisilabasan ang libu-libong tao. So kumain ako sa labas, tapos did some minor transaction (naibenta ko sa labas yung defective cellphone ko), saka ako bumalik.
Afterwards, nag-laboratory class kami ng EHYDRLA until 7pm -- made up a lot of experiments with another classmate na um-absent (buti talaga mabait si sir...) Afterwards, dumerecho ako ng PIMP Hive, pero hindi pa rin tapos yung pinapa-mod ko... So agad na akong umuwi, around 11pm ako nakarating ng bahay.
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
Thursday, 10-04-2007Medyo na-late ng gising, pero nakarating naman sa EBCONST class for our quiz... Buti kanina, naitanong ko sa EHYDRAU classmate ko (na estudyante sa ibang section ng EBCONST class, na nag-quiz earlier nung umaga), at nakakuha ng ibang tips... Found the quiz a bit tricky; nakasagot naman ng marami, lalo na yung 10-point bonus question, weee!
After class, I treated myself with a Tropical Hut meal sa bagong FEU Canteen sa Technology Building.

Pinaliguan ko ng lupia sauce yung kanin, added with hot sauce, para maglasang Java rice, heheh.
(Slight trivia: Maaari kang pumasok sa FEU-East Asia ng walang I.D. -- dumaan ka lang dito sa FEU canteen, sabay sa annex ka mapapadpad... Medyo mahabang lakaran lang~)Tinapos ko din 'yung mga chinu-chorva kong laboratory reports before our EHYDRAU class. Then sa klase namin, just had a normal lecture... Am not sure kung may quiz na kami next meeting.
Then dumerecho na ako ng PIMP Hive, para i-check ulit ang pinapa-mod kong HM100... Naabutan kong may na-conceive na pedal si BAMF -- ang Scalar Boost... Tapos nag-iinuman ang mga peeps...
Maya-maya, nagsi-datingan pa ang iba pang PhilMusic peeps (na familiar sa forums) -- sina chito_eoi, kawayan_strat (at may dalang DIY na chorus pedal!), KitC, tapos yung mga kabanda ni moHawK sa Sigh Band na si Caren (frontwoman -- vox + guit) with her Ibanez (!), Evette (bass) and Paolo (keybs). Naging BIGLAANG E.B. ang nangyari. The best part: dumagdag na ang beer at pulutan hahaha!!!
Di ako muna sumama sa mga folks na nagkukwentuhan sa labas ng Hive -- nakipag-chikahan muna ako kay BAMF and about the scalarizers... Learned a lot. Hell, really a LOT!.... (napa-nganga ako sa gulat).
Then naghain na sila ng Emperaning (doon na ako na-doomed!) after a few shots, naka-chikahan ko pa ang ibang forumites, labas-masok ako, then napanood ko pa ang Sigh Band nagpa-practice...


Tapos nag-brownout ng sandali, and lumabas ako ng Hive -- that time, mainit na ang dibdib ko (gumuguhit yung brandy), tapos sinabayan pa ng malamig na simoy ng hangin.
In no time, bumulagta ako. Sabay, "GWAARRRKKK!!!!" Yun na! Bangenge ako nung gabing yun! Knockout.
¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤ ¤
Friday, 10-05-2007Aroubnd 6am ako nagising sa loob ng PIMP Hive, nakahandusay Sa kutson -- kasama kong natulog 'yung trabahador ni BAMF. Then he tld me na tinapos na ni BAMF yung HM100 mod ko.
So I tested it, pero nadiskubre naming sumisipol yung pedal -- which means na may contacts doon sa circuit. So iniwan ko 'yung pedal, para ma-diagnoze. Then umuwi na ako agad -- beforehand, nag-kape ako bago sumakay ng Proj.8 pa-Munoz (dahil baligtad ang sikmura ko!), and nakauwi naman ng bahay ng 10am.
Again, tinamad pumasok sa school for that lone ESTREMA class, dahil wala sa mood (as in)... Just practiced and nag-timpla ng effects, this time sinama ko yung G2.1u ko; and brought my Totbox for hard test ng studio usage.
Nakarating naman ng Gig Studio on time -- medyo nairapang mag-setup, dahil sumobra ang talas ng tunog; plus ayaw gumana ng matino yung PSM-5 ko (as an A/B output); tapos mahirap din i-setup si Totbox. Anyways, nagkasya na lang ako sa DF-2 and G2.1u, and lagi pang nawawala sa tono si Syntyche (kinakalawang na kasi ang kwerdas niya)... Anyways, productive naman ang practice.
Afterwards, dumerecho na ako sa 7-11 sa tabi ng Ramon Magsaysay High School, dahil naghihintay sa akin doon si Rainey. Then food trip ulit kami sa Tri Mo Shawarma Co! :D Mwahahaha, sarap talaga ng buhay!
** entry to be edited mamaya! **